You are on page 1of 6

School: Balete Relocation Site Elementary School Grade Level IV

Teacher: Rose Ann R. Castillo Learning Area FILIPINO

GRADES 1 to 12 Date/ Lunes, Setyembre 11, 2023 Unang


Quarter
DAILY LESSON Time: Markahan
LOG/PLAN

I. LAYUNIN
Naipapamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa
A. Pamantayang
napakinggan
Pangnilalaman
Nakapagsasagawa ng isahang pagsasadula tungkol sa isang isyu o paksang
B. Pamantayan sa Pagganap napakinggan.

Nabibigyang kahulugan ang sawikain.


C. Mga Kasanayan sa
Pagkatuto
D. Pinakamahalagang Nabibigyang kahulugan ang sawikain.
Kasanayan sa Pagkatuto
(F6PN-IIf-28)(WG)
(MELC)
(Kung mayroon, isulat ang
pinakamahalagang
kasanayan sa pagkatuto o
MELC)
E. Pagpapaganang
Kasanayan
(Kung mayroon, isulat ang
pagpapaganang kasanayan.)
II. NILALAMAN
III. KAGAMITAN PANTURO
K to 12 Basic Education Curriculum,Filipino,May 2016
pah. 121-122
A. Mga Sanggunian K to 12 MELC, G6 Q1, pah.127
PIVOT 4A BOW, pah. 56

a. Mga Pahina sa Gabay ng MELC Filipino G6 Q1,PIVOT BOW K to 12 Basic Education Curriculum, pah.
Guro 121-122
Kagamitan ng Guro sa Filipino 6, pah. 1-6, Ikalawang Markahan, Ikaanim na
Linggo

b. Mga Pahina sa PIVOT 4A, Filipino 6, Unang Markahan, pah. 17-18


Kagamitang Pangmag- Kagamitan ng Mag-aaral sa Filipino 6, pah. 1-6,
aaral Ikalawang Markahan, Ikaanim na Linggo

Landas ng Pagbasa, pah. 141


c. Mga Pahina sa Teksbuk
d. Karagdagang brainly.ph/question.com
Kagamitan mula sa
slidshare.net/ybur
Portal ng Learning
Resource philnew.ph/2018/12/14/sawikain-halimbawa

B.Listahan ng mga
Kagamitang Panturo powerpoint presentation, diyalogo,telebisyon,
Para sa mga Gawain sa
Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN

A. Panimula Balik Aral

Ano ang tinatawag na sawilkain?


.
Pagbabaybay ng mga Salita

Ididikta ng guro ang mga salitang sawikain sa mga mag-aaral. Isusulat ng mga
bata ang mga sawikain na bibigkasin ng guro sa kanilang kwaderno.
balat-sibuyas
maporselanang-kutis
ningas-kugon
bukang liwayway
dapit-hapon
Pagaganyak
Magbigay ng mga salitang sawikain at gamitin ito sa pangungusap.

Pangganyak na tanong
Ano ano ang mga salitang narinig ni Franco sa kaniyang Lola, Lolo at sa
kanyang Nanay?

Pamantayan sa wastong pakikinig


 Ibibigay ng mga mag-aaral ang mga pamantayan sa wastong pakikinig ng
isang diyalogo.

Pakikinig sa Diyalogo
 Ang guro ay tatawag ng mga mag-aaral , babasahin ng mag-aaral ang
diyalogo na may pamagat na “Sawikain, Alamin Natin”
“Sawikain, Alamin Natin”
(Sinulat ni Rosalyn N. Ayap)
Matamang nakikinig si Franco sa usapan ng kanyang mga lolo lola at
nanay habang nasa salas sila.
Lola: Ako ay lubos na nalulungkot sa nangyayari ngayong epidemya.
Lubhang nakakabahala.
Lolo: Oo nga maraming mga isang kahig, isang tuka ang mas naghihirap
pa.
Lola: Mabuti na lamang at may kusang palo ang ilan sa ating mga
kababayan na naghahatid ng tulong kahit hindi hinihingan. Hindi
katulad ng ilang pulitiko ngayon dito sa atin na nagte-tengang
kawali sa hinaing ng mga tao.
Lolo: Palibhasa ang ilan sa mga pulitiko ay nakahiga sa salapi kaya hin-di
nararamdaman ang pandemya ngayon.
Nanay: Pero Itay, marami rin naman po sa kanila ang busilak ang puso na
naglalaan ng oras sa mga mahihirap. Ang ilan ay kidlat sa bilis ang
pagkilos matugunan lang ang pangangailangan ng nasasakupan.
Franco: Lolo, Lola, Nanay, hindi ko po maintindihan ang inyong pinag-
uusapan.
Nanay: Pinag-uusapan lang namin ang pandemyang nangyayari ngayon.
Franco: Opo, alam ko po iyon. Pero may mga sinasabi po kayong hindi ko
maintindihan. Tulad ng tengang-kawali, bakit po nagkatenga ang kawali,
isang kahig, isang tuka pero wala naman pong manok
sa pinag-uusapan ninyo. lawit ang dila pero wala naman po akong narinig
na pinag-usapan ninyo ang aso.
Nagtawanan sina Lolo, Lola at Nanay.
Lola: Apo, ang mga sinabi mo ay mga sawikain.
Franco: Ano po ang Sawikain?
Lolo: Apo, ang Sawikain ay mga salitang may kahulugang hindi
tahasan. May naiiba itong kahulugan sa literal na pahayag. Mada-las na ito
ay ipinahahayag sa malarawan, mapagbiro o mapagpatawang paraan.
Nanay: Mauunawaan mo ito kapag ginamit na ito sa pangungusap.
Franco: Ah, kaya po pala. Gusto ko rin pong matuto ng mga Sawikain para
maituro ko rin sa aking mga kamag-aaral.

Pagtalakay
B. Pagpapaunlad
Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan

 Pagsagot sa pagganyak na tanong

Ano ano ang mga salitang narinig ni Franco sa kaniyang Lola, Lolo at sa
kanyang Nanay?

Analisis
Sagutin ang mga tanong.
1. Sino-sino ang mga nag-uusap?
2. Tungkol saan ang kanilang pinag-uusapan?
3. Mahalaga bang matutunan mo ang mga Sawikain?
4. Gusto mo bang matutunan ang iba’t-iba pang halimbawa ng
sawikain? Bakit?
5. Saan o kailan mo magagamit ang mga Sawikain?

C. Pakikipagpalihan
Paglalahad ng Konsepto
Basahin at unawain ang sitwasyon na ipakikita ng guro sa screen. Pagkatapos,

ibigay ang angkop na sawikain sa bawat sitwasyon.

Unang Sitwasyon

Mahilig mag-aral si Viel.Wala siyang sinasayang na oras sa pag-

aaral.Matapos niyang magawa ang mga gawaing bahay,agad siyang

magbabasa ng kanyang mga leksyon.Kaya naman ng dumating ang

markahan,mataas ang mga marka niya.

Ikalawang Sitwasyon

Ang kuya ni Nestor ay tinawag sa trabaho, ngunit unang linggo lang siya

naging masipag at pumapasok sa paghahanapbuhay, kaya naman kaagad siyang

tinangggal sa trabaho.

Ikatlong Sitwasyon

Ang tatay ni Angela ay masipag at walang tigil sa paghahanapbuhay, dahil sa


pagsisikap niya para sa pagtataguyod sa pamilya, siya ay laging nakakaramdam ng
pagod kapag nakakauwi na siya ng kanilang bahay kaya maaga siyang
nagpapahinga.
C. Paglalapat Piliin ang wastong kahulugan ng mga sumusunod na sawikain sa loob ng kahon.
Isulat ang inyong sagot sa kwaderno.
1. alilang kanin
naghihingalo
nagugutom
utusang walang sweldo)

2. bala’t sibuyas
maramdamin
madaldal
panaginip

3. matigas ang buto


mabagal
napakabilis
malakas

4. bungang tulog
panaginip
alaala
nakalipas

5. balitang kutsero
hindi totong balita
mahina ang pakiramdam
maraming tao
Ano ang tinatawag na sawikain o idyoma?
D. Paglalahat
Ang sawikain o idyoma ay salita o grupo ng mga salitang nagpapahayag o
nagtataglay ng talinhaga ang gamit. Ito ay nagbibigay ng di tuwirang kahulugan ng
saloitang isinasaad nito.
Paglalapat sa pang-araw- araw na buhay
D. Paglalapat
12 O’Clock Buddy
o Mahalaga ba na magkaroon ng pagkakaisa para sa
isang adhikain o layunin? Bakit?
o Paano natin masasabi na tayo nakikiisa sa isang
gawain?
Kayo bilang isang mag-aaral,paano ninyo maipakikita na kayo ay nakikiisa sa
pangkat para sa isang adhikain o layunin?

Panuto: Iugnay ang tamang sagot mula sa hanay A patungo sa hanay B.


E. Pagtataya
Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang. Gawin ito sa inyong kwaderno.
A B
_____1. abot - tanaw A. namatay
_____2. balitang - kutsero B. takot
_____3. anak - pawis C. naaabot ng tingin
_____4. pusong - mamon D. matulungin
_____5. laki sa layaw E. mahirap
_____6. bahag ang buntot F. maling balita
_____7. bakas ng kahapon G. kalimutan
_____8. binawian ng buhay H. nakaraan
_____9. bukas ang palad I. maramdamin
_____10. ibaon sa hukay J. sunod ang gusto
Mangalap ng sampu (10) na halimbawa ng sawikain. Gamitin ito sa
V. Takdang Aralin
pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Naunawaan ko na
VI. Pagninilay ________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
Nabatid ko na
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

You might also like