You are on page 1of 18

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

GRADO 8
IKAAPAT NA MARKAHAN
ARALIN 4.3
Panitikan : Florante at Laura (SA BABASA NITO)
Wika : Tayutay
Bilang ng Araw : 4 Sesyon

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F8PN-IVc-d-34)


 Nailalahad ang mahahalagang pangyayari sa napakinggang
aralin.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F8PB-IVc-d-34)


 Nasusuri ang mga pangunahing kaisipan ng bawat kabanatang
binasa.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F8PT-IVc-d-34)


 Nabibigyangkahulugan ang :
-matatalinghagang ekspresyon
- tayutay
- simbolo

PAGSULAT (PU) (F8PU-IVc-d-36)


 Naisusulat sa isang monologo ang mga pansariling damdamin
tungkol sa:
- pagkapoot
- pagkatakot
- iba pang damdamin.

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F8WG-IVc-d-36)


 Nagagamit ang ilang tayutay at talinghaga sa isang simpleng
tulang tradisyunal na may temang pag-ibig.

Ikaapat na Markahan | 37
TUKLASIN
I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F8PN-IVc-d-34)


 Nailalahad ang mahahalagang pangyayari sa napakinggang aralin.

II. PAKSA

Panitikan : Florante at Laura (SA BABASA NITO)


Wika : Tayutay
Kagamitan : Laptop, projector, makukulay na pantulong na
Biswal, aklat ng Florante at Laura
Sanggunian : Pinagyamang Pluma 8, Florante at Laura
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

1. Gawaing Rutinari
 Panalangin at Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng takdang Aralin
 Balik-aral

2. Presentasyon ng Aralin

Panitikan : Florante at Laura: Saknong 1-6 SA BABASA NITO


Wika : Tayutay

3. Pokus na Tanong
Mungkahing Estratehiya : POKUS SA SALAMIN
Isulat sa loob ng salamin ang mga katanungang nais bigyang linaw at
mabigyang kasagutan.

tanong tanong tanong tanong

tanong tanong tanong tanong

Sanggunian: (larawan) https://media.wdrake.com/images/p337761b.jpg

Ikaapat na Markahan | 38
Pokus na Tanong ng Aralin 4.3
 Bakit mahalagang tuparin ang tagubilin/kahilingan ng kapwa?
 Paano nakatutulong ang mga tayutay sa pagpapaganda ng isang
akdang pampanitikan?

AKTIBITI
4. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya : VIDEOCLIP VIEWING
Pagpapanood sa mga mag-aaral ang “Sa Aking Pagtanda: Sulat ni Inay
at Tatay”

“Sa Aking Pagtanda: Sulat ni Inay at Tatay”

Sanggunian: https://youtu.be/-Yi-64hTkis

 Pag-uugnay ng gawain sa bagong aralin.

ANALISIS

1. Ano-ano ang mga pangyayari mula sa napanood na akda?

2. Ilahad ang mga pangyayari kapag tumatanda ang ating mga


magulang

3. Paano daw dapat itrato at alagaan ang magulang sangayon sa


napanood na akda/tula?

4. Isa-isahin ang mga kahilingan ng magulang sa kanyang anak, kaya


mo bang tuparin ang mga kahilingang ito? Paano?

 Pagbibigay ng Input ng Guro

ALAM MO BA NA…

Ang ikalimang utos ng Diyos sang-ayon sa Bibliya (Exodo 19:16–


25; 20:22) ay IGALANG MO ANG IYONG AMA AT INA. Bilang Kristiyano
at anak ng Diyos, nararapat na igalang at sundin ang mga tagubilin at
hiling ng ating mga magulang sapagkat sila ang dahilan kaya tayo
nabubuhay sa mundo.

Sanggunian: https://www.lds.org/manual/old-testament-stories/chapter-19-the-ten-
commandments?lang=tgl

Ikaapat na Markahan | 39
ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya : GENIE IN A BOTTLE


Hanapin kung aling Genie ang nagtataglay ng mga salitang may
kaugnayan sa aralin pagkatapos ay bumuo ng konsepto gamit ang
mga salitang napili mo.

magulang sundin magdabog

Tagubilin at
mahalaga hiling
pabayaan

Sanggunian: (larawan) https://s-media-cache-


ak0.pinimg.com/236x/c7/fd/a8/c7fda82f668bdb8c0ab5cfe069922346.jpg

Mahalagang sundin ang mga tagubilin at hiling ng ating mga


magulang bilang tanda ng ating pagmamahal sa kanila.

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya : I-TANAGA MO SA PUSO KO


Sumulat ng tanaga nagpapakita ng pagsunod mo sa tagubilin ng
iyong mga magulang.

Halimbawa:
Ika’y pagsisilbihan
Aral isasapuso
Pakikinggan palagi
Ng may ngiti sa labi.

IV. KASUNDUAN
1. Bakit mahalagang sundín ang kahilingan hindi lamang ng mga
magulang kundi ng kapwa?

2. Basahin ang Saknong 1-6 ng Florante at Laura, humanda sa


talakayan sa klase.

Ikaapat na Markahan | 40
LINANGIN
I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F8PB-IVc-d-34)


 Nasusuri ang mga pangunahing kaisipan ng bawat kabanatang binasa.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F8PT-IVc-d-34)


 Nabibigyang kahulugan ang :
-matatalinghagang ekspresyon
- tayutay
- simbolo

II. PAKSA

Panitikan : Florante at Laura (SA BABASA NITO)


Wika : Tayutay
Kagamitan : Laptop, projector, makukulay na pantulong na
Biswal, aklat ng Florante at Laura
Sanggunian : Pinagyamang Pluma 8, Florante at Laura
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

1. Gawaing Rutinari
 Panalangin at Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng takdang Aralin
 Balik-aral

2. Presentasyon ng Aralin

Panitikan : Florante at Laura: Saknong 1-6 SA BABASA NITO


Wika : Tayutay

AKTIBITI
1. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya : WISH KO ‘YAN!
Pahuhulaan kung sinong mga tao ang may kahilingan/tagubilin ng mga
sumusunod.
“Makiki-ipud na ho pauna…siyaman ho yan, siyaman!”
(DRAYBER)

Ikaapat na Markahan | 41
“Bawal kumain ng maaalat at mataas ang kolesterol. Mag-eksersays
ng kaunti.” (DOKTOR)

“Pakisuot ng ID at uniporme bago pumasok para sa inspeksyon.”


(GWARDYA)

“’Wag susulatan at pipilasin ang mga pahina ng aklat.” (LIBRARIAN)

 Pag-uugnay ng naunang gawain sa gagawing pagbasa.

2. Paglinang ng Talasalitaan
Mungkahing Estratehiya : SALAMIN, SALAMIN: ALIN ANG
PARA SA AKIN?
Itambal ang angkop na salaming nagtataglay ng tamang
kahulugan sa mga mambabasa ng Florante at Laura.

irog mawatasan pantas


dustain katkatin

bubot tumarok

eksperto umintindi mahal hilaw

maunawaan laitin suriin

SAGOT: Irog-mahal, tumarok-umintindi, bubot-hilaw, pantas-eksperto,


dustain-laitin, katkatin-suriin, mawatasan-maunawaan

Sanggunian: (larawan) https://thumbs.dreamstime.com/x/none-18523160.jpg


https://s-media-cache-
ak0.pinimg.com/236x/db/50/93/db5093c359e834345c2cd7b8450d4039.jpg

Ikaapat na Markahan | 42
 Pagpapanood/Pagbasa ng Saknong 1-6 Sa Babasa Nito

SA BABASA NITO

1
Salamat sa iyo, O nanasang irog,
kung halagahan mo itong aking pagod;
ang tula ma'y bukal ng bait na kapos,
pakikinabangan ng ibig tumarok.

2
Kung sa biglang tingi'y bubot at masaklap,
palibhasa'y hilaw at mura ang balat;
nguni't kung namnamin ang sa lamang lasap,
masasarapan din ang babasang pantas.

3
Di ko hinihinging pakamahalin mo,
tawana't dustain ang abang tula ko;
gawin ang ibigi't alpa'y nasa iyo
ay huwag mo lamang baguhin ang berso.

4
Kung sa pagbasa mo'y may tulang malabo,
bago mo hatulang katkatin at liko,
pasuriin muna ang luwasa't hulo,
at makikilalang malinaw at wasto.

5
Ang may tandang letra alinmang talata,
di mo mawatasa't malalim na wika,
ang mata'y itingin sa dakong ibaba,
buong kahuluga'y mapag-uunawa.

6
Hanggang dito ako, O nanasang pantas,
sa kay Sigesmundo'y huwag ding matulad;
Sa gayong katamis wikang masasarap
ay sa kababago ng tula'y umalat.

Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8, Alma M. Dayag, et. al

Ikaapat na Markahan | 43
 Pangkatang Gawain

1 Mungkahing Estratehiya
GAMESHOW
2 Mungkahing Estratehiya
TV PATROL NEWS
Piliin mula sa akda at bigyang REPORTING
kahulugan ang matatalinhagang
ekspresyon at mga simbolismong
Hanapin mula sa akda ang mga
ginamit. tayutay na ginamit at bigyan ito
ng kahulugan.

3 Mungkahing Estratehiya 4 Mungkahing Estratehiya


PANTOMINA
FACE TO FACE
Ipakita ang mensahe ni
Suriin ang pangunahing kaisipan
Fransisco Baltazar sa unang
ng kabanatang nabasa.
anim na saknong ng Florante at
Laura.

RUBRIKS SA PANGKATANG GAWAIN


BATAYAN Napakahusay Mahusay Di-gaanong Nangangailangan
Mahusay ng Pagpapabuti
Nilalaman Lubos na Naipahatid ang Di-gaanong Di naiparating
at Organisasyon naipahatid ang nilalaman o naiparating ang nilalaman o
ng mga Kaisipan nilalaman o kaisipan na ang nilalaman kaisipan na nais
o Mensahe kaisipan na nais iparating o kaisipan na iparating sa
(4) nais iparating sa manonood nais iparating manonood (1)
sa manonood (3) sa manonood
(4) (2)
Istilo/Pagkamalik Lubos na Kinakitaan ng Di-gaanong Di kinakitaan ng
hain kinakitaan ng kasiningan ang kinakitaan ng kasiningan ang
(3) kasiningan ang pamamaraang kasiningan ang pamamaraang
pamamaraang ginamit ng pamamaraang ginamit ng
ginamit ng pangkat sa ginamit ng pangkat sa
pangkat sa presentasyon pangkat sa presentasyon
presentasyon (2) presentasyon (0)
(3) (1)
Kaisahan ng Lubos na Nagpamalas ng Di-gaanong Di nagpamalas
Pangkat o nagpamalas ng pagkakaisa ang nagpamalas ng pagkakaisa
Kooperasyon pagkakaisa ang bawat ng pagkakaisa ang bawat
(3) bawat miyembro sa ang bawat miyembro sa
miyembro sa kanilang miyembro sa kanilang gawain
kanilang gawain (2) kanilang (0)
gawain (3) gawain (1)

 Presentasyon ng bawat pangkat.


 Pagbibigay ng feedback ng guro at mag-aaral.
 Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na
nagpakita ng kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa
rubriks na ibinigay ng guro.

Ikaapat na Markahan | 44
ANALISIS

1. Ano-anong habilin ang nakapaloob sa mga saknong ng “Sa Babasa


nito”?

2. Bakit isa sa mga inihabilin ni Balagtas na huwag baguhin ang berso


ng kanyang tula? Nararapat bang igalang at hindi baguhin ang
akda ng may-akda?

3. Ano kaya ang sinisimbolo ng salitang Sigesmundo sa saknong


bilang 6?

4. Maiuugnay ba sa mga saknong ng aralin ang salawikaing “Huwag


mong husgahan ang aklat sa kanyang pamagat”? Ipaliwanag.

 Pagbibigay ng input ng guro.

ALAM MO BA NA…
Taglay ng mga aralin sa saknong sa araling ito ang mga habilin I
Balagtas para sa mga babasa ng kanyang akda. Nag-iwan siya ng habilin
upang higit na mapahalagahan at maunawaan ng mga mambabasa ang
kabuoan ng akda. Inaasahan niyang kapag nasunod ang mga habiling ito
ay higit na mapahahalagahan ng mga mambabasa ang kanyang obra
maestra.

Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8, Alma M. Dayag et. al

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya : PIC-CONNECT


Buuin ang konsepto o ideya ng aralin tinalakay gamit ang mga
larawan.

Ikaapat na Markahan | 45
Pagsagot sa Pokus na Tanong Blg. 1. Mahalagang tuparin/ sundin ang
kahilingan upang maiwasan ang di pagkakaunawaan at maipakita an
gating paggalang sa ating kapwa.

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya : VIA AIR MAIL


Sumulat ng isang liham kahilingan sa isang politiko hinggil sa
isyung pangkalinisan / pangkapayapaan sa inyong barangay.

EBALWASYON

Panuto : Hanapin at bilugan sa loob ng pangungusap ang


kasingkahulugan ng salitang may salungguhit.
1. Matapos dustain ang karakter ni Amor, nagsimula na siyang gumanti
at apihin din ang mga Buenavista.

2. Ang taong marunong ay ginagalang sapagkat pantas siya sa kanyang


larangan.

Panuto : Sagutin ang mga katanungan. Piliin at isulat ang letra


ng tamang sagot.
3. Alin sa mga sumusunod na salawikain ang angkop gamitin sa araling
tinalakay?
a. “Nasa Dyos ang awa, nasa tao ang gawa.”
b. “Huwag mong husgahan ang aklat sa kanyang pabalat.”
c. “Ang ‘di lumingon sa pinanggalingan, ‘di makararating sa
paroroonan.”
d. “Walang matimtimang birhen sa matyagang manalangin.”

4. Ang mga sumusunod ang kahilingan ni Balagtas sa mga mambabasa


maliban sa:
a. Huwag baguhin ang berso.
b. Suriin ang luwasa’t hulo.
c. tawana’t dustain ang tula
d. tingnan ang kahulugan ng matalinhagang salita sa baba

5. Kanino hindi ibig matulad ni Francisco Baltazar?


a. Sidesmundo
b. Sigesmundo
c. Sitesmundo
d. lahat ng nabanggit

Ikaapat na Markahan | 46
SUSI SA PAGWAWASTO

1.APIHIN 2.PANTAS 3.C 4.C 5.B

INDEX OF MASTERY
Seksyon Bilang ng Mag-aaral Indeks
Diligence
Discipline
Courage
Courtesy
Devotion

IV. KASUNDUAN

1. Paano mo maipakikita ang pag-aaruga kapag dumating na ang


panahon na ang ating magulang ay hindi na makatulong sa mga
gawain?

2. Magsaliksik sa kahulugan ng tayutay, magtala ng tig-tatatlong


halimbawa nito.

Ikaapat na Markahan | 47
PAUNLARIN
I. LAYUNIN

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F8WG-IVc-d-36)


 Nagagamit ang ilang tayutay at talinhaga sa isang simpleng tulang
tradisyunal na may temang pag-ibig.

II. PAKSA

Wika : Tayutay (Apostrophe, Paglilipat wika)


Kagamitan : Pantulong na biswal, mga larawan mula sa google
Sanggunian : Florante at Laura
Bilang ng Araw: 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

1. Gawaing Rutinari

 Panalangin at Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng takdang Aralin
 Balik-aral

2. Presentasyon ng Aralin

Tayutay na Apostrope o Pagtawag at Palilipat-wika

AKTIBITI
3. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya: AKROSTIK
Bigyang kahulugan o halimbawa ang salitang TAYUTAY sa
pamamagitan ng akrostik sa ibaba.

TAYUTAY
Ikaapat na Markahan | 48
 Pag-uugnay ng naunang gawain sa aralin.
 Pagbasa muli ng Saknong 1-6 “Sa Babasa Nito”.
 Pangkatang Gawain
Basahin ang mga saknong sa tula sa masining na
pamamaraan.

1 Mungkahing Estratehiya
RAP
2 Mungkahing Estratehiya
READER’S THEATRE
Salamat sa iyo, O nanasang irog, Kung sa biglang tingi'y bubot at
kung halagahan mo itong aking masaklap,
pagod; palibhasa'y hilaw at mura ang balat;
ang tula ma'y bukal ng bait na nguni't kung namnamin ang sa lamang
kapos, lasap,
pakikinabangan ng ibig tumarok. masasarapan din ang babasang
pantas.
Kung sa biglang tingi'y
bubot atEstratehiya
masaklap,
3 Mungkahing Estratehiya 4 Mungkahing
palibhasa'y
KORO hilaw at mura
TULAWIT
Kung sa pagbasa mo'y may tulang Hanggang ditoang
ako,balat;
O nanasang
malabo, pantas,
nguni't kung namnamin
bago mo hatulang katkatin at liko, sa kay Sigesmundo'y huwag ding
pasuriin muna ang luwasa't hulo, ang matulad;
sa lamang lasap,
at makikilalang malinaw at wasto. Sa gayongmasasarapan
katamis wikang din ang
masasarap
babasang pantas.
ay sa kababago ng tula'y
umalat.
RUBRIKS SA PANGKATANG GAWAIN
BATAYAN Napakahusay Mahusay Di-gaanong Nangangailangan
Mahusay ng Pagpapabuti
Nilalaman Lubos na Naipahatid ang Di-gaanong Di naiparating
at Organisasyon naipahatid ang nilalaman o naiparating ang nilalaman o
ng mga Kaisipan nilalaman o kaisipan na ang nilalaman kaisipan na nais
o Mensahe kaisipan na nais iparating o kaisipan na iparating sa
(4) nais iparating sa manonood nais iparating manonood (1)
sa manonood (3) sa manonood
(4) (2)
Istilo/Pagkamalik Lubos na Kinakitaan ng Di-gaanong Di kinakitaan ng
hain kinakitaan ng kasiningan ang kinakitaan ng kasiningan ang
(3) kasiningan ang pamamaraang kasiningan ang pamamaraang
pamamaraang ginamit ng pamamaraang ginamit ng
ginamit ng pangkat sa ginamit ng pangkat sa
pangkat sa presentasyon pangkat sa presentasyon
presentasyon (2) presentasyon (0)
(3) (1)
Kaisahan ng Lubos na Nagpamalas ng Di-gaanong Di nagpamalas
Pangkat o nagpamalas ng pagkakaisa ang nagpamalas ng pagkakaisa
Kooperasyon pagkakaisa ang bawat ng pagkakaisa ang bawat
(3) bawat miyembro sa ang bawat miyembro sa
miyembro sa kanilang miyembro sa kanilang gawain
kanilang gawain (2) kanilang (0)
gawain (3) gawain (1)

Ikaapat na Markahan | 49
 Presentasyon ng bawat pangkat.
 Pagbibigay ng feedback ng guro at mag-aaral.
 Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na
nagpakita ng kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa
rubriks na ibinigay ng guro.

ANALISIS

1. Ano ang napansin ninyo sa mga saknong ng tula?


2. Paano naging mas higit masining ang tula?
3. Basahin ang nagpapakita ng tayutay at ibigay ang uri nito.

 Pagbibigay ng Input ng Guro

ALAM MO BA NA…
Ang tayutay ay salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyan
diin ang isang kaisipan o damdamin. Sinasadya ng pagpapayahag na
gumagamit ng talinghaga o di-karaniwang salita o paraan ng
pagpapahayag upang bigyan diin ang kanyang saloobin.
MGA URI NG TAYUTAY
 Apostrope o Pagtawag - isang panawagan o pakiusap sa isang bagay
na tila ito ay isang tao.
 Paglilipat-wika - tulad ng pagbibigay-katauhan na pinasasabagay ang
mga katangiang pantao, na ginagamit ang pang-uri.

Sanggunian: https://tl.wikipedia.org/wiki/Tayutay

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya : BAYONG NG KARUNUNGAN


Pagsunod-sunurin ang bayong upang mabuo ang tamang konsepto ng
araling tinalakay.

Ng kariktan nakaradag Ng tayutay


dag

sa isang ang
tula paggamit

Ikaapat na Markahan | 50
Pagsagot sa Pokus na Tanong Blg. 2. Nakaradagdag ng kariktan sa
isang tula ang paggamit ng mga tayutay.

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya : ON MY OWN


A. Magbigay ng pangungusap gamit ang tayutay na apostrophe at
paglilipat wika.
B. Sumulat ng isang tula na may temang pag-ibig gamit ang mga
tayutay o talinhagang napagtalakayan.

EBALWASYON

Panuto: Kilalanin kung ang mga sumusunod na saknong mula sa


tula ay:
A. Apostrophe o pagtawag
B. Paglilipat wika

2. Masdan natin an gating


1. Sa pagkuha ng kapaligiran,
pagsusulit Kay tahimik ng ulap sa
Masunuring lapis ako’y gabayan kalangitan
Mga wastong sagot aking mapili ‘Di kaya nagbabadya ng
pag-ulan
Para pasado ako sa pagsusulit!
Dapat ba natin itong
paghandaan.

4. kay liwanag ng kalangitan


3. O, pag-ibig Ang buhay ko’y bigyan mo ng
Nasaan ka? kaligtasan,
Bigyan mo ng kulay ang aking O buwan, ika’y saksi ng aking
buhay paghihirap
Halina o Pag-ibig! Kaya palagi mo akong gabayan!

5.O, Panibugho, panibugho


Ikaw’y kaaway ng dalawang pus
Na tapat nagmahalan.

Ikaapat na Markahan | 51
SUSI SA PAGWAWASTO
1. Paglilipat wika 2. Paglilipat-wika 3. Apostrophe
4.paglilipat-wika 5. apostrope

INDEX OF MASTERY
Seksyon Bilang ng Mag-aaral Indeks

IV. KASUNDUAN

1. Muling magsanay sa pagkatha ng tula gamit ang tayutay na


apostrophe at paglilipat wika na may temang pagmamahal sa
magulang.
2. Magsaliksik ng halimbawa at paraan ng pagsulat ng isang
monologo.

Ikaapat na Markahan | 52
ILIPAT
I. LAYUNIN

PAGSULAT (PU) (F8PU-IVc-d-36)


(1) Naisusulat sa isang monologo ang mga pansariling damdamin
tungkol sa: Pagkapoot, Pagkatakot, Pagkatuwa, Pagkalungkot, at
iba pang damdamin

II. PAKSA

Pagsulat ng Awtput 4.3


Kagamitan : Pantulong na biswal, mga larawan mula sa
google
Sanggunian : Pinagyamang Pluma 8 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

1. Gawaing Rutinari
 Panalangin at Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagpapasa ng Takdang Aralin
 Balik-aral

AKTIBITI
2. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya : LAYTS, KAMERA, AKSYON!
Pagsasadula ng mag-aaral ng eksena sa pelikula, parehas niyang
i-aarte ang linya ng tauhan.
 Pag-uugnay sa susunod na gawain.

 Pagpapanood ng halimbawang monologo.

MONOLOGO NG ISANG BALIW


Sanggunian: https://youtu.be/joWTh_Fu_DU

 Pagbibigay ng input at halimbawa ng guro sa pagsulat ng


monologo.

Ikaapat na Markahan | 53
 Pagtalakay sa Awtput sa tulong ng GRASPS
G R A S P S

GOAL Nakasusulat ng isang monologong nagpapakita


ng pansariling damdamin tulad ng galit o lungkot.

Ikaw ay nagnanais na maging miyembro ng


ROLE
Dulaan o Theatro sa inyong paaralan.

Mga hurado, guro at kapwa kamag-aaral.


A U D I E N CE

Ikaw ay mag-aawdisyon upang maging kasapi ng


SITUATION
Dulaan sa inyong paaralan at magmomonologo.

P R O DU C T Monologo na nagpapakita ng pansariling


damdamin tulad ng galit, lungkot o tuwa.

Mga Pamantayan 5 4 3 2 1
S T A N D AR D Maliwanag at nalapatan ng
wastong damdamin ang
monologo.
Naiangkop ang damdaming
ginamit sa diwa ng isinulat
na monologo.
Kawili-wili at nakahihikayat
ang monologo.

LEYENDA
5 – Napakahusay 2 – Di-mahusay
4 – Mahusay 1 – Sadyang di-
3 – Katamtamang Husay mahusay

 Pagkuha ng mga awtput na ginawa ng bawat mag-aaral.

IV. KASUNDUAN

1. Ano-anong mga damdamin ang namayani sa iyo habang sumusulat


ka ng isang monologo? Nakatulong ba ito upang makapagpahayag
ka ng iyong sarili?

2. Muling balikan ang Talambuhay ni Francisco Baltazar, sino ang


naging inspirasyon niya upang isulat ang Florante at Laura?

Ikaapat na Markahan | 54

You might also like