You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region II – Cagayan Valley
Schools Division of Cagayan
District Baggao West
BAGGAO NATIONAL HIGH SCHOOL

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan II


November 07, 2022

Pamantayang Pangnilalaman:

Ang mag-aaral ay naipapamalas ang pag-unawa sa kontribusyon ng mga pangyayari


sa Klasiko at Transisyunal na Panahon sa pagkabuo at pagkahubog ng pagkakakilanlan ng
mga bansa at rehiyon sa Daigdig.

Pamantayan sa Pagganap:

Ang mag-aaral ay nakabubuo ng adbokasiya na nagsusulong ng pangangalaga at


pagpapahalaga sa mga natatanging kontribusyon ng Klasiko at Transisyunal na Panahon na
nagkaroon ng malaking impluwensya sa pamumuhay ng tao sa kasalukuyan.

I. Mga Layunin

A. Nasusuri ang Kabihasang Minoan at Mycenean


B. Napaghahambing ang Kabihasnang Minoan at Mycenean gamit ang Venn Diagram
C. Naisusulat ang limang mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng sibilisasyong Minoan at
Mycenean
d. Napahahalagahan ang mga pamanang naiwan sa daigdig ng Kabihasnang Minoan at Mycenean

II. Nilalaman

A. Paksa: Ang Kabihasnang Minoan at Mycenean


B. Mga Kagamitan: Modyul ng Mag-aaral- Kasaysayan ng Daigdig, Kasaysayan ng Daigdig, Mateo
Ph.D. et. al, Project EASE Araling Panlipunan Modyul 4
C. Sanggunian: mga larawan, slide presentation, Venn Diagram, Chalk, chalkboard

III. Pamamaraan
A. Paghahanda:
Pagbati, Panalangin, Balitaan
B. Mga Gawain (Activities)
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
Address: Poblacion, Baggao, 3506 Cagayan
Telephone Nos.: 09173112906
Email Address: 300431@deped.gov.ph
Website: https://sites.google.com/deped.gov.ph/baggaonhs
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
Schools Division of Cagayan
District Baggao West
BAGGAO NATIONAL HIGH SCHOOL

Pagsusuri sa larawang nakuha mula sa “The Troy Movie” at “Minataur” kung


saan magtatala ng tatlong obserbasyon mula sa kanilang sibilisasyon.
C. Paunlarin (Analysis)
Hatiin ang klase sa dalawang pangkat. Ipagawa ang sumusunod:
a. pagpili ng lider at tagatala
b. pamamahagi ng paksa/tanong
c. pagtitipon ng datos mula sa batayang aklat
d. pag-oorganisa ng mga datos
e. paghahanda ng ulat na gagamitan ng learning organizer gamit ang manila paper at
marker pen
Mga paksa at kaugnay na tanong:
Pangkat A: Kabihasnang Minoan
a. Ano ang kabihasnang nabuo sa Crete?
b. Paano namuhay ang mga ninuno ng mga taga-Crete?
c. Ano ang mga palatandaan ng mataas na uri ng pamumuhay ng Knossos?
d. Anong mga bayan ang nakipagkalakalan sa Crete?
e. Bakit yumaman ang Crete sa larangan ng kalakalan?
f. Ano ang disenyong karaniwang ipinipinta ng mga Minoan sa kanilang palayok?
Bakit?
g. Paano nagwakas ang paghahari ng kabihasnang Minoan?
Pangkat B: Kabihasnang Mycenean
a. Saan nanggaling ang mga Mycenaean?
b. Bakit yumaman at naging makapangyarihan ang mga Mycenaean?
c. Paano naging makapangyarihan ang lungsod ng Troy?
d. Paano nasakop ng mga Mycenaean ang lungsod ng Troy?
e. Sino ang pinaniniwalaang diyos ng mga Mycenaean?
f. Ano ang mga patunay na may mataas na uri ng kultura ang Mycenaean?

D. Pagnilayan at Unawain (Abstraction)


Pangkatang Gawain: Hahatiin ang klase sa apat na pangkat. Ang una at
ikalawang pangkat ay gagamit ng Venn Diagram para sa paghahambing ng kabihasnang
Minoan at Mycenean. Ang ikatlo at ikaapat na pangkat ay gagamit ng Horse shoe timeline
para maibigay ang mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Minoan at Mycenean.

E. Isabuhay (Application)

Address: Poblacion, Baggao, 3506 Cagayan


Telephone Nos.: 09173112906
Email Address: 300431@deped.gov.ph
Website: https://sites.google.com/deped.gov.ph/baggaonhs
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
Schools Division of Cagayan
District Baggao West
BAGGAO NATIONAL HIGH SCHOOL

Paggawa ng Mission Statement kung paano pahahalagahan ang mga ambag


ng Kabihasnang Minoan at Mycenean sa daigdig.
“ Simula sa araw na ito, ako
ay__________________________________________________.”

IV. Pagtataya

Paghambingin sa pamamagitan ng Venn Diagram ang kabihasnang Minoan at


Mycenaean.
1. katangian ng mga Minoan.
2. katangian ng mga Mycenaean
3. pagkakatulad ng kabihasnang Minoan at Mycenaean.
V. Kasunduan
Ipabasa ang Aralin 12: Ang Kabihasnang Greek, pp. 114-125 ng batayang aklat.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Ano ang tawag ng mga Greek sa kanilang sarili?
2. Saan nakasentro ang kabihasnang Greek?

Prepared by:

JENNELY B. DURUIN
Subject Teacher

Address: Poblacion, Baggao, 3506 Cagayan


Telephone Nos.: 09173112906
Email Address: 300431@deped.gov.ph
Website: https://sites.google.com/deped.gov.ph/baggaonhs

You might also like