You are on page 1of 12

AGENDA SA RISERTS SA

WIKA
MGA LAYUNIN

• Matukoy ang mga pag-aaral na nagawa na tungkol sa


wikang Filipino.
• Malaman ang mga pag-aaral na kinakailangan pang gawin
sa wikang Filipino.
Ayon sa panayam ni Andrew Gonzales, tungkol sa “The
Development of Linguistics as an Academic Discipline in the
Philippine Context” noong Hunyo 15,2000 sa Pamantasang De La
Salle.
MGA PAG-AARAL SA WIKA NA
NAISAGAWA NA AYON KAY GONZALES
1. Reference Grammar- unang binuo ng mga misyonerong Kastila sa kanilang
Artes y Vocabularios na pinagpatuloy ni Fe Otanes.
• Artes y Vocabularios- diksyonaryong Tagalog
- paring Pransiskano
- Pedro Buenaventura
-Pila, Laguna
• Tagalog Reference Grammar- ginawa para sa mambabasang Amerikano.
• Fe Otanes – isang iskolar mula sa Philippine Normal College.
• 1960-1964
MGA PAG-AARAL SA WIKA NA
NAISAGAWA NA AYON KAY GONZALES
2. Gramatika- sinulat nina Luther Parker, Lope K. Santos at iba pa.
• Lope K. Santos- tanyag na manunulat sa wikang Tagalog.
- hinggil sa wastong pagsasalita at pagsusulat ng wikang
Tagalog.
3. Glossary o listahan ng salita sa dalawa o higit pang wika- sinimulan ng
misyonerong Kastila at ipinagpatuloy ng maraming lexicograpo at iba pang
gumagawa ng tesis o libro.
• Lexicograpo- nagsusulat, nagbabago ng diksyonaryo.
• Ernesto Constantino- Filipino- Ingles
• Julio Silverio- Ingles-Filipino-Ilocano, Ingles-Filipino-Bicolano.
MGA PAG-AARAL SA WIKA NA
NAISAGAWA NA AYON KAY GONZALES
4. Paglalarawan ng syntax ng wikang Filipino- Leonard Bloomfield at
Cecilio Lopez.
• Leonard Bloomfield- di-gaanong masusi dahil sa Phonetic Bias.
• Cecilio Lopez- makabago at higit na masusi sa ginawang talakay ni
Bloomfield.
MGA PAG-AARAL SA WIKA NA
NAISAGAWA NA AYON KAY GONZALES
5.Pilologong pag-aaral ng wikang Filipino- Otto Scheerer at Carlos Everett
Conant
• Pilologo- taong dalubhasa sa pilolohiya
• Pilolohiya- agham ng wika sa aspektong pangkasaysayan at paghahambing
ng mga wika.
• Otto Scheerer-- Mga naisulat tungkol sa wika sa hilagang Luzon-Kalinga,
Igorots,Isinai,Batak,Isneg, at Bontoc.
• Carlos Everett Conant-pag-aaral sa ponolohiya ng Turirai,ebolusyon ng pepet
vowel.
6. Kasaysayan ng wika- Ernesto Constantino at Consuelo Paz.
MGA KAILANGAN PANG GAWIN SA WIKANG
FILIPINO AYON KAY GONZALES
• Monolinggwal na diksyunaryo ng wikang Filipino.
-wala pa tayo nito sapagkat ang sinasabing monolinggwal na
diksyunaryo ng Komisyon o dating surian na “Diksyunaryo ng Wikang
Filipino” ay diksyunaryo ng wikang Tagalog.
- ang kutob ni Gonzales sa unibersal na diksyonaryong ginagawa ni
Constantino ay diksyunaryong Ingles na sinalin lamang sa iba’t
ibang wikang bernakular at hindi nagmula sa katutubong salita sa
halip ay sa banyaga.
MGA KAILANGAN PANG GAWIN SA WIKANG
FILIPINO AYON KAY GONZALES
• Balarila ng wikang Filipino
-napansin ni Gonzales na wala pa tayong balarila ng wikang Filipino
tulad sa hindi paggamit ng inuulit na pantig, gamit ng letrang “s”
para maging pangmaramihan ang isang salita, pagpapalit ng letrang
“e” at “i”, bihirang paggamit ng “um”, karaniwang gamit ng “mag”,
paggamit ng “siya” sa pagtukoy sa mga bagay na di-buhay at mga
katangian ng Filipino na hango sa wikang Cebuano at iba pang
bernakular na wika.
MGA KAILANGAN PANG GAWIN SA WIKANG
FILIPINO AYON KAY GONZALES
• Glossaring Tagalog-Filipino
-napakarami na ang linggwistang espesyalista sa wikang Tagalog
ngunit sa wikang Filipino ay wala.
MGA NAG-AARAL NG WIKANG FILIPINO AYON KAY GONZALES.
Leoncio Deriada- dating pinuno ng Sentro ng Wikang Filipino sa U.P
sa Visayas sa Miag-ao at walang digri sa linggwistiks.
Virgilio Almario- walang digri sa linggwistiks at marunong lamang
dahil masipag magbasa at likas na matalino.
PAGSASANAY
• Sa pamamagitan ng pagsulat ng sanaysay, sagutin ang mga
sumusunod na tanong:
1. Sang-ayon ka ba sa sinabi ni Gonzales na hindi na kailangang pag-
aralan ang mga napag-aralan na ng mga linggwista tungkol sa
wikang Filipino at mas mainam na gamitin na lamang ito kaysa
gumawa ng bagong teorya tungkol dito? Ipaliwanag.
2. Kung bibigyan ka ng pagkakataong pag-aralan ang isa sa mga
nabanggit ni Gonzales na dapat pang gawin o pag-aralan sa
wikang Filipino. Alin ito at bakit?

You might also like