You are on page 1of 3

Department of Education

Region X
Division of Bukidnon
Don Carlos II District
KIARA NATIONAL HIGH SCHOOL
Kiara, Don Carlos, Bukidnon

Pang araw-araw Paaralan KIARA NATIONAL HIGH SCHOOL Baitang/Antas 9-Sunflower


na Tala Guro JANICE G. PAGTALUNAN Asignatura Filipino
sa Pagtuturo Petsa/Oras October 25, 2022/10:45-11:45 Markahan Ikalawang Markahan

I. LAYUNIN: 1. nakapaglalahad ng sariling opinyon tungkol sa mga pangyayari sa kwento;


2. nakapag-uugnay ng ilang sitwasyon sa totoong buhay
3. nakapagpapamalas ng sariling damdamin tungo sa pangunahing tauhan
4. nakapagsasadula ng mga eksenang nangyari sa kwento na nagbigay aral sa kanila
II. NILALAMAN "Impeng Negro" ni Rogelio R. Sikat. MAIKLING KWENTO
Sanggunian: Pahiyas II. Yaman ng Diwa , pp. 138-145
Konsepto: Diskriminasyon ng tao sa lipunan Kakayahan: pag-aarte, pakikipag-ugnayan at pag-iisip Pagpapahalaga: Paggalang o
Pagrespeto sa ibang tao
KAGAMITANG Powerpoint Presentation, Picture Clips, Panulat, IMs
PANTURO
III. PAMAMARAAN:
1. PAGGANYAK: -Stratehiya: “PICK -A-THING”-isahang Gawain:
-Pipili ng 5 estudyante ang guro na pupunta sa harapan. Bawat isa ay kukuha ng isang bagay sa loob ng isang kahon. Pagkatapos
ay magpapaliwanag ang bawat isa kung bakit ito ang napili nila. Sa gawaing ito inihanda ng guro ang ilang kagamitan na
nakasilid sa kahon. Ito ay dalawang magkaparehong bagay kung saan ang isa ay maganda samantalang ang isa ay pangit. Mula sa
Gawain na ito makikita natin kung sino ang panlabas na anyo lamang ang tinitingnan
2. PAGLALAHAD: -Stratehiya: “STORY-FRAME O PAKUWADRONG PAGSASALAYSAY”
-Bawat mahahalagang tagpo o pangyayari sa kwento ay nasa loob ng Frame at isa isang ipapakita ng guro ang bawat Frame na
may mga larawan ng pangyayari ayon sa pagkakasuno-sunod nito sa kwentong Impeng Negro ni Rogelio R. Sikat.
3. PAGHAWAN NG -Stratehiya: “PUNAN ANG NAWAWALA”-isahang gawain
SAGABAL: -Upang lubos nating maiintindihan ang kwento, bibigyan natin ng ibang kahulugan ang mga mahihirap na salita. Punan lamang
ang nawawalang letra ang hinihinging kahulugan:
1. NAGGIGIMALMAL- N_N_I_I_A_I_
2. PANGNGINGIMI - N_A_L_N_A_
3. SINIPAT - S_N_L_P
4. ISINAWAK - I_I_U_L_B

5. NAG-UUMIGTING - N_G_I_I_A_

Address: Bocboc, Don Carlos, Bukidnon KIARA NATIONAL HIGH SCHOOL


Kiara, Don Carlos, Bukidnon
Telephone No: 0917-840-2127
Telephone No: 09606275732
Email Address: Email Address:
mariastellavirtudes39@gmail.com patricia.amilao001@deped.gov.ph
Department of Education
Region X
Division of Bukidnon
Don Carlos II District
KIARA NATIONAL HIGH SCHOOL
Kiara, Don Carlos, Bukidnon

4. PAGTATALAKAY -Stratehiya:Gagamit ng VENN DIAGRAM para sa paglalarawan para sa Pangkat 1 at Pangkat 2


-Stratehiya: Gamit ang FACT FINDING para sa Pangkat 3 at Pangkat 4
-Magpapangkat-pangkat ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbilang.
Pagkatapos may isang representante na kukuha ng kanilang Gawain bawat pangkat.
Pangkat 1 Pangkat 2
Ilarawan si Impeng gamit ang sumusunod: Ilarawan si Ogor gamit ang sumusunod:
*lahing pinanggalingan *lahing pinanggalingan
* panlabas na anyo * panlabas na anyo
* pag-uugali * pag-uugali
* pakikitungo sa kapwa * pakikitungo sa kapwa
* hanapbuhay o Gawain  * hanapbuhay o Gawain 
Pangkat 3 
Gumawa ng isang biswal na representasyon sa Ina ni Impeng. Ipaliwanag sa harap ng klase.
Pangkat 4
Pag-uusapan sa inyong grupo ang tungkol sa lipunan. Itala ninyo kung paano nila inapi-api si Impeng. Ilahad ang sitwasyon.
5. PAGPAPALAWAK: -Stratehiya: “BRAINSTORMING O BAGYUHANG-UTAK” -Pangkatang Gawain
-Ngayon ay mayroon ako ditong ilang pangyayari na makikita sa kwento. Ang gagawin ninyo ay iugnay ang mga ito sa
kasalukuyan.
Ang lipunang mababa ang tingin lalo na sa pamilya ni Impen
Ang paglaban ni Impeng kay Ogor dahil sa sobrang panunukso
nito.

Elsie B. Soso

Address: Bocboc, Don Carlos, Bukidnon KIARA NATIONAL HIGH SCHOOL


Kiara, Don Carlos, Bukidnon
Telephone No: 0917-840-2127
Telephone No: 09606275732
Email Address: Email Address:
mariastellavirtudes39@gmail.com patricia.amilao001@deped.gov.ph
Department of Education
Region X
Division of Bukidnon
Don Carlos II District
KIARA NATIONAL HIGH SCHOOL
Kiara, Don Carlos, Bukidnon

Mga Gabay na Tanong:


 Ang kamisetang isinuot ni Impeng ang sumasagisag sa ano? 
 Nararapat bang maliitin natin ang ibang tao? 
 Bakit hindi natakot si Impeng na saktan niya si Ogor?
-Bibigyan lamang ng limang minuto para sa aktibiti na ito.
-Bawat pangkat ay maglalahad ng sagot sa klase-pipili ng lider ng pangkat para maglahad sa harap.
IV. EBALWASYON: -Stratehiya: “SOCIO-DRAMA”-pangkatang-gawain
-Magkakaroon ng isang pagsasadula tungkol sa eksenang nangyari sa kwento na nagbigay aral sa kanila at tumatak sa kanilang
isipan. Bibigyan lamang sila ng 5 minutong pag-iisip at 3 minutong pagtatanghal. Pagkatapos ipaliwanag ang ginawa nilang
eksena.
PAMANTAYAN:
Kaayusan ng dula – 20
Kaangkupan ng dula – 15
Kooperasyon ng bawat miyembro – 10
Pagkamalikhain - 5
KABUUAN 50 puntos
V. TAKDANG- -Pumili ng isang katangi-tanging sitwasyon sa kwento na laganap rin sa totoong buhay. Gawan niniyo ito ng isang collage sa
ARALIN: isang short bondpaper.

Inihanda Nina:

JANICE G. PAGTALUNAN
Guro sa Filipino

Sinang-ayunan ni:

PATRICIA C, AMILAO, Ed.D.


Punong-Guro

Address: Bocboc, Don Carlos, Bukidnon KIARA NATIONAL HIGH SCHOOL


Kiara, Don Carlos, Bukidnon
Telephone No: 0917-840-2127
Telephone No: 09606275732
Email Address: Email Address:
mariastellavirtudes39@gmail.com patricia.amilao001@deped.gov.ph

You might also like