You are on page 1of 1

Jovita: Magandang umaga, ako si nanay Jovita.

Gusto kitang makikilala, anong


pangalan mo?
Aleli: Ako naman po nay si Aleli.
Jovita: Nice to meet you Aleli, kumusta ka?
Aleli: Mabuti po!
Jovita: Nga pala nakikipagusap kami tungkol sa mga
karaniwang tanong tungkol sa Diyos.
Aleli: Tungkol po sa Diyos, wala naman pong Diyos nay.
Jovita: Ganun ba? Pero maitanong ko lang, dati ka na bang hinde naniniwala sa
Diyos?
Aleli: Naniniwala naman po ako noon nay, pero sa dami po ng hirap ko sa buhay tulad
ng iniwanan kami ng tatay ko at mamatay ang nanay ko at kailangan nang magtrabaho
sa murang edad hinde ko naramdaman nay na may Diyos.
Jovita: Nakakalungkot nga kung gayon ang nangyari sa pamilya mo at dumanas ka ng
matinding hirap.
Aleli: Nagsisimba naman po ako lingo-lingo at nagdadasal. Pero minsan naitatanong
ko bakit pinahirapan at pinarurusahan kami ng Diyos kung talaga bang may Diyos.
Jovita: Alam mo marami ang dumaranas ng kahirapan at katulad mo rin ang kaisipan.
Pero alam mo ba, baka ikagugulat mo ang sagot sa atin ng Bibliya hinggil sa "paano
natin nalaman na ang pagdurusa ay hinde parusa ng diyos?"
Sinasabi dito sa Satiago 1: 13 "Kapag dumaranas ng pagsubok, huwag sabihin ninuman:
“Sinusubok ako ng Diyos.” Dahil ang Diyos ay hindi masusubok na gumawa ng masama,
at hindi rin niya sinusubok ang sinuman na gumawa ng masama."
Ayon dito sa binasa natin,sang ayon ka ba na ang Diyos ay hinde masusubok na gumawa
ng masama?

Aleli: Ay syempre po nay, imposible na gagawa ang diyos ng masama.


Jovita: Tama,tapos dito sa dulong bahagi ano ang tinitiyak sa atin.
Aleli: na hinde po sinusubok ng diyos ang sinuman.
Jovita: Tumpak ang iyong kasagutan. Kaya maari mong maitanong ngayon kung hinde
galing sa diyos ang pagdurusa, kanino ito nanggaling at bakit tayo nagdurusa. Yan
ang sasagutin ko naman sayo sa sunod na balik ko.
Aleli: Sige po nay, gusto ko po malaman ang bagay na yan.
Jovita: At makakatulong din ang aming website na jw.org upang masagot ang iba mo
pang mga katanungan. at iiwan na din kita ng aming contact card.

You might also like