You are on page 1of 3

ARALING PANLIPUNAN 9

March 20, 2023

I- Layunin
1. Napahahalagahan ang sama- samang pagkilos ng mamamayang Pilipino para sa pambansang kaunlaran

CODE: AP9MSP-IVb-4
KBI: Napahahalagahan ang kabutihang dulot ng pagtutulungan sa kaunlaran
ng bayan

II- Paksa at Kagamitan

PAKSA: Sama- samang Pagkilos para sa Pambansang Kaunlaran


KAGAMITAN: Batayang aklat pp.65-67, meta strips, panulat, manila paper, lcd projector, picture puzzle
Localization: Bilang isang mag- aaral ano- ano ang maaaring maitulong upang mapaunlad ang
Babatngon?

III- Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Pagbati sa mga mag-aaral


2. Pagcheck ng attendance
3. Balik- aral

NOON AT NGAYON

1. Ano ang makikita sa larawan?


2. Kabahagi kaba sa pagbabago at pag unlad?

B. Paglinang ng Aralin

1. Pagganyak

Gawain 1 (Picture Puzzle )


Panuto: Iayos ang mga pinaghalong bahagi ng larawan upang ito ay mabuo.
a. Ilarawan ang nabuong picture puzzle.
b. Ginagawa pa ba ito sa kasalukuyan? Sa iyong palagay mahalaga parin ba ang ‘bayanihan’?
C. Pagtatalakay

Magkakaroon ng isang pangkatang gawain. Hahatiin klase sa apat (4) na pangkat batay sa kanilang
interes.
Gawain 2: Kapit- Bisig!
Unang Pangkat- Mapanagutan – slogan
Ikalawang Pangkat- Maabilidad - Jingle
Ikatlong Pangkat- Makabansa – poster
Ikaapat na Pangkat- Maalam – Tula

RUBRIK PARA SA PAGTATANGHAL


PAMANTAYAN DESKRIPSYON PUNTOS
Nilalaman Naipakita sa pamamagitan ng 30
pagtanghal
Pagkamalikhain Ang konsepto at simbolismong 20
ginamit ay nagging
makabuluhan
Mensahe Ang mensahe ay direktang 20
nakatugon sa estratihiyang
inilahad
Pamagat Naipaloob nang wasto ang 15
konsepto
Pakikisangkot sa Grupo Ginawa ng kasapi ng grupo ang 15
iniatang na gawain
KABUUANG PUNTOS 100

D. Paghahalaw

a. Paglalahat

1. Sang- ayon kaba sa kasabihang ‘ Walang nagtatagumpay ng nag-iisa, palaging kailangan mo ng kasama’?
Panindigan

b. Pagpapahalaga

1. Bakit napakahalaga ng pagkakaisa at pagtutulungan sa pag-unlad ng bansa?

E. Paglalapat

1. : Bilang isang mag- aaral ano- ano ang maaaring maitulong upang mapaunlad ang Babatngon?

IV- Pagtataya

Sagutin ang tanong gamit ang konseptong natutunan sa tinalakay na paksa. ( 5puntos)

1. Maliban sa mga nabanggit na halimbawa, paano mo ipinakikita ang iyong pagpapahalaga sa pagtulong sa
pag-unlad ng bansa?
RUBRIK SA PAGMAMARKA
DESKRIPSYON PUNTOS
Malinaw na naipaliwanag ang sagot 3
Nagpakita ng ebidensya upang suportahan ang ideya 2
KABUUANG PUNTOS 5
V. Takdang Aralin

1. Sa kasalukuyang sitwasyon natin, ano-ano ang mga nakikita mong gawain sa inyong barangay na nagpapakita
ng bayanihan?

Maghanda para sa susunod na talakayan.

Inihanda ni: Naprosesong Tagamasid:

MARICAR C. LAGUNA LEONHEL P.LAGARDE


Master Teacher I Araling Panlipunan 9 Teacher Principal I

You might also like