You are on page 1of 9

Pangalan: Bhea B.

La-as
Kurso at Taon: BEED/1st year Seksyon: J Iskedyul: _____________________

Aralin 6
MGA TIYAK NA SITWASYONG
PANGKOMUNIKASYON

Topic Title Forum, Symposium, Panayam, Pulong,


Pasalitang Pag-uulat, FGD at Radyo at
Telebisyon

Activating Prior Knowledge


Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Maging komprehensibo at
huwag kopyahin sa internet ang mga sagot. Sagutin ito ng hindi lalagpas sa
tatlong pangungusap. (Limang puntos bawat numero).

1. Sa iyong palagay, ano ang kahalagahan ng kakayahang pangkomunikatibo sa


pagsasagawa ng isang forum at simposyum?
sagot: Sa aking palagay ang kahalagahan ng kakayahang pangkomunikatibo sa
pagsasagawa ng isang forum at simposyum ay magkakaintindihan ang bawat
isa. Ang komunikasyon ay mahala upang maunawan ang sinasabi at ito rin
ang gamit upang makahatid ng balita. Sa pamamagitan ng komunikasyon lahat
ng tao ay nagkakaisa.
2. Sa iyong palagay, paano nakatutulong ang panayam sa paghahanap ng
impormasyon? Paano ginagamit ang panayam sa pananaliksik?
sagot: Nakakatulong ang panayam sa paghahanap ng impormasyon dahil
naghahangad ito na makakuha ng opinion, pangyayari at damdamin.
Ginagamit din ito sa paghahangad na makakuha ng mga pangyayari,
damdamin, opinion at kadahilan sa kanilang napiling pagkilos. At mahalaga ito
na gamitin dahil isa ito sa mga importanting dapat gawin.
3. Ano ang kasanayang natutunan o matututunan mo kapag nag-uulat sa klase?
sagot: Ang kasanayang natutunan ko kapag nag uulat sa klase ay nais mong
ipaintindi ang iyong topic sa iyong mga kaklase. At mabigay sa kanila ang mga
mga mahalang impormasyon at ang kahalagahan nito. Ang aking natutunan
naman ay dapat gamitin talaga ang komunikasyon upang ang bawat isa ay
magkakaintindihan.

Learning Competencies
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

● Naipaliliwanag ang kahulugan at kahalagahan ng mga tiyak na sitwasyong


pangkomunikasyon;
● Naiisa-isa ang mga gabay sa mga tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon;

● Maipaliwanag ang mga sitwasyong pangkomunikasyon ng mga Pilipino sa malikhaing


paraan;

1
● Mapahalagahan ang mga sitwasyong pangkomunikasyon ng mga Pilipino sa
pamamagitan ng paglapat ng iba't ibang gawain.
● Masuri ang mga halimbawa, pamamaraan at layunin ng mga tiyak na sitwasyong
pangkomunikasyon.

Pre-Assessment
Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Maging komprehensibo at
huwag kopyahin sa internet ang mga sagot. Sagutin ito ng hindi lalagpas sa
tatlong pangungusap. (Limang puntos bawat numero).

1. Ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng forum at simposyum?


Sagot: Ang pagkakatulad ng forum at simposyum ay pareho itong pangkatang
pagtitipon at mayroong tinatalakay. Ang kanilang paagkakaiba ay ang forum ay my
isang pagtitipon ang isang pangkat upang mag plano at mag uusap usa hingil sa isang
mahalagang paksa at ang simposyum naman ay talakayan ng isang pangkat hingil sa
napapanahong isyu.
2. Ano sa tingin mo ang kahalagahan at gamit ng pulong o miting?
Sagot: Ang kahalagahan ng pulong o miting para saakin ay ito ang paraan upang
mapahatid sa lahat ang nais na sabihin o gagawin.
3. Sa iyong palagay, paano nakatutulong ang pulong sa paglutas ng mga suliraning
panlipunan? Paano ginagamit ang pulong bilang isang epektibong pamamaraan sa
pakikipagtalastasan?
Sagot: Nakakatulong ang pulong sa paglutas ng mga suliraning panlipunan dahil
malalaman ng lahat ang gagawin at magtutulong tulong ang bawat isa para malutas
ang problema. At dahil sa pulong bawat isa ay makakapagbigay ng kanilang mga
saloobin.

Concept Map
Sa bahaging ito ng aralin nabibigyan ng oportunidad ang mga mag-aaral na
makita ang daloy o proseso ng paksang pag-aaralan.

2
MgaTiyak na Sitwasyong Pangkomunikasyon
Forum
Synposium
Panayam
Pulong
Pasalitang Pag-uulat
FGD
Radio at Telebisyon

Learning Activity Sequence or Examples and Discussions

Sa yunit na ito maipapakita ang mga kagamitan at sitwasyon sa komunikasyon na


isinasabay sa pag-unlad ng kapaligiran. Ang pangkomunikasyong sitwasyon sa
kontekstong Filipino ang lilitaw. Ang wikang Filipino sa mga sitwasyong
pangkomunikasyon ang magpapaunawa sa mga mag-aaral sa kahalagahan ng kritikal
na pag-iisip tungo sa mas mataas na lebel na pagkatuto.

FORUM
Ayon kay Austero et al. (2002), madalas sa isang pormal na pagpupulong ay nagaganap ang
"open-forum" o malayang talakayan. Madalas itong nahahawig sa debate sapagkat ang
paksang tinatalakay ay maaaring pagtalunan.

Ang bawat pagpupulong ng Forum ay nililikha bilang tugon sa mga partikular na prayoridad,
paksa, at interes ng mga kalahok. Kung saan maaari kang umalis at asahan na makakita ng
mga tugon sa mga mensahe na iyong naiwan.

Ito ay isang malaking pagtitipon sa ilalim ng mga pinunong maglalahad ng mahalagang


suliranin. Maaaring maglahad at magtalakay ng maraming paksa at pagkatapos ay malayang
magtatanong upang linawin ang paksang tinalakay.

MGA PAMAMARAAN PARA MAKILAHOK SA FORUM

● Maghanda para sa talakayan

● Magbigay ng opinyon sa paraang may pagsasaalang-alang

● Magkaroon ng positibong kontribusyon

● Maging magalang

● Magbigay ng mahalaga at sapat na impormasyon

● Magtala

Bilang lider ng ganitong pag-uusap, ano ang kailangan gawin?

3
• Maghanda nang mabuti
• Ihanda ang pasilidad
• Dumating ng maaga
• Kailangang maisaayos ang atmosperang "business-like".
• Gabayan ang diskusyon
• Hikayatin ang partisipasyon ng mga dumalo
• Kailangang nakapokus sa agenda
• Kailangang matutong magbigay ng konklusyon
• Batiin ang mga nagsipagdalo
• Humingi ng mga bagay na insidenting hindi inaasahan

SIMPOSYUM
Isang kumperensya o pulong upang talakayin ang isang partikular na paksa. Ito ay isang
pormal na pagtitipon kung saan ang mga kalahok ay eksperto sa kanilang mga larangan. Ang
mga dalubhasa ay nagpapakita o naghahatid ng kanilang mga opinyon o pananaw sa isang
piling paksa ng talakayan.

Sa simposyum, maraming inaasahang tagapagsalita ang magbabahagi ng mga impormasyon


tungkol sa isang paksa o napapanahong usapin sa mga inimbitahang tagapakinig o kalahok.
Ito rin ay tinatawag na kumperensiya.

Ayon sa presentasyon ni Corpuz (2016), may mga ilang dapat tandaan sa pagsasagawa ng
simposyum.

1. Paghahanda sa Bulwagan

Ang lugar ay isa sa dapat isaalang-alang ng mga magsasagawa ng simposyum dahil pormal
ang talakayan, kumportable dapat sa nakikinig ang pagdadausan o ang bulwagan.

2. Pagpapaalam sa Madla ng mga Detalye ng Simposyum

Maaaring magpadala ng liham sa mga nais na dumalo o kabilang sa simposyum. Isa pang
paraan sa pagpapaalam sa madla ay ang pagkabit ng poster at pagkakaroon ng patalastas.
Mainam na midyum ang social media sa pagpapakalat sa madla sa detalye ng simposyum.

3. Pagbuo ng Proograma para sa Simposyum

Nakalahad sa programa ng simposyum ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari o magaganap


na gawain. Marapat din na maipabatid sa mga taong magsasalita o magpapakilala sa
tagapagsalita sa simposyum.

4. Pakikipag-usap sa Caterer

Mainam na maayos ang pakikipag-usap sa tagapangasiwa ng pagkain sa simposyum upang


maiwasan ang pagkahuli o pagkasira ng pagkain. Kinakailangan ding matukoy ang mga
pagkaing ihahanda ng caterer.

5. Kagamitan

Ihahanda sa simposyum ang kakailanganing mga mesa, silya, rehistrasyon at dokumentasyon.


Kasama na rin ang LCD Projector at Sound System.

PANAYAM
Ang panayam ay isang pakikipagpulong ng kinatawan ng pahayagan sa isang taong nais
niyang kunan ng mga impormasyon maiuulat o maipalilimbag.

Ito ay isang pagtatanong upang makakuha ng impormasyon tulad ng opinyon, kaisipan o


tanging kaalaman ukol sa isang paksang nakakatawag ng kawilihan sa madla na karaniwa'y
nagmumula sa tanyag na tao o kilalang otoridad.

Layunin:
• Kumuha ng impormasyon, reaksyon at/o kuro-kurong kailangan sa paghahanda ng
isang bagay na ilalathala sa pahayagan.
• Layuning pagtatampok.

4
• Layuning pantalambuhay.
URI NG PAKIKIPANAYAM AYON SA ANYO
Formal - may ginagawang pakikipagtipan sa kakapanamin sa isang takdang araw, takdang
oras at takdang lugar. Isang harapang pag-uusap ng reporter at ng kinakapanayam.
Di-formal - isang pakikipanyama na walang ginagawang pakikipagtipan sa isang taong
kakapanayamin. Tinatawag din itong ambush interview. Ito ay biglang pagtatanong sa taong
kagagaling sa isang mahalagang pangyayari na nangangailangan ng panandaliang kabatiran.
URI NG PAKIKIPANAYAM AYON SA LAYUNIN
Nagbibigay ng Kabatiran (informative)
Isinasagawa upang makakuha ng impormasyon mula sa isang taong may kinalaman sa
bagong ideya, sa isang taong nakasaksi sa isang pangyayari o sa isang taong maaring
mapagkunan ng balita.
Opinyon (opinion interview)
Isinasagawa upang makakuha ng komentaryo o opinion mula sa taong bntog o kilalang
otoridad.
Lathalain (feature interview)
Pakikipanayam sa isang sikat na tao o sa isang taong may makulay na karanasan upang
makakuha ng kaalaman sa kanyang katauhan na magiging kawili-wili sa madla.
Pangkat (group interview)
Natatanong na reporter (inquiring reporter type) - Iisa ang tanong na sinasagot ng mga
kinakapanayam at sa pasumalang (random) na pagtawag.
Simposyum (symposium) - nagtatanong ang mga reporter ng mga magkaugnay na tanong sa
bawat kapanayam na inaakalang dalubhasa sa napiling larangang pinaghanguan ng
katanungan. Ang bawat kapanayam ay dalubhasa sa kani-kanilang linya.
Pandiyaryo (Press interview) - pakikipanayam ng maraming reporters sa isang taong kilala
gaya ng pangulo ng bansa o ng isang tanyag na dayuhan at iba pang may kinalaman sa
pambansang aktibidad
MUNGKAHING HAKBANGIN SA PAKIKIPANAYAM
• Ihanda at balangkasing mabuti ang mga tanong batay sa layunin.
• Magsuot ng angkop na damit.
• Magdala ng notbuk at panulat.
• Magpakilala agad nang buong pamitagan at sabihin kung ano ang pakay. (Huwag
magpanggap.)
• Maging masigla at magkaroon ng tiwala sa sarili.
• Magtanong nang magtanong hanggang may maaaring itanong.
• Upang hindi kabagot-bagot ang pakikipanayam, ibaling ang pag-uusap sa mga personal
na hilig ng kinakapanayam.
• Mainam na buo na sa isipan ang halos lahat ng mga itatanong.
• Huwag makipagtalo sa iyong kinakapanayam.
• Kumuha ng sapat na tala sa sinasabi ng kinakapanayam. (Kung tila maselan, gawin ito
pagkatapos ng usapan. Kung gagamit ng recorder, humingi muna ng pahintulot.
Huwag magpumilit kapag hindi pumayag at mas lalong huwag gawin ng patago.)
• Magbigay ng pahiwatig na sana’y pahintulutan pang makabalik at muling makaabala
sa hinaharap.
• Huwag na huwag kalimutan ang magpasalamat bago umalis.
• Gawing tiyak ang mga katanungan at hindi yaong pangkalahatan.

PULONG
Ang pulong o miting ay isang pagtitipon na may layuning makapagpahayag ng isang anunsyo,
panukala o mga gawain. Maaari ring nagsasagawa ng pagpupulong kapag gustong hingin ang
payo ng nakararami para sa isang desisyon.

Elemento ng Isang Organisadong Pulong

1) Pagpaplano (Planning)
• Pagpaplano para sa organisasyon
• Pagbibigay impormasyon, agenda o mga bagay na dapat ipaalam sa mga kasapi
• Paglutas ng problema o solusyon
• Pagtatasa o ebalwasyon sa mga nakaraang pulong
2) Paghahanda (Arranging)
• Tagapangulo o Pangulo (Presiding officer)
• Kalihim (Secretary)
• Mga kasapi (Members)
3) Pagpoproseso (Processing)

5
•Quorum - bilang ng mga kasapi na kasama sa pulong na dapat dumalo para
maging opisyal ang pulong.
• Consensus - isang proseso ng pagdedesisyon na kinukuha ang nagkakaisang
desisyon ng lahat ng mga kasapi sa pulong.
• SimplengMayorya - proseso ng pagdedesisyon na kinakailangan ang 50% + 1 ng
pagsang-ayon o hindi pagsang-ayon ng mga dumalo sa isang opisyal na pulong.
• 2/3 Majority - kinakailangan ng 2/3 o 66% ng pagsang-ayon o hindi pagsang-ayon
ng mga dumalo
4) Pagtatala (Recording) - tinatawag na katitikan ng pulong o minutes of the meeting.

Mga Dapat Iwasan sa Pulong

1. Malabong layunin sa pulong


2. Bara-bara sa pulong
3. Pagtalakay sa napakaraming bagay
4. Pag-atake sa indibidwal
5. Pag-iwas sa problema
6. Kawalan ng pagtitiwala sa isa't isa
7. Masamang kapaligiran ng pulong
8. Hindi tamang oras ng pagpupulong

PASALITANG PAG-UULAT
Ang pasalitang pag-uulat ay pagpapahayag ng isang paksa sa harap ng maraming tao o
panauhin.

Narito ang ilan sa kahulugan, gabay at hakbang sa pasalitang pag-uulat.

May mga ilang pagkakataon na nagsasagawa tayo ng ulat sa harap ng klase kapag naiatas sa
atin ang isang paksa. Bukod sa klase, may ilan din na nagbibigay tayo ng pasalitang pag-uulat
sa ginagawang proyekto o maging sa librong nabasa.

Gabay sa Pasalitang Pag-uulat


• Paggamit ng simple ngunit naaayong mga salita.
• Pagkontrol sa emosyon.
• Pagiging epektibong tagapakinig.
• Pagtiyak sa pang-unawa ng tagapakinig.
Hakbang sa Pasalitang Pag-uulat

• Pagpaplano
• Tiyaking ang paksang iuulat ay tiyak, limitado at hindi malawak
• Maghanda sa mga posibleng tanong ukol sa paksa
• Batay sa mga naihandang mga posibleng tanong. Isulat ang nga sagot sa
pamamagitan ng pagsasaliksik. Magiging gabay ito upang mas makita ang
kahalagahan at sakop ng paksang iuulat.
• Pagsasanay ng Presentasyon
1. Gamit ang inihandang balangkas, muling balikan ang paksa at detalye ng iuulat
2. Tiyaking wasto ang mga nakalagay na detalye sa paksang iuulat
3. Tiyaking wasto ang gramatika
4. Bumuo ng kagamitang biswal sa pag-uulat gaya ng powerpoint presentation.
Tiyaking makikita o mababasa ito ng mga tao kahit nasa likod na bahagi ng lugar
ng pagdadausan ng ulat.
• Pagpapahayag ng Ulat
● Huwag basahin ang ginawang balangkas o mga tala

● Sundin ang gabay sa mabisang pagsasalita

● Panatilihin ang ugnayan sa iyo ng tagapakinig

● Maghanda sa mga posibleng katanungan ng mga tagapakinig

6
FOCUS GROUP
Ang Foucus Group Discussion ay talakayan na binubuo ng hanggang limang kasapi. Ito ay
gawaing may kooperasyon na nangangahulugang tulong-tulong sa pagbuo ng mga ideya.

Ayon pa sa aklat nina Alcantara-Malabuyoc, et al. (2013) may mga dapat tandaan sa
pagsasagawa ng FGD.
1. Balikan ang mga tanong na dapat sagutin sa pag-aaral, alin dito ang maaaring masagot
gamit ang FGD?
2. Itala ang mga tanong na itatanong sa FGD. Kailangang hindi ito nasasagot ng simpleng
"Oo" o "Hindi".
3. Iplano kung kinakailangan ng maliit na grupo (6 na kalahok), katamtamang dami ng
grupo (7-10) o malaking grupo (11-15) ang iimbetahin para sa FGD.
4. Gumawa ng mga pamantayan sa pagpili ng mga kalahok. Kailangang alam nila ang
paksang tatalakayin mo at may pare-pareho ang kanilang interes o background tungkol
sa paksa.
5. Gumamit ng cassette recorder o cam recorder upang mairecord ang talakayan.
6. Tatayong tagapagdaloy ang mananaliksik sa mangyayaring talakayan. Kumuha ng
katuwang na siyang magrerecord ng talakayan.
7. Tumatagal ng isa hanggang dalawang oras ang FGD kung sasabihan ang mga kalahok
tungkol dito.
8. Kunin ang pagsang-ayon ng mga kalahok bago sila isali sa FGD.
9. Ipaliwanang ang layunin ng FGD at ang kahalagahan ng pag-aaral sa mga kalahok.
10. Kung tapos na ang FGD, magpasalamat sa mga kalahok.
11. Ihanda ang transkripsyon ng FGD. Hangga't maaari, isulat o i-type sa kompyuter ang
talakayan. Lagyan ng ellipsis (...) ang mga salita o pahayag na hindi maintindihan at
balikang muli at pakinggan.

RADYO AT TELEBISYON
Ang Radyo ang pinagmumulan at pinagkukunan ng balita, aliw, impormasyon, payo at
serbisyong publiko ng mga tao. Mas mabilis din ang dating ng balita at pagbabalita kumpara
sa telebisyon dahil madaling maipadala ang impormasyon at makakonekta sa himpilan ng
radyo. (Morales at Nuncio, Nuncio 2016).

Ang telebisyon ay midyum o kagamitan na nagpapalabas ng mga programa. Naging bahagi na


ito ng pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino.

Kabilang sa mga programa sa telebisyon ay:


1. Balita
2. Dokumentaryo
3. Serbisyo-publiko
4. Teleserye, telenovela, pelikula at komediserye
5. Variety show
6. Reality show o game show

7
Learning Exercises
Panuto: Halimbawang ikaw ay naatasan na maging tagapanayam sa mga sumusunod
na personalidad, magbigay ng posibleng katanungan sa mga sumusunod na paksa na
magbibigay ng kritikal na pagsusuri sa mga kontrobersyal na suliraning maiuugnay
sa kanila.

Kakapanayamin: Communication Asec. Mocha Uson


Paksa: FAKE NEWS
Posibleng tanong: Bakit ka gumagawa ng fake news?

Posibleng tanong: Ano ang iyong masasabi na ikaw ay gumawa ng fake news at alam na
ng lahat ng tao?

Posibleng tanong: Alam mo bang hindi maganda ang gumawa ng isang fake news?

Kakapanayamin: Senador Tito Sotto


Paksa: PLAGIARISMO
Posibleng tanong: Alam mo bang pwede kang kasuhan dahil sa iyong ginawa?

Posibleng tanong: Ano ang masasabi mo tungkol sa plagiarism?

Posibleng tanong: Ano ang masasabi mo dahil alam na ng mga tao ang mali mong mga
Gawain?

Kakapanayamin: Vice Ganda


Paksa: CYBERBULLYING AT SMART SHAMING
Posibleng tanong: Paano kung ikaw naman ang mabully?

Posibleng tanong: Ano ang masasabi mo tungkol sa cyberbullying at smart shaming?

Posibleng tanong: Alam mo bang maaari kang makulong sa iyong ginagawa?

Biblical Integration
Josue 1:9 Huwag mawalan ng pag-asa; huwag kang matatakot o mawawalan ng pag-
asa sapagkat akong si Yaweh, na iyong Diyos, ay kasama mo saan ka man magpunta.

References

Mga Aklat:
Mortera, Melvin O. (2019). Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino. Books Atbp.
Publishing Corp.: Mandaluyong City.
Peña, Jessica Marie I. at Nucasa, William P. (2018). Kontekstwalisadong komunikasyon sa
Filipino. St. Andrew Publishing House: Bulacan.
Zapico, Marvin M. et. al. (2018).Kontekstwalisadong komunikasyon sa Filipino. Jimczyville
Publications: Malabon City.

8
Prepared By:

SWEETZEL ANNE R. BENDOL, LPT


Guro ng Filipino

Approved By:

DERBIE P. PADOJINOG, EDD


Dean –College of Education

You might also like