You are on page 1of 8

Department of Education

Region VIII
Samar Division
PAGSANGHAN NATIONAL HIGH SACHOOL
Pagsanghan, Samar

TABLE OF SPECIFICATION

Subject: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino


Grading: Unang Kwarter
Grade & Section: General Academic 11 S.Y.: 2023-2024
Home Economics 11 – 1
Humss -11

No. No. Easy (60%) Average Difficult Placement


COMPETENCY of of (30%) (10%) of items
Hour Item Knowledge Applying Synthesis/
s /Comprehensio Analyzing Evaluation
(10%)
1.Natutukoy ang mga 3.75 (2.25) (1.125) (0.375)
kahulugan at kabuluhan
ng mga konseptong 3 1, 2 31 46 1,2,31,46
pangwika
(F11PT-Ia-85
2.Naiuugnay ang mga (3) (1.5) (0.5)
konseptong pangwika sa
mga napakinggang
sitwasyong
pangkomunikasyon sa
radio, talumpati, at mga
panayam
(F11PN-Ia-86) 4 5 3,4,5 32,33 47 3,4,5,32,33,
Naiuugnay ang mga 47
konseptong pangwika sa
sariling kaalaman,
pananaw, at mga
karanasan
(F11PN-Ib-86)
3. Nagagamit ang (4.5) (2.25) (0.75)
kaalaman sa modernonng
teknolohiya (faceboook,
google, at iba pa) sa pag-
unawa sa mga konseptong
pangwika
(F11EP-Ic-30)
6,7,8,9,10,3
Nabibigyang Kahulugan 6 7.5 6,7,8,9,10 34,35 48 4,35,48
ang mga Komunikatibong
gamit ng wika sa lipunan
(ayon kay M. A. K.
Halliday)
(F11PT-Ic-86)
4. Natutukoy ang iba’t (4.5) (2.25) (0.75)
ibang gamit ng wika sa
lipunan sa pamamagitan
ng napanood na palabas sa
telebesyon at pelikula
(F11PD-Id-87) 11,12,13,14,
Naipapaliwanag ang gamit 6 7.5 11,12,13,14,15 36,37 15,36,37
ng wika sa lipunan sa
pamamagitan sa
pagbibigay ng mga
halimbawa
(F11PD-Id-87)
5.Nakakapagsasaliksik ng (2.25) (1.125) (0.375)
mgahalimbawang
sitwasyon na nagpapakita
ng gamit ng wika sa 3 3.75 16,17 38 16,17,38
lipunan
(F11EP-Ie-31)
6. Natutukoy ang mga (3) (1.5) (0.5)
pinagdaanang
pangyayari/kaganapan
tungo sa pagkabuo at pag- 5 6.25 18,19,20 39,40 49 18,19,20,39,
unlad ng wikang 40,49
Pambansa
(F11Ps-Ig-88)
7. Nasusuri ang mga (2.25) (1.125) (0.375)
pananaw ng ibat-ibang
awtor sa isinulat na
kasaysayan ng wika 3 3.75 21,22 41 21,22,41
(F11Pb-If-95)
8. Nakakapagbigay ng (3) (1.5) (0.5)
opinyo o pananaw
kaugnay sa mga 23,24,25,
napakinggang patalakay 4 5 23,24,25 42,43 50 42,43,50
sa wikang pambansa
(F11PN-If-87)

9. Nakasusulat ng (3) (1.5) (0.5)


sanaysay na tumatalunton
sa isang partikular na 26,27,28,44
yugto ng kasaysayan ng 4 5 26,27,28 44
wikang pambansa
(F11PU-Ig-86)
10. Natitiyak ang mga (1.5) (0.75) (0.25)
sanhi at bunga ng mga na
pangyayaring may
kaugnayan sap ag-unlad 2 2.5 29,30 45 29,30,45
ng wikang pambansa
(F11WG-Ih-86)
TOTAL 40 50 30 15 5 50

Prepared by: Checked by: Approved by:

AILEEN P. FENELLERE GRACE B. PEDRITA MARITES B. DACLES


Subject Teacher Assistant School Principal II Secondary School Principal IV
Unang Markahan Pagsusulit
sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino
Panuto: Basahin ng maiigi ang bawat pangungusap. Piliin at isulat ang tamang sagot bago ang bilang.
1. Ayon kay Gleason (1961), ito ay masistemang balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinili at isinaayos
sa paraang arbitraryo na ginagamit sa pakikipagkomunikasyon ng mga taong kabilang sa isang kultura.
A. wika B. titik C. tunog D. salita
2. Ang wikang unang natutuhan o kinagisnan ay tinatawag na ________________.
A. Unang wika B. Register C. Wikang Pambansa D. Wikang Opisyal
3. Ang konsepto ng wika na nagpapahayag na may iisang katangian ang wika, tulad ng language universals
ay tinatawag na_________________.
A. Barayti B. Register C. Homogenous D. Heterogenous
4. Ang wikang pinagtibay ng pambansang pamahalaan na ginagamit sa pamamahala at pakikipag-ugnayan
sa mamamayan.
A. Wika B. Wikang Pambansa C. Wikang Panturo D. Wikang Opisyal
5. Isinasaad sa patakarang multilingguwalismo ang paggamit ng wikang?
A. Ingles B. Mother Tongue C. Filipino D. Ingles, Filipino, at Mother
Tongue
6. Ano ang nagtatakda ng panuntunan ng pagpapaunlad ng Patakaran sa Edukasyong Bilingguwal?
A. Kautusang Pangkagawaran Blg. 25, s. 1974 C.Kautusang Pangkagawaran Blg. 74, s. 2009
B. Kautusang Pangkagawaran Blg. 52, s. 1987 D. Atas Tagapagpaganap Blg. 335
7. Ano ang ang ibig sabihin ng konseptong bilingguwalismo?
A. kakayahan sa paggamit ng maraming wika C. kakayahan sa paggamit ng wika
B. kakayahan sa paggamit ng dalawang wika D. tawag sa wika
8. Ano ang tawag sa mga gurong Amerikano na nagturo sa Pilipinas?
A. Thomasites B. spanyol C. ilustrado D. Prayle
9. Ito’y binubuo ng mga taong malalapit sa isa’t isa, o kaya ay may mga tiyak na pagkakapareho?
A. linguwistikong komunidad C. linguwistikong lipunan
B. linguwistikong wika D. linguwistikong sosyodad
10. Ang sumusunod na mensahe sa social networking site ay nagpapahayag ng damdamin maliban sa
_________.
A. Palagay ko, dapat lang na may wikang pambansa ang isang bansa tulad ng Pinas!
B. Masaya ako dahil nalaman ko na ang bilingguwalismo ay magkahiwalay na gamit ng Filipino at
Ingles.
C. Paiba-iba ang wikang panturo, nakalilito, gumising ang kinauukulan, “Hoy gising!”
D. Nakakalungkot kung mawawala na ang Filipino bilang kurso sa kolehiyo, ‘di ba paglabag ito sa Act.
XIV—Sek. 6 ng Saligang-Batas ng ating bansa
11. Ito ay tinatawag na barayti ng wikang nabuo sa heograpikal na dimensiyon_________.
A. Dayalekto B. wika C. salita D. katawagan
12. Wikang ginagamit sa sitwasyong nagbibigay ng mga datos at kaalaman, at nagbabahagi sa iba ng mga
Impormasyong nakuha o narinig.
A. Labeling B. Espesyal C. Informative D. Conative
13. Sa pahayag na “ Magtulungan po tayo para sa pag-unlad ng ating bayan”, anong wika ang ginamit?
A. Labeling B. Espesyal C. Informative D. Conative
14. Binigyan ka ng pagkakataong magpahayag ng iyong saloobin sa harapan ng mga namumuno sa
pamahalaan, at malalaking industriya sa Lunsod ng Heneral Santos tungkol sa Oplan Balik Eskwela sa
bagong pamamaraan ng pagtuturo. Aling konsepto ng wika ang maaaring maiugnay dito?
A. wikang opisyal B. wikang panturo C. wikang pambansa D. multilinggwalismo
15. Namamangha ka sa iyong mga kaklase noong minsang pinasulat kayo ng mga artikulong may
kaugnayan sa pandemya, dahil noong binigyan na kayo ng pagkakataong basahin sa harapan ng klase
ang inyong sinulat, karamihan sa iyong mga mag-aaral ay binigkas ang salita ng may iba’t ibang gamit at
layunin. Sa aling konsepto ng wika ito maaaring maiugnay?
A. homogenous B. bilinggwalismo C. heterogenous D. register
16. Ito ay nag aatas sa lahat ng mga kagawaran,kawanihan,opisina,ahensiya at pamahalaan na gamitin ang
Filipino sa opisyal na mga transaksiyon. Anong Kautusang Pangkagawaran ito?
A. kautusang pangkagawaran blg.52 S. 1987 C. kautusang pangkagawaran blg.52 S. 2009
B. kautusang pangkagawaran blg.74 S. 2009 D. kautusang pangkagawaran blg. 74 S. 1987
17. Anong pangkat ng mananakop ang nagbawal ng paggamit ng bernakular at ipinagamit nang sapilitan ang
kanilang wika bilang wikang panturo?
A. Kastila B. Malay C. Amerikano D. Hapon
18. Naging matindi ang damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino sa panahon ng_________.
A. Panahon ng Kastila C. Panahon ng Amerikano
B. Panahon ng Rebolusyon D. Panahon ng Hapon
19. Sa Panahon ng Amerikano ay ipinag-utos na gamitin ang Ingles bilang _______ sa mga paaralang bayan.
A. wikang pasalita C. wikang Pambansa
B. wikang panturo D. wikang katutubo
20. Sa panahon ng Rebolusyonaryong Pilipino namayani ang damdaming__________,kaya dumami ang
mga akdang pampanitikang makabayan na nasusulat sa wikang Tagalog.
A. nasyonalismo B. realismo C. idealismo D. romantisismo
21. Noong unang panahon, may sariling palabaybayan na ang Pilipinas na tinatawag na Baybayin. Anong
salita ang ginamit sa pagsasalaysay ng kasaysayan?
A. noon B. unang C. noong una D. noong unang panahon
22. Pagkalipas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nagtagumpay ang pagtuturo ng Wikang Pambansa na
tinawag na Pilipino. Ano ang salita ang ginamit sa pagsasalaysay ng kasaysayan?
A. nagtagumpay B. pagkalipas ng C. ikalawa D. digmaang
23. Kumilos ang Komisyon sa Wikang Filipino ____ lumabas ang jejemon. Ano ang dapat ipuno sa patlang
upang mabuo ang diwa ng pangungusap?
A. ng B. ngayon C. nang D.umpisa
24. Ang Pilipinas ay sinakop ng mga dayuhan, ano ang maaaring nagging bunga nito?
A. Umunlad ang Pilipinas C.Nagkararoon ng napakaraming wika ang bansa
B. Naging malaya ang mga Pilipino D.Nagkaroon ng isang wikang Pambansa ang Pilipino
25. Alin sa mga sumusunod na pang-ugnay ang nagpapahayag ng bunga?
A. pagkat B. sapagkat C. kaya naman D. dahil dito
26. Pagsusulat ng tula ang nakahiligan mong gawin sa tuwing dapithapon gamit ang wikang natutuhan mo
sa iyong pag-aaral. Sa aling konsepto ng wika ito maaaring maiugnay?
A. pangalawang wika B. homogenous C. multilinggwalismo D. unang wika
27. Habang kayo ay gumagawa ng inyong eksperimento sa laboratory ay napapansin mo ang mga salitang
ginagamit ng inyong mga guro ay may kaugnayan sa mga kagamitan at kemikal na makikita sa nasabing
laboratoryo.
A. wikang Pambansa B. wikang register C. wikang opisyal D. unang wika
28. Masarap pakinggan habang nagkukuwento ang iyong bagong kaklase sa kanyang mga masasayang
karanasan sa dating paaralan na kanyang pinasukan sa South Cotabato dahil naririnig at sinasambit pa
rin ng kanyang mga labi ang ilang salita ayon sa wika na kanyang nakagisnan.
A. lingguwistikong komunindad C. pangalawang wika
B. wikang opisyal D. unang wika
29. Ang pagiging bilingguwal ng isang tao ay nangangahulugang______________.
A. may kakayahang siyang gumamit/magsalita ng maraming wika
B. may kakayahan siyang gumamit/magsalita ng dalawang wika
C. may kakayahan siyang gumamit/magsalita ng wika
D. tawag sa dalawang wika
30. Bakit nagkakaroon ng register ng varayti ng wika?
A. Upang higit na matukoy kung saang larangan ginagamit ang nasabing wika.
B. Upang may magamit ang tao sa bawat larangan.
C. Upang mabigyan ng tamang pakahulugan ng mga salita.
D. Upang maiangkop ang gamit ng mga salita
31. Bakit nagkakaiba-iba ang wika o salitang ginagamit?
A. Dahil sa mga nakasanayang katawagan sa mga bagay
B. Dahil sa kultura at lugar na kinalakhan
C. Dahil sa kinalakhang mga katawagan sa mga bagay
D. Dahil sa mga mananakop na nakaempluwensiya sa kultura ng isang lugar
32. Bakit nagkakaiba-ibang kahulugan ng isang salita sa ibat ibang lugar?
A. Dahil sa tunog at pagkakabigkas nito C. Dahil sa gamit nito sa nasabing lugar
B. Dahil sa pagkakaiba-iba ng baybay nito D. Dahil sa katawagan at kahulugan ng salita
33. Matutukoy ba ang gamit ng wika sa mga placards at na nakikita sa daan?
A. Oo, sa pamamagitan ng pagkakasulat nito
B. Hindi, sapagkat hindi kumpleto ang teksto na nakasulat ditto
C. Minsan, kung malinaw ang mensahing inilalahad dito
D. Pwede, kung tuwiran ang pagkakasulat dito
34. Bakit mas aktibong ginagamit ang labelling sa mga kabataan?
A. Dahil ito ang mas nakagawiin nila
B. Dahil mas interaktibo ang labelling na gamit ng wika sa kanila
C. Dahil mahilig ang kabataan magbigay ng bansag
D. Dahil mas aristiko ang kanilang paggamit dito
35. Ano ang ibig sabihin ng konseptong multilingguwalismo?
A. kakayahan na makapagsalita ng higit sa dalawang wika
B. kakayahan na makapagsalita ng dalawang wika
C. kakayahan na makapagsalita ng isang wika
D. kakayahan na makapagsasalita ng wika
36. Ang pahayag na, “Bilingguwalismo? Hindi ba Taglish o Engalog ito? Ano nga ba?ay______________.
A. nagpapahayag ng damdamin C. nagbibigay ng reaksiyon
B. nagbibigay ng karagdagang impormasyon D.wala sa mga nabanggi
37. Ito ang tawag ng mga Espanyol sa mga katutubong naninirahan sa Pilipinas?
A. Indio B. katutubo C. ilustrado D. insulares
38. Naguguluhan si Jose sa dami ng kanyang takdang-aralin kaya naisipan na lang niyang pumunta sa silid-
aklatan upang magsaliksik
A. heuristiko B. imahinatibo C. personal D. regulatory
39. Anong patakarang pang-edukasyon ang simulang ipatupad noong 1974?
A. Monolingguwal B. Bilingguwal C. Multilingguwal D. Trilingguwal
40. Ito ay Saligang-batas ng Pilipinas na nagtatakda na dapat gumawa ang Batasang Pambansa ng mga
hakbang tungo sa paglinang at pormal na adapsyon ng isang panlahat na wikang pambansa na
tatawaging Pilipino.
A. Saligang-batas ng 1935 C. Saligang- batas ng 1973
B. Saligang-batas ng Biak-na- Bato D. Saligang-batas ng 1987
41. Sa Panahon ng Kastila, anong pamaraan ang ginawa nila upang malaman ang mga panitikan ng mga
katutubo?
A. pinagtipon-tipon ng mga kastila ang mga panitikang mula sa saling-bibig at mga naisulat sa mga
balat ng kahoy at iba pang pinagsulatan.
B. kinapanayam ang mga katutubo
C. inalam sa pamamagitan ng mga lider ng pangkat
D. gumamit ng tape recorded
42. Lubos akong naniniwala na si Pangulong Quezon ang naging masugid na tagapagtaguyod na magkaroon
ng wikang pambansa ang Pilipinas. Ang may salungguhit ay _________
A. ang pahayag ay isang positibong pananaw C. ang pahayag ay nagsasaad ng negatibong
opinion
B. ang pahayag ay isang suhestiyon D.ang pahayag ay nagsasaad na walang batayan
43. Bakit kailangan ng isang bansa na magkaroon ng isang wikang pambansa?
A. upang magkaroon ng sariling pagkakakilanlan C. upang maging daan sa pagkakaunawaan
B. upang mapaunlad ang kalagayang Pambansa D. lahat ng nabanggit
44. Bakit mahalga na malaman ang ibat ibang varayti ng wika?
A. Upang maging epektibong bahagi ng komunikasyon
B. Upang magamit sa wastong paraan at panahon ang mga salita
C. Upang magawa ng saliring register ng wika
D. Upang lubos na maintindihan ang mga salita na ginagamit sa pakikipag kumunikasyon
45. Bakit mahalaga na gamitin ang wika ayon sa iyong nais na ipahayag?
A. Upang lubos na maiparating ang nais na marating ng pinag-uusapan
B. Upang mabigyan ng saktong pakahulugan ang mga bagay na sasabihin
C. Upang makakuha ng tamang tugon sa pinag-uusapan
D. Upang maiwasan ang di pagkakaunawaan
46. Paano nagagamit ang mga tungkulin ng wika sa araw araw na pamumuhay?
A. Sa pamamagitan ng pagbubuo ng mga angkop na salita ayon sa hinihingi ng panahon
B. Sa pamamagitan ng pagbuo ng mga salita ayon sa nais na makuhang tungon
C. Sa pamamagitan ng mahusay na pakikipagkumunikasyon
D. Sa pamamagitan ng pag-aayon ng salitang bibitawan sa estadso ng kausap
47. Paano nagiging interaksiyonal ang tungkulin ng wika?
A. Kung ang pakikipagkumunikasiyon ay humihingi ng reaksyon ng kausap
B. Kung ang pakikipag-usap ay artistikong nagaganap
C. Kung ang mga salitang ginagamit ay diriktang humihingi ng tugon
D. Kung ang kausap ang mahusay na tumutugon sa pag-uusap
48. Ipagpalagay na ang mga mensaheng ito ay ipinadala sa iyong social networking site. Alin sa mga
mensaheng ito ang mali?
A. Ang bilingguwalismo na ginagawa sa Pilipinas ay magkahiwalay na gamit ng Filipino at Ingles.
B. Multilingguwalismo? Paggamit lang ‘yan ng maraming wika
C. Ipinagmamalaki ko na isa akong Pilipino at ang wika ko ay Pilipino!
D. DepEd Order No. 74, s. 2009 ang nag-iinstitutionalize ng MTB-ML
49. Sa iyong palagay, dapat bang tagalog ang batayan ng wikang pambansa na itinaguyod sa panahon ni
Pangulong Quezon? Ang pahayag ay halimbawa ng paghihingi ng ________.
A. opinyon sa panahon ni Pangulong Quezon
B. opinyon tungkol sa wikang pambansa sa panahon ni Pangulong Quezon
C. opinyon tungkol sa pamamahala sa bansa ni pangulong Quezon
D. opinyon tungkol sa tagalog sa panahon ni Pangulong Quezon
50. Bakit mahalaga ang wika sa tao?
A. Dahil ito ang nagtatakda ng magiging relasyon ng tao sa kanyang kapwa
B. Dahil ito nagiging pagkakakilanlan ng tao sa lipunan
C. Dahil ito ang nagiging daan upang magkaroon ng pagkakaintindihan sa bawat isa
D. Dahil ito ang nagtatakda ng kanyang kaunlaran

1. A
2. A
3. C
4. B
5. D
6. A
7. B
8. A
9. A
10. C
11. A
12. C
13. D
14. C
15. D
16. A
17. A
18. B
19. B
20. A
21. D
22. A
23. C
24. C
25. D
26. A
27. B
28. A
29. B
30. A
31. B
32. A
33. C
34. B
35. A
36. C
37. A
38. A
39. B
40. B
41. D
42. A
43. D
44. D
45. A
46. C
47. B
48. C
49. B
50. C

You might also like