You are on page 1of 3

COLEGIO DE SEBASTIAN – PAMPANGA, INC.

Mac Arthur Highway, San Isidro, City of San Fernando, Pampanga


Telephone No. (045) 455-5237

SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

Reaksyong Papel sa Reyna ng mga


Espada at mga Pusa

Andrea Shantelle B. Lampa

12- FAITH
Kapag nasanay na ang mata mo sa kadiliman, mas malinaw mo nang makikita ang mga
bagay-bagay. Iyan ang napagtanto ni Clutario sa kwento. Ang kwento ay tungkol sa
paglalaro ng solitaryo at ang pagbabalik tanaw sa mga naganap sa nakaraan. Si Clutario
ay isang bilanggo na kung saan matapos ang mahigit apat na dekada ay nabigyan ng
pagkakataon na lumaya sa bias ng Presidential Clemency.Si Clutario ay napaisip kung
tutuusin lang dapat siya ay maging masaya dahil may pagkakataon na siyang lisanin ang
pagka dilim dilim na lugar ngunit taliwas sa kanyang paglaya ang nararamdaman ng
kanyang puso at isipan dahil narin siguro sa sitwasyon na kung saan siya ay uugod ugod
na at wala naring mapupuntahan kung siya ay makakalaya sa bilibid. Pumasok sa
kanyang isipan ang pumatay para mapawalang bisa ang kanyang pagkakataong makalaya
dahil wala narin sa labas ng bilibid ang kanyang kalayaan kundi nakakulong na rin sa
sulok ng kulungan. Sa pagbabalik tanaw ni Clutario sa mga ala alang naipon sa selda sa
mahigit na apat na dekada na kung saan kasama niya si Peng, sa bawat paglilinis ng
kisame at higaan at panghuhuli ng gagamba higit sa lahat ang paglalaro ni Peng ng
solitaryo na kung saan naghahanap siya ng kasagutan sa mga baraha. Matapos ang apat
na dekada yan ang mga bagay na naging kanlungan niya sa kadiliman kaya hindi niya
lubusan maisip na ang kaniyang nakagisnan at ang mga kaibigan ay kanyang iiwan
umabot sa punto na gusto niyang kumitil ng buhay para lang hindi lumaya at magtagal sa
kulungan kasama si Peng. Ang gabi bago ang kinabukasan na kung saan makakalaya na
si Clutario ay nakakulong ang kanyang binti at braso kay Peng na kung saan
nararamdaman niya ang tunay na kalayaan.

Ang kwento ay nagbigay ng iba’t ibang damdamin sa akin. Naramdaman ko yung


pakiramdam ni Clutario na alam mong masaya siya dahil nararamdaman niya ang tunay
na kalayaan kahit na asa lugar siya ng kadiliman dahil sa mga taong nakapaligid na
sakaniya katulad ni Peng. Nakaramdam din ng kalungkutan para kay Clutario at Peng
dahil dumating ang bukas na kailangan ng iwan ni Clutario si Peng dahil pisikal ng lalaya
si Clutario. Nagustuhan ko ang naging daloy ng kwento naguluhan man sa ibang parte
pero may mga aral at napagtanto sa kwento na siyang nagustuhan ko.Hindi ko
nagustuhan ang ibang mga salitang ginamit na kung saan masyadong nde maganda sa
pandinig o medyo bastos.

Mas naging mainam sana kung mas naglagay ng mga mas mainam na salita at mga
magagandang pangyayari tungkol sa pag sosolitaryo ni Peng kasama si Clutario dahil
mukhang naging magulo at mahirap intindihin ang naging eksena sa parte na iyon.
Nagustuhan ko ang napagtanto ni Clutario na kapag nasanay na ang mata mo sa
kadiliman, mas malinaw mo nang makikita ang mga bagay-bagay. Ang aral na napulot ko
diyan ay parang pinaparating na gitna ng kadiliman ay may maliwanag kaparing makikita
kumbaga pagkatapos ng ulan may bahaghari. Mapa maliit man na liwanag yan tandaan
na kahit ang maliit ay kayang makagawa ng malaking pagbabago. Napagtanto korin ang
kahalagahan ng may tao kang nakakasama sa gitna ng kadiliman na siyang nagsisimbulo
ng liwanag para makita ang mga magagandang bagay na tinakpan ng dilim.

Ang buong kwento ay maganda ang naging daloy at maaaring irekomenda sa mga
kaibigan o pamilya na nakakaranas ng kadiliman o malalim na problema.Naguluhan
lamang sa ibang parte na para sa akin ay hindi ganoon nabigyan ng linaw o nahihirapan
intindihin.Nakapulot ako sa kwento ng magandang aral na nagustuhan at tumatak sa
aking isipan. Nakakainip tingnan sapagkat napakahaba ng kwento pero kung iintindihin
ang kanyang konsepto naghahatid ito ng iba’t ibang damdamin sa sino mang
makakabasa.Nagustuhan ko ang konsepto nito na siyang nagtulak sa akin para intindihin
ng mabuti ang kwento at ang nais iparating ng sumulat.

You might also like