You are on page 1of 2

Mabuhay mga manlalakbay!

Ngayon ay narito kayo sa estasyon na kung saan ay aming itatalakay ang


estruktura ng wikang Bahasa Sug ng Tausug.

Ang Bahasa Sug ay ang wikang ginagamit ng mga katutubong naninirahan sa Jolo, Sulu – ang mga
Tausug. Ang wikang Bahasa Sug ang tinatanaw na prestiyosong wika sa lugar at ito rin ang ginagamit ng
higit na 300,000 katao sa iba’t ibang pulo sa Mindanao.

Para sa alpabeto ng Bahasa Sug napag-alaman niyo mula sa naunang presentor na mayroong
dalawampung (20) titik ang kanilang alpabeto.

AYAN PONOLOHIYA! Ito ay tumutukoy sa makaagham na pag-aaral ng makabuluhang tunog na kinikilala


nating ponema.

Ngayon ay aking tatalakayin ang tungkol sa PONEMA o ang mga makabuluhang tunog ng wikang Bahasa
Sug.

Ang wikang Bahasa Sug ay mayroong labimpitong (17) ponema na napapangkat sa dalawa – ang katinig
at ang patinig.
Ang mga ponemang katinig ay mailalarawan sa pamamagitan ng punto ng artikulasyon at paraan ng
artikulasyon.
Ang punto ng artikulasyon ay tumutukoy sa kung anong bahagi ng bibig naisagawa ang pagbigkas ng
ponema.
Ang paraan ng artikulasyon naman ay inilalarawan sa kung paano ang ating hininga ay lumalabas sa
bibig o guwang ng ilong sa pagbigkas ng katinig.
Ang ponemang patinig naman ay malalarawan sa pamamagitan ng posisyong ng dila sa pagbigkas.

Una ay pasara, ang daanan ng hangin ay harang na harang.


PAilong, ang hangin na nahaharang dahil sa pagtikomng mga labi, pagtama ng dulo ng dila sa itaas ng
mga ngipin.
Pasutsot, ang hanging lumalabas ay nadaraan sa makipot na pagitan ng dila.
Pangilid, ang hangin ay lumalabas sa mga gilid ng tela.
Pakatal, ang hangin ay ilang ulit na hinaharang at pinababayaang lumabas sa
Malapatinig, nagkakaroon ng galaw ng labi o dila mula sa isang posisyon tungo sa iba.

Ngayon naman ay dumako tayo sa mga patinig. Ang patinig ay nahahati sa 4 na uri ito ay ang
a. Inuulit na patinig b. Kambal na patinig c. Antalang patinig at d. impit na tunog

Ang unang uri ay ang inuulit na patinig, ang tamang paraan ng pagbabasa ng kanilang mga salita ay ang
pagbigkas ng bawat patinig nang paisa-isa at hindi ikonekta ang mga ito o lumikha ng isang mahabang
tunog.
Halimbawa nito ay ang salitang daakan o commander sa ingles. Hndi ito binibigkas ng dakan ngunit
binibigkas ito nang paisa isa.
giik – matapakan sa filipino
kambal patinig
Katulad ng nauna, ang bawat tunog ng patinig ay dapat basahin nang paisa-isa.
Saub – takpan
Tau – tao o human

Antalang patinig. Karaniwang isinusulat ang mga ito sa mga anyong may diin. ang isang makron sa
ibabaw ng isang titik ay nagpapahiwatig ng mahabang patinig.

At ang huling uri ay ang IMpit na tunog ito ay Karaniwang inilalarawan sa pamamagtan ng biglaang
paghinto sa dulo ng salita o pantig. Ito ay ipinapakita gamit ang kudlit ( ' )

Ngayon ay dumako tayo sa diptonggo.


alinman sa mga ponemang patinig na (a, i, u) na sinusundan ng malapatinig na (w, y) ay tinatawag na
diptonggo.

You might also like