You are on page 1of 2

Kurt Niruh C.

Villegas
STEM 12 ENGINEERING A
PHOTO ESSAY – PILING LARANGAN

1. Bike
Ang buhay ay masasabi kong isang napakahabang paglalakbay, malayo pa pero malayo na.
Lahat tayo ay naglalayong makarating sa mga destinasyon na gusto nating puntahaan at
masaksihan. Sa paglalakbay na ito, ang mekanismo ng transportasyon ay kailangan upang
maging tulong at suporta natin sa ating tatahaking daan. Ang buhay ay parang isang bisikleta,
upang mapanatili ang iyong balanse, kailangan mong magpatuloy sa pagsulong. Sa patuloy na
pagpedal, nagsusumikap kang sumulong sa kabila ng pagod at hirap na kaakibat nito. Dalawa
lang ang gulong ng isang bisikleta ngunit nakakatayo pa rin dahil patuloy itong gumagalaw at
dahil ito ay inalalayan at ginagabayan ng mga taong gumagamit nito. Ang pagsakay sa bisikleta
ay maaaring mahirap sa una ngunit kapag mayroon kang lakas ng loob at determinasyon na
matuto, magagawa mong lakbayin nang mas madali ang isang landas na tinatawag nilang
"buhay".
2. Road
Walang dumarating sa ating buhay na madali at kung minsan, ang pinakamahihirap na daan
ay siyang patungo sa magandang paroroonan. Ang lubak-lubak na kalsada ay kumakatawan sa
hirap na dalahin ng buhay, may mga bahagi ng kalsada na makinis at madaling lagpasan
gayunpaman ang mga kalsadang mahirap daanan ay hindi maiiwasan. Maaaring masaktan ka ng
matutulis na mga bato, maaaring masugatan ka minsan. Sa laro ng buhay, walang isang tuwid na
landas, ang landas ng buhay ay binubuo ng maraming mga tagumpay at kabiguan na magdadala
sa'yo sa iba't ibang direksyon. Maaaring mukhang mahirap tumawid sa unang tingin ngunit hindi
ka makakarating kahit saan man kapag hindi ka tumayo at sumubok. Ang pagsuko ay hindi isang
opsyon dahil sa tila matarik at lubak na daan, dapat mong matutunang i-pedal ang iyong sariling
mga paa upang makalagpas sa iyong tinatahak na daan.
3. Itim na Pusa
Karaniwang sinasabi ng mga tao na ang itim na pusa ay pinagmumulan ng malas. Kaya't sa
tuwing ito'y napapadaan, ito ay tinataboy o iniiwasan dahil ang mga bagay na hindi natin
ninanais o inaasahang mangyari ay tinuturing natin bilang malas. Totoo nga ba ang malas? Ako
ay naniniwalang lahat ng nangyayari ay may dahilan, mga bagay na hindi natin kontrolado o
maging bunga ng ating sariling mga desisyon at gawain. Masasabi kong ang salitang malas ay
isang bagay na hindi kailangang paniwalaan bagkus ay dapat kilalanin. Ito ay isang tanda na may
mga bagay sa ating buhay na patuloy na magpapahirap sa atin ngunit layunin lang nitong tayo ay
mas patatagin at mas maging handa sa ano mang hamon ng buhay. Maaring ang itim ay
kinikilala natin bilang isang kulay na madilim at nagdudulot ng kamalasan ngunit ito ay
kumakatawan sa isang nakatagong mensahe. Hindi magkakaroon ng liwanag kung walang dilim
sapagkat ang dalawang ito ay magkaakibat.
4. Ilog
Sa kahabaan ng aking paglalakbay ay narating ko na rin ang aking destinasyon. Isang ilog
na umaagos nang walang tigil kasabay ang nagwawala nitong mga alon. Parang buhay lang,
marating mo man ang iyong mga pangarap at mga mithiin, hindi pa rito natatapos ang iyong
paglalakbay. Ang agos ng buhay ay parang tubig na patuloy na umaagos patungo sa malawak
na dagat ng hinaharap. Ang mga batong naririto ay sinasagupa ng tubig, maraming balakid na
maaring kaharapin

You might also like