You are on page 1of 3

Pakitang-turo sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 – Kahulugan ng Respeto

(Existentialism)
I. Layunin

A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pagunawa sa konsepto ng katarungang panlipunan.

B. Pamantayang Pagganap
Natutugunan ng magaaral ang pangangailangan ng kapwa o pamayanan sa mga angkop na
pagkakataon.

C. Pamantayan sa Pagkatuto
Nakikilala ang mga palatandaan ng katarungang panlipunan (EsP9KPIIIc-9.1).

D. Paghahabi ng Layunin

1. Natutukoy ang kahulugan ng katarungan at katarungang panlipunan ayon


kay St. Tomas Aquinas at Dr. Manuel Dy, Jr.

2. Nakikilala ang mga palatandaan ng katarungang panlipunan.

II. Nilalaman

A. Markahan: Ikalawang Markahan


Aralin: Katarungan

B. Sanggunian:
Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Learning Material: pages 130-144
Edukasyon sa Pagpapakatao 9 CG
English-Filipino Dictionary

C. Kagamitang Panturo:

LCD Projector, powerpoint slides, picture gallery, video clip, ESP 9 Learner’s
Material, microphone (optional)

III. Pamamaraan

1. PANALANGIN
2. PAGTUKOY SA MGA LAYUNIN NG ARALIN
(nasa Paghahabi ng Layunin)

3. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN


Gawain 1. Checklist ng Pagiging Makatarungan
Panuto: Lagyan ng tsek ang gilid ng mga pangungusap kung ito ay tumutukoy s aiyo.
Pagkatapos. Bilangin kung ilan ang mga pangungusap na iyong sinag-ayunan tungkol sa
iyong sarili.
Pamprosesong Tanong: Ayon sa ginawang gawain, ano ang pagkaalam mo sa katarungan?
Naisasagawa mo bai to? Bakit? Bakit hindi?

4. PAGLINANG NG KAALAMAN, KAKAYAHAN AT PAG-UNAWA


Gawain 1. Tsartwork (Pangkatang Gawain)
1. Sa pamamagitan ng isang tsart, tutukuyin ng mga mag-aaral ang mga paglabag sa
katarungan ng mga sumusunod: tagapamahala at mamamayan.

2. Pagkatapos ang mga mag-aaral ay susuriin ang bawat paglabag na ito ayon sa mga
sumusunod.
a. Sanhi o dahilan
b. Mga epekto ng mga ito sa buhay ng tao
c. Mga epekto sa lipunan
d. Mga paraan ng paglutas ng mga paglabag upang mapanumbalik ang minimithing
Katarungang Panlipunan.

5. PAGPAPALALIM
Sa tulong ng slide presentation, tatalakayin ng guro sa klase ang mga sumusunod:
1. Ang kahulugan ng katarungan

-Ayon kay St. Tomas Aquinas ang katarungan ay pagbibigay sa kapwa ng


nararapat sa kanya.

-Ayon kay Dr. Manuel Dy Jr., ito ay isang pagbibigay at hindi pagtanggap.
Pamprosesong Tanong:
1. Paano natin naibibigay sa kapwa ang nararapat sa kanila?

6. PAGHINUHA NG BATAYANG KONSEPTO

Sa loob ng isang malaking puso, isulat ang limang salita na maiuugnay mo sa salitang
katarungan.

7. PAGSASABUHAY NG PAGKATUTO
A. Pagsasabuhay
Sa iyong kwaderno, magbigay ng mga halimbawa ng katarungan at kawalan ng katarungan sa
mga sumusunod na lugar/pook:
1. Tahanan
2. Paaralan
3. Bansa

B. Pagninilay
Gumawa ng isang slogan na nagpapaalala sa nakararami ng mga palatandaan ng
katarungan.

Inihanda ni

Jeran Angel P. Facal, RPm, LPT


Master of Arts in Teaching

You might also like