You are on page 1of 4

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 5

PAMANTAYANG PANGNINILAMAN: Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa sa bahaging ginampanan


ng kolonyalismong Espanyol at pandaigdigang koteksto ng reporma sa pag-usbong ng kamalayang
pambansa attungo sa pagkabuo ng Pilipinas bilang isang nasyon

PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Nakapagpapahayag ng pagmamalaki sa pagpupunyagi ng mga


makabayang Pilipino sa gitna ng kolonyalismong Espanyol at sa mahalagang papel na ginagampanan nito
sa pag-usbong ng kamalayang pambansa tungo sa pagkabuo ng Pilipinas bilang isang nasyon

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO: Natatalakay ang mga pandaigdigang pangyayari bilang konteksto ng


malayang kaisipan tungo sa pag-usbong ng pakikibaka ng bayan 2.2 Paglitaw ng kaisipang “La Ilustracion”
(AP5PKB-IVd-2)

I. LAYUNIN :
a. Nakapagbibigay ng kahulugan ng Illustrado.
b. Napapahalagahan ang mga nagawa ng mga illustrado sa pag usbong ng makabayang Pilipino.
c. Nakabubuo ng isang scrapbook na nag papakita ng mga mabuting nagawa ng mga illustrado

II. PAKSANG ARALIN :


A. Paksa : Paglitaw ng kaisipang Illustrado.
B. Sanggunian: (AP5PKB-IVd-2)
Google/Wikepidia.com
Kayamanan pp. 168, 224-225
Pagsulong at Pagbabago pp. 195-196, 253
Isang Bansa, Isang Lahi, pp. 151-152,199-200
C. Kagamitan: Laptop, Projector, Manila Paper and Envelope.
Pagpapahalaga: Napapahalagahan ang mga nagawa ng mga illustrado.

III. PAMAMARAAN :

A. Panimulang Gawain
1. Pampasiglang Awitin
2. Balitaan - ISYU SULIRANIN SOLUSYON PAGPAPAHALAGA
3. Balik-aral : Tukuyin kung anong antas ng mamamayan noong panahon ng Kolonyalismo ang
mga sumusunod.
_____1. Sila ay mga anak ng mga Pilipinong nahaluan ng dugong Espanyol.MESTIZO
_____2. Mga Espanyol na ipinanganak sa Pilipinas mula sa parehong Espanyol na
magulang.INSULARES
______3. Sila ay mga katutubong Pilipino na ipinanganak sa Pilipinas kabilang ang mga
magsasaka,mangagagawa at mangingisda. INDIO
_____4. Sila ang mga Pilipinong mayayaman at nagkaroon ng katungkulan sa
pamahalaan,PRINCIPALIA
_____5. Sila ay mga Espanyol na ipinanganak sa Espanya at namalagi sa kolonya,
PENINSULARES

4.Pagganyak: Ang guro ay magpapakita ng mga larawan.

Graciano Lopez Jaena M.H. Del Pilar Hen, Antolnio Luna Dr. Jose Rizal

Mga Gabay na Tanong:


1.Sinu- sino ang nasa larawan?
2. Anu ang tawag sa kanila? ILUSTRADO
3. Bakit sila tinatawag na mga illustrado? Edukadong Pilipinong mula sa pamilyang may kaya

B. Panlinang na Gawain
1. Pangkatang Gawain

* Pangkat Rizal:
Pagbuo ng isang AKRONYM ng salitang “ILUSTRADO”

* Pangkat Jaena:
Magsabi ng mga kaugnay na salita, parirala na maiiugnay sa salitang “ La Ilustracion”,
gamit ang semantic web.

La Ilustracion

* Pangkat Del Pilar:


1. Ano ang tawag sa panggitnang uri ( middle class ) ng lipunan sa Pilipinas sa panahon
ng malayang kaisipan?
2. Sinu-sino ang mga bumubuo rito?
3. Ano ang kanilang pangunahing minimithi sa mga mananakop?
*Pangkat Luna:
Bigyang kahulugan ang islogan ng Rebolusyong Pranses, “ Kalayaan, Pagkakapantay-
pantay at Kapatiran”.

2. Pagsusuri/Pagtatalakyan
1. Anu ang ang ibig sabihin ng ILLUSTRADO?
2. Ang mga Illustrado ay binubuo ng mga ______________, _________ sa ating bansa.
3. Sino-sino ang mga bayani na kilala bilang mga illustrado?
4. Anu ang kanilang nagawa sa ating bansa?
5. Anu ang ginawa nila noon sila ay nakapagaral sa ibang bansa at naging ganap na mga illustrado,
sila ay nag lakas loob na _______________
ILUSTRADO- Ito ay binubuo ng mayayamang negosyante at mangangalakal. Pinag aral
sila ng kanilang mga magulang sa ibanang bansa katulad sa Espanya. Dahil sa kanilang katayuan
sa buhay nag lakas loob sila na pangunahan ang paghili ng pag babago at kalabanin ang mga
abusadong prayle at espanyol at ipagtanggol ang karapatan ng mga Pilipino.
Mga Adhikain:
1. Magkaroon ng pagkakapantay-pantay ang mga Pilipino at mga kastilang kolonyal.
2.Pag babagong pampolitikal, pananampalataya at pang ekonomiya.
3. Ang Pilipinas ay mayroon ng representasyon sa Parlimentatyang probinsya ng Espanya
4. Pagkakapantay-pantay sa karapatan ng mga lihitimong Espanyol at Pilipino.

3. Paglalahat
Nakatulong ba ang pag-aaral ng mga Pilipino sa ibang bansa upang maging pantay ang katayuan
at karapatan ng mga Pilipino sa mga banyagang Espanyol? Paano?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalapat: Isulat sa patlang kung Tama o Mali.
______1. Ang Illustrado ay binubuo ng mayayamang negosyante at mga mangangalakal.
______2. Dahil sa kanilang katayuan bilang isang illustrado nag lakas loob silang
pangunahan ang paghiling ng pagbabago at kalabanin ang mga abusadong prayle at espanyol.
______3. Ang mga Illustrado ay naging ganap na mga kaanib ng mga espanyol pag katapos
nilang mag aral sa ibang bansa.
______4. Pinag-aral ng mga pilipinong negosyante at mangangalakal ang kanilang mga
anak sa ibang bansa upang maging isang edukadong tao.
______5.Ang adhikain ng mga illustrado ang Pagbabagong politikal at pananampalataya pang
ekonomiya.
2. Pagpapahalaga
Bilang isang mag-aaral, paano mo pahahalagahan ang mga nagawa ng mga ilustrado sa pag-
usbong ng makabayang Pilipino?
IV. PAGTATAYA:
Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong gamit ang mapanuring pag-iisip. Piliin ang titik
ng tamang sagot.
_____1. Sino-sino ang kabilang sa mga “Ilustrado”?
A. Sila ay mayayaman na hindi nakapag-aral
B. Sila ay kabilang sa gitnang uri ng lipunan
C. Sila ay ipinanganak sa Europa ngunit nanirahan sa Pilipinas
D. Sila ay kabilang sa mahihirap na uri ng mamayan
_____2. Ano ang mahalagang gampanin ng mga Ilustrado sa paggising ng diwang makabayan ng mga
Pilipino?
A.Binigyan nila ng ilaw ang mga daan
B .Sila ang nagmulat sa atin ng mga tunay na karapatan ng mga Pilipino
C. Sila ang nangalakal mula Maynila hanggang Acapulco
D. Sila ang nagturo sa atin ng salitang Mandarin.
_____3. Ano ang naging bunga ng paglitaw ng makabagong Filipino na tinawag na Ilustrad?
A. Nabuksan at uminit and damdaming makabayan ng mga Pilipino sa pagdating ng ilang
Espanyol na may kaisipang liberal .
B. Marami ang tumanggi sa kaisipang demokratiko
C. Nagising sila sa katotohanang kailangan ang pagbabago.
D. A at C lamang
_____4. Ang mga sumusunod ay mga bayaning kabilang sa mga ilustrado. Sino ang hindi?
A. Graciano Lopez- Jaena
B. Jose P. Rizal
C. Andres Bonifacio
D. M. H. Del Pilar
_____5. Ang mga sumusunod ay nagpapaliwanag sa kaisipang “La Ilustracion” maliban sa isa. Ano ito?
A. Mula sa “lahi”, ang bagong batayan ay”kayamanan”
B. Pagkamulat sa malayang kaisipan, upang makamit ang pagbabago.
C. Pagpapahalaga sa kaisipang libertad, progreso at katuwiran.
D. Paggamit ng dahas para sa kalayaan ng bansa.

V. TAKDANG ARALIN:
Gumawa ng isang scrapbook na nag papakita ng mga mabuting nagawa ng mga illustrado..

You might also like