You are on page 1of 5

PAGKAKAIBA NG TAGALOG,

PILIPINO, AT FILIPINO
TAGALOG, PILIPINO, at FILIPINO

• Magkakaiba ang kahulugan ng Tagalog, Pilipino, at Filipino. Kahit parehong


naging wikang Pambansa ang Filipino at Pilipino, magkaiba ang konsepto
ng mga ito.
TAGALOG

• Ang wikang Tagalog ay malawakang ginagamit sa National Capital Region


o Metro Manila, gayundin sa rehiyong katagalugan kasama ang Bulacan,
Batangas, Cavite, Rizal, Laguna, Quezon, Mindoro, Marinduque, at malaking
bahagi ng Palawan.

• Ang Tagalog ay opisyal na kinilala ni dating Pangulong Manuel L. Quezon


bilang batayan ng Wikang Pambansa noong Disyembre 1937 at sinimulan
itong ituro sa mga paaralan sa buong kapuluan noong 1940.
PILIPINO

• Noong Agosto 1959, sinimulang tawaging “Pilipino” ang Tagalog sa utos ng


dating kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon na si Jose Romero. Sinasabing
isinagawa ito upang mapawi ang isip-rehiyonalista. At dahil na rin sa ang
bansa natin ay tinatawag na Pilipinas, normal lang na tawaging Pilipino ang
pambansang wika tulad ng mga pangunahing lenguahe sa daigdig na kung
ano ang bansa ay siya ring tawag sa wika.
• Ngunit dahil maraming Pilipino ang gumagamit ng iba pang mga katutubong
wika, ang pagpili ng pambansang wika na nakabatay sa Tagalog ay
nananatiling pinagtatalunan ng marami.
FILIPINO

• Unang nalahad sa Saligang Batas ng 1973 ang konsepto ng isang wikang


panlahat na tinatawag na “Filipino”. Nakasaad sa Saligang Batas,“Ang
Batasang Pambansa ay dapat gumawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad
at pormal na adapsiyon ng isang wikang Pambansa na tatawaging Filipino.”
• Sa kasalukuyan, ang wikang Filipino ang ginagamit bilang wika ng
komunikasyon sa buong kapuluan. Sapagkat isang wikang buhay, mabilis
itong umuunlad sa paraan ng paggamit sa iba’t ibang pook at sitwasyon. Ito
ay nililinang sa iba’t ibang antas ng pagsasaliksik at talakayang akademiko
sa paraang maugnayin at mapanghalina.

You might also like