You are on page 1of 2

PHILIPPINE SCHOOL DOHA

Intermediate Department
S.Y. 2023 - 2024 Iskor: _____
40
FILIPINO 5 (2nd QUARTER)
OF LEARNING NO. 3
Topic: Pandiwa
Pangalan: _______________________ Baitang at Seksyon: _________ Petsa: ________
A. Panuto: Bumuo ng pandiwa mula sa nakalaang panlapi at salitang-ugat.
(10 puntos)

BILANG PANLAPI SALITANG-UGAT PANDIWA


1 um akyat umakyat
2 an iwan iwanan
3 in kain kinain/kainin
4 han aga agahan
5 nag lakad naglakad
6 mag suklay magsuklay
7 na gulat nagulat
8 ma ligo maligo
9 hin ani anihin
10 i palit ipalit

B. Panuto: Bilugan ang mga pandiwa sa pangungusap at uriin ito ayon sa aspekto.
(20 puntos)
A. perpektibo
B. perpektibong katatapos
C. imperpektibo
D. kontemplatibo

11. Nagising ang aking malaking aso. __A____


12. Sa labas ko mahahanap ang tsinelas. __D____
13. Kaluluto lang ng turon sa tindahan. __B____
14. Maglalakad na lang sila patungong parke. __D____
15. Sina Jepoy at Karl ay nag-aaral sa silid-aralan. __C____
16. Hinawakan ng aking kapatid ang tipaklong sa hardin. __A____
17. Paano natin makukulayan ang kanbas kung basa ito? __D____
18. Masaya ang kalihim dahil katatapos lang niya sa gawain. __B____
19. Sino-sino sa inyo ang nagtapon ng basura kahapon sa likod? __A____
20. Itataas namin ang watawat ng Pilipinas sa darating na palaro. __D____
C. Panuto: Basahin ang kwento at sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang. (2 puntos bawat bilang)

Ang Agila at ang Kalapati

1 Mayabang na inilatag ng Agila ang malapad niyang pakpak sa kaitaasan. Nang mapansin
ng aroganteng Hari ng mga Ibon na ikinakampay din ng mabagal na kalapati ang mga puting
pakpak nito ay naghamon ang Agila.
2 "Hoy, Kalapati. Lalaban ka ba sa akin sa pabilisan ng paglipad?"
Sa sobrang yabang ng Agila ay naisip ng Kalapating bigyan ng aral ang humahamon.
3 "O sige," sagot ng Kalapati, "kailan mo gustong magtunggali tayo?"
Hindi ipinahalata ng Agila na nagulat siya sa matapang na kasagutan ng hinamon.
"I... ikaw ang bahala kung kailan mo gusto."
4 Napansin ng Kalapati na nakaamba ang maitim na ulap sa kalawakan. Alam niyang ilang
sandali lamang ay uulan na.
5 "Kung payag ka ay ngayon din. Upang maging masaya ang laban, kailangang may kagat-
kagat tayong anumang bagay sa paglipad natin. Dadalhin ko paitaas ang isang tipak ng asin. Ikaw
naman ay magdadala ng isang bungkos ng bulak. Payag ka ba?"
6 Napangiti ang Agila sa pag-aakalang higit na magaan ang bulak sa asin. Napagkayariang
sa tuktok ng Asul na Bundok magsisimula ang paglipad at magtatapos sa tuktok ng Berdeng
bundok. Habang naglalaban sila sa paglipad ay bumuhos na ang malakas na ulan. Ang bulak na
dala-dala ng Agila ay nabasa ng ulan at bumigat nang bumigat. Nagpabagal ito sa paglipad ng
Hari ng mga Ibon. Ang asin ay nalusaw naman na nagpabilis sa paglipad ng Kalapati.
7 Sa pagwawagi ng Kalapati, hindi na nagyabang mula noon ang palalong Agila.
Aral: Sa alinmang labanan, huwag tayong pakasiguro sa tagumpay.
Halaw mula sa: https://www.pinoyedition.com/mga-pabula/ang-agila-at-ang-kalapati/

__C____31. Sino-sino ang tauhan sa kwento?


A. Agila at Pagong B. Pagong at Kuneho C. Agila at Kalapati D. Kalapati at Leon

__C____32. Sa unang bahagi ng kwento, alin sa sa mga salita dito ang pandiwa sa
aspektong imperpektibo?
A. inilatag B. mapansin C. ikinakampay D. naghamon

__C____33. Sa ikaapat na bahagi ng kwento, ano ang salitang-ugat ng pandiwang


nakaamba?
A. naka B. kaam C. amba D. ambag

__B____34. Sino ang nanalo sa labanan nina Agila at Kalapati?


A. Agila B. Kalapati C. pareho sila D. walang nanalo

__D____35. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang aral na natutunan mo sa kwento?


A. Ang kaibigan ay dapat pahalagahan.
B. Higit na makapangyarihan ang puso.
C. Huwag maging madamot sa iyong kapwa.
D. Sa laban, huwag pakasiguro sa tagumpay.

You might also like