You are on page 1of 26

Q1 AP6 Module 3 - APM

secondary education (Universidad de Zamboanga)

Studocu is not sponsored or endorsed by any college or university


Downloaded by Edward Hunter C. Balaba (hunterkurusaki@gmail.com)
6
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 3:
Ang Panahon ng
Himagsikang Pilipino

Downloaded by Edward Hunter C. Balaba (hunterkurusaki@gmail.com)


Araling Panlipunan– Ikaanim na Baitang
Self-Learning Module
Unang Markahan – Modyul 3: Ang Panahon ng Himagsikang Pilipino
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi
sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng
ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa
mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mgaakda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Roldan B. Blasquez
Editor: Amelia S. Lacerna at Rosemarie T. Realino, PhD
Tagasuri: Roldan L. Roperos , Rosemarie T. Realino, PhD at Deah Love B. Arlan
Tagaguhit: Delfin M. Albores
Tagalapat: Roldan B. Blasquez
Tagapamahala: Reynaldo M. Guillena, CESO V
Emma A. Camporedondo, CESO VI Basilio
P. Mana-ay Jr., CESE
Alma C. Cifra, EdD Amelia
Lacerna
Aris B. Juanillo, PhD
Fortunato B. Sagayno

Inilimbag sa Pilipinas ng

Department of Education – Region XI Davao City

Office Address : DepEd Davao City Division, E. Quirino Ave.,


Davao City, Davao del Sur, Philippines
Telefax : (082) 224 0100
E-mail Address : info@deped-davaocity.ph

Downloaded by Edward Hunter C. Balaba (hunterkurusaki@gmail.com)


6

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 3:
Ang Panahon ng
Himagsikang Pilipino

Downloaded by Edward Hunter C. Balaba (hunterkurusaki@gmail.com)


PaunangSalita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang AralingPanlipunan 6 ng Self-Learning


Module (SLM) Modyul para sa araling Ang Pahahon ng Himagsikang Pilipino.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para saGuro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii

Downloaded by Edward Hunter C. Balaba (hunterkurusaki@gmail.com)


Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa AralingPanlipunan 6 ng Self-learning Module (SLM)


Modyul ukol sa Ang Panahon ng Himasikang Pilipino!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mgasagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan


o pupunan ang patlang ng
pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon
o realidad ng buhay.

iii
Downloaded by Edward Hunter C. Balaba (hunterkurusaki@gmail.com)
Tayahin Ito ay Gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang
Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong Gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi saPagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga Gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwaglalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga Gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
ring humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasamasabahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv

Downloaded by Edward Hunter C. Balaba (hunterkurusaki@gmail.com)


Alamin

Sa panahon natin ngayon, nararapat lamang na mayroon tayong mga


ideya o kaalaman tungkol sa kung paano nakipaglaban ang ating mga
bayani para makamit ang minimithing kalayaan. Ito ay nagsisilbing
inspirasyon natin sa kasalukuyang nagaganap sa ating bansa at kung paano
natin ipaglaban ang ating mga karapatan sa maayos na paraan.

Pagkatapos ng araling ito, matutuhan mo ang sumusunod:

1. Nasusuri ang mga pangyayaring naganap sa Panahon ng


Himagsikang Pilipino.

2. Natutukoy ang mga dahilan sa pagkakaroon ng Himagsikang


Pilipino.

3. Napahahalagahan ang pakikipaglaban ng mga bayaning Pilipino sa


Panahon ng Himagsikan.

Halina’t simulan natin ang pag-aaral sa modyul na ito.

Downloaded by Edward Hunter C. Balaba (hunterkurusaki@gmail.com)


Subukin

Punan ang mga patlang at piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot.Isulat
ang sagot sa iyong kuwardeno.

Kasunduan sa Biak-na-Bato Kumbensiyon sa Tejeros


Andres Bonifacio Emilio Aguinaldo
Katipunero Sigaw sa Pugad-Lawin

1. Si ang nagtatag ng Katipunan.


2. Ang ay ang kasunduang pinagtibay na
naghihiwalay ng Pilipinas sa Espanya.
3. Ang naging unang pangulo ng rebolusyonaryong pamahalaan ay si
.
4. Ang mga sumapi sa katipunan ay tinatawag na .
5. Sa ay naitatag ang isang Rebolusyonaryong
Pamahalaan noong Marso 22, 1897.

Downloaded by Edward Hunter C. Balaba (hunterkurusaki@gmail.com)


Aralin
Ang Panahon ng
3 Himagsikang Pilipino
Ang pakikipaglaban ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol ay
nagsisilbing inspirasyon natin kung paano natin ipaglaban ang ating
karapatan sa pahanong ito. Kaya dapat nating ipagmalaki ang mga bayaning
nakipaghimagsik sa mga kolonyalistang Espanyol na sumakop sa ating
bansa. Dahil bahagi tayo ng ating kasaysayan, mahalagang malaman natin
kung paano nakipaglaban ang mga bayani natin upang makamit lamang ang
ating kalayaan.

Balikan

Balikan mo ang mga nakaraang aralin sa pamamagitan ng gawaing


Ano at Sino Ako. Tukuyin ang mahahalagang tauhan at detalye tungkol sa
Katipunan. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.

1. Ako ang kinilalang Supremo ng Katipunan. Sino ako?

2. Ako ang opisyal na pahayagan ng KKK. Ano ako?

3. Ako ang lihim na samahang may layunin na lumaya ang Pilipinas


mula sa Espanya. Ano ako?

4. Ako ang Utak ng Katipunan. Sino ako?

5. Ako ang dahilan kung bakit itinatag ang Katipunan. Ano ako?

Downloaded by Edward Hunter C. Balaba (hunterkurusaki@gmail.com)


PaalalasaGuro
Basahin at ipaunawa nang mabuti ang mga panuto sa bawat
hakbang at gawain. Ipaalala sa mag-aaral na gumamit ng
hiwalay na papel sa pagsulat ng kanilang sagot sa mga
gawain. Lahat ng sagutang papel at mga proyektong nagawa
ay ipapasa sa guro upang mabigyan ng nararapat na marka.

Tuklasin

May nabalitaan ka ba sa telebisyon, social media o sa radyo tungkol


sa mga karahasang naganap sa ating bansa o maging sa ibang bansa dulot
ng pakikipaglaban sa kaniyang sariling paniniwala ? Kung meron man,
maari mo ba itong isulat sa papel kung saan at kailan ito nangyari, at anong
dahilan kung bakit ito nangyari?
Habang isinusulat mo ang iyong sagot; ano ang naging damdamin mo?
Maaring iyan din ang damdaming naramdaman ng mga Pilipino noong
panahon ng himagsikan laban sa mga Espanyol.

Alam mo bang sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol ay nakita


ng mga Pilipino na hindi madadaan sa tahimik na paraan ang ginawang
pang- aalipusta at pang-aapi ng mga ito sa atin? Kung kaya’t gumawa sila ng
paraan upang makipaglaban sa pamamagitan ng dahas upang masupil ang
mga mananakop. Marahil ay naniwala sila sa kasabihang : Kung ‘di
madadaan sa santong dasalan, daanin sa santong paspasan. Ito ang
paniniwala ng isang matapang at magiting na pangkat na tinatawag na
Katipunan.

Maliban dito, ano-ano kaya ang mga nangyayari sa panahon ng


paghihimagsik ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol?

Downloaded by Edward Hunter C. Balaba (hunterkurusaki@gmail.com)


Suriin

Ang Himagsikang Pilipino ay nagpapakita ng kabayanihan at


pagmamahal ng mga manghihimagsik sa kalayaan na nararapat na tularan
ng mga Pilipino sa kasalukuyan.

Narito ang mga pangyayaring naganap sa panahon ng himagsikang


Pilipino.

Ang Sigaw sa Pugadlawin

Noong ika-23 ng Agosto 1896; si Andres Bonifacio; ang Ama ng


Katipunan o mas kilala sa tawag na Supremo ay nagpatawag ng
pagpupulong sa mga pinuno ng samahan upang mapagkasunduang
simulan na ang

himagsikan dahil sa pagkakabunyag ng lihim ng Kataas-taasan, Kagalang-


galangan Katipunan ng mga Anak ng Bayan o KKK. Nabunyag ito nang
mangumpisal si Teodoro Patino kay Padre Mariano Gil nang sila ay
magkaroon ng hidwaan ni Apolonio de la Cruz.

Ito ay isang natatatanging pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas na


binubuo ng mahigit limandaang Katipunero.Sabay-sabay nilang pinunit ang

5
Downloaded by Edward Hunter C. Balaba (hunterkurusaki@gmail.com)
kani-kanilang sedula nang buong pagmamalaki at katapangan at sabay-
sabay na sumigaw ng “Mabuhay ang Pilipinas” ; bilang pagpapatunay ng
kanilang tuluyang pagtiwalag sa pamumuno ng mga Espanyol sa Pilipinas.
Ito ay tinatawag na Sigaw sa Pugadlawin. Lumaganap ito sa ibat-ibang
panig ng bansa. Ito ay pinangungunahan ng mga lalawigan ng Batangas,
Bulacan, Cavite, Laguna, Nueva Ecija, Pampanga, Maynila at Tarlac na
sumisimbolo sa walong sinag ng araw sa ating watawat. Ngunit ang
nakalulungkot nito ay nahati sa dalawang pangkat ang Katipunan. Ang
Magdalo na kampi kay Emilio Aguinaldo; at ang Magdiwang na panig naman
kay Andres Bonifacio.

Tejeros Convention
Dahil sa pagkakaroon ng dalawang paksiyon ng Katipunan,
nagkaroon ng pagpupulong sa Tejeros; isang baryo sa San Francisco de
Malabon, Cavite noong ika-22 ng Marso, 1897. Ito ay may layunin na bumuo
ng plano at pagkilos upang patatagin ang depensa sa Cavite. Ito ay
tinatawag ngayong Tejeros Convention. Itinatag dito ang isang
Rebolusyonaryong Pamahalaan. Nagkaroon ng halalan at si Emilio
Aguinaldo ang nanalo bilang pangulo at si Andres Bonifacio naman bilang
Direktor ng Interyor. Subalit tinutulan ni Daniel Tirona ang pagkapanalo ni
Bonifacio sapagkat tanging may pinag- aralan lamang ang nararapat sa
posisyon at hindi raw isang abogado si Bonifacio. Nabastos si Bonifacio at
nagdamdam ito, kaya bilang tagapangulo ng pagpupulong at bilang
Supremo ng Katipunan pinawalang-bisa niya ang resulta ng nasabing
halalan.

Downloaded by Edward Hunter C. Balaba (hunterkurusaki@gmail.com)


6

Downloaded by Edward Hunter C. Balaba (hunterkurusaki@gmail.com)


Gayunpaman, malakas ang loob ng grupong Magdalo at itinuloy ang
pagpapairal ng eleksiyon.Nanumpa pa rin si Aguinaldo bilang pangulo.
Itinuring nila na hadlang si Bonifacio sa bagong pamahalaan kaya’t dinakip
nila ito kasama ang kanyang kapatid na si Procopio at inakusahan sa salang
rebelyon. Pinatawan ng parusang kamatayan ang magkapatid kahit wala
itong mabisang ebidensya. Sila ay hinatulan na nagkasala ng pagtataksil sa
bayan o sedisyon. Ngunit binago ni Aguinaldo ang hatol at ginawa na
lamang ang pagpapatapon ng magkapatid sa malayong lugar upang hindi na
makahahadlang pa sa mga plano ng Rebolusyonaryong Pamahalaan. Subalit
binawi nila ulit ang plano na pagpapatapon sa magkapatid dahil sa
paniniwalang magpapatuloy na mahahati ang kilusan hangga’t nabubuhay si
Bonifacio. Kaya, binaril ang magkapatid na sina Bonifacio at Procopio noong
Mayo 10, 1897 sa Bundok Buntis sa Maragondon, Cavite.

Kasunduan sa Biak-na-Bato
Tuluyang nanghina ang mga naghimagsik dahil sa pagkamatay ni
Bonifacio. Unti-uting nasakop muli ng mga Espanyol ang teritoryo ni
Aguinaldo. Muling nasakop ni Gobernador-Heneral Primo de Rivera ang
Cavite kung kaya’t nagpalipat-lipat ang samahan ni Aguinaldo. Nakarating
sila sa bayan ng San Miguel Bulacan noong Hunyo 1897. Nagandahan si
Aguinaldo sa nasabing lugar na maging pugad at himpilan nila. Kaya’t noong
Nobyembre 1,1897 ay itinatag ni Aguinaldo ang Republika ng Biak –na-Bato
sa may bahagi ng bulubundukin ng Sierra Madre. Pinagtibay nina Felix
Ferrer at Isabelo Artacho ang Saligang batas na hinango sa Batas ng Cuba.
Nakasaad sa batas ang paghihiwalay ng Espanya sa Pilipinas at ang patuloy
na kalayaan nito mula sa mananakop.

Maraming ginawa ang mga Espanyol sa pangunguna ni Godernador-


Heneral Primo de Rivera upang mapasuko ang mga ito ngunit hindi sila
nagtagumpay. Kung kaya’t noong Disyembre 1897 ; nagpasya sila na itigil
na ang rebolusyon at tuluyang makipagkasundo. Nagpadala ng kinatawan
ang Gobernador-Heneral subalit hindi nakipag-usap si Aguinaldo. Kung
kaya’t si Pedro Paterno ay nagboluntaryong mamagitan sa dalawang panig.

Downloaded by Edward Hunter C. Balaba (hunterkurusaki@gmail.com)


Noong Disyembre 20, 1897 pinagtibay ng kapulungang
rebolusyonaryo sa Biak-na-Bato ang papeles na tinatawag ngayong
Kasunduang Biak-na- Bato. Humantong sa tatlong kasunduan
pangkapayapaan. Una, ihinto ni Aguinaldo ang himagsikan. Pangalawa,
itinakda rito ang pagbabayad ng pamahalaang Espanyol ng halagang
800,000 piso kapalit ng boluntaryong pagpapatapon kina Aguinaldo sa
Hongkong at pagsuko ng rebolusyon. Nilagdaan ito ng dalawang panig na
humantong sa tatlong bahagi: 400,000 piso para kay Aguinaldo matapos
itong umalis sa Biak-na-Bato patungong Hongkong; 200,000 piso kapag
naisuko na ang mga armas; at 200,000 piso matapos maisagawa ang Te
Deum sa katedral ng Maynila at maiproklama ang pangkalahatang
amnestiya. At ang pangatlo ay babayaran ng 900,000 piso ng Gobernador-
Heneral ang mga pamilyang napinsala na hindi naman kasama sa
himagsikan.

Ngunit, naging maganda man ang layunin ng kasunduan, ito pa rin ay


nabigo dahil sa kawalan ng pagtitiwala ng magkabilang panig. Naghinala
ang mga Pilipino sa totoong layunin ng mga mananakop kaya hindi nila
isinuko ang kanilang mga armas.Wala silang balak na ihinto ang himagsikan
upang makamit nila ang pinakamimithing kalayaan sa mga mapang-aping
Espanyol.

Sa araw ng Pasko, iprinoklama ni Aguinaldo ang pagwawakas ng


rebolusyon bago siya tumulak patungong Hongkong. Sa kabila nito,
nagpatuloy ang pakikipaglaban ng mga rebolusyonaryo.

Downloaded by Edward Hunter C. Balaba (hunterkurusaki@gmail.com)


Pagyamanin

Gawain A
Suriin at isulat ang mga dahilan ng mga sumusunod na pangyayari.
Isulat ang sagot sa iyong kuwardeno.

Sigaw sa Pugadlawin Kumbensiyon sa Tejeros

Kasunduan sa Biak na Bato

Gawain B
Pagsunod-sunurin ang mga pangyayaring naganap sa Panahon ng
Himagsikan. Lagyan ng bilang 1 – 5 sa patlang.Isulat ang sagot sa iyong
kuwardeno.
Kasunduan sa Biak-na-Bato
Pagkakabunyag ng Katipunan
Sigaw sa Pugadlawin
Tejeros Convention
Pag-alis ni Aguinaldo papuntang Hongkong

Downloaded by Edward Hunter C. Balaba (hunterkurusaki@gmail.com)


Gawain C
Isulat sa loob ng mga sinag ng araw ang walong lalawigang nanguna
sa himagsikan na siyang sumisimbolo sa ating pambansang watawat.Isulat
ang sagot sa iyong kuwardeno.

Walong lalawigan
Nanguna sa
Himagsikan

10

Downloaded by Edward Hunter C. Balaba (hunterkurusaki@gmail.com)


Isaisip

Punan ng angkop na salita ang mga patlang upang mabuo ang


pangungusap. Gamitin ang mga salitang iyong napag-aralan. Isulat ang sagot
sa iyong kuwaderno.

1. Si ang nagtatag ng katipunan o Kataas-taasan,


Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK) at
kinikilalang Ama o Supremo ng katipunan.

2. ang tawag sa mga sumapi sa samahan.

3. Dahil sa pangungumpisal ni kay Padre Mariano Gil


; nabunyag ang lihim ng Katipunan.

4. Ipinatawag ni Bonifacio noong ang mga pinuno ng


Katipunan upang simulan ang paghihimagsik.

5. Itinatag ang isang pamahalaan sa Tejeros


Convention noong Marso 22, 1897 at nanalo bilang pangulo si
at Direktor ng Interyor si .

6. Pinagtibay ang Saligang batas ng Biak-na-Bato noong


na nagsasaad ng paghihiwalay ng Pilipinas
sa Espanya.

11

Downloaded by Edward Hunter C. Balaba (hunterkurusaki@gmail.com)


Isagawa

Ngayon ay nais kong malaman ang iyong saloobin ukol sa paksang ito.
Gumawa ka ng sanaysay tungkol sa iyong sariling
pananaw/opinyon/reaksiyon sa tanong na nasa loob ng kahon. Isulat sa
papel ang iyong sagot. Gawing gabay ang pamantayan na nasa ibaba.

Sang-ayon ka ba sa paraan ng pakikipaglaban ng mga Pilipino


gamit ng dahas o sa pamamagitan ng rebolusyon? Kung ikaw ay nasa
sitwasyong kailangan mong ipaglaban ang iyong karapatan, sa anong
paraan mo ito gagawin?

Pamantayan sa Pagmamarka ng Reaksyong Papel

Mga Krayterya 4 3 2 1
Organisasyon Mahusay ang Maayos ang May lohikal na Hindi maayos
(4 puntos) pagkasunod- pagkasunod organisasyonn ang
sunod ng -sunod ng gunit hindi organisasyon
ideya sa ideya sa masyadong at walang
kabuuan ng talata may mabisa ang panimula at
talata, mabisa angkop na panimula at konklusyon.
ang panimula simula at konklusyon.
at malakas konklusyon.
ang
konklusyon
na batay sa
ebidensya.

A. Lalim ng Napakalalim Malalim na Mababaw at Napakababaw


Repleksyon na makikita makikita hindi gaanong at walang pag-
(4 puntos) ang pag- ang dati at makikita ang uugnay ang
uugnay ng bagong pag-uugnayan dati at bagong
dating kaalaman. ng dating at kaalaman.
kaalaman at bagong
karanasan sa kaalaman.
bagong
kaalaman.
B. Paggamitnng Napakamahus Mahusay Maraming Kailangan
Wika at ay ang dahil malisa baguhin dahil

12

Downloaded by Edward Hunter C. Balaba (hunterkurusaki@gmail.com)


Mekaniks. (4 paggamit ng kakaunti grammar at halos lahat ng
na puntos) wika, walang lamang ang baybay pangungusap
mali sa mali sa ganundin sa ay may malisa
grammar, grammar, gamit ng grammar,
baybay, at baybay, at bantas. baybay at
gamit ng gamit ng gamit ng
bantas, may bantas. bantas.
mayamang
bokabularyo.
C. Presentasyon Malinis at Malinis May Mahirap
(4 na maayos ang ngunit hindi kahirapang basahin, hindi
puntos) pagkakasulat maayos ang unawain ang maayos at
ng talata. pagkakasula pagkakasulat malinis ang
t ng talata. ng mga pagkakasulat
pangungusap. ng talata.
D. Pamamahala Ginamit ang Natapos at Natapos at Naisumite
ng Oras (4 sapat na oras naisumite naisumite ngunit hindi
puntos) upang ihanda isang araw isang lingo handa at
at tapusin at pagkatapos pagkatapos ng kulang o hindi
naisumite sa ng takdang takdang oras. tapos.
takdang oras. oras.
Kabuuan
(20 puntos)

Tayahin

Basahin at sagutin ang mga tanong sa bawat bilang. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.

1. Kailan naganap ang Sigaw sa Pugadlawin?

a. Agosto 21, 1896 c. Agosto 22, 1896


b. Agosto 23, 1896 d. Agosto 20, 1986

2. Sino ang tinaguriang Ama ng Katipunan o kilala sa tawag na


Supremo ?

a. Emilio Aguinaldo c. Andres Bonicafio


b. Emilio Jacinto d. Apolinario Mabini

13

Downloaded by Edward Hunter C. Balaba (hunterkurusaki@gmail.com)


3. Ano ang sinisimbolo ng walong sinag ng araw sa
ating Pambansang Watawat?
a. Walong araw na pakikibaka ng mga Pilipino
b. Walong namumuno sa pakikipaglaban
c. Walong lalawigan na nanguna sa pakikipaglaban
d. Walong kasamahan ni Bonifacio na nakibaka

4. Ano ang naging dahilan kung bakit humina ang paghihimagsik ng mga
Pilipino at muling nasakop ng mga Espanyol ang iba’t ibang lugar na
nasakop ni Aguinaldo?

a. Pagkamatay ni Bonifacio
b. Pagkawatak-watak ng mga miyembro
c. Pagkaroon ng paksiyon ng mga Pilipino
d. Pagpunta ni Aguinaldo sa Hongkong

5. Sino ang namagitan sa dalawang panig nina Aguinaldo at


Gobernador- Heneral de Rivera upang magkasundo ang mga ito?

a. Pedro Patiñ o c. Teodoro Patiñ o


b. Daniel Tirona d. Pedro Paterno
6. Ano ang pamahalaang naitatag sa Kumbensiyon sa Tejeros?
a. Rebolusyonaryo c. Komonwelt
b. Diktatoryal d. Demokrasya
7. Sino ang tumutol sa pagkakapanalo ni Bonifacio bilang Direktor ng
Interyor sa Kumbensiyon sa Tejeros?
a. Pedro Patiñ o c. Teodoro Patiñ o
b. Daniel Tirona d. Pedro Paterno
8. Kailan pinagtibay ang Kasunduan sa Biak-na-Bato?

a. Hunyo 12, 1897 c. Nobyembre 1,1897


b. Hulyo 4, 1946 d. Agosto 23, 1896

14

Downloaded by Edward Hunter C. Balaba (hunterkurusaki@gmail.com)


9. Bakit hindi naging matagumpay ang kasunduan sa Biak-na-Bato?

a. Dahil hindi nagustuhan ng mga Espanyol ang hinihingi ng


mga Pilipino
b. Dahil hindi nagustuhan ng mga Pilipino ang mga probisyon
nito
c. Dahil sa kawalan ng tiwala ng bawat panig sa isa’t isa
d. Dahil hindi makatwiran ang ginawa ng mga Espanyol

10. Saang batas hinango ang pagpapatibay ng Saligang Batas ng Biak-


na-Bato?
a. Batas ng Estado Unidos c. Batas ng Hongkong
b. Batas ng Espanya d. Batas ng Cuba

Karagdagang Gawain

Lagyan ng Tama ang patlang kung ang nakasalungguhit na salita sa


pangungusap ay wasto. Kung ito ay mali, isulat ang tamang salita para
mabuo ang wastong diwa. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
1. Nabunyag ang lihim ng KKK dahil sa pangungumpisal ni
Teodoro Patiñ o kay Prade Mariano Gil.

2. Si Andres Bonifacio ang naging pangulo ng


Rebolusyonaryong Pamahalaan.

3. Pinagtibay ang kasunduan sa Biak-na-Bato noong


Disyembre 1, 1897.

4. Nahirang bilang Direktor ng Interyor si Bonifacio sa


naganap na halalan.

5. Ang pangkat ng Magdiwang ay mga kampi ni Emilio


Aguinaldo.

15

Downloaded by Edward Hunter C. Balaba (hunterkurusaki@gmail.com)


Susi sa Pagwawasto

16

Downloaded by Edward Hunter C. Balaba (hunterkurusaki@gmail.com)


Sanggunian
Biyak-na-Bato. (2015). In V. Almario (Ed.), SagisagKultura (Vol 1). Manila:
National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from
https://philippineculturaleducation.com.ph/biyak-na-bato/
Kumbensiyong Tejeros. (2015). In V. Almario (Ed.), SagisagKultura (Vol 1).
Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from
https://philippineculturaleducation.com.ph/kumbensiyong-tejeros/

17

Downloaded by Edward Hunter C. Balaba (hunterkurusaki@gmail.com)


Para sa mga pangutana o komento, sulat o tawag sa:
Department of Education –Region XI

DepEd Davao City Division, E. Quirino Ave., Davao


City, Davao del Sur, Philippines
Telefax:(082) 224 0100
Email Address: info@deped-davaocity.ph

18

Downloaded by Edward Hunter C. Balaba (hunterkurusaki@gmail.com)

You might also like