You are on page 1of 7

Veritas College of Irosin

San Julian, Irosin, Sorsogon


S.Y.2022-2023

Detalyadong Banghay Aralin sa Filipino 7

PAARALAN Veritas college of Irosin BAITANG 7


GURO Christian G. Gualvez ASIGNATURA Filipino
Petsa at Oras Hunyo 12, 2023 Markahan Ikalawa
6:30-8:00 pm

I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang;
1. Nakikilala at natutukoy ang mga aspekto ng pandiwa,

2. Nagagamit nang wasto ang iba’t ibang aspekto ng pandiwa sa paglalahad,(F7WG-IIg-f-10)


3. Nakasusulat ng personal na karanasan gamit ang tatlong aspekto ng pandiwa.

II. PAKSA-ARALIN
PAKSA: Ang Pandiwa at ang mga Aspekto ng nito.
SANGGUNIAN: https://vt.tiktok.com/ZSLFbwGdg/
Aklat ng Pinagyamang Pluma p.204-206
KAGAMITAN: Magic board, Laptop, Projector, Lotto Machine app
ESTRATEHIYA: “Charades” “ flashcards puzzle” at “speakingChips”

III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral
A. Aktibidad sa Paghahanda
(Panalangin).
Panalangin Luwalhati sa Ama, at sa Anak at sa Espiritu
Tumayo tayo at manalangin. Santo. Gaya noong una, ngayon, at
(Tumawag ng mag-aaral na manguna sa panalangin) kailanman, sanlibutang walang katapusan.
Amen

Pagbati
Magandang gabi mga masigasig na mga mag-aaral! Kumusta Magandang gabi din po sir. Okay lang po.
ang araw niyo?

Bago kayo magsiupo at pormal na simulan ang ating talakayan


maari bang pakitingnan ng upuan kung nakahanay ito ng tama ( magsisipag-ayos ng upuan ang mga mag-
at pakipulot na rin ng mga basura at ito ay itapon sa tamang aaral at pupulot ng mga basura sa kanilang
basurahan. paligid).

Maramaing salamat, pwede na kayong maupo.

Pagtsek ng atendans
Mayroon bang lumiban sa klase ngayon?

Tugon kung walang estudyanteng lumiban: Tugon kung walang estudyanteng


Napakagandang pagmasdan ang buong klase na walang ni isang lumiban:
estudyanteng lumiban. Sulitin natin ang oras na magkasama at Wala po!
magkaroon ng isang produktibong araw!

Tugon kung may estudyanteng lumiban:


Kung meron makakita sa kaniya sa labas ng paaralan, Tugon kung may estudyanteng lumiban:
malumanay ninyong sabihin na hinihikayat ko siyang muling Sir, napansin po naming na si _____ ay
dumalo sa paaralan. wala sa kanyang upuan ngayon.

B. PAGGANYAK

Bago natin simulang talakayin ang ating paksa, manood muna


tayo isang magandang panoorin at sama-sama nating suriin ang
lahat ng makikita natin.

(simulan ang panonood ng maikling bidyo at suriin ang


reaksyon ng mga mag-aaral)

(Makikinig at manonood ang mga mag-


aarl.)

Ang Gawaing ito ay tatawagin nating, “Flashcards Puzzle”


Base sa bidyong pinanood, gamit ang flashcards at litratong
nakalagay dito bubuo ng salita na nakitang ginagawa ng mga tao
sa video. Ang mapipili ng lotto machine ay ang siyang bubuo ng
salitang Tinutukoy sa larawan at ilahad ninyo ang katawagan o
salita na tinutukoy ng nabuong larawan.

Handa na ba ang lahat?


(isasagawa ng mga mag-aaral ang gawaing
ipinapagawa ng guro)

Nag yawan
(nagsasayawan)

NAG R

(nagmomotor)

NAG KAD

(naglalakad)

Na

(nanonuod)

C. PAGLALAHAD NG LAYUNIN

Bago natin simulan ang pagtatalakay ay ilalahad ko muna ang ating (Ang mga mag-aaral ay nakikinig ng
layunin ngayon. Mabuti)

(Isa-isang ilalahad ng guro ang mga layunin)

D. PAGTATALAKAY NG ARALIN
Ngayon ang tatalakayin natin ay tungkol sa pandiwa at ang mga aspekto
nito.

(tatawag ng mag-aaral na magbabasa ng kahulugan)

PANDIWA
Ang pandiwa ay bahagi ng pananalita o wika na nagsasaad ng kilos,
aksyon, o galaw ng isang tao, bagay o hayop. Ang mga pandiwa ang
nagbibigay kahulugan o buhay sa loob ng isang pangungusap.

Ang pandiwa ay binubuo ng salitang ugat na kalaunan ay


pinupunan o dinudugtungan ng isa o higit pa na bilang ng mga (Ang mga mag-aaral ay nakikinig ng
panlapi. Mabuti)

Halimbawa:
Naghuhukay
Nagsasabon (Hayaang magbigay pa ng mga salitang
Binubura pandiwa ang mga mag-aaral)
Kinakain
Niluluto

Mag bigay pa ng mga salitang pandiwa.


Magagaling! Ngayon, Gamitin naman natin ang mga salitang
pandiwa sa pangungusap.

Halimbawa:
 Tumalon ang Aso sa kariton na sinasakyan nito. (Tumalon
ay ang salitang pandiwa habang ang Aso ay ang tagaganap.)
 Naligo si leo sa dagat. (Naligo ay ang salitang pandiwa
habang si leo ay ang tagaganap)
 Umiyak si Mimi matapos mahulog ang kaniyang lollipop. (aasahang tugon)
(Ang pandiwa na ginamit ay umiyak at ang tagaganap
naman ay si Jherico.)

Ngayon alam na natin ang kahulugan ng pandiwa, dumako naman tayo


sa aspekto nito.

ANG ASPEKTO NG PANDIWA

-Ang aspekto ng pandiwa ay nagpapahayag kung kailan naganap


o nangyari ang isang kilos o galaw.

-Inilalarawan nito kung ang kilos ay naganap na, magaganap pa (Ang mga mag-aaral ay nakikinig ng
lamang o kung ipagpapatuloy pa ang kilos na kasalukuyang Mabuti)
ginagawa.

Tatlong aspekto ng pandiwa;

1. Aspektong Naganap o Perpektibo


-nagsasaad na ang kilos ay tapos na o nagawa na.
Halimbawa:
Pinarusahan ng bathala ang sundalo dahil sa kapabayaan
niyang nagbunga ng madudugong digmaan.

(magtatanong at hihingi ng halimbawa sa mga mag-aaral) (Aasahang magbibigay ng halimbawa)

Aspektong Katatapos
-ang aspektong ito ay nasa ilalim din ng aspektong naganap
o perpektibo subalit ang kilos ay katatapos o kagagawa pa
lamang. Nabubuo ito sa pamamagitan ng paggamit ng
panlaping ‘ka’ at pag-uulit sa unang pantig ng salitang-ugat.

Halimbawa:
Kapapaalala pa lamang ng kaibigan kay Sundalong Orasan
subalit sumuway na naman ito na naging dahilan ng
kanyang kaparusahan.

(magtatanong at hihingi ng halimbawa sa mga mag-aaral)

2. Aspektong Nagaganap o Imperpektibo


-nagsasaad na ang inumpisahang kilos ay patuloy pa ring
ginagawa at hindi pa tapos gawin. Ginagamit din ang (Aasahang magbibigay ng halimbawa)
aspektong ito para sa mga kilos na regular o laging
ginagawa. Halimbawa:

Madalas na ipinamamalita ng sundalo ang mga lihim na


dapat sana'y hindi nalalaman ng iba kaya lalong lumalaki
ang problema.

(magtatanong at hihingi ng halimbawa sa mga mag-aaral)

3. Aspektong Magaganap o Kontemplatibo


nagsasaad na ang kilos ay hindi pa isinasagawa at maaaring (makikinig mga estudyante)
uumpisahan pa lamang.

Halimbawa: Inaasahan ng kaibigan ng sundalo na matututo


ang lahat ng makababasa sa naging karanasan ng Sundalong
Orasan.

(magtatanong at hihingi ng halimbawa sa mga mag-aaral)

(Aasahang magbibigay ng halimbawa)


E. PAGLALAPAT

PANGKATANG GAWAIN

Natutuwa akong makita na kayo ay natututo sa ating aralin.


Ngayon ay subukan naman natin ang inyong katuturan sa ating
Gawain.

CHARADES

Gamit ang lotto machine ang mapipiling numero na hawak ng


mga mag-aaral na ibibigay ng guro ang siyang magiging lider at
ang napiling lider ay siyang bubunot ng isang papel na may (Asahan ang lahat ng mag-aaral ay lalahok
nakasulat scenario na maaring nagsasaad ng kilos na sa gawain)
naganap,nagaganap at magaganap pa lamang. Pahuhulaan
naman ito sa ibang grupo at kung sino ang may pinakamaikling
oras ang siyang tataguriang nanalo.

Mga Laman:

NAGPAPAHANGIN ang mga mag-aaral.


NALILIGO ang mag-kakaibigang sina Ana,Mark at rose s abatis.
Ang pamilyang Cruz ay NAGDARASAL bago matulog.
Sabay-sabay na NAG-EEHERSISYO ang mag-aaral kasabay ng
aktibidad sa nutrition month.
Pagkatapos ng Gawain, gagawa ang mga mag-aaral ng personal
na repleksyon sa karanasang patungkol sa Gawain kanina gamit
ang mga salitang nauukol sa aspekto ng pandiwa.

F. PAGLALAHAT

Ano ang kahulugan ng Pandiwa at anu-ano ang mga aspekto Ang pandiwa ay bahagi ng pananalita o
nito? wika na nagsasaad ng kilos, aksyon, o
galaw ng isang tao, bagay o hayop. Ang
aspekto ng pandiwa ay nagpapakita kung
kailan,nangyari,nangyayari o mangyayari
ang kilos ng pandiwa. Ito ay may tatlong
aspekto ‘Aspektong naganap o perpektibo
na nagsasaad ng kilos na tapos na o nagawa
na. Aspektong nagaganap o imperpektibo
na nagsasaad uumpisahang kilos o patuloy
pang ginagawa. At ang Aspektong
magaganap o kontemplatibo na nagsasaad
naming ng kilos na hindi pa isinasagawa’.

(Asahan ang magkaaibang mga sagot ng


mga mag-aaral.)

IV. EBALWASYON
1. Basahin ang akdang may pamagat na “Ang aking Inspirasyon.” sa pamamagitan ng pag salungguhit, kilalanin
at tukuyin ang mga aspekto ng pandiwa na nabanggit sa maikling akda. Bilugan kung ito ay aspektong naganap,
salungguhitan naman kung aspektong nagaganap at panaklong naman kung ito ay mag-aabang pa lamang.
Ang Aking Inspirasyon

"Tumayo ang lahat at tayo'y mananalangin”

Ito ang laging bukambibig ng gurong nagsilbing pangalawang magulang sa aking buhay. Guro siya ng ikalawang taon sa
aming paaralan. Lahat ng aking kamag-aral ay natutuwa tuwing sasapit ang ikawalo ng umaga sapagkat Filipino na Sa tuwing
magtuturo siya, ang lahat ay tahimik na nakikinig, walang dumadaldal. Ang buong klase ay nag-aabang ng bagong kaalaman na
ibabahagi niya sa amin. Gustong-gusto ko ang araling itinuro niya tulad ng akdang

Parang kailan lang, sampung taon na pala ang nakalilipas. Subalit sa puso't diwa ko ay parang kahapon lang. Isa ako sa
nag-aaral sa kaniyang paaralan. Ngayon, ganap na akong isang guro ng Filipino na sumunod sa yapak ng isang gurong nagsilbing
inspirasyon ng aking buhay. Minsan, pinuntahan ko ang paaralang aking pinagtapusan kung saan siya nagtuturo upang mabisita at
personal na mapasalamatan. Ngunit pagdating ko sa paaralan, ang guwardiya na nagbabantay ang aking napagtanungan. Ang
tanong ko'y "nariyan ba si Ma'am?" Ang sagot niya "kaaalis lamang niya ng dumating ka Hindi man kami nagtagpo sa oras na
iyon, subalit sa puso ko natagpuan ko ang natatanging guro na nagsilbing tanglaw sa landas ko.
2. Kung ikaw ang mabibigyan ng isang responsibilidad sa paaralan o sa tahanan,ano ang gagawin mo upang matiyak na
maisasagawa mo ito nang maayos? Gamitin ang salitang-ugat na pandiwa na nasa loob ng kahon at gawin itong naayon sa
aspektong naganap,nagaganap at magaganap pa lamang sa pagbuo ng pangungusap na naglalahad ng iyong gagawin.

SIKAP

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

PAYO

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

SAMA

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

LAYO

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

MAKIISA

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
3. Sa pamamagitan ng isang maikling sanaysay gamit ang mga salitang nauukol sa Aspekto ng pandiwa,ikwento ang
inyong mga karanasan ngayong ‘Tag-init’. Bilugan ang mga ang ginamit na aspekto rito.

V. Takdang Aralin
Pag-aralan ang pokus ng pandiwa.

You might also like