Pinal na Gawain/Eksam/Awput: Magpasa ng isa (1) o higit pa na kahit anong
kontemporaryong akdang pampanitikan na inyong kinahuhumalingan o ‘di kaya’y alam o nalalaman. Pagkatapos na pumili ay sagutan ang mga sumusunod na katanungan sa ibaba.
“DIYARYO”
1. Ilahad kung bakit ito ang iyong napiling kontemporaryong akdang
pampanitikan? At Bakit?
Dahil ang diyaryo ay madaming nilalaman tulad na lamang ng mga balita
tsismis, sports, literature o di kaya’y magsagot ng palaisipan. Ito ang paraan ng karamihan para makapag tanggal inip.
2. Sa iyong palagay, gaano kahalaga na may akdang kontemporaryong umiiral
sa makabagong takbo ng mundo? Ano ang maaring maging epekto o kahinatnat nito sa tradisyunal na mga akda na ating nakagisnan? Ipaliwanang.
Mahalagang malaman at pag aralan dahil ito ay makapagdaragdag ng
pananaw sa kalagayan ng bansa mula sa lahat ng antas ng pamumuhay. Bilang karagdagan, sa pamamagitan ng pag alam sa mga kontemporaryong isyu, maari nating sundin ang pag unlad ng panahon at makilahok sa kritikal na pag iisip upang makahanp ng solusyon sa kontemporaryong problema na nangyayari.
3. Ibigay ang kahalagahan ng asignaturang ito sa inyong kurikulum o kurso
bilang gamit sa pagtuturo o pagkatuto ng mga mag-aaral? Mayroon ba? Ilahad ang inyong awtentikong paliwanag.
Ang kahalagahan ng asignaturang Filipino ay makakatulong ito upang mas
maging malawak ang ating kaalaman sa pagsusulat at pagbabasa, lalong lalo na sa pag aalam n gating sariling kultura. Ito ay nakakatulong sa atin para tayo ay mahasa sa ating wika.