You are on page 1of 35

Saliksik E-Journal

Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

Artikulo

PAMBANSANG SIYENTISTA PARA SA PAGPAPALAHI NG HALAMAN:


TALAMBUHAY NI DIOSCORO L. UMALI (1917-1992)*
Janet S. Reguindin-Estella
Department of Social Sciences
Miriam College - Quezon City, Philippines

Abstrak

Sa Unibersidad ng Pilipinas sa Los Baños (UPLB), kilala ang pangalang “DL Umali” dahil sa
DL Umali Hall kung saan isinasagawa ang pinakamalalaking gawain at pagtatanghal sa
unibersidad. Sa tapat nito ay isang parkeng may opisyal na pangalan na DL Umali Freedom
Park. Sa International Rice Research Institute (IRRI) ay may laboratoryong tinatawag ding
DL Umali Laboratory. Dagdag pa rito ang DL Umali Auditorium sa gusali ng Southeast Asia
Regional Study for Graduate and Research in Agriculture (SEARCA). Mahalaga ang
mensaheng ipinaparating ng mga pagpapangalang ito ng mga nasabing institusyon at
bulwagan. Maaari itong tingnan bilang pagkilala sa natatanging ambag ng isang DL Umali
na siyang nais suriin ng papel na ito. Isang Pambansang Siyentista sa larangan ng
Pagpapalahi ng Halaman (Plant Breeding), si Dr. Dioscoro Lopez Umali ay isang iskolar,
mananaliksik, guro, lider, at magsasakang nakilala dahil sa kanyang kontribusyon sa sektor
ng agrikultura. Gayumpaman, hindi lahat ay nakababatid sa mga naging ambag ng isang DL
Umali lalo na sa larangan ng edukasyong agrikultural at maging sa pagsasarili ng UPLB mula
sa pagiging isang kolehiyo lamang ng nasabing instistusyon. Layunin ng pag-aaral na ito na
ilahad ang talambuhay ni DL Umali (1917-1992) at ang kanyang mga naging ambag sa sektor
ng agrikultura sa iba’t ibang paraan na naging daan upang kilalanin siya bilang Pambansang
Siyentista noong 1986 ng dating Pangulong Corazon C. Aquino. Gayundin, may ilan nang
nailathalang artikulo tungkol kay DL Umali ngunit lahat ay nasa wikang Ingles. Kung kaya’t
pangunahing ambag ng papel na ito ang mailahad at masuri ang buhay ng isang DL Umali
sa wikang Filipino.

114 REGUINDIN-ESTELLA: Pambansang Siyentista para sa Pagpapalahi ng Halaman


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

PANIMULA

Sa pamamagitan ng pag-aaral ng Kasaysayan, nauunawaan natin ang ugat ng mga


kaganapan sa kasalukuyan, nalalaman natin ang mga tradisyon at kaugaliang lumawak sa
ating kultura at nakikilala ang mga indibidwal o grupo ng mga taong may mahahalagang
ambag sa pagbubuo ng kasaysayan. Ngunit sa maraming pagkakataon, tila mahirap ipook
ang isang indibidwal sa napakasaklaw na kasaysayan. Ayon sa Bagong Kasaysayan
(Navarro 2000, 3), ang tao ang pinakamahalagang elemento ng kasaysayan—ang tao ang
siyang tagapaglikha nito. Kung kaya’t masasabing ang pag-aaral sa buhay ng isang
indibidwal (kasaysayang buhay) ay mahalaga upang makita kung paanong ang isang tao
ay lumikha ng kasaysayan sa panahon at pook na kanyang ginalawan o sa kung paano
nilikha ng kasaysayan at lipunan ang isang indibidwal batay sa kanyang mga naging
pagtugon. Kaugnay ng pag-aaral sa indibidwal, kinakailangan din ang pag-unawa sa
lipunan na kanyang ginalawan. Sa pamamaraang ito, mas magiging ganap ang ating
pagkaunawa sa buhay ng isang indibidwal na nais nating pag-aralan.

Maituturing na mahalagang ambag sa historiograpiyang Pilipino ang pag-aaral tungkol sa


buhay ng isang indibidwal bilang paraan ng pagsusuri sa pag-iral at pakikilahok ng tao sa
kanyang lipunan (Reguindin at Elumbre 2008, 52). Ang naratibo ng isang talambuhay ay
nakatutulong upang mas mapalalim ang ating pagsusuri sa patuloy na binubuong
salaysay ng bayan. Ang pagsusulat ng talambuhay kung gayo’y naglalayong pagtagpuin
ang indibidwal at ang lipunan. Gayundin, ang talambuhay mula sa mga salitang “tala” at
“buhay” ay pagbibigay-tuon sa buhay ng isang indibidwal (Javar 2014, 61) na pamamaraan
din kung paano maaaring kilalanin ang tao sa kanyang mga pagkilos at pagpupunyagi. Sa
partikular na pananaliksik na ito, layuning kilalanin ang mga naging kontribusyon ni Dr.
Dioscoro Lopez Umali o DL Umali sa sektor ng agrikultura at sa larangan ng edukasyong
agrikultural batay sa mga opisyal na ulat, nailimbag na artikulo at mga panayam sa
pamilya, kaibigan at mga nakasama sa larangan.

Sa konteksto ng kasalukuyang panahon kung kailan mas nakikita ang industriyalisasyon


bilang paraan ng pagpapabuti ng kabuhayan at/o ekonomiya, mahalagang balikan ang
halimbawang ipinakita ng isang DL Umali. Inilaan niya ang malaking bahagi ng kanyang
panahon at kaalaman upang pagyamanin ang sektor ng agrikultura. Para sa kanya, ang
pagbibigay-tuon sa agrikultura ay ang unang hakbang upang paunlarin ang isang bansa.

Ang papel na ito ay susuri sa naging buhay at mga karanasan ni DL Umali mula 1917
hanggang 1992.1 Malaking bahagi ng kanyang buhay ay inilaan sa kanyang pananaliksik
na nakapag-ambag sa sektor ng agrikultura sa Pilipinas. Ang talambuhay na ito
samakatwid ay salaysay tungkol kay DL Umali na nakapaloob sa mga kaganapan sa sektor
ng agrikultura sa panahon ng kanyang pamamayagpag bilang isang iskolar partikular na
sa larangan ng edukasyong pang-agrikultural. Kung kaya’t sa pagsusulat ng kanyang

115 REGUINDIN-ESTELLA: Pambansang Siyentista para sa Pagpapalahi ng Halaman


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

talambuhay, nakakawing ang mga pagbabagong naganap sa Kolehiyo ng Agrikultura at sa


pagkakabuo ng Dibisyon ng Pagpapalahi ng Halaman sa Unibersidad ng Pilipinas sa Los
Baños (UPLB).

Bagama’t ang pag-aaral na ito ang masasabing unang tangka sa pagbubuo ng


komprehensibong talambuhay ni DL Umali, may mga nauna nang naisulat tungkol sa
nasabing paksa. Ang kanyang malapit na kaibigan at kapwa iskolar na si Dr. Edelwina
Legaspi (1984, 1-15; 2000, 205-219) ang kilalang mananalambuhay ni DL Umali. Si Dr.
Legaspi ay dating guro sa Department of Languages at naging unang Dekana ng Kolehiyo
ng Agham at Humanidades sa UPLB. Sa wikang Ingles naisulat ang mga naunang
artikulo tungkol kay DL Umali kung kaya’t mahalagang banggiting ang pananaliksik na
ito ay unang tangka rin na isalaysay ang buhay at karanasan ni DL Umali sa wikang
Filipino. Sa maraming papel at talumpati ni DL Umali, ilang ulit niyang binanggit ang
pangangailangang ipaunawa sa mga karaniwang magsasaka ang mga pananaliksik na
ginagawa ng mga siyentista sapagkat patungo at para sa kanila ang mga ginagawang pag-
aaral. Masasabi kung gayon na ang pag-aaral na ito ay isa ring paraan ng pagsasabuhay sa
ideya ni DL Umali na ilapit ang mga kanyang mga pag-aaral sa mga karaniwang
mamamayan. Pagtatangka rin kung gayon ang pag-aaral na ito na ipaunawa ang mga
pananaliksik at nagawa ni DL Umali sa mga nasa labas ng larangan ng agrikultura.

SI DIOSCORO L. UMALI: PAMILYA AT PINAGMULAN

Walong taon matapos maitatag ang UPLB Kolehiyo ng Agrikultura, habang abala si Prop.
Edwin Copeland sa paghingi ng pondo sa pamahalaan para sa mga lupang pang-
eksperimento ng kolehiyo, ipinanganak sa Maynila noong Nobyembre 29, 1917, si DL
Umali. Siya ang panganay sa dalawang anak na lalake nina Cesario Mendoza Umali mula
sa Taal, Batangas at Edilberta Gana Lopez na tubong Biñan, Laguna (R. Umali 2007). Ang
kanyang ama ay isang kapitan ng barko at madalas ay nasa laot kung kaya’t ang kanyang
ina na isang maybahay ang siyang nagpalaki ng kanyang nakababatang kapatid na si
Telesforo. Ang pangalan ng dalawang magkapatid na kapwa may “oro” na
nangangahulugang “ginto” ay ayon sa kagustuhan ng kanyang ama dahil sa bisyon niyang
magkaroon ng ginintuang kalooban at oportunidad ang kanyang dalawang anak.
Namuhay nang payak ang kanilang pamilya sa bayan ng Biñan sa Laguna. Taong 1920,
muling nagpaalam si Cesario upang muling sumabak sa kanyang hanapbuhay. Hindi
alam ng kanyang pamilya na iyon na pala ang kanyang huling pamamaalam. Nagkasakit
si Cesario sa Barcelona, España at doon na rin namatay nang hindi na muling nakita ng
pamilya (Legaspi 1984, 2; NHI 1994, 359; Pamilya Umali 1997, 1; Bernardo 2000, 68;
Legaspi 2000, 206).

116 REGUINDIN-ESTELLA: Pambansang Siyentista para sa Pagpapalahi ng Halaman


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

Sa pagpanaw ng kanilang ama, itinaguyod sila ng kanilang ina sa pamamagitan ng


pagtitinda ng bigas. Dahil sa lumaki sa hirap, natutunan ng dalawang magkapatid ang
pagtitipid at pagsisikap na nagbunga naman sa kanilang pagtatapos. Ang nakababatang
si Telesforo ay nagtapos ng Geodetic Engineering sa UP (tingnan ang Larawan 1).
Dalawang taon matapos ito ay kumuha siya ng pagsusulit at nakapasok sa Philippine
Military Academy. Sa katunayan, pang-apat siya sa 1,500 kumuha ng mga nasabing
pagsusulit upang makapasok sa nasabing institusyon at nagtapos dito noong 1943.
Naging Adjutant at Executive Officer si Telesforo ng 2nd Engineer Battalion, 2nd Regular
Division ng Philippine Army na nakipaglaban sa mga Hapon noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig. Bayaning maituturing si Telesforo, sa katunayan nakasama siya sa
makasaysayang Death March at sa loob ng limang buwan ay naging bilanggo siya sa
Capas, Tarlac. Hindi natapos dito ang pagsisilbi ni Telesforo sa bayan, nanungkulan muli
siya sa HUNTERS (ROTC) Guerilla Organization sa ilalim ni Col. Terry Adevoso. Taong
1944, kasama sina Col. Emmanuel de Ocampo at Maj. Jose Borbon, napalaya na nila ang
mga bayan ng Biñan, San Pedro, Sta. Rosa, at Cabuyao sa Laguna bago pa man dumating
ang mga Amerikano. Matapos ang mga pakikipaglabang ito, nagbitiw na si Telesforo sa
HUNTERS noong 1945 upang ganap na manilbihan sa Philippine Army. Taong 1947 nang
ikasal ito kay Paula Isis Guevarra Santos na tubong Obando, Bulacan at nagkaroon ng
apat na anak (Pamilyang Umali 1997, 2-3).

LARAWAN 1
Si Engr. Telesforo L. Umali, Nag-iisang Kapatid ni DL Umali

(Larawang kaloob ng pamilyang Umali)

117 REGUINDIN-ESTELLA: Pambansang Siyentista para sa Pagpapalahi ng Halaman


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

Kung si Telesforo ay naging bayani sa larangan ng pakikibaka at pagpapalaya sa bansa sa


panahon ng digma, si Dioscoro ay naging natatangi rin sa larangan na kanyang
pinuntahan—agrikultura at akademya. Iginawad sa kanya ang titulong Pambansang
Siyentista ng dating Pangulong Corazon Aquino noong Hulyo 11, 1986 dahil sa kanyang
natatanging ambag sa larangan ng siyensya, agrikultura, at pagpapabawas ng paghihirap
sa kanayunan (rural development). Hindi rin maikakaila ang kanyang malaking bahagi sa
pagbabagong pisikal at pag-unlad bilang isang institusyon ng UPLB Kolehiyo ng
Agrikultura sa kanyang panunungkulan bilang Dekano mula 1959 hanggang 1969.
Dagdag pa rito ang ilan pang mahahagalang posisyong masasabing nagbigay-daan upang
makilala siya bilang isang mahusay na lider—naging Tagapangulo ng Kalipunan ng mga
Katiwala (Board of Trustees) ng Ramon Magsaysay Award Foundation (1966-1972),
Pangalawang Kalihim para sa Agrikultura ng Kagawaran ng Agrikultura at Likas na
Yaman (1966-1969), at Tagapangulo ng Komite ng Food and Agriculture Organization
(FAO) (1968-1971). At mula 1971 hanggang 1982, siya ang unang Pilipinong naging
Katulong na Direktor-Heneral at Kinatawang Pangrehiyon para sa Asya at Pasipiko ng
FAO ng United Nations (UN).

Sa mga napatunayan ng magkapatid na “oro,” masasabing hindi nabigo ang bisyon ng


kanilang ama para sa kanila. Higit pa sa nakitang potensyal ng ama ang ipinakitang
karakter ng magkapatid. Naging salik ang kanilang nasaksihang buhay ng ina at mga
karanasan nila mismo upang abutin ang kani-kanilang pangarap para sa sarili, pamilya, at
kapwa.

KABATAAN AT EDUKASYON (1917-1945)

Dahil sa maagang pagkakaulila sa ama, maaga ring nasaksihan ng batang si Diosing ang
kahirapan ng buhay. Naging saksi sila ng kanyang kapatid sa araw-araw na paggising ng
kanyang ina, pagpunta sa Calamba upang mamili at magbenta ng bigas. Nakita rin nila
ang hirap ng kanyang ina lalo na sa paniningil ng mga pautang nito sa iba’t ibang tao at
kakilala. Dahil dito, ninais din ng magkapatid, lalo na ni Dioscoro na matulungan sa
kahit anong paraan ang kanilang ina. Naging tagabuhat sila ng mga paninda at naging
tagahatid sila nito sa pamamagitan ng karitela mula Biñan patungong Calamba (Legaspi
1984, 3; Legaspi 2000, 206).

Napagkasunduan ni Diosing at ng kanyang inang siya ay papasok sa sekondaryang


paaralan sa Maynila. Sa tulong ng kanilang mga kamag-anak sa Maynila, nakalipat si
Diosing ng paaralan mula sa Mababang Paaralan ng Biñan tungo sa Mababang Paaralan
ng Rizal sa Tayuman. Ayon kay Dr. Legaspi (2007), sa panahong ito, upang makapag-aral
sa sekondaryang paaralan sa Maynila, kinakailangang nagtapos ang mag-aaral sa isang
mababang paaralan din sa Maynila. Ito nga ang ginawa ng batang si Diosing. Nagtapos

118 REGUINDIN-ESTELLA: Pambansang Siyentista para sa Pagpapalahi ng Halaman


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

siya sa Paaralang Elementarya ng Rizal noong 1931 na may Unang Karangalang Banggit at
matapos nito ay nag-aral ng sekondarya sa Mataas na Paaralan ng Torres kung saan din
papasok ang kanyang nakababatang kapatid na si Telesforo. Habang nag-aaral dito, ang
magkapatid ay nakikituloy sa kanilang pinsang si Dolores Lopez na noon ay guro sa
kanilang pinapasukang paaralan (P Umali 2007).

Hindi pa man nagtatapos sa sekundarya, pangarap na ni Diosing na sundan ang yapak ng


kanyang ama. Produkto ng Philippine Nautical School ang kanyang amang si Cesario.
Ang karerang tinahak ng ama ang naging pangarap din ni Diosing, ngunit sa halip na rito
sa Pilipinas, ninais niyang makapasok sa Naval Academy sa Estados Unidos ng Amerika
(EU). Ilang beses ding naghanap ng pagkakataon si Diosing para sa pangarap na ito
ngunit mahigpit na tinutulan ng kanyang ina dahil na rin sa nangyari sa kanyang ama.
Hindi rin nais ng kanilang ina ang ideyang mailalayo si Diosing sa kanila. Maliban pa
rito, ang kanyang tiyong si Filomeno Gana, pinsan ng kanyang ina ay nag-alok na pag-
aralin siya sa UPLB Kolehiyo ng Agrikultura (R Umali 2007). Maykaya ang tiyong ito na
siyang umako sa responsibilidad ng pagpapaaral kay Diosing sa kolehiyo. Ang
pagkakataon namang ito ay sinamantala ng kanyang ina upang kumbinsehin ang anak na
huwag nang mag-aral sa ibang bansa at kumuha na lamang ng kursong Agrikultura sa
kolehiyo kung saan nais ng kanyang tiyo. Marahil dahil na rin sa kagustuhang mapanatag
ang pakiramdam ng ina, tinalikuran na ni Diosing ang dati’y pangarap na makapag-aral sa
ibang bansa at tuluyan nang pumasok sa UPLB Kolehiyo ng Agrikultura.

Nagtapos si Diosing sa Mataas na Paaralan ng Torres noong 1934 na may karangalang


Unang Karangalang Banggit sa klaseng may humigit 250 mag-aaral. Pagkatapos nito’y
pumasok na bilang estudyante sa UPLB Kolehiyo ng Agrikultura sa kursong Agrikultura,
taong 1935. Bagama’t hindi nababanggit sa mga tala at sa mga artikulo tungkol sa
talambuhay ni DL Umali, nasambit niya sa isa sa kanyang mga panayam na malaking salik
sa pagkakaakit niya sa mundo ng agrikultura ang karanasan mismo ng mga magulang na
naging mga magsasaka rin. Walang sariling lupang sakahan ang mga magulang kaya’t
naging mahirap ang karanasan ng kanilang pamilya (DL Umali 1987).

Sa UPLB Kolehiyo ng Agrikultura, nakilala si Dioscoro unang-una dahil sa kanyang taglay


na “charisma” at kakisigan na dahilan upang pag-usapan siya ng kababaihan at mapansin
sa kampus (Habito 2007). Estudyante pa lamang, nakita na ang husay sa pagsasalita ni
Dioscoro kung kaya’t hindi nakapagtatakang palagian siyang napipiling opisyal ng iba’t
ibang organisasyon sa kolehiyo. 1936-1937, naging Pangalawang Pangulo siya sa
organisasyon ng mga nasa ikalawang taon. Sa ikatlong taon, naging Pangulo naman siya
ng kanilang klase at naging Ingat-Yaman naman sa kanyang ikaapat na taon sa kolehiyo.
Maliban pa rito, naging bahagi rin siya ng Konseho ng mga Mag-aaral sa UPLB Kolehiyo
ng Agrikultura bilang Pangalawang Pangulo noong 1938-1939. Ilan pa sa mga sinalihang
organisasyon ni Dioscoro ang Dramatic Club, Komite sa Kapakanan ng mga Mag-aaral

119 REGUINDIN-ESTELLA: Pambansang Siyentista para sa Pagpapalahi ng Halaman


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

(Student Welfare) at miyembrong mag-aaral sa Kalipunan ng mga Direktor ng


Kooperatiba ng kolehiyo. Natapos niya ang kursong Agrikultura noong 1939 (UPLB RMO
w.tn.).

Abril 4, 1939 din para sa unang semestre nang pumasok sa UPLB Kolehiyo ng Agrikultura
si DL Umali sa pagtuturo bilang Katuwang na Instruktor sa Kemika at pagsapit ng Hulyo
1, 1945 ay naging Instruktor naman sa Agronomiya. Dahil sa halos kasing-gulang lamang
niya ang kanyang mga estudyante, hindi nahirapan si DL Umali na makiayon at
magkaroon ng mga kaibigang estudyante. Sa katunayan, isa si Dr. Celestino Habito, na
noo’y nasa kanyang huling taon na rin sa kursong Animal Husbandry sa kanyang mga
naging estudyante noong 1943 at kalauna’y naging matalik na kaibigan (Habito 2007).
Ayon kay Dr. Habito, naging parang kaibigan ang turing ni DL Umali sa kanyang mga
estudyante, lalo na’t sa laboratoryo ito unang naitalaga sa mga unang taon ng kanyang
pagtuturo.

Sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, hindi naging madali ang pagharap ng


UPLB Kolehiyo ng Agrikultura sa hamong dala ng digma. Matapos maitatag ng Hapon
ang kanilang pamahalaan noong 1942, nagbitiw si Dr. N.B. Mendiola, ang noo’y
namamahala sa Dibisyon ng Pagpapalahi ng Halaman. Tinanggap nito ang posisyon sa
Bureau of Plant Industry sa Maynila. Ang pagbitiw na ito ay sinundan pa ng pagbitiw rin
ng mga Katuwang na Instruktor na sina Toribio Mercado at Clemente Yango. Noong
Setyembre 1943, matapos ang pagkulong at pagtortyur ng mga Hapon sa kalalakihang
nakatira sa kampus at sa buong Los Baños, tinanggal naman si Dr. Pedro David bilang
guro dahil sa umano’y pakikianib nito sa mga tagong kilusan laban sa mga Hapon (UPLB
Kolehiyo ng Agrikultura 1945-1946, 2).

Ang kakulangan ng mga kawani sa Departamento ng Agronomiya ang dahilan ng


pagkakalipat ni DL Umali sa nasabing departamento noong 1944 mula sa Departamento
ng Kemistring Agrikultural. Samantala, nagpatuloy pa rin ang pagbibitiw ng ilang
kaguruan kabilang na si G. Vicente Dawis na nangakong babalik sa UPLB Kolehiyo ng
Agrikultura kapag natapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Bago matapos ang
taong 1944, nagbitiw na rin si G. Moises Villaluz. Nanatili si DL Umali sa kolehiyo
hanggang nang maganap ang masaker sa kampus kasama ang ilan pang gurong sina Dr.
Leon Gonzalez, Dr. Valeriano Calma, Dr. Jose Capinpin, G.E. Alcasid, G. Santos Llana, G.
Federico Ramos, at G.D. Flores. Mula sa 16 na kawani ng Departamento ng Agronomiya,
8 na lamang ito matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig (UPLB Kolehiyo ng
Agrikultura 1945-1946, 2-3).

Kabilang si DL Umali sa maya’t mayang lumilikas sa mga kalapit-baryo ng UPLB Kolehiyo


ng Agrikultura tulad ng Putho, Kapatagan, at Layog Bato habang patuloy ang gawain sa
Departamento ng Agronomiya noong panahon ng digma (UPLB Kolehiyo ng Agrikultura

120 REGUINDIN-ESTELLA: Pambansang Siyentista para sa Pagpapalahi ng Halaman


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

1945-1946, 3). Sa panahon ding ito, isa si DL Umali sa mga naging tagabigay ng pagkain
para sa mga ikinulong sa internment camp sa kolehiyo (R. Umali, 2007). Bagama’t
marami sa mga kasama at kapanahon ni DL Umali ay nakabilang sa listahan ng mga
umano’y miyembro ng Home Guard (kilusang gerilya sa UPLB Kolehiyo ng Agrikultura)
kabilang na sina Habito, Jose Velasco, at William Fernandez, hindi naman nakabilang ang
pangalan ni DL Umali sa mga tala tungkol dito.

Ilang buwan bago ang muling pagbubukas ng kolehiyo, kinailangan ang malawakang
pagtutulungan ng mga kawani upang muling ibangon ang institusyon sa kasiraang
idinulot ng digmaan. Si DL Umali ang unang nakatanggap ng opisyal na gawain mula sa
Agronomiya noong Mayo 1, 1945 bilang miyembro ng “College salvage crew.” Kabilang sa
mga unang ginawa ng komiteng ito na binuo ni Dekano Leopoldo Uichanco ang
pangongolekta ng mga kagamitan, libro, at iba pang suplay upang ilagak sa isang lugar.
Paraan ito upang maisalba ang mga maaari pang magamit ng kolehiyo at upang hindi
manakaw na naging malawak dala marahil ng kahirapan pagkatapos ng digmaan (UPLB
Kolehiyo ng Agrikultura 1945-1946, 19).

TUNGO SA PAGIGING DALUBHASA (1946-1949)

Katatapos pa lang ng digmaan nang ipadala si DL Umali sa Unibersidad ng Cornell bilang


University Fellow (tingnan ang Larawan 2). Enero 10, 1946 nang maitalaga siya para rito
ngunit naantala ang kanyang pag-alis dahil sa hindi pa maayos na kalagayan ng
transportasyon. Setyembre 2, 1946 nang pansamantalang nilisan ni DL Umali ang
Pilipinas upang magtungo sa EU at kumuha ng kanyang Doktorado sa nasabing bansa
(Uichanco 1946). Hindi man naging madali ang muling pagsabak sa pag-aaral dulot ng
digmaan, unti-unti, kanyang naibalik ang sigla matapos ang ilang linggong pakikiayon sa
unibersidad. Agad niyang natapos ang kanyang Doktorado (sa Genetics) na kinuha niya
nang higit dalawang taon lamang. Agad din siyang nakabalik sa Pilipinas sakay ng SS
Pres. Wilson dala ang kanyang diploma noong Hulyo 27, 1949 (Umali 1949; PA 1949, 145).

Sa Unibersidad ng Cornell, katulad ng kanyang napatunayan sa UPLB, naging aktibo rin


sa iba pang makabuluhang gawain si DL Umali maliban pa sa kanyang pag-aaral.
Naatasan siyang maging miyembro ng Browsing Library Committee ng Williard Straight
Hall at naging Ingat-Yaman siya ng Cosmopolitan Club na binubuo ng 37 iba’t ibang bansa
(Umali 1947). Gayundin, hindi rin sinayang ni DL Umali ang pagkakataon upang libutin
ang unibersidad kung kaya’t nakita niya ang kultura sa nasabing institusyon na
masasabing sa mga susunod na taon ay kanyang ibabahagi at isasapraktika sa UPLB
Kolehiyo ng Agrikultura.

121 REGUINDIN-ESTELLA: Pambansang Siyentista para sa Pagpapalahi ng Halaman


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

LARAWAN 2
Si Dr. Dioscoro L. Umali

(NAST 1986)

Ayon sa kanyang paglalarawan sa kultura ng Cornell:

Every student is being trained for leadership from the grade school to his
College days, for they believe that the system is the sound foundation of
democracy. The University is not only an institution of learning but also a
center of community life. Every night, there are discussion groups and
lectures for the local citizens. Social and sports activities of the community
are held on its campus. Cornell is trying to make teaching profession
attractive so that the nation’s most desirable and talented youths will seek it
as a life work. A member of the faculty teaches one course for one term in a
school year. The rest of his time he devotes to research. Very often they go to
the farmers and work directly on the farmer’s problems. There are no time
reports from the janitor to the President. It is very surprising to note that
more loyalty can be had from the College constituents if loyalty begins from
the top. Professors here work very hard. Each one lives life as though it were
a race against time—jealous of every hour (Umali 1947).

Ang pananatili ni DL Umali ng ilang taon sa Cornell ay masasabing nagdulot ng malaking


impak sa kanya lalo na pagdating sa usaping pang-akademya at pang-agrikultura. Dahil
sa kanyang mga natutunan sa nasabing institusyon, nakita niya ang kahalagahan ng
kanyang kurso hindi lamang para sa Pilipinas kundi sa mundo. Ayon sa kanya:

122 REGUINDIN-ESTELLA: Pambansang Siyentista para sa Pagpapalahi ng Halaman


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

In my opinion, our farmers have hardly been reached by this science which
will increase the abundance and appreciation of life of our people. I am
hoping that through this line of work, we may be able to produce more and
more food which is the root of most of our national troubles not only of the
Philippines but of the whole world. It is a pity that the UN are bickering on so
many other matters except food. On food depends the life span, standard of
living, sense of values and decency, initiative, and efficiency of a person
(Umali 1947).

Naging saksi si DL Umali sa mga gawain at kultura ng mga magsasakang Amerikano at


kung papaano ito sinusuportahan ng kanilang pamahalaan. Sa kanyang obserbasyon
naman sa hanay ng mga magsasaka sa Amerika, ito ang kanyang pagbanggit:

Most American farmers have no higher education but they are able to adopt
the techniques of modern scientific farming through the extension men, home
demonstrators and a vast numbers of volunteers. All the agents of the
government help the farmers utilize government assistance, direct them in
adopting scientific methods and improve home-life, and teach them the
benefit of organized action. The farmers have their own organizations like
the Farm Bureau, Farmer’s Cooperative Council, Granges, etc. The American
people have great enthusiasm for organization. The number of public
agencies in any locality is amazing such organizations would start usually in
a community and then it will spread rapidly throughout the nation (Umali
1947).

Sa mga salaysay na ito, hindi maikakailang malaki ang kinalaman ng pananatili ni DL


Umali sa Unibersidad ng Cornell sa mga magiging pananaw nito kung papaano
matutulungan ang mga magsasaka sa Pilipinas at iba pang bansa (tingnan ang Larawan
3). Ang kanyang mga karanasan at mga nasaksihang teknik, paraan, at kalinangan sa
institusyong ito at ang mga napuntahang lugar kasama na ang mga taong nakasalamuha
sa Amerika ang masasabing mga dadalhin ni DL Umali sa kanyang pagbabalik sa UPLB
Kolehiyo ng Agrikultura matapos ang kanyang pag-aaral dito noong 1949 (Umali 1949).

123 REGUINDIN-ESTELLA: Pambansang Siyentista para sa Pagpapalahi ng Halaman


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

LARAWAN 3
Si DL Umali Habang Nananaliksik sa Bukid para sa Kanyang Tesis

(Larawang kaloob ng pamilyang Umali)

PAGBUBUO NG PAMILYA AT PAGIGING AMA

Naging abala man sa pag-aaral at iba pang gawain, nagkaroon pa rin ng pagkakataon si
DL Umali upang makakilala ng kanyang makakasama sa buhay sa katauhan ni Zenaida
Lopez na anak ng noo’y alkalde sa bayan ng Los Baños, Laguna. Bagama’t
magkaparehong Lopez ang apelyido ng kanilang mga ina, hindi naman ito naging
hadlang sapagkat hindi kinikilalang malapit na magkamag-anak ang isa’t isa. Mula sa
bayan ng Biñan, Laguna ang nanay ni DL Umali samantalang mula naman sa Morong,
Rizal ang pinag-ugatang pamilya ni Zenaida (R. Umali 2007).

Minsang naging Reserved Officers Training Corps (ROTC) sponsor si Zenaida at ROTC
officer naman si DL Umali noong siya ay estudyante ng UPLB Kolehiyo ng Agrikultura
nang sila ay magkakilala. Bagama’t isang intern noon si Zenaida sa Colegio de Santa Rosa
sa Maynila, ipinagpaliban niya ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo at nagpakasal kay DL
Umali noong Enero 21, 1940, (R. Umali 2009) halos isang taon matapos magtapos ng
kolehiyo si DL Umali.

Sa Los Baños na rin lumaki at nagkamalay ang limang anak nina DL Umali at Zenaida na
sina Dioscoro Jr., ipinanganak noong Agosto 15, 1941; Irma, isinilang noong Nobyembre 18,
1946; Rico, ipinanganak noong Abril 27, 1955; Celia, isinilang noong Mayo 9, 1956; at Dina,
ipinanganak noong Oktubre 5, 1959. Ang kasalukuyang tahanan ng mga Umali sa bayang
ito ang siyang naging saksi sa buhay-pamilya ni DL Umali (tingnan ang Larawan 4).

124 REGUINDIN-ESTELLA: Pambansang Siyentista para sa Pagpapalahi ng Halaman


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

Makikita sa kaligiran nito ang pagsasabuhay ni DL Umali sa agrikultura at sa


pagpapahalaga nito ng pagtatanim (tingnan ang Larawan 5).

Ang luntiang kapaligiran ng tahanang Umali ay produkto rin hindi lamang ng kaalaman
at kasanayan ni DL Umali sa agrikultura kundi sa kanya ring pagsisikap na ipakilala sa
kanyang mga anak ang kahalagahan ng pagtatanim at pagsasaka. Ang pagtatanim ang
siyang pangunahing itinuro ni DL Umali sa murang edad pa lamang ng kanyang mga
anak. Ayon kay G. Rico Umali (2007), sa halip na paglalaro ay pagtatanim ang kanilang
pinagkakaabalahan tuwing Linggo kasama ang kanilang ama. Sa katunayan, bawat isa sa
mga magkakapatid ay may itinanim at inalagaang puno sa likod ng kanilang tahanan.

Sa murang edad din, naging saksi ang kanyang mga anak sa pagtanggap ng mga panauhin
sa kanilang tahanan (R. Umali 2007). Mga personalidad man ito o karaniwang
magbubukid.2 Itinuro sa mga anak ang mabuting pagtanggap at pagkilala sa mga
panauhin, mayaman man o mahirap. Isa ito sa mahihigpit na bilin ng ama sa kanyang
mga anak. Dahil na rin sa dami ng mga taong dumadalaw sa kanilang tahanan,
natanggap ng pamilya ang posisyon ni DL Umali na siyang dahilan ng halos walang
pahingang pagtatrabaho nito.

LARAWAN 4
Tahanan ng mga Umali sa Lopez Avenue, Los Baños, Laguna

(Larawang kuha ng may-akda)

125 REGUINDIN-ESTELLA: Pambansang Siyentista para sa Pagpapalahi ng Halaman


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

LARAWAN 5
Mga Pananim sa Likod-Bahay ng mga Umali sa Lopez Avenue, Los Baños, Laguna

(Larawang kuha ng May-akda)

Hindi naman nasayang ang mga paggabay nina DL Umali at Gng. Zenaida Umali sa
kanilang mga anak. Makikita ito sa naging estado ng mga anak at ilan sa kanila ay
mayroon nang pamilya. Ang panganay na si Dioscoro Jr. ay isang doktor sa New York at
may isang anak. Si Irma ay isang state employee sa Maryland habang si Rico naman ang
siyang nagsasaka sa lupa na iniwan ni DL Umali, may dalawang anak at nasa Los Baños.
Samantala, si Celia ay Propesor sa Unibersidad ng Nagasaki sa Japan at si Dina naman ay
nasa World Bank (WB) at nakabase sa Washington, D.C. (R. Umali 2009).

Dalawa sa pangalan ng mga anak ni DL Umali ay nabuo dahil sa mahahalagang yugto sa


buhay nito (R. Umali 2007). Ang pangalang Rico ay nagmula sa Rice at Corn dahil taong
1955 nang ipanganak si Rico, panahon kung kailan nakilala rin si DL Umali dahil sa
kanyang Programang Pambigas at Pangmais. Kung babalikan, taong 1952 nang sa tulong
ni Dr. Herbert Hayes ay kanyang binuo ang Programang Pangkaunlaran ng
Kooperatibang Pambigas at Pangmais na nagbigay-daan sa pagtutulungan ng mga
mananaliksik sa bansa para sa pagpapabuti ng mga lahi ng palay at mais. Samantalang
Dina naman ang pangalan ng bunso sapagkat ipinanganak naman ito noong 1959 habang
Dekano si DL Umali sa UPLB Kolehiyo ng Agrikultura.

126 REGUINDIN-ESTELLA: Pambansang Siyentista para sa Pagpapalahi ng Halaman


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

SI DL UMALI SA LARANGAN NG PANANALIKSIK AT AKADEMYA (1949-1959)

Matapos ang ilang taong pag-aaral ni DL Umali sa Unibersidad ng Cornell sa Ithaca, New
York at makabalik sa UPLB Kolehiyo ng Agrikultura noong 19493 ay agad niyang
inumpisahan ang pagbubuo ng Dibisyon ng Pagpapalahi ng Halaman (Division of Plant
Breeding). Panahon ng rekonstruksyon at rehabilitasyon matapos ang Ikalawang
Digmaang Pandaigdig, panahon kung kailan malawak ang kasiraan sa mga sakahan at
taniman nang mapag-isipang buuin ni DL Umali ang nasabing institusyon. Sa panahong
ito, mula sa pangkaraniwang kurso na itinuturo ng Departamento ng Agronomiya,
lumawak at nakilala ang Pagpapalahi ng Halaman bilang isang mahalagang disiplinang
siyang bumuhay sa interes ng mga mananaliksik. Dahil dito, ganap na nabuo ang
Dibisyon ng Pagpapalahi ng Halaman noong 1949 kung saan siya rin ang naging unang
Tagapangulo nito. Kasunod ng pagtatatag ng nasabing dibisyon ang pagkakabuo naman
ng kurikulum sa Pagpapalahi ng Halaman bilang “major field” sa Agronomiya para sa apat
na taong kurso ng Agrikultura (Barroga et al. 1984, 137-140). Maituturing na malaking
salik sa kanyang proyektong ito ang mga nakitang Estasyong Pang-eksperimento sa EU.
Gayundin, malaking bahagi ng proyektong ito ay impluwensya at paggabay ng mga
Exchange Professor mula sa EU sa ilalim ng Kontratang UP-Cornell (UPCO) at kabilang
na rito si Dr. Hayes na siyang naging pangunahing katulong ni DL Umali upang
palawakin ang Pagpapalahi ng Halaman bilang mahalagang disiplina at pag-aaral sa
Pilipinas.

Bilang puno ng Dibisyon ng Pagpapalahi ng Halaman, hindi lamang naging pangunahing


gawain ni DL Umali ang pag-uumpisa ng iba’t ibang pananaliksik partikular na sa palay at
mais. Bilang bahagi ng pagpapalawak ng disiplina ng Pagpapalahi ng Halaman,
inumpisahan ni DL Umali na manghikayat ng mga estudyante upang kumuha ng kursong
Pagpapalahi ng Halaman at pumasok sa larangan ng pananaliksik. Naging gawain ni DL
Umali na tumingin sa listahan ng mga natatangi at pinakamahuhusay na mga estudyante
ng kolehiyo. Pagkatapos ay ipatatawag sa kanyang opisina at personal na kakausapin
upang maging mga student assistant. Dahil sa pangangailangang pinansyal ng karamihan
sa mga estudyante ng kolehiyo, hindi nahirapan si DL Umali na kumuha ng mga
estudyante na makatutulong sa kanyang tanggapan. Naging katulong ng mga guro hindi
lamang sa aspekto ng pagtuturo kundi pati sa aspekto ng pananaliksik ang mga
estudyanteng ito. Bilang mga student assistant, ang kanilang mga gawain ay nagmumula
sa pagtulong sa mga gawain ng mga guro partikular na sa pagtatama ng mga pagsusulit
ng mga estudyante, pagbubukas at pagsasara ng opisina, paglilinis ng tanggapan
hanggang sa pagtulong sa mga laboratoryo. Ang mga karanasang ito ang siya namang
nagtulak sa mga estudyante ng Agrikultura na kumuha ng kursong Pagpapalahi ng
Halaman bilang kanilang major (Javier 2007; Lantican 2007; Ramirez 2007; Villareal
2007). Sa pagbabalik-tanaw sa panahong ito, itinuturing na malaking tulong ang
karanasang ito upang mapalawak ang kasanayan at kaalaman ng mga estudyante na sa

127 REGUINDIN-ESTELLA: Pambansang Siyentista para sa Pagpapalahi ng Halaman


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

mga sumunod na taon ay nakilala na ring mahuhusay sa nasabing larangan. Karamihan


sa mga estudyanteng ito, kundi man lahat, ay nabigyan ng tulong ni DL Umali upang
makakuha ng iskolarship mula sa Rockefeller Foundation para sa gradwadong pag-aaral sa
ibang bansa partikular na sa EU. Ang malawak na panghikayat na ito ni DL Umali sa mga
estudyanteng pag-ibayuhin pa ang kanilang pag-aaral at pagsasanay ay nakatulong upang
mapalakas ang pundasyon ng mga mananaliksik sa kanilang institusyon.

Malaking salik ang naging pamamaraan ni DL Umali upang makita ng mga estudyante
ang kanilang potensyal hindi lamang bilang mga mag-aaral kundi bilang mga
mananaliksik. Sa katunayan, itinuturing ng mga estudyanteng ito na mahalagang salik si
DL Umali sa kanilang pagpasok sa larangan ng pagpapalahi ng halaman (Javier 2007;
Lantican 2007; Ramirez 2007; Villareal 2007). Ang halimbawa na kanilang nakita kay DL
Umali hindi lamang sa kanyang husay at kaalaman kundi sa mabuting pakikitungo sa
kapwa ang naging ehemplo na kanilang dadalhin hanggang sila’y naging mga guro,
mananaliksik, at administrador na rin. Ilan lamang sa mga dumaan sa ganitong “proseso”
ng pagpasok sa nasabing larangan sina Dr. Pedro Escuro na itinanghal bilang
Pambansang Siyentista noong 1994, Dr. Dolores Ramirez na naging Pambansang
Siyentista rin noong 1997, Dr. Ricardo Lantican na naging Pambansang Siyentista noong
2004, Dr. Ruben Villareal na naging Dekano ng UPLB Kolehiyo ng Agrikultura at
Tsanselor ng UPLB (1993-1999), at Dr. Emil Javier na naging Tsanselor ng UPLB (1979-
1985) at naging Presidente ng UP. Ito ang masasabing isa sa mga pangunahing ambag ni
DL Umali sa disiplina ng Pagpapalahi ng Halaman, maliban sa pagtatag ng dibisyon nito,
mas mahalagang maituturing ang kanyang naging paghubog sa kamalayan ng mga batang
mananaliksik na siyang sumunod na nagpalawak sa dibisyon na kanyang inumpisahan.
Naging saksi ang UPLB Kolehiyo ng Agrikultura sa paglawak ng nasabing institusyon.
Mula sa palay at mais bilang pangunahing tuon sa pananaliksik, nagkaroon na rin ng mga
pag-aaral tungkol sa pagpapalahi ng iba pang pananim tulad ng abaka, gulay, legume, at
iba pa.

Dahil na rin sa nalikhang pangalan ni DL Umali sa larangan ng Pagpapalahi ng Halaman,


hindi nakapagtatakang siya ang itinuring na pangunahing tagapagpalahi ng palay at mais
sa kanyang panahon. Ang kanyang mga pagsisikap sa kanyang mga gawain ang siyang
nagbigay-daan sa pagkakakilala sa kanya sa loob at labas ng kolehiyo na siya ring
magbibigay-daan sa iba pang proyekto na kanyang pangungunahan. Abril 1, 1958 nang
atasan siyang maging Direktor ng Mga Proyektong Pang-palay at Mais (Rice and Corn
Projects) ng UPLB Kolehiyo ng Agrikultura. Ang proyektong ito ay tumuon sa pag-aaral
at pananaliksik upang makapagpalahi pa ng palay at mais sa Pilipinas, naglayong
mapabuti ang mga gawain partikular na sa aspekto ng pagtatanim at pag-aani ng mga
nasabing pananim hanggang sa produksyon ng mga ito. Para sa proyektong ito,
nagkaroon ng pagtutulungan ang UPLB Kolehiyo ng Agrikultura at ang iba pang ahensya.
Kabilang na rito ang Kagawaran ng Agrikultura at Likas na Yaman, Agricultural Credit and

128 REGUINDIN-ESTELLA: Pambansang Siyentista para sa Pagpapalahi ng Halaman


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

Cooperative Financing Administration (ACCFA), National Rice and Corn Corporation


(NARIC), at iba pang kolehiyong pang-agrikultural sa bansa. Bilang suporta sa mga
nasabing pananaliksik, nakatanggap ang kolehiyo ng PhP 350,000 mula sa NARIC, PhP
30,000 mula sa San Miguel Brewery Inc. at Don Andres Soriano, at PhP 90,000 bawat taon
sa loob ng limang taon ayon sa Batas Republika Bilang 1606 (Uichanco 1958). Sa
panahong ito, itinuturing na pinakamalaki ang halagang ito na natanggap ng kolehiyo sa
larangan ng pananaliksik.

Kinilala si DL Umali dahil sa kanyang mga pananaliksik sa iba’t ibang pananim sa


Pilipinas. Dahilan upang ituring siya bilang “Ama ng Pagpapalahi ng Halaman sa
Pilipinas.” Kabilang sa kanyang mga natatanging pananaliksik na nagbigay ng pangalan
sa kanya sa larangang ito ang mga sumusunod:

1. Pagpapalahi ng Mussaenda

Ang mussaenda ay isang halamang namumulaklak na nadiskubre ni Dr.


Elmer Merrill ng Bureau of Science sa paanan ng Bundok Makiling noong
1915. Para sa mga siyentista, tinawag itong Mussaenda philippica—
halamang may puting bulaklak na naging tampok bilang pananim sa mga
hardin hindi lamang sa Pilipinas kundi sa mga bansa sa Timog Silangang
Asya, Gitnang Amerika, at Timog Amerika na mas kilala sa bansa bilang
Doña Aurora (Z Umali 2007). Taong 1948 nang umpisahan ni DL Umali ang
pagpapalahi ng Mussaenda philippica upang magkaroon ng uri na may
ibang kulay maliban sa orihinal na puting bulaklak (tingnan ang Larawan
6). Ang produkto ng kanyang mga pananaliksik ay nakilala bilang mga
Doñas at kanyang ipinangalan sa mga naging Unang Ginang ng bansa. Ilan
sa mga kilalang halimbawa nito ang Doña Luz, Doña Eva, Doña Trining,
Doña Alicia, at iba pa (Legaspi 2000, 208; Bernardo 2007; Habito 2007;
Javier 2007; Lantican 2007; Villareal 2007). Ang pananaliksik na ito ang isa
sa mga unang nagpatanyag kay DL Umali bilang tagapagpalahi ng halaman
na kinikilala pa rin hanggang sa kasalukuyan.

129 REGUINDIN-ESTELLA: Pambansang Siyentista para sa Pagpapalahi ng Halaman


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

LARAWAN 6
Si DL Umali at ang Mussaenda Philippica (Kahoy Dalaga)

(Larawang kaloob ng pamilyang Umali)

2. Pagpapabuti ng lahi ng bigas at mais

Bilang pangunahing interes, inumpisahan din ni DL Umali noong 1949 ang


pagpapalahi ng bigas at mais upang umakma sa klima sa Pilipinas at sa
panlasa ng mga Pilipino. Resulta ng inumpisahang pag-aaral na ito,
nagkaroon ng 14 na uri ng bigas at 5 natatanging lahi ng mais na kinilala ng
Philippine Seed Board (PSB). Ito ang nagbigay-daan upang pagkalooban ng
NARIC ang UPLB Kolehiyo ng Agrikultura ng pondo upang palawakin pa
ang mga nabanggit na uri ng pananaliksik (Legaspi 2000, 208).

Masasabing isa ito sa mga pinagmulan ng mga pananaliksik patungkol sa


bigas at mais—lalo na sa bigas na pangunahing pagkain ng mga Pilipino at
kalauna’y naging tuon ng mga pananaliksik ng mga magsasaka at siyentista
(tingnan ang Larawan 7). Marahil dahil walang teknolohiya, hindi naging
sentro ng mga pananaliksik sa Pilipinas ang bigas ngunit mabibigyang-
buhay ito sa pamamagitan ni DL Umali at mga kasama sa pananaliksik. Isa
na rito si Dr. Ramirez (2007) na gumawa noon ng tesis tungkol sa palay na
tagapayo si DL Umali. Ang tesis na ito ang magiging batayan ng mga
sumunod pang pag-aaral tungkol sa bigas. Matapos ang humigit-kumulang
10 taon, malilinang pa ito ng International Rice Research Institute (IRRI)
(Legaspi 2000, 208; Jamias at Mendoza 2000, 224). Sa kasalukuyan, mas
maiiksi na ang mga pananim na ito at mas matibay ang katangian kaya’t
nagiging mas matatag ito tuwing may mga bagyo.

130 REGUINDIN-ESTELLA: Pambansang Siyentista para sa Pagpapalahi ng Halaman


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

LARAWAN 7
Si DL Umali sa Gawaing Pambigas

(Larawang kaloob ng pamilyang Umali)

3. Pagpapabuti ng lahi ng abaka

Kasama si Dr. James Brewbaker, ang dekada 1950 naman ay naging saksi sa
mga pananaliksik ni DL Umali upang makapagpalahi ng abaka na kayang
labanan ang virus na pumupuksa noon sa nasabing pananim. Mula sa mga
nakolektang uri ng saging sa Luzon at Mindanao, kinilala nila ang saging
bilang kaanak ng abaka kabilang na rito ang “pacol” na isang uri ng saging
na ligaw (wild banana) na kayang labanan ang virus. Nagkaroon ng pag-
aaral kasama ang ilang katuwang sa pananaliksik kung paano
makakapagpalahi ng abaka na kayang labanan ang virus na umaatake rito
(Javier 2007).

4. Pagpapalahi ng mga prutas sa Pilipinas

Bilang bahagi ng tinatawag na “demolition team,” kabilang si DL Umali sa


mga nakababatang Instruktor na naging tagapagligpit ng mga pinagkainan
tuwing may mga pagtitipon sa kolehiyo. Mula rito, nakaugalian na ni DL
Umali na iuwi ang mga buto ng mga prutas mula rito at itanim pag-uwi sa
kanyang tahanan. Naging gawain niya ito hanggang sa makarating siya sa
iba’t ibang bansa. Iniuugnay kay DL Umali ang iba’t ibang uri ng mga
prutas katulad ng rambutan, durian, mangga, sampaloc, langka, atis,
manzanilla, at gintong niyog (golden coconut). Sa katunayan, limang uri ng
rambutan sa kasalukuyan ay iniuugnay sa kanyang pangalan, isa na rito ang
tinatawag na DLU Maharlika, isang uri ng rambutan na kilala sa katangiang
“tuklapin” (Legaspi 2000, 209). Gayundin, ang gintong niyog na sinasabing

131 REGUINDIN-ESTELLA: Pambansang Siyentista para sa Pagpapalahi ng Halaman


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

uri ng niyog na iniuwi ni DL Umali mula sa kanyang paglilibot sa mga isla


ng Indonesia (Mercado 2007).

Unti-unti, lumikha ng pangalan si DL Umali sa kolehiyo at naging tanyag siya hindi


lamang dahil sa kanyang dedikasyon sa propesyon at gawain, nakilala rin siya ng marami
dahil sa kanyang husay sa pakikitungo sa kapwa. Halos iisa ang naging salaysay ng
kanyang mga kaibigan at mga nakasama sa dibisyon patungkol sa pakikitungo niya sa
kapwa. Malakas ang kanyang “charisma” at mahusay sa pakikipag-usap at pakikisama—
ilan ito sa mga katangiang nagpatanyag sa kanya hindi lamang sa dibisyon na kanyang
pinamunuan kundi sa buong kolehiyo. Ayon kay Dr. Villareal:

Sophomore pa lang ako noon… naririnig ko na siya. Sikat na siya. Ah,


mahusay ‘yun, sabi nila very dynamic at napakahusay magdala ng tao. Basta
kapagka-pumunta ka doon, hindi ka mapapahiya ‘pag kakausapin mo siya.
He gives you importance, kahit ika’y estudyante, kahit laborer ka, talagang
maganda ang kanyang dating. The arrival is excellent. Kaya ‘yun,
napapunta ako sa Plant Breeding (Villareal 2007).

Mula naman sa mga salaysay ng Pambansang Siyentistang si Dr. Ramirez:

We had many professors here na you could hardly approach but he was the
one who has narrowed the distance between the professor and the student,
and the boss and the assistant. He has narrowed it. And then also to a
certain extent he tried to know even our personal lives. He used to… kasi
during that time I think only one of us was married, all of the others were
single, and he is quite curious who are you after, sa mga boys sinong
nililigawan... he would ask for us to organize a Valentines party for example
and ask the boys to bring their girlfriends, ‘yung ganun. So that is I think his
way of knowing not just a research assistant… knowing you more than just a
research assistant. And he would... kasi maraming fruit trees ‘yun sa bahay
eh. So he would take us to his house and let us eat as much rambutan as we
can, ‘yung ganun. So hindi ano… he did not draw the line between boss and
his assistants. Maybe that was also the reason why all the people who worked
with him became quite close to him and became very loyal to him kasi parang
‘di ba it feels good that your boss is interested in you. And he has mastered
that very well. Ang galing galing niya sa ganun (Ramirez 2007).

Isa sa mga katunayan din ng pagkilala sa mahusay na pakikitungong ito ay ang


pasasalamat ng isang Visiting Professor na si S.C. Salmon sa Dibisyon ng Pagpapalahi ng
Halaman na nagbigay ng kanyang 48 tomong koleksyon ng kanyang dyornal sa

132 REGUINDIN-ESTELLA: Pambansang Siyentista para sa Pagpapalahi ng Halaman


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

Agronomiya bilang pasasalamat sa mahusay na pakikitungo sa kanya rito lalo na ni DL


Umali. Ang koleksyong ito ay inilagak sa aklatan ng dibisyon (Solmon 1957).

Dahil na rin sa mga napatunayang mahahalagang proyekto, kakanyahan sa pamumuno at


pakikitungo sa mga kasamang kawani, sa gulang na 42 ay naging Dekano si DL Umali ng
UPLB Kolehiyo ng Agrikultura, isa sa sa mga pinakabatang nailuklok sa posisyon sa
kasaysayan ng kolehiyo.

SI DL UMALI BILANG LIDER AT ADMINISTRADOR (1959-1982)

Bunsod ng nasabing katanyagan ni DL Umali sa kolehiyo, ang kanyang pangalan ang


namayani sa nominasyon na naganap para sa susunod na magiging Dekano noong 1959
na siyang hahalinhin sa posisyon na iiwan nang noo’y nagretirong si Leopoldo Uichanco
(Cruz 1960, 5). Sa panahong ito, unti-unti na ring bumabangon ang kolehiyo sa tulong ng
mga guro at kawani ng kolehiyo at sa tulong mula sa United States-Philippines War
Damage Commission.

Sa mga taong ito ay masasabing buhay na buhay ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa


EU dahil sa naiwang kasiraan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Dagdag pa rito,
maraming iskolar ang naging produkto ng iskolarship sa EU gaya ni DL Umali. Hindi
nakakapagtaka kung gayon na naging malaki ang impluwensya ng EU sa maraming
proyekto ni DL Umali sa kolehiyo. Isa na rito ang tanyag at kontrobersyal na Five-Year
Development Program na mas kilala bilang “5-YDP” para sa mga nasa kolehiyo noong mga
panahong ito. Ang programang ito ang nagdulot ng malaking pagbabago partikular na sa
pisikal na anyo ng kolehiyo. Mula sa mga payak na tanggapan, naitayo ang maraming
gusali sa nasabing institusyon, dagdag pa rito ang mga bagong pasilidad sa mga
laboratoryo at silid-aralan. Mula sa dati-rati’y tinatawag na “cow college,” nabago ang
anyo ng kolehiyo na halos katulad ng malalaking unibersidad sa EU. Sa katunayan, ayon
kay Dr. Legaspi (1984, 6), ang disenyo ng noo’y bagong kolehiyo ay halaw mula sa disenyo
ng Unibersidad ng California sa Berkeley. Gayumpaman, hindi natuwa ang ilan sapagkat
ang pagbabagong ito ay produkto ng utang sa halagang anim na milyong dolyar mula sa
WB—ang kauna-unahang tulong pinansyal ng WB para sa isang institusyong pang-
edukasyon. Ang inutang na ito at ang PhP 30 milyong pondo mula sa ating gobyerno ang
ginamit upang maisakatuparan ang nasabing pagbabago ng kolehiyo. Maliban pa sa
kanyang mga proyektong pambigas at pangmais sa kolehiyo noong nasa Dibisyon ng
Pagpapalahi ng Halaman, ang malaking proyektong ito ang masasabing naglunsad naman
sa pangalan ng isang DL Umali hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa sa
Timog Silangang Asya.

133 REGUINDIN-ESTELLA: Pambansang Siyentista para sa Pagpapalahi ng Halaman


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

Ayon sa mga panayam kina Dr. Legaspi (2007) at G. Rico Umali (2007), bago ang 5-YDP,
ang UPLB Kolehiyo ng Agrikultura ay kinukutya ng mga estudyante mula sa ibang
paaralan, lalo na mula sa mga unibersidad at kolehiyo sa Maynila at tinawag itong “cow
college.” Sa panahong ito’y tinitingnang mababa ang pagsasaka at ang kursong
Agrikultura. Sa ganitong kalagayan, ang pagbabagong pisikal na ninais ni DL Umali ang
maituturing na kanyang solusyon upang mabago ang mga ganitong pagtingin sa kolehiyo.
Gayundin, isa itong hakbang upang mahikayat ang mga estudyante na pumasok sa
kolehiyo at kumuha ng kursong Agrikultura. Ayon kay Dr. Fernando Bernardo:

And then one time, we were brainstorming and he was saying, “we’re going
fast in terms of programs, our facilities are not enough,” sabi niya. “Why
should a College of Agriculture be looked down upon as a cow college not
deserving good facilities. We deserve good facilities just like any other college
and university (Bernardo 2007).

Maliban pa sa pagbabagong pisikal na ito ng kolehiyo, upang matugunan ang hamon na


palakasin ang institusyon bilang sentro ng pag-aaral at pananaliksik sa agrikultura,
hinikayat ni DL Umali na tapusin ng mga kaguruan ang kani-kanilang gradwadong pag-
aaral upang mapahusay ang kalidad ng pagtuturo rito. Sa tulong ng programang
iskolarship ng Rockefeller Foundation, dumami ang nakapagtapos ng kani-kanilang
Masterado at Doktorado sa mga unibersidad sa EU na siya namang nagbigay-daan upang
magkaroon ng may pinakamataas na bilang ng mga Propesor at Doktor ang kolehiyo sa
buong Timog Silangang Asya. Ginamit ni DL Umali ang kanyang husay sa pakikipag-usap
at ang kanyang ugnayan sa mga kakilala sa Rockefeller Foundation at sa iba pang
institusyon upang mabigyan ng pagkakataong makapag-aral partikular na ang mga
nakababatang guro sa kolehiyo (Javier 2007; Lantican 2007; Ramirez 2007; Villareal 2007).

Dahil sa nakilala na nga rin si DL Umali sa labas ng kolehiyo, ang kanyang pagiging
Dekano ay nagbigay-daan pa sa sunud-sunod na posisyon sa labas ng nasabing
institusyon. Ang ehemplo ng kanyang pamamahala rito ang naging daan upang makita
ang kanyang sigasig na siyang dahilan upang mabigyan pa siya ng iba pang malalaking
gawain sa iba’t ibang sektor.

Habang Dekano ay naging Tagapangulo ng Kalipunan ng mga Katiwala ng Ramon


Magsaysay Award Foundation (1966-1972), Pangalawang Kalihim para sa Agrikultura ng
Kagawaran ng Agrikultura at Likas na Yaman (1966-1969), Direktor ng Southeast Asia
Regional Study for Graduate and Research in Agriculture (SEARCA) (1968-1971),
Tagapangulo ng Komite ng FAO (1968-1971), at Pangalawang Pangulo sa Usaping Pang-
agrikultura at Paggugubat sa Los Baños (1962-1971).

134 REGUINDIN-ESTELLA: Pambansang Siyentista para sa Pagpapalahi ng Halaman


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

Bilang Tagapangulo ng Kalipunan ng Katiwala ng Ramon Magsaysay Award Foundation,


pinamunuan ni DL Umali ang pagpili ng mga natatanging Asyano “who exemplify his
greatness of spirit, integrity, and devotion to liberty” (RMAF 1966). Taunang iginagawad
ito tuwing Agosto 31, bilang paggunita sa kamatayan ng dating Pang. Ramon Magsaysay at
pagkilala sa uri ng paglilingkod na ipinakita niya. Ang mga pinaparangalan dito ay mula
sa iba’t ibang larangan: Government Service, Public Service, International Understanding,
Community Leadership, at Journalism and Literature.

Naging abala rin si DL Umali sa pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang bansa sa Timog


Silangang Asya bilang Direktor ng SEARCA. Nakasaad sa ibaba ang layunin ng nasabing
institusyon:

Provide advanced education and training for leadership in agricultural


development, promoting research on the problems and ills of agriculture in
Southeast Asia, extending consultative and advisory services, and serving as
information clearing house in agriculture throughout the region… (SEARCA
1970-1971).

Bilang bahagi ng FAO ng UN, naging Tagapangulo si DL Umali ng konseho nito sa


Pilipinas mula 1968 hanggang 1971 kung saan nanguna siya sa mga pakikiisa ng bansa sa
mga kumperensya, pagpupulong, at programa. Pangunahing gawain ng komiteng ito ang
paglilikom ng mga bagong pananaliksik sa agrikultura upang matugunan ang suliranin sa
pagkain at kahirapan sa bansa (FAO 1985, 4-6).

Masasabing higit na nagugol ang panahon ni DL Umali bilang Pangalawang Kalihim ng


Kagawaran ng Agrikultura at Likas na Yaman. Bilang isa sa mga pinakamahalagang tao sa
usaping pang-agrikultura sa bansa, naging abala si DL Umali sa pangunguna ng mga
proyektong pang-agrikultura ng kagawaran at maya’t mayang paglabas ng bansa para sa
mga gawain ng nasabing ahensya kasama ang Pangulong Ferdinand Marcos at
Pangalawang Pangulong Fernando Lopez, ang noo’y Kalihim ng Kagawaran ng
Agrikultura at Likas na Yaman (AGG 1968b, 1; MT 1970, 1).

Sa mga taong sabay-sabay ang mga katungkulan ni DL Umali, ang buhay niya ay halos
umikot na lamang sa kanyang opisina sa Maynila—sa Kagawaran ng Agrikultura at Likas
na Yaman at sa UPLB Kolehiyo ng Agrikultura sa Los Baños. Dahilan upang abutin ng
madaling araw sa kanyang opisina para tapusin ang mga nakatakdang gawain nito. Kung
hindi naman ay patuloy na pamamalagi sa opisina kahit araw ng Sabado at/o Linggo
(Legaspi 2007; Villareal 2007). Maliban pa rito ang mga paanyaya sa kanya bilang
tagapagsalita sa iba’t ibang gawain at kumperensya sa loob at labas ng bansa. Samantala,
dahil naman sa kanyang katungkulan sa gobyerno, sinasabing mas napalapit ang kolehiyo
sa mga pambansang programa. Maraming iskolar ang naging instrumento sa mga

135 REGUINDIN-ESTELLA: Pambansang Siyentista para sa Pagpapalahi ng Halaman


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

proyekto ng pamahalaan. Halimbawa na lamang dito ang pagiging mga tagapagsalita ng


mga guro ng kolehiyo sa mga gawain ng Kagawaran ng Agrikultura at Likas na Yaman.

Gayumpaman, hindi naman ito maluwag na tinanggap ng mga estudyante ng kolehiyo ng


Agrikultura. Dahil sa lubos na pagiging abala ni DL Umali sa kanyang mga gawain sa
Maynila, nakita ito ng mga mag-aaral na balakid para lalong mapabuti ang kanyang
pamamahala sa kolehiyo. Dahilan upang maging tampok ito ng mga kilos-protesta
partikular na sa huling bahagi ng Dekada 1960 kung kailan umiigting na rin sa bansa ang
mga pagkilos laban sa pamunuan ni Marcos bilang Pangulo ng Pilipinas. Hiningi ang
pagbibitiw ni DL Umali bilang Pangalawang Kalihim ng Kagawaran ng Agrikultura at
Likas na Yaman upang hindi mahati ang kanyang panahon. Ayon sa bukas na liham mula
sa Konseho ng mga Mag-aaral ng kolehiyo, duda sila kung kilala ba ng mga estudyante ng
kolehiyo si DL Umali o nakikita na lamang siya sa mga larawan dahil mas madalas umano
siya sa Maynila at naiiwan na lamang ang pamamahala sa kanyang mga direktor, dahilan
upang hindi agad napagdedesisyunan ang mahahalagang usapin sa kolehiyo (AGG 1968a,
3, 7; Habito 2007; Legaspi 2007). Bagama’t noong una, hindi naging maganda ang
pagtanggap ni DL Umali sa mga kilos-protesta na ito ng estudyante (Habito 2007;
Ramirez 2007), unti-unti rin niya itong natugunan sa pamamagitan ng pakikipagdiyalogo
sa mga ito.

Kakaupo pa lamang ni DL Umali bilang Dekano ng kolehiyo ay inalok na ito ng UN ng


posisyon ngunit makailang ulit itong tinanggihan dahil sa kanyang responsibilidad sa
kolehiyo at sa noo’y kasalukuyang isinasagawang 5-YDP. Nang matapos ang nasabing
proyekto, muli siyang inalok ng katungkulan sa UN at dahil sa naisagawa na at
naisakatuparan na ang kanyang mga programa bilang Dekano, nagbitiw siya sa kanyang
mga posisyon sa Pilipinas at tinanggap ang katungkulan sa UN noong 1971 bilang
Assistant Director General (ADG) at Kinatawang Pangrehiyon para sa Asya at Pasipiko ng
FAO ng UN at siya ang kauna-unahang Pilipinong nabigyan ng posisyong ito sa
kasaysayan ng pakikiisa ng Pilipinas sa UN. Ayon sa kanya:

I wish to tell you it was not easy for me to decide to accept my new position.
It is painful to uproot oneself from a place where he has spent more than 20
years of his productive life. This change of role and functions involves
changes of attitudes and outlook and this is rather difficult for one who is no
longer very young. I accepted my present job because I think it will give me a
wider horizon for service to mankind. When it was offered to me in June, 1969,
I told the Director-General of FAO to give me a chance to think it over. I
could not readily accept because I was stiil committed to the development
program of the College which ended in July, 1970. In October, when I felt that
I had complied with all my commitments to the donor institutions, I accepted
the offer. I wish to assure you that in deciding to take the job, salary or

136 REGUINDIN-ESTELLA: Pambansang Siyentista para sa Pagpapalahi ng Halaman


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

tha material remuneration was a secondary consideration. We reach


a stage in life when it is the non-material things which motivate us.
Material things are what we give; the non-material, what we share.
Material things are sometimes hard to give because often they don’t
belong to us alone but also to our families and to others. And when
we give, we lose something. However, when we share non-material
things such as experiences, beliefs, knowledge, and philosophy in life,
our life is enriched. All these generate and multiply and give immense
personal satisfaction (Umali 1971) (akin ang diin).

Sa FAO ipinagpatuloy ni DL Umali ang paglilingkod sa larangan ng agrikultura na kanya


nang naumpisahan sa Pilipinas. Naging saksi naman ngayon ang Asya at iba pang bansa
sa mundo sa kanyang pagkilos para sa mga karaniwan at maliliit na magsasaka. Ang
kanyang dedikasyon at pagmamahal sa trabaho ay kanyang idinala sa FAO nang siya ay
namalagi sa Bangkok, Thailand kung saan naroon ang kanyang opisina. Sa kanyang
panunungkulan bilang ADG, patuloy ang kanyang pagpapahalaga sa mga kasamang
Pilipino na sa tingin niya ay mas makatutulong sa kanyang mga gawain dito. Kung kaya’t
may ilang Pilipino na kanyang kinuhang kasama sa kanyang mga gawain at proyekto sa
FAO. Ang paraan ng pakikitungo niya sa mga kasama sa Pilipinas ay kanya ring
ipinamalas sa kanyang panunungkulan sa UN. Sa katunayan, ito rin ang kanyang
katangian na hinangaan ng mga nakasama rito—ang kanyang pantay-pantay na
pakikitungo sa mga empleyado, mataas man o mababa ang kanilang posisyon.
Nagpatuloy rin ang kanyang mga proyekto at programa para sa maliliit na magsasaka sa
Asya. Kasama ang ilang Pilipino katulad nina G. Juan Mercado at Dr. Basilio delos Reyes,
nagsagawa sila ng mga sampaksaan at iba pang pag-aaral para sa mga magsasaka at
agrikultura ng mga bansang Thailand, Vietnam, Laos, at iba pa (Mercado 2007; delos
Reyes 2008).

Sa kabilang banda, naging mas makabuluhan naman para sa pamilya ni DL Umali ang
kanyang gawain sa Thailand sapagkat kumpara sa kanilang buhay sa Pilipinas na
pinapalibutan ng maraming gawain ang dating Dekano, mas nagkaroon ng panahon na
makasama ni DL Umali ang kanyang asawa at bunsong anak na si Dina noong sila ay nasa
Thailand (R. Umali 2007).

Ang mga gawain ni DL Umali sa Thailand ay masasabing hindi rin naman kaiba sa mga
naging gawain niya bilang Dekano sa UPLB Kolehiyo ng Agrikultura. Sa katunayan, kilala
pa rin siya bilang “Dean” sa mga nakasama niya sa UN (Chakley 1981). Sa kanyang
pangunguna, nagsagawa ng mga sampaksaan ukol sa paglutas ng mga suliraning may
kinalaman sa agrikultura, pagkain, at populasyon sa Asya. Halimbawa na lamang dito
ang sampaksaan para puksain ang kagutuman at ang mga maaaring maging programang
pang-nutrisyon ng mga Asyano katulong ang mga nutritionist mula sa Africa, Europa,

137 REGUINDIN-ESTELLA: Pambansang Siyentista para sa Pagpapalahi ng Halaman


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

Hilaga, at Latin Amerika at iba pang ahensya ng UN (NR 1982, 2). Katulad din ng
kanyang naumpisahan sa UPLB Kolehiyo ng Agrikultura, ginamit niya ang kanyang
posisyon sa UN upang tulungan ang mga programa ng mga gobyerno ng mga bansa sa
Asya nang sa gayon ay maparami ang suplay ng pagkain at mabawasan ang mga gastusin
ng mga bansa rito (BP 1979, 20-21). Gayundin, bilang pagpapatuloy sa kanyang mga
adhikain para sa maliliit na magsasaka, hinikayat niya ang gobyerno ng mga bansa na
maglunsad ng mga programa upang mapalawak ang kaalamang teknikal ng mga
magsasaka lalo na sa maliliit at mahihirap na baryo sa Asya. Hinikayat din niya ang mga
paaralan, kolehiyo, at unibersidad pang-agrikultural sa Asya na magkaroon ng mga
gawaing pang-ekstensyon upang matulungan ang mga magsasaka (Bolido 1980).

MGA HULING TAON AT ALAALA (1982-1992)

Nagretiro si DL Umali sa FAO noong 1982 ngunit matapos nito ay isang taon pa siyang
naglingkod sa nasabing institusyon bilang Senior Adviser ng Direktor-Heneral ng FAO.
At dahil masasabing ang puso ni DL Umali ay una namang inialay sa pagtuturo at
pananaliksik, balik buhay-akademya ang mga taon matapos ang kanyang buhay sa FAO.
Nagsilbing muli siya sa UPLB bilang Professor Emeritus sa UPLB Surian ng Pagpapalahi
ng Halaman. At sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas ay ang muli nitong pagsabak sa iba
pang gawain sa labas ng unibersidad. Kabilang na ang kanyang pagiging Tagapangulo ng
Cooperative Union of the Philippines for Small Farmers. Nanungkulan din siya bilang
Puno ng Asian Non-Governmental Organization Coalition for Agrarian Reform and Rural
Development (ANGOC) at noong 1989 ay nailuklok bilang Pangulo ng National Academy
of Science and Technology (NAST).

Dahil sa mga natatanging ambag na ito, ginawaran si DL Umali ni Pangulong Aquino ng


titulong “Pambansang Siyentista ng Pilipinas” noong Hulyo 11, 1986 bilang pagkilala sa
kanyang mga naging pananaliksik at pagiging natatanging lider ng UPLB Kolehiyo ng
Agrikultura, agrikultura sa Pilipinas, at sa mundo sa kabuuan. Maliban pa rito ang limang
Doktorado honoris causa na iginawad sa kanya ng iba’t ibang institusyon sa Pilipinas at
iba pang bansa kabilang na ang Ateneo de Manila University at Xavier University.

Habang nanunungkulan bilang Pangulo ng NAST, biglaang pumanaw si DL Umali dahil


sa sakit sa puso at iba pang kumplikasyon habang nasa Makati Medical Center ito noong
Hulyo 1, 1992 sa gulang na 74 (Zafaralla 1992, A2; Aramil 1992, 1). Lubos ang pagluluksa ng
komunidad ng Los Baños at ng iba pang institusyon kung saan nakasama at nanungkulan
si DL Umali (MB 1992, 6; RMAF 1992, 10).

138 REGUINDIN-ESTELLA: Pambansang Siyentista para sa Pagpapalahi ng Halaman


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

KONKLUSYON

Pumanaw man ang Pambansang Siyentista, hindi dito natapos ang kanyang impluwensya,
hindi lamang sa larangan ng pagtuturo at pamamahala kundi sa pakikipagkapwa-tao.
Hindi lamang iisa o iilan ang naiwanan ng magandang ehemplo ng isang DL Umali.
Maaaring ang pagsusulat ng talambuhay na ito ay isang buhay na papuri lamang sa isang
personahe, gaya ng tendensya ng maraming pananalambuhay (Javar, 2014, 30-79) ngunit
hindi maikakaila sa mga napatunayan ni DL Umali na naging katangi-tangi ang kanyang
dedikasyon sa mga gawain. Sa katunayan, hindi natapos sa kanyang pagpanaw ang
kanyang mga adhikain. Ipinagpatuloy ito ng mga taong sa iba’t ibang paraan ay kanyang
naimpluwensyahan. Kung kaya’t matapos ang kanyang kamatayan, nagtayo ng DL Umali
Foundation ang mga taong naging malapit sa kanya. Isang maliit na samahan ito na
binuo upang mapanatili ang kanyang alaala hanggang sa kasalukuyan. Sa pamamagitan
ng taunang lektura kaugnay ng mga ideya ni DL Umali, inaalala ang kanyang naging mga
pag-aaral at adhikain noong nabubuhay pa siya. Patunay na nagpapatuloy ang kanyang
impluwensya at hindi pa rin nakakalimutan ang isang DL Umali hanggang sa
kasalukuyan.

Para naman sa mga naging estudyante at kasama sa mga pananaliksik ni DL Umali lalo na
sa UPLB Surian ng Pagpapalahi ng Halaman, hindi maitatatwa ang malaking impak ni DL
Umali sa iba’t ibang aspekto. Una, ang kanyang mga natatanging ambag sa larangan ng
Pagpapalahi ng Halaman. Tinawag siyang “Guru of Plant Breeding” (Villareal 1992, 2)
dahil sa hindi matatawaran ang kanyang mga ginawang pananaliksik sa pagpapalahi ng
bigas, mais, abaka, niyog, at iba pang prutas at halaman sa Pilipinas, katulong ang
kanyang mga kapwa mananaliksik na kanya rin namang mga naging estudyante.
Malaking impluwensya rin kay DL Umali ang mga Exchange Professor na nakasama rin sa
ilang pananaliksik tulad nina Dr. Hayes at Dr. Brewbaker. Kaugnay nito, ang
pangalawang masasabing ambag niya ang paghuhulma ng mga indibidwal na sa tingin
niya ay may malaking potensyal upang maging mahuhusay na mananaliksik at
administrador (Ramirez 2007). Bilang patunay, produkto ng kanyang paggabay ang mga
Pambansang Siyentistang sina Dr. Ramirez, Dr. Escuro, at Dr. Lantican gayundin ang mga
natatanging personalidad na sina Dr. Villareal at Dr. Javier. Marahil may mga
magsasabing naging mapagkiling si DL Umali sa mga nasa Pagpapalahi ng Halaman,
ngunit hindi pa rin maikakailang naging mahalagang salik ito upang makilala ang
kahusayan ng nasabing institusyon. Bilang indibidwal na may kakayahang kumilala sa
kahusayan ng mga tao, ginamit niya ito kung kaya’t sa panahon ng kanyang
panunungkulan bilang Dekano ay kanyang pinaligiran ang sarili ng mahuhusay rin na
mga lider. Ang mga indibidwal na ito ang siya namang kinilalang lider sa kani-kanilang
mga larangan at kanilang kinikilala ang impluwensya ni DL Umali sa larangan ng
pamumuno. Ito ang tinawag ni Dr. Javier na “social competence” kung saan maliban sa

139 REGUINDIN-ESTELLA: Pambansang Siyentista para sa Pagpapalahi ng Halaman


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

kaalamang teknikal, ipinakita rin ni DL Umali ang kakayahan sa pakikitungo sa kapwa at


kung papaano ituring ang mga nakakasama sa iba’t ibang gawain at institusyon.

Kabilang marahil sa pinakamalinaw na impak ng isang DL Umali ang gusali ng


kasalukuyang UPLB Surian ng Pagpapalahi ng Halaman na itinatag noong Hunyo 5, 1975
sa bisa ng Presidential Decree 729 (Javier 1980). Bagama’t sa pamunuan ito ni Dr. Javier
naitayo, kanyang kinikilala ang mga ideya ni DL Umali sa likod ng nasabing institusyon.
Ayon sa kanya, ito ang nagpapatunay ng malawak at malayong bisyon ni DL Umali lalo na
para sa larangan ng Pagpapalahi ng Halaman. Binuhay ng gusaling ito ang kanyang ideya
na mauugat pa nang buuin ni DL Umali ang Dibisyon ng Pagpapalahi ng Halaman.
Maliban pa rito, bilang pagkilala sa kanyang mga naging ambag ay may ilang istruktura
rin na ipinangalan kay DL Umali. Kabilang na rito ang SEARCA Auditorium na tinawag
na DL Umali Auditorium (tingnan ang Larawan 8 at 9); ang UPLB Auditorium naman
matapos ang kanyang kamatayan ay tinawag na DL Umali Hall (tingnan ang Larawan 10)
at sa tapat na parke nito ay tinawag na DL Umali Freedom Park (tingnan ang Larawan 11);
gayundin, isang gusali sa IRRI ang tinawag na DL Umali Hall (tingnan ang Larawan 12) sa
alaala ng natatanging siyentista (IO 1992, 5).

LARAWAN 8
Southeast Asia Regional Study for Graduate and Research in Agriculture (SEARCA)
sa Unibersidad ng Pilipinas sa Los Baños, Laguna

(SEARCA 2016a)

140 REGUINDIN-ESTELLA: Pambansang Siyentista para sa Pagpapalahi ng Halaman


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

LARAWAN 9
DL Umali Auditorium sa SEARCA

(SEARCA 2016b)

LARAWAN 10
DL Umali Hall sa Unibersidad ng Pilipinas sa Los Baños, Laguna

(Panoramio 2016)

141 REGUINDIN-ESTELLA: Pambansang Siyentista para sa Pagpapalahi ng Halaman


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

LARAWAN 11
DL Umali Freedom Park sa Unibersidad ng Pilipinas sa Los Baños, Laguna

(UPLB 2016)

LARAWAN 12
DL Umali Hall sa International Rice Research Institute (IRRI) sa Los Baños, Laguna

(IRRI 2016)

142 REGUINDIN-ESTELLA: Pambansang Siyentista para sa Pagpapalahi ng Halaman


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

Kaalaman, kasanayan, mga siyentista, at institusyon—ilan lamang ito sa maaaring


pagsusuma sa mga naging ambag ng isang DL Umali sa kasaysayan ng bansa. Bagama’t
masasabing mas nakilala siya sa kanyang larangan at panahon, mahalaga pa ring buhayin
ang kanyang mga ideya bilang paraan ng pagpapalawak ng mga kaalamang kanyang
ipinama sa sambayanan at sa kasaysayan.

Bilang panghuli, ang pananalambuhay ay isang pamamaraan kung papaano mas


naitatakda ang kahalagahan ng isang indibidwal sa kanyang lipunan. Napatunayan sa
talambuhay ni DL Umali na ang pag-aakda sa buhay ng isang indibidwal ay nakatutulong
din sa pagbubuo ng mas malawak na kasaysayang sektoral (agrikultura) at kasaysayang
institusyonal (UPLB Kolehiyo ng Agrikultura). Mahalaga kung gayon ang pagpapaksa ng
iba pang siyentista na nagakapag-ambag sa lipunan sa iba’t ibang paraan. Maliban sa
agrikultura, maaari ring magkaroon ng mga napapanahong pananaliksik sa talambuhay
ng mga indibidwal sa larangan ng panggugubat at usaping pangkapaligiran.

Talahuli
*
Hango sa M.A. tesis sa Kasaysayan ng may-akda sa Unibersidad ng Pilipinas (UP), Diliman, Lunsod
Quezon, Pilipinas, 2009.

1
Sa kanyang pamilya at malalapit na kaibigan, “Diosing” ang palayaw ni Dioscoro L. Umali. “DL Umali” o
“DLU” naman ang kilalang tawag sa kanya nang siya ay makilala na bilang guro, mananaliksik, at Dekano
ng UPLB Kolehiyo ng Agrikultura samantalang “Jack” naman siya partikular na sa kanyang mga banyagang
mga kaibigan at/o kakilala.
2
Ayon kay. G. Rico Umali (2007), ang terminong ginagamit noong kanyang kabataan para tukuyin ang mga
magsasaka ay “magbubukid.”
3
Bagama’t ayon sa artikulo nina Barroga et al. (1984, 137-140) ay nakabalik si DL Umali sa Pilipinas noong
1948 mula sa Unibersidad ng Cornell, ayon naman sa mismong liham ni DL Umali (1949) kay Dekano
Leopoldo Uichanco ay nakabalik siya sa Maynila noong Hulyo 27, 1949, ika-2:00 ng hapon sakay ng SS Pres.
Wilson.

Sanggunian

Aggie Green and Gold (AGG). 1968a. Bukas na Liham Para sa Dekano, Kolehiyo ng
Agrikultura. Aggie Green and Gold, Abril.

Aggie Green and Gold (AGG). 1968b. Umali Accompanies FM in State Visits. Aggie Green
and Gold, Enero.

Aramil, Nova. 1992. Dr. Dioscoro L. Umali: National Scientist. The SEARCA Diary 21, blg.
4 (Hulyo-Agosto): 1.

143 REGUINDIN-ESTELLA: Pambansang Siyentista para sa Pagpapalahi ng Halaman


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

Bangkok Post (BP). 1979. Agriculture Must Get Priority, says FAO. Bangkok Post, Marso
16.

Barroga, Charlene, Mary Edel Guzman, at Evelyn Mae Mendoza. 1984. The Institute of
Plant Breeding. The Philippine Agriculturist, Abril-Hunyo.

Bernardo, Fernando. 2007. Panayam kay Fernardo Bernardo ni Janet Reguindin-Estella.


International Rice Research Institute (IRRI), Los Baños, Laguna, Pilipinas,
Disyembre 3.

Bolido, Linda. 1980. Don’t Copy West, Asians Urged. Bangkok Post, Oktubre 14.

Chalkley, Alan. 1981. Helping the Poor to Earn More. Bangkok Post, Mayo 10.

Cruz, Nora. 1960. Dr. Dioscoro L. Umali: Dean of College of Agriculture. The Rotary
Balita, Enero 28.

Delos Reyes, Basilio. 2008. Panayam kay Basilio Delos Reyes ni Janet Reguindin-Estella.
Mt. Banahaw, Umali Subdivision, Los Baños, Laguna, Pilipinas, Enero 9.

Food and Agriculture Organization (FAO). 1985. The Philippines and FAO: 40 Years of
Partnership and Cooperation. Bangkok: Food and Agriculture Organization.

Habito, Celestino. 2007. Panayam kay Celestino Habito ni Janet Reguindin-Estella.


Umali Subdivision, Los Baños, Laguna, Pilipinas, Oktubre 6.

International Rice Research Institute (IRRI). 2016. Our Facilities. Websayt ng


International Rice Research Institute, http://goo.gl/pzuLgc (nakuha noong
Setyembre 25, 2006).

Island Observer (IO). 1992. IRRI Buildings Named in Honor of Dean Umali. The Island
Observer, Oktubre 19-25.

Jamias, Serlie at Evelyn Mae Mendoza. 2000. Dolores A. Ramirez: Eminent Filipino
Geneticist (1931- ). Nasa National Scientists of the Philippines (1978-1998), pat.
National Academy of Science and Technology, 221-233. Quezon City: Department
of Science and Technology (DOST)-National Academy of Science and Technology
(NAST) at Anvil Publishing, Inc.

144 REGUINDIN-ESTELLA: Pambansang Siyentista para sa Pagpapalahi ng Halaman


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

Javar, Roderick. 2014. Sinulat ka Ngunit Kulang: Ilang Historiograpikong Suliranin sa


Pananalambuhay Batay sa mga Akdang Nasulat Hinggil sa Pribadong Buhay ni
Manuel Luis Quezon. SALIKSIK E-Journal 3, blg. 1 (Agosto): 30-79.

Javier, Emil. 1980. Liham kay Dr. Dioscoro L. Umali (Pebrero 26, 1980). Institute of Plant
Breeding, 1980-1991. Los Baños: University of the Philippines Los Baños Institute of
Plant Breeding.

Javier, Emil. 2007. Panayam kay Emil Javier ni Janet Reguindin-Estella. Tanggapan ng
AGHAM Party List, Los Baños, Laguna, Pilipinas, Oktubre 2.

Lantican, Ricardo. 2007. Panayam kay Ricardo Lantican ni Janet Reguindin-Estella.


Departmento ng Agronomiya, Unibersidad ng Pilipinas Los Baños (UPLB), Laguna,
Oktubre 8.

Legaspi, Edelwina. 1984. D.L. Umali: The Poor Man’s Friend. Nasa PROFILES: Men and
Women of UPLB (A UPLB Diamond Jubilee Publication), mga pat. Paz Eulalia
Saplala, Teresita Vivas, at Paul Zafaralla, 1-15. Los Baños: University of the
Philippines Los Baños Institute of Plant Breeding.

Legaspi, Edelwina. 2000. Dioscoro L. Umali: Father of Philippine Plant Breeding (1935-
1992). Nasa National Scientists of the Philippines (1978-1998), pat. National
Academy of Science and Technology, 205-219. Quezon City: Department of
Science and Technology (DOST)-National Academy of Science and Technology
(NAST) at Anvil Publishing, Inc.

Legaspi, Edelwina. 2007. Panayam kay Edelwina Legaspi ni Janet Reguindin-Estella.


Departmento ng Humanidades, Unibersidad ng Pilipinas Los Baños (UPLB),
Laguna, Agosto 28.

Manila Bulletin (MB). 1992. The Philippines Science Community Mourns Death of Dr.
Dioscoro L. Umali. Manila Bulletin, Hulyo 9.

Manila Times (MT). 1970. Umali Heads World Rural Progress Group. The Manila Times,
Abril 6.

Mercado, Juan. 2007. Panayam kay Juan Mercado ni Janet Reguindin-Estella. Pension
Natividad, MH del Pilar Street, Maynila, Pilipinas, Oktubre 27.

Nation Review (NR). 1982. UN Nutrition Experts Meet Starts Tomorrow. The Nation
Review: Feeling the Pulse of Thailand, Pebrero 14.

145 REGUINDIN-ESTELLA: Pambansang Siyentista para sa Pagpapalahi ng Halaman


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

National Historical Institute (NHI). 1994. Filipinos in History; Volume 4. Manila:


National Historical Institute.

National Academy of Science and Technology (NAST). 1986. Dioscoro L. Umali, National
Scientist. Websayt ng National Academy of Science and Technology,
http://goo.gl/a5GEu1 (nakuha noong Agosto 15, 2006).

Navarro, Atoy. 2000. Ang Bagong Kasaysayan sa Wikang Filipino: Kalikasan, Kaparaanan,
Pagsasakasaysayan. Bagong Kasaysayan 11.

Pamilyang Umali. 1997. 50 Golden Years: A Celebration of the 50th Golden Wedding
Anniversary of Telesforo and Paula Umali (January 1, 1947-January 1, 1997).
Manuskrito, Los Baños, Laguna, Pilipinas.

Panoramio. 2016. Dioscoro L. Umali Hall, UPLB. Websayt ng Panoramio,


http://goo.gl/TaAFlh (nakuha noong Setyembre 25, 2006).

Ramirez, Dolores. 2007. Panayam kay Dolores Ramirez ni Janet Reguindin-Estella.


Collegeville, Los Baños, Laguna, Pilipinas, Oktubre 17.

Ramon Magsaysay Awards Foundation (RMAF). 1966. The Ramon Magsaysay Award.
Manila: Ramon Magsaysay Awards Foundation.

Ramon Magsaysay Awards Foundation (RMAF). 1992. Dioscoro Lopez Umali, RMAF
Chairman Passes Away. The Magsaysay Awardee, Enero-Hunyo.

Reguindin, Janet at Adonis Elumbre. 2008. Pagsasakasaysayan ng Sarili sa Kasaysayang


Buhay: Talambuhay at Talaangkanan Bilang Pag-uugnay sa Indibidwal at Lipunan.
Nasa Kaalaman at Pamamaraan sa Pagtuturo ng Kasaysayan, mga pat. Atoy
Navarro, Alvin Campomanes, at John Lee Candelaria, 52-65. Quezon City:
University of the Philippines Lipunang Pangkasayayan.

Solmon, S.C. 1957. Liham kay Dean Leopoldo Uichanco. Nasa Memorabilia: Dioscoro L.
Umali (Volumes 3.1-3.3), pat. Unibersidad ng Pilipinas Los Baños (UPLB) Records
Management Office (RMO), w.pah. Kalipunan ng mga dokumento, Unibersidad
ng Pilipinas Los Baños (UPLB) Records Management Office (RMO).

Southeast Asia Regional Study for Graduate and Research in Agriculture (SEARCA). 1970-
1971. Taunang Ulat ng Direktor ng Southeast Asia Regional Study for Graduate and
Research in Agriculture (SEARCA), Hulyo 1, 1970-Hunyo 30, 1971. Manuskrito,

146 REGUINDIN-ESTELLA: Pambansang Siyentista para sa Pagpapalahi ng Halaman


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

Southeast Asia Regional Study for Graduate and Research in Agriculture


(SEARCA), Los Baños, Laguna, Pilipinas.

Southeast Asia Regional Study for Graduate and Research in Agriculture (SEARCA).
2016a. Conference Facilities. Websayt ng Southeast Asia Regional Study for
Graduate and Research in Agriculture, http://goo.gl/qVvjEK (nakuha noong
Setyembre 25, 2016).

Southeast Asia Regional Study for Graduate and Research in Agriculture (SEARCA).
2016b. Umali Auditorium. Websayt ng Southeast Asia Regional Study for Graduate
and Research in Agriculture, http://goo.gl/QXpUvx (nakuha noong Setyembre 25,
2016).

Uichanco, Leopoldo. 1958. Liham sa Pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas na si Vicente


Sinco. Nasa Memorabilia: Dioscoro L. Umali (Volumes 3.1-3.3), pat. Unibersidad ng
Pilipinas Los Baños (UPLB) Records Management Office (RMO), w.pah.
Kalipunan ng mga dokumento, Unibersidad ng Pilipinas Los Baños (UPLB)
Records Management Office (RMO).

Umali, Dioscoro. 1947. Liham ni DL Umali kay Dekano Leopoldo Uichanco. Nasa
Memorabilia: Dioscoro L. Umali (Volumes 3.1-3.3), pat. Unibersidad ng Pilipinas Los
Baños (UPLB) Records Management Office (RMO), w.pah. Kalipunan ng mga
dokumento, Unibersidad ng Pilipinas Los Baños (UPLB) Records Management
Office (RMO).

Umali, Dioscoro. 1949. Liham ni DL Umali kay Dekano Leopoldo Uichanco. Nasa
Memorabilia: Dioscoro L. Umali (Volumes 3.1-3.3), pat. Unibersidad ng Pilipinas Los
Baños (UPLB) Records Management Office (RMO), w.pah. Kalipunan ng mga
dokumento, Unibersidad ng Pilipinas Los Baños (UPLB) Records Management
Office (RMO).

Umali, Dioscoro. 1971. Talumpati sa Sampaksaang may temang “In Search of


Breakthroughs in Agricultural Development” (Disyembre 9-10, 1971). Manuskrito,
Unibersidad ng Pilipinas Los Baños (UPLB) at Rockefeller Foundation Fellows of
the Philippines.

Umali, Dioscoro. 1987. An Overview of Marketing from the Point of View of the Small
Farmer. Papel na binasa sa Consultative Study Group Conference on Rural
Marketing, sa San Isidro, Calauan, Laguna, Hulyo 7-9.

147 REGUINDIN-ESTELLA: Pambansang Siyentista para sa Pagpapalahi ng Halaman


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

Umali, Paula. 2007. Panayam kay Paula Umali ni Janet Reguindin-Estella. Mt. Hubbard
St. Filinvest 1, Lunsod Quezon, Pilipinas, Nobyembre 11.

Umali, Rico. 2007. Panayam kay Rico Umali ni Janet Reguindin-Estella. Lopez Avenue,
Los Baños, Laguna, Pilipinas, Hulyo 30.

Umali, Rico. 2009. Panayam kay Rico Umali ni Janet Reguindin-Estella. Lopez Avenue,
Los Baños, Laguna, Pilipinas, Hulyo 2.

Umali, Zenaida. 2007. Panayam kay Zenaida Umali ni Janet Reguindin-Estella. Lopez
Avenue, Los Baños, Laguna, Pilipinas, Pebrero 6.

Unibersidad ng Pilipinas Los Baños (UPLB). 2016. Virtual Campus Tour. Websayt ng
Unibersidad ng Pilipinas Los Baños, http://goo.gl/414dvh (nakuha noong
Setyembre 13, 2016).

Unibersidad ng Pilipinas Los Baños (UPLB) Kolehiyo ng Agrikultura. 1945-1946. Taunang


Ulat ng Dekano ng UPLB Kolehiyo ng Agrikultura sa Presidente ng Unibersidad ng
Pilipinas. Manuskrito, Unibersidad ng Pilipinas, Los Baños, Laguna.

Unibersidad ng Pilipinas Los Baños (UPLB) Records Management Office (RMO), pat.
w.tn. Memorabilia: Dioscoro L. Umali (Volumes 3.1-3.3). Kalipunan ng mga
dokumento, Unibersidad ng Pilipinas Los Baños (UPLB) Records Management
Office (RMO).

Villareal, Ruben. 1992. The Master of Plant Breeding. The S&T Post, Hulyo 2.

Villareal, Ruben. 2007. Panayam kay Ruben Villareal ni Janet Reguindin-Estella.


Department of Agriculture (DA) Bureau of Agricultural Research (BAR), Los
Baños, Laguna, Pilipinas, Oktubre 25.

Zafaralla, Paul. 1992. UPLB Pays Tribute to DL Umali. The Manila Times, Hulyo 8.

148 REGUINDIN-ESTELLA: Pambansang Siyentista para sa Pagpapalahi ng Halaman

You might also like