You are on page 1of 38

ANG PAGTAGUYOD NG

WIKANG PAMBANSA SA
MAS MATAAS NA ANTAS
NG EDUKASYON AT
LAGPAS PA
Aralin 1. Pahapyaw na Kasaysayan
ng Wikang Pambansa
• Ang ating mga lider na
makabayan tulad nina Lope K.
Santos, Cecilio Lopez, Teodoro
Kalaw at iba pa ay nagtatag ng
kilusan na kung saan sila ay
naging masigasig sa pagkakaroon
ng wikang pambansa.
• Nagharap ng panukula si
Manuel Gallego na gawing
wikang pambansa at wikang
opisyal ang Tagalog subalit
patuloy pa ring namayani ang
Ingles.
• Ito ay utang natin sa naging
Pangulong Manuel Luis M. Quezon,
ang tinaguriang "Ama ng Wikang
Pambansa.“
• Noong 1934, isang Kombensyong
Konstitusyonal ang binuo ng
Pamahalaang Komonwelt upang
maisakatuparan ang pangarap ni
Quezon.
• Ito’y napapaloob sa Artikulo XIV, Seksyon 3
ng Konstitusyon noong Pebrero 8, 1935.

• "Ang Pambansang Kapulungan ay


magsasagawa ng mga hakbangin tungo sa
paglinang at paggamit ng pambansang wikang
batay sa isa sa umiiral na katutubong mga
wika. Samantalang hindi pa itinatadhana ng
batas, ang Ingles at Kastila ay patuloy na mga
wikang opisyal."
• Kaya, noong Disyembre
30, 1937, inihayag ni
Pangulong Quezon na ang
wikang pambansa ng
Pilipinas ay Tagalog.
• Ang sumusunod ay iba’t
ibang kautusang ipinairal
ng ating pamahalaan
tungkol sa pagkasulong ng
ating wika:
• Nobyembre 7, 1936- Inaprobahan ng
Kongreso ang Batas Komonwelt
Bilang 184 na lumikha ng Surian ng
Wikang Pambansa na naatasang
gumawa ng pag-aaral ng mga
katutubong wika at pumili ng isa na
magiging batayan ng wikang
pambansa.
• Disyembre 30, 1937 - Sa
pamamagitan ng Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 134 ng
Pangulong Quezon, ang
Wikang Pambansa ay ibabatay
sa Tagalog.
• Abril 1, 1940 - Ipinalabas ang
Kautusang Tagapagpaganap na
nagtadhana ng paglilimbag ng isang
balarila at isang diksyunaryo sa
Wikang Pambansa. Ipinahayag pa
ring ituturo ang wikang pambansa sa
mga paaralan sa buong Pilipinas na
nagsimula noong Hunyo 19, 1940.
• Hunyo 7, 1940 - Pinagtibay ng
Batas-Komonwelt Blg. 570 na
nagtadhana na simula sa Hulyo
4, 1946. Ang Wikang
Pambansa ay isa sa mga
opisyal na wika ng bansa.
• Marso 26, 1954 - Nagpalabas ng
isang kautusan ang Pangulong
Ramon Magsaysay sa taunang
pagdiriwang ng Linggo ng Wikang
Pambansa mula sa Marso 29 - Abril
4. Subalit ang petsa ng pagdiriwang
ay inilipat sa Agosto 13-19 tuwing
taon.
• Agosto 12, 1959- Tinawag
na Pilipino ang Wikang
Pambansa ng lagdaan ni
Kalihim Jose Romero ng
Kagawaran ng Edukasyon
ang Kautusang Blg 7.
• Oktubre 24, 1967- Nilagdaan
ni Pangulong Marcos ang isang
kautusang nagtatadhana na ang
lahat ng mga gusali at mga
tanggapan ng pamahalaan ay
panganlan sa Pilipino.
• Marso, 1968 - Ipinalabas ni
Kalihim Tagapagpaganap,
Rafael Salas, ang isang
kautusan na ang lahat ng
pamuhatan ng liham ng mga
kagawaran, tanggapan at mga
sangay nito ay maisulat sa
• Agosto 7, 1973- Nilikha ng
Pambansang Lupon ng Edukasyon
ang resolusyong nagsasaad na
gagamiting midyum ng pagtuturo
mula sa antas elementarya hanggang
tersyarya sa lahat ng paaralang
pambayan o pribado at pasisimula sa
taong panuruan 1974--75.
• Hunyo 19, 1974 - Nilagdaan ni
Kalihim Juan Manuel ng
Kagawaran ng Edukasyon at
Kultura ang Kautusang
Pangkagawaran Blg.25 para sa
pagpapatupad ng edukasyong
bilingwal sa lahat ng kolehiyo at
pamantasan.
•Artikulo XIV ng
Konstitusyon 1987
- Wika
•Sek. 6 - Ang Wikang
Pambansa ng
Pilipinas ay Filipino.
• Sek. 7 -Ukol sa mga layunin
ng Komunikasyon at
pagtuturo, ang mga wikang
opisyal ng Pilipinas ay Filipino
at hangga’t walang
itinatadhana ang batas, Ingles.
• Sek. 8 - Ang Konstitusyong
ito ay dapat ipahayag sa
Filipino at Ingles at dapat
isalin sa mga pangunahing
wikang panrehiyon, Arabic
at Kastila.
• Sek. 9 - Dapat magtatag ang Kongreso ng
isang Komisyon ng Wikang Pambansa na
binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang
mga rehiyon at mga disiplina na
magsasagawa, mag-uugnay at
magtataguyod ng mga pananaliksik sa
Filipino at iba pang mga wika para sa
kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap
at pagpapanitili.
• Agosto 25, 1988 - Ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 335 ay
ipinalabas at nilagdaan ni
Pangulong Corazon Aquino na
nagtatadhana ng paglikha ng
Komisyong Pangwika na siyang
magpapatuloy ng pag-aaral ng
Filipino.
Filipino Bilang Wika ng
Komunikasyon sa
Kolehiyo at Mas Mataas
na Antas
• Maraming programang pantelebisyon ang
umusbong tulad ng “Batibot”, “Hiraya
Manawari”, at “Bayani”. Tatlong henerasyon
ng kabataan ang patuloy na makagugunita kina
Pong Pagong, Manang Bola, Kikong Matsing
at Kuya Bodji na pantapat ng mga de-
Amerikanisadong Pilipino sa Sesame Street,
Barnie at Dora the Explorer. Hindi rin
malilimot ng henerasyong ito ang mga cartoon
na Tom Sawyer, Julio at Julia, Cedie at Voltes
V at marami pang iba.
Ang Pinagkaiba ng
Filipino sa Tagalog
• Basahin ang artikulo ni Isagani Cruz na may
pamagat na “Ano ang Pagkaiba ng Filipino
sa Tagalog?” na may kinalaman sa usaping
pangwika sa bansa.

• FILIPINO: Magiging boluntaryo ang


pagturo sa Filipino.
• TAGALOG: Ang pagtuturo sa Filipino ay
kusangloob.
• Ayon kay Teresita Maceda na
naging Direktor ng Sentro ng
Wikang Filipino sa Unibersidad
ng Pilipinas, ang dahilan sa pag-
alis ng pag-ulit ng unang pantig
ng salitang-ugat ay ang
impluwensiya ng mga wikang
bernakular na tulad ng Cebuano.
Bilang pagbubuod, may
anim na nailatag si Cruz
hinggil sa pinagkaiba ng
dalawang wika.
• Una, sa Tagalog ay hindi ginagamit
ang panghalip na siya para tukuyin
ang hindi tao, pero sa Filipino ay
karaniwan nang ginagamit ang siya
para sa mga bagay.
Halimbawa’y “Maganda siya.”
Maaaring hindi tao at hindi man
lamang buhay ang tinutukoy ng siya;
maaaring kotse o damit o kulay.
• Ang unang narinig kong gumamit ng
feature na ito ay ang mga taga-Davao
noon pa mang 1969. Doon, ang
dalawa o higit pang softdrink na coke
ay cokes. Sa kamaynilaan ngayon,
hindi ginagamit ang Tagalog na mga
parent ko kundi ang Filipinong
parents ko; halimbawa’y sa “strict
ang parents ko.”
• Ikalawa, sa Tagalog ay hindi
karaniwang dinaragdagan ng -s
ang isang pangngalang isahan
para gawing maramihan ito. Sa
halip ay gumagamit ng pantukoy,
pamilang, o pang-uri na tulad ng
napansin ni Santos.
• Ikatlo, sa Davao ko pa rin unang narinig
ang paggamit ng mag- sa halip ng -um- sa
mga pandiwa. Hindi karaniwang
umaakyat ng bahay ang Davaoeños,
kundi nag-aakyat o nag-akyat. Kung
sabagay ay sa Timog-Katagalugan ay
talaga namang napapalitan ang –um- ng
mag-; sa Parañaque lamang, na
napakalapit na sa Maynila, ay nakain sila
sa halip ng kumain.
• Gaya nga ng sinabi ni Ma. Lourdes
Bautista sa isang papel na binasa niya
noong 1989 sa kumperensya ng
Language Education Council of the
Philippines: “It is clear that the affix used
for English verbs in actor focus is mag-
and never –um- (perhaps because it is
easier to use a prefix than an infix), and
therefore this reinforces the
predominance of mag- over -um-”.
• Ikaapat, at ito’y suhestyon ni Barry
Miller. Sa Tagalog ay i- ang ginagamit sa
tinatawag nina Otanes na benefactive-
focus na pandiwa (310). Ang -an ay
karaniwang directional-focus (301). Ito
ang dahilan kung bakit, sa libro nina
Teresita Ramos at Bautista tungkol sa
mga pandiwa ay ibili ang benefactive-
focus at bilhan ang directional-focus
(1986: 37).
• Ikalima, sa Tagalog ay laging inaalis ang
sobra sa isang katinig sa isang klaster ng
katinig kung inuulit ang isang pantig.
Halimbawa’y nagpiprisinta ang sinasabi sa
Tagalog dahil ginagawang p na lang ang
klaster na pr sa inuulit na pantig na pri. Sa
Filipino ay ginagamit ang buong klaster;
samakatwid, nagpriprisinta o magprapraktis.
Hindi na takot sa klaster ang Filipino, di tulad
ng Tagalog na hangga’t maaari’y umiiwas sa
nagkukumpul-kumpulang katinig.
• Ikaanim, dahil laganap na ang Filipino
sa kabisayaan, hindi na maaaring ibatay
lamang ito sa Tagalog na tulad ng nais
mangyari ng mga Tagalista. Napakarami
ng mga Bisaya at hindi makatarungan na
sila ang babagay sa mga Tagalog gayong
napakaunlad na ng lungsod ng Cebu at
lingua franca ng Visayas at Mindanao
ang wikang Cebuano.
MARAMING
SALAMAT

Inihanda ni:
GERON T. LUMAPAY

You might also like