You are on page 1of 1

I.

Layunin
a. Naipapaliwanag ang kahulugan ng panloob na Soberanya
b. Nakapagbubuod tungkol sa panloob na Soberanya
c. Naipag-uugnay-ugnay ang panloob na soberanya sa ating bansa
II. Paksang Aralin
a. Paksa: Uri ng Soberanya Panloob na Soberanya
b. Kagamitan: Laptop, Powerpoint
c. Sanggunian: MISOSA Lesson 35-42 (Grade 6) K-12 AP6
d. Pagpapahalaga
Pagpapahalaga sa Panloob na Soberanya ng ating bansa
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagdadasal
2. Pagbati
3. Pagtala ng mga lumiban sa klase
B. Paglinang na Gawain
1. Balik – Aral
Ano ang kahulugan ng Soberanya?
2. Pagganyak
Ano sa tingin ninyo ang simbolo o ang pinapahayag ng nasa larawan?
3. Paglalahad
 Paglalahad ng powerpoint presentation patungkol sa Uri ng
Soberanya.
 Sa tingin ninyo, ano-anu kaya ang nagawa ng ating pamahalaan?
4. Pagtatalakay
 Ano ang mga Gawain, batas at Pamantasan ng ating bansa?
 Ipaskil sa cartolina ang mga Gawain tungkol sa panloob at panlabasa ng
soberanya
5. Paglalapat
- Ano ang kahulugan ng panloob at panlabas na soberanya?
- Gaano kahalaga ang dalawang soberanya?
6. Paglalahat
Bakit mahalaga ang panloob at panlabas na soberanya?
IV. Pagtataya
Magbigay ng mga halimbawa ng tungkol sa panloob at panlabas na soberanya.
V. Takdang Aralin
Magtala ng 5 kahalagahan ng pagkakaroon ng soberanyang panloob.

You might also like