You are on page 1of 18

1

2
3
KASANAYANG PAMPAGKATUTO

(F9PT-Ia-b-39)
Naibibigyang kahulugan ang malalim na salitang
ginamit sa akda batay sa denotatibo o konotatibong
kahulugan.

4
BASAHIN NATIN!
A. Isang buwaya ang natagpuan nila sa ilog.
B. Isa kang buwaya!
A. buwaya- isang halimbawa ng hayop na
reptilya

B. buwaya- ganid/sakim, manloloko

5
BASAHIN NATIN!
A. Si Luisa ay nanguha ng mga bato sa ilog upang ihanay sa
harapan ng kanilang bahay.
B. Bato na ang damdamin ni Lucas para sa mga kaibigan
matapos siyang gawan ng hindi maganda ng mga ito.
A. bato-isang bagay na mayroong iba’t
ibang hugis at anyo na matatagpuan
kahit saan.
B. bato-manhid

6
Denotatibo Konotatibo
Pahayag
DENOTATIBO
Ang denotatibo ay ang literal na kahulugan ng
isang salita na matatagpuan sa diksyunaryo o
totoong kahulugan ng salita.
Ang denotatibo ay nagbibigay ng isang tiyak na
kahulugan at ito ay ginagamit sa karaniwan at
simpleng pahayag.

8
KONOTATIBO
Ang konotatibo ay maaaring
Ang konotatibo ay tumutukoy
mag-iba-iba ayon sa saloobin,
sa iba pang kahulugan na
karanasan at sitwasyon ng isang
ikinakabit sa isang salita
tao.
depende sa intensyon
Ang konotatibo ay nagtataglay
(agenda) ng nagsasalita o
ng mga pahiwatig ng emosyonal
sumusulat.
o pansaloobin ang mga salita.

9
MGA HALIMBAWA NG
DENOTATIBO AT
KONOTATIBO
Salita Gamit sa Denotatibong Konotatibong
Pangungusap Kahulugan Kahulugan

"Nilangaw na ang literal na may mga


pagkain sa mesa! umaaligid na
Ayaw niyo pang langaw sa
kainin." sinasabing bagay,
tao, o pagkain.
Nilalangaw
"Nilangaw ang
palabas dahil
nanonood ang mga Hindi masyadong
tao ngayon ng pinuntahan
paligsahan sa kani-
kanilang bahay."

11
Salita Gamit sa Denotatibong Konotatibong
Pangungusap Kahulugan Kahulugan

"Dinaga ang pinagpiyestahan


likuran ng bahay ng daga ang
dahil maraming isang bagay o
basura doon." pagkain.

Dinaga
"Dinaga akong
natakot o
magsabi sa kanya
pinangunahan
ng totoo kong
ng takot
nararamdaman."

12
Salita Gamit sa Denotatibong Konotatibong
Pangungusap Kahulugan Kahulugan

“Marami na ang isang klase ng


namamatay at mikrobyo na
nagkakasakit dulot nakikita sa tao o
ng kumakalat na hayop at madalas
COVID-19 virus" magdulot ng sakit.
Virus
tawag sa isang
“Tila isang
tao na nagbibigay
matinding virus si
o nagdudulot
Miguel sa buhay ni
lamang ng
Tenyong."
kasamaan sa iyo.

13
14
Ginagamit din ang pagbibigay ng kasingkahulugan at
kasalungat na kahulugan upang mabigyan ng linaw ang
malalalim na salita na ginamit sa teksto o akda.

Ang kasingkahulugan ay dalawang magkaibang


salita na pareho o magkatulad ang kahulugan o ibig
sabihin.
Halimbawa:
maganda-marikit
mabango- masamyo, mahalimuyak

15
Ang kasalungat na kahulugan ay kabaliktaran ng
isinasaad ng salita
Halimbawa:
maganda-pangit
mabango- mabaho, maamoy, masangsang

16
GAWAIN Panuto: Ibigay ang
Denotatibo, Konotatibo,
Kasingkahulugan at
Kasalungat ng mga
pahayag. Punan ang
talahanayan. Piliin ang
tamang sagot sa kahon.

17
pinagsasabihan hinuhugasan ng tubig binabalewala dinudumihan pinagpapayuhan nililinis

nalusaw nawala tumigas napahiya pinagtawanan napuri kinakabahan

tumatapang kinakain ng daga peste walang daga bumabait bumuti sumasama

nagiging mahina lumalantik tumitibay tinatraydor kinakalaban tapat nangangamba

A. Konotatibong B. Denotatibong Kasingkahulugan Kasalungat


kahulugan kahulugan
1. a. Binanlawan ng sermon
b. Binanlawan ang panyo

2. a. Natunaw ang kandila


b. Natunaw sa kahihiyan

3. a. Dinadaga ang dibdib


b. Dinadaga ang palay

4 a. Lumalambot ang puso.


b. Lumalambot ang hawakan

5. a. Inaahas ang bahay ni Mang Berto


pagkat pugad ng mga ito ang ilalim nito.
b. Inaahas ni Cora ang kanyang kaibigan.

18

You might also like