You are on page 1of 5

Diskurso

Ano nga ba ang diskurso? Si Webster (1974) ay may iba’t ibang depinisyon para sa terminong
ito. Ayon sa kanya, ang diskurso ay tumutukoy sa berbal na komunikasyon tulad ng
kumbersasyon. Maaari rin daw itong isang pormal at sistematikong eksaminasyon ng isang
paksa, pasalita man o pasulat, tulad halimbawa ng disertasyon. Samakatwid, masasabing ang
diskurso ay isang anyo ng pagpapahayag ng ideya hinggil sa isang paksa. Masasabi rin, kung
gayon, na ang diskurso, ay sinonimus sa komunikasyon.

Maraming pagkakaiba ang diskursong pasalita at pasulat. May kani-kaniyang kalikasan at


pangangailangan (requirements) ang bawat isa. Sa huling bahagi ng aklat na ito ay higit na
mapagtutuunan ang mga ito. Ngunit maging ano man ang anyo ng diskurso, mahalagang taglayin
ng mga partisipant nito ang komunikatib kompitens at ang linggwistik kompitens.

Ano ang komunikatib kompitens? Tinukoy ito ni Noam Chomsky sa kanyang mga huling akda
bilang pragmatik kompitens o kahusayang pragmatiko na nag-iinbolb sa abilidad ng isang ispiker
upang piliin ang angkop na barayti ng wika para sa isang tiyak na sitwasyong sosyal. Ang
konseptong ito ay tinatawag din minsan bilang sosyolinggwistiks. Ang kompitens na ito ay
nangangailangan ng sensitibiti sa dayalek o rehistro at kaalaman sa mga kultural na reperens
tulad ng pamilyariti sa lipunan, pulitika, kulturang popular, istatus ng mga pangyayaring
panlipunan at iba pa.

Tinukoy ni Lyle Bachman ang dalawang konseptong kaugnay ng kahusayang komunikatibo: ang
tekstwal kompitens o abilidad na sumulat nang may kohisyon at organisasyon, at ang
ilukyusyonari kompitens o ang abilidad na magamit ang wika para sa ideation, manipulasyon,
heuristik (halimbawa, pagkatuto o learning) at imahinasyon.

Ano naman ang linggwistik kompitens? Ito naman ang mental grammar ng isang indibidwal, ang
di-konsyus na kaalaman sa sistema ng mga tuntunin ng wika. Ang terminong ito ay tinatawag ng
maraming linggwista bilang payak na kompitens. Tinawag naman ito ni Bachman na gramatikal
kompitens, na para sa kanya ay nagsasangkot ng di-konsyus na kaalaman sa ponolohiya,
morpolohiya, sintaksis at bokabularyo.

Konteksto ng Diskurso

Ang isang tao ay nakikipagtalastasan sa iba sa anumang oras, espasyo at konteksto. Ang mga
kontekstong iyon ay madalas na ituring bilang mga partikular na kumbinasyon ng mga taong
bumubuo sa isang sitwasyong pangkomunikasyon. Samakatwid, ang konteksto ng isang diskurso
ay maaaring interpersonal, panggrupo, pang-organisasyon, pangmasa, interkultural at
pangkasarian.
Halimbawa:

Konstekstong Interpersonal – usapan ng magkaibigan

Kontekstong Panggrupo – pulong ng pamunuan ng isang samahang pangmag-aaral

Kontekstong Pang-organisasyon – memorandum ng pangulo ng isang kumpanya sa lahat ng


empleyado

Kontekstong Pangmasa – pagtatalumpati ng isang pulitiko sa harap ng mga botante

Kontekstong Interkultural – pagpupulong ng mga pinuno ng mga bansang ASEAN

Kontekstong Pangkasarian – usapan ng mag-asawa

Ngunit ang konteksto ng isang diskurso ay higit na mabuting ipalagay bilang isang paraan ng
pagpokus sa isang tiyak na proseso at epektong pangkomunikasyon. Kung tutuusin kasi, ang
hangganan ng konteksto ng isang diskurso ay abstrakto at mahirap uriin. Pansining laging may
kontekstong interpersonal kahit sa loob ng diskursong panggrupo at organisasyunal. Ang
diskursong pangkasarian ay lagi ring umiiral sa tuwing ang mga taong may magkaibang kasarian
ay nagtatalastasan sa loob man ng iba pang konteksto. Samantala, kapag ang isang teksto ay
ipinararaan sa mga midyang pangmasa at nakararating sa mga taong may iba-ibang kultura,
nagkakaroon ng diskurso sa kontekstong interkultural.

Mga Teorya ng Diskurso: Pahapyaw na Pagtalakay

Ang mga teorya ng diskurso ay hindi naiiba sa mga teorya ng komunikasyon. Ang mga teoryang
ito ay maaaring maging susi sa ganap na pag-unawa sa proseso ng pagdidiskurso o
komunikasyon. Ang mga teoryang ito ay nakatutulong upang tayo ay maging konseptwal at
prediktib. Samakatwid, ang isang tao ay maaaring makagawa ng mga desisyon tungkol sa mga
sitwasyong pangkomunikasyon batay sa mga saliksik ng mga teorista.

Ngunit kailangang isaisip na walang teoryang perpekto. Bawat isa ay may kani-kaniyang
kalakasan at kahinaan. Bilang mga mapanuring mag-aaral, kailangang pagsumikapan ninyong
suriin nang kritikal ang mga positibo at negatibong elemento ng bawat isa.

Pinakapopular na marahil sa mga teoryang ito ang speech act theory at ang ethnography of
communication.

Ang speech act theory ay isang teorya ng wikang batay sa aklat na How to Do Things with
Words ni J.L. Austin (1975). Nakabatay ito sa pangunahing premis na ang wika ay isang mode
of action at isang paraan ng pagko-convey ng impormasyon. Wika nga ni John Seale, All
linguistic communication involves linguistic acts. Ayon sa mga naniniwala sa teoryang ito, ang
yunit ng komunikasyong linggwistik ay hindi ang simbulo, salita o ang pangungusap mismo,
kundi ang produksyon o paglikha ng mga simbulo, salita o pangungusap sa pagganap ng
kanilang tinatawag na speech acts.

Hinati ni Austin ang mga aktong linggwistik na ito sa tatlong komponent. Ang una ay ang aktong
lokyusyonari o ang akto ng pagsasabi ng isang bagay. Ang ikalawa ay ang aktong ilokyusyonari
o ang pagganap/perpormans sa akto ng pagsasabi ng isang bagay. Ang ikatlo ay ang aktong
perlokyusyonari o ang pagsasabi ng isang bagay na kadalasang nagpoprodyus ng mga tiyak na
konsikwensyal na epekto sa damdamin, pag-iisip at aksyon ng tagapakinig, ng ispiker o maging
ng ibang tao. Samakatwid, ang una ay may kahulugan, ang ikalawa’y may pwersa at ang ikatlo’y
may konsikwens.

Samantala, ang ethnography of communication ay nauukol sa pag-aaral ng mga sitwasyon,


gamit, patern at tungkulin ng pagsasalita. Ang pinakasusi ng teoryang ito ay ang pamamaraang
partisipant-obserbasyon na nangangailangan ng imersyon sa isang partikular na komunidad.
Halimbawa, kung nais nating

pag-aralan ang glossolalia (speaking in tongues) na karaniwang makikita sa mga Kristyanong


sekta, kailangan nating dumalo sa mga pagtitipon ng isang sektang Kristyano, makisalamuha sa
kanila at kung maaari’y maging isa sa kanila at mismong aktwal na makaranas ng gayon. Sa
pamamagitan lamang niyon, ayon sa mga teorista nito, tayo magiging pamilyar sa konteksto ng
glossolalia upang maipaliwanag ang tungkuling sosyal nito.

May iba’t ibang teknik na maaaring magamit sa partisipant- obserbasyon:

1. Introspection o ang paggamit ng intuition,

2. Detached Observation o ang di-partisipatoring obserbasyon ng interaksyon sa komunidad,

3. Interviewing o ang istraktyurd na interaksyong berbal sa mga myembro ng komunidad,

4. Philology o ang paggamit ng mga pasulat na materyales,

5. Ethnosemantics o ang pag-aaral ng mga kahulugang kultural,

6. Ethnomethodology o ang detalyadong analisis ng mga kumbersasyon, tinatawag ding diskors


analisis ng mga linggwista, at ang

7. Phenomenology o ang pag-aaral ng kumbersasyon bilang isang problemang penomenolohikal.


Mga uri ng Diskurso

Narativ (pagsasalaysay) – Layunin nitoy magkuwento ng isang pangyayari o kawil ng mga


pangyayari.

Diskriptiv (paglalarawan) – pagpapahayag ng mga layuning magpakita ng mga katangian,


lugar, bagay, pangyayari, tao, o maging ng isang ideya

Ekspositori (paglalahad) – may tunguhing ipaliwanag ang mga pangyayari opinyon, at mga
kaisipan.

Argumentaytiv (pangangatwiran) – may layuning mapaniwala ang kausap o mambabasa ng


mga ganitong pagpapahayag

You might also like