Professional Documents
Culture Documents
Si Ma Am Kasi
Si Ma Am Kasi
ni Eros Atalia
Final exam ng mga graduating. Make or break. Terorista ang prof nila sa
major subject na ito. Walang pakialam kung graduating ka o hindi. Kung bagsak,
bagsak.
Parang barangay tanod ang prof. Ikot nang ikot sa buong classroom. Lahat
ng kahina-hinalang kilos, lingon o titig ng mga estudyante, sinisita nito.
"Class, you're all my witnesses, your classmate is cheating. Will you read
kung anong nakalagay sa message?"
Tumayo ang estudyanteng inutusan. Binasa ang phone.
"Y di u sagot tawag namin? Wala na si Dad. D niya na-survive ang operation. D2
kami hospital."