You are on page 1of 3

Ang kwintas

Main roles: Aliah as Mathilde


Lance as Loisel
Kate as Madam Foreister

All: Ang Kwintas


Boys: Isang araw may magandang babaeng nagngangalang..
Girls: Mathilde!! (with emotions ha dapat parang tinatawag nyo)
Nejie and Lei: Napakaganda ngunit hindi marunong makuntento
Boys: Maligalig
Girls: Mataray
All: Masyadong madaming gusto
Aliah: Hayy biruin mo sa ganda kong ito hindi manlang ako nakapangasawa ng
mayaman. Walang kagana gana ang buhay ko, kailan kaya ako sasaya?
Krisdan and Khyle: Isang gabi..
*/ kakatok
Lance: Mahal! May dala ako para sayo. Buksan mo ang sobre at tiyak na ika’y
matutuwa sa aking regalo.
Aliah: Imbetasyon?
All: Imbetasyon?
Aliah: Oh nabasa ko na, anong gagawin ko dyan ngayon?
Lance: Hindi ka ba natutuwa? Hirap na hirap akong makuha yan.
Aliah: Anong gusto mong gawin ko? Tumalon? Sumigaw sa tuwa? Kahit hindi naman
talaga ako natuwa.
Lance: Bakit naman hindi ka natuwa?
Aliah: Sino ba namang matutuwa kung na imbetahan ka ngunit wala kang maganda at
marangyang maisusuot?
Lance: Kung bilhan kita pupunta na ba tayo roon? Magkano ba ang bagong bestida?
Girls: Labis na natuwa si Mathilde at sinabing
Aliah: Mga 400 na prangko
Boys: Ginawan ni ginoong Loisel ng paraan ang makabili neto.
Girls: Ngunit imbis na matuwa ay lalong nagalit si Mathilde
Lance: Oh anong problema? Bagay na bagay naman sayo ang bestida
All: Sabi ni ginoong Loisel
Aliah: Bagay nga ngunit wala naman akong maiternong kahit anong palamuti.
All: Napakadaming gusto
Lance: Pwede namang sariwang bulaklak, bagay naman sayo pati uso!
Girls: Nabahala si Mathilde sa pagdalo, lalo lamang syang namroblema.
Lance: Manghiram ka nalang kaya sa kaibigan mo? Si… madam forestier!
Angela and Niel: At nanghiram nga si Mathilde sa kanyang kaibigan.
Aliah: Madam Forestier? Madam Foreister?
Girls: Tawag ni Mathilde sa kanyang matalik na kaibigan
Kate: Oh Mathilde, napadalaw ka yata?
Aliah: Eh kasi.. hihiram sana akong alahas sayo. Kahit.. ayun oh! Yung kwintas.
Kate: Walang probelma, may tiwala naman ako na iingatan mo yan.
Lei: At nakahiram nga si Mathilde sa kanyang kaibigan.
Nejie: Dumalo nga sina Mathilde sa okasyon
Girls: Madaming nakipagsayaw sa kanya dahil sya ang pinakamagandang babae doon.
Boys: Inabot na sila hanggang madaling araw at agad ring naglakad pauwi.
Aliah: Loisel! Loisel! Ang kwintas! Nawawala!
Lance: Ha?! Intay akin hahanapin!
All: Binalikan ni Loisel ang mga pinuntahan nila ngunit hindi nila mahanap ang kwintas.
Aliah: Loisel pano na toh? Kailangan kong maibalik ang kwintas. Alam ko na! Maghanap
na lamang tayo ng bago! Yung kamukhang kamukha nung kwintas!
Lance: Pero napakalaking halaga non! Mahigit 3400 na prangko
Aliah: Loisel.. gawin mo naman toh para sakin. Please?
All: At ginawa nga ito ni ginoong Loisel. Naibalik nila ang kwintas ngunit lalo lamang
silang naghirap dahil nito.
Girls: Lumipas ang 10 taon, tumanda na ang itsura ni Mathilde. Bigl ana lamang silang
nagkita ni Madam Forestier.
Aliah: Madam!
Kate: Sino ka?
Aliah: Ako toh si Mathilde ano ka ba naman
Kate: Anong nangyari sayo? Bakit tila amas mukha ka pang matanda kesa sa tunay
mong edad.
Boys: Kinuwento ni Mathilde kung paano sila naghirap ni Loisel dahil naiwala nya ang
kwintas ni madam Forestier.
Kate: Ano ka ba! Dapat nagging totoo ka nalang sakin. Isa pa, peke ang kwintas na iyon
nasa 500 daang prangko lang siguro yun. Magkaibigan tayo dapat sinasabi mo sakin
ang katotohanan at ang mga gumugulo saiyong isipan.
Aliah: Sana pala nakuntento nalang ako. 10 taon kaming naghirap ni Loisel, sana nakita
ko kung saan ako tunay na mayaman, sa pagmamahal. Binago nitong kwintas ang
buhay ko.

You might also like