You are on page 1of 1

Alamat ng Barangay San Diego

Noong unang panahon, sa isang malayong pook ng Pilipinas, matatagpuan ang isang maliit na
barangay na tinawag na San Diego. Ang Barangay San Diego ay kilala sa buong rehiyon bilang
tahanan ng mga magigiting at responsableng mandirigma.

Ayon sa mga kwento ng mga ninuno, ang Barangay San Diego ay unang itinatag ng isang
makasaysayang mandirigma na nagngangalang Diego. Si Diego ay kilalang tagapagtanggol ng
kanilang komunidad. Matapang, tapat, at palaging handang mag-alay ng kanyang buhay para sa
kaligtasan ng kanyang kapwa. Sa kanyang pangunguna, naging mapayapa at masagana ang
kanilang barangay.

Isang araw, dumating ang isang malupit na unos sa barangay nila. Ang unos na ito ay nagdala ng
matinding gutom at pag-aalinlangan sa komunidad. Dahil sa kakulangan ng pagkain, nagpasya
ang mga tao na magdesisyon na pumunta sa kalapit na bayan upang humingi ng tulong. Ngunit si
Diego, bilang lider ng barangay, ay tumutol at sinabing, "Hindi tayo dapat umasa sa ibang tao
para sa ating kaligtasan. Kaya nating harapin ang pagsubok na ito."

Dahil sa tapang at determinasyon ni Diego, nagkaruon ng pag-asa ang mga tao sa barangay nila.
Nagtulungan sila magtanim, mag-ani at maghanap ng paraan para di sila magutom. Sa hirap at
ginhawa, nagtagumpay sila na mabuhay at mapanatili ang kanilang barangay.

Sa pagdaan ng mga panahon, naging halimbawa si Diego at ang kanyang barangay para sa ibang
komunidad. Isang araw, bigla na lang nawala si Diego sa barangay nila. Hinanap nila ito sa
buong barangay at sa kalapit na lugar. “Saan si Diego, nakita mo bai to?” ito ang paulit-ulit na
tanong ng mga tao hanggang sa paglipas ng panahon nakilala ang barangay na San Diego dahil
sa tanong na ito.

You might also like