You are on page 1of 41

5

Modyul sa Filipino
Ikalawang Markahan – Linggo Blg. 5 – 8
5
Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 5:
Teksto, Bigyang Pamagat
Impormasyon, Iyong Itala
Filipino – Ikalimang na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 5: Teksto, Bigyang Pamagat
Impormasyon, Iyong Itala
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Jay F. Macasieb DEM, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Rodelio D. Tolentino


Aliena D. Tolentino

Editor: Rogelio L. Bañas Jr.


Tagasuri: Maria Fe C. Balaba
Tagalapat: Rogelio L. Bañas Jr.
Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval
Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum
Maria Fe C. Balaba
Pandibisyong Tagamasid, Filipino at Mother Tongue

Inilimbag sa Pilipinas ng
Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng
Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph
Alamin

Sa pakikinig, malalaman mong epektibo ka kung masasabi mo pagkatapos ang


mga detalye ng iyong napakinggan at nabibigyan mo ito ng pamagat. Ang modyul na
ito ay gagabay sa inyo upang malinang ang inyong kasanayan at kakayahan sa
pagbibigay ng detalye at pamagat para sa mga tekstong pang-impormasyong
napakinggan.

Ang modyul na ito ay kinapapalooban ng mga kasanayan o aralin tungkol sa:

 Pagbibigay ng angkop na pamagat sa isang talata at tekstong napakinggan


 Pagtatala ng mga impormasyon mula sa binasang teksto

Sa katapusan ng pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang nalinang sa iyo ang mga


layuning ito:

1. Nakapagbibigay ng angkop na pamagat sa isang talata at tekstong


napakinggan; at
(F5PB-Ig-8 F5PN-Ih-17)
2. Naitatala ang mga impormasyon mula sa binasang teksto.
(F5EP-IIa-f-10)

Subukin
Panuto: Ilagay sa wastong kahon ang mga mababasang pangungusap o parirala.

Maraming mga taong namamasyal sa mga kalye.


May handang pagkain ang bawat bahay sa aming barangay.
Pista sa Aming Barangay
May mga palarong pambata sa bawat kanto.

Pamagat
________________________________________________________

Detalye Detalye Detalye

_______________________ _______________________ _______________________


_______________________ _______________________ _______________________
_______________________ _______________________ _______________________
_______________________ _______________________ _______________________
__________________ __________________ __________________

1
Aralin
Teksto, Bigyang Pamagat;
1 Impormasyon, Iyong Itala
Isang mahusay na kasanayan ang pagbibigay ng pamagat sa isang teksto at
pagtatala ng mahahalagang impormasyon. Dito nasusukat kung naunawaan ang
binasa o napakinggang teksto. Lumalawak din ang kaalaman dahil sa mga
nakukuhang impormasyon. Ang lahat ng ito ay matututuhan mo sa araw na ito. Ngunit
bago yan, magbalik-aral muna tayo sa nakalipas nating aralin. Gawin ang pagsasanay
na ito.

Balikan
Panuto: Ibigay ang hinihinging datos o impormasyon.

Dahon ng Impormasyon

Pangalan: _________________________
Gulang : _________________________ Kasarian: ________________
Tirahan ___________________________
Petsa ng Kapanganakan : ______________________________________________________
Pangalan ng Ina :_______________________________________________________________
Pangalan ng Ama: ______________________________________________________________
Bilang ng Kapatid: __________________ Babae: ____________ Lalaki: ______________

TANDAAN:
Ang mga pormularyo o forms ay magsisilbing batayang impormasyon hinggil sa
isang tao tungkol sa kaniyang sarili. Mahalagang malinaw at pawang katotohanan ang
mga datos na ibibigay rito.

Tuklasin

Ang pagbibigay pamagat sa isang talatang napakinggan o nabasa at pagtatala


ng mga impormasyon ay magkaugnay. Mas mapadadali ang pagbibigay ng pamagat
kung alam mo na ang mahahalagang mga impormasyong nakuha sa teksto.

2
Basahin ang teksto.

Ang pagtutulungan ay isang katangiang likas sa atin. Madalas, kumikilos


tayo agad kapag nakakikita tayo ng taong nangangailangan ng tulong. Sa kalagayan
natin ngayon, kailangan natin ng ibayong pagtutulungan. Bilang mga mag-aaral,
makatutulong tayo sa kapuwa sa ating munting paraan. Tumulong tayo sa
pamamagitan ng pagsunod sa mga alituntunin upang hindi makadagdag sa
problema ng pamilya, ng komunidad at ng bansa.
Paksa: Tungkol saan ang talatang

Impormasyon:
Ang pagtutulungan ay likas
sa atin. Isulat dito ang naisip na pamagat para sa
Pagtutulungan

talatang binasa o napakinggan. Huwag


Impormasyon: kalimutang isama ang salitang nasa loob
ng kahon sa paksa.
ito?

Kailangan natin ng ibayong


pagtutulungan. __________________________________________
__________________________________________
Impormasyon:
__________________________________________
Tumulong sa pagsunod ng
mga alituntunin. __________________________________________

Suriin
Mga Paraan ng pagbibigay pamagat sa isang talata:

1
•Pakinggang mabuti o basahin at unawain ang talata .

•Tandaan ang mga salitang nakakukuha ng iyong


2 atensiyon.

•Isipin kung ano ang paksang tinatalakay .


3 •Tungkol saan ito?

•Suriing mabuti ang daloy ng impormasyon.


4
Paksa: Tungkol saan ang talatang ito?
Dito magmumula ang iyong pamagat

Impormasyon:
Paano ipinaliwanag ang
paksa?

Impormasyon:
Paano ipinaliwanag ang
paksa?

Impormasyon:
Paano ipinaliwanag ang
paksa?

3
Pagyamanin

Gawain 1 HANAPAREHA

Panuto: Piliin ang pamagat ng mga talata sa Hanay A mula sa mga pagpipilian sa
Hanay B. Isulat sa patlang bago ang bilang, ang letra ng iyong napiling sagot .

Hanay A Hanay B
______1. Ang bawat kasapi ng pamilya ay magiliw na
nagtutulungan upang maging masaya ang pamilya. Si A. Mahalaga ang
Nanay ay tagapangalaga, samantalang si Tatay ay Pamilya
tagapagbigay ng mga pangangailangan ng pamilya. Ang
mga anak naman ay kaagapay sa pagsasagawa ng mga
gawaing bahay.

______2. Nagdadamayan ang bawat kasapi ng pamilya. Ang


mga kapatid ay madaling nakararamdam kung may B. Respeto Para sa
suliranin ang isa’t isa. Nagbibigay sila ng suporta sa Mga Magulang
pamamagitan ng pakikinig at pagbibigay payo kung
kinakailangan. Ganyan magdamayan ang magkakapatid.

______3. Ang mga magulang ay laging nakasuporta sa


kanilang mga anak. Ang kanilang pagmamahal ay walang
katumbas. Dito nag-uugat ang respeto ng mga anak sa C. Pagtutulungan
kanilang mga magulang. Alam ng mga anak na walang ng Pamilya
magulang na kayang tumalikod sa anak.

______4. Mahirap ang mabuhay nang walang pamilya. Kung


wala sila, mahihirapan kang makaramdam ng tunay na
pagmamalasakit. Walang agarang tutulong sa iyo kung D. Pagmamalasakit
ikaw ay nahihirapan o magkakasakit. Wala ring sa Kapatid
magmamalasakit sa iyo kung ikaw ay inaapi.

______5. Hindi ko pwedeng ipagpalit ang aking pamilya sa


kahit magkano mang halaga. Sila ang aking kayamanan.
Sa aking pamilya nagmumula ang sayang nararamdaman E. Ang Pamilya ay
ko araw-araw. Sila rin ang dahilan ng aking mga pangarap. Kayamanan

Gawain 2 Nabasa Mo, Idetalye Mo!


Panuto: Magbigay ng mahalagang detalye sa bawat
talatang nabasa mo sa hanay A mula sa Gawain 1.
Ang una ay nagawa na para sa iyo.

Talata Detalye

1 Ang bawat kasapi ng pamilya ay nagtutulungan.

4
Isaisip

1. Paano nabibigyang pamagat ang isang tekstong


napakinggan o nabasa?
2. Ano-ano ang mahahalagang impormasyong
dapat ninyong itala?
3. Ano ang kaugnayan ng mahahalagang
impormasyong naitala sa pagbibigay ng pamagat
sa isang teksto?

Dugtungan ang pahayag na ito at isulat sa


kuwaderno bilang repleksyon sa araw na ito.

Natutuhan ko sa araw na ito na ang mga


mahahalagang impormasyon ay sumasagot
sa tanong na:
_________________________________________
_________________________________________
Nabibigyang pamagat ang teksto mula sa:
_________________________________________
_________________________________________

Isagawa
GAWAIN A: Hanap…Sipat…Kalap

Panuto: Basahin o ipabasa ang talata sa iyong kasama upang ito ay


mapakinggan. Lagyang ng hinihinging impormasyon ang mga kahon.

Ipinagmamalaki ng Makati ang Central Business District. Dito makikita ang


mga nagtatayugang gusali at mga pamilihang itinuturing na pasyalan. Dinarayo
ito dahil sa mga malls, sinehan, restawran at mga arcade para sa mga bata.
Marami ring mga hotel na tinutuluyan ng mga negosyante at ginagamit bilang
lugar na pinagdarausan ng mga seminar.

Hanap……
Hanapin at isulat ang paksa ng teksto
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________

5
Sipat…… Kalap……Itala ang mga
mahahalagang detalye ng teksto
Magbigay ng pamagat para sa teksto.
______________________________________
_______________________________________
______________________________________
_______________________________________
______________________________________
_______________________________________
______________________________________
_______________________________________
_________________________________

GAWAIN B: Walastik kung Mag-isip!

Panuto: Bigyang pamagat ang mga detalyeng nabasa mula sa kahon. Isulat ito
sa callout.

Aklat Puto Pasko

Papel Bilo bilo Bagong Taon

Kuwaderno Suman Piyesta

Lapis at bolpen Biko Kaarawan

Ruler Turon Kasalan

Gunting Palitaw Binyagan

Tayahin

Gawain 1
Panuto: Piliin ang wastong pamagat sa loob ng kahon para sa mga talata. Isulat
ang letra ng napiling sagot sa patlang bago ang bilang.

A. Ang Pakikisalamuha sa Kapuwa


B. Ang Pananalig ay Nakatutulong sa Kalusugan
C. Bigyang Halaga ang Lusog Isip
D. Mahalaga ang Kalusugan
E. Pagtiyak sa Kalusugan

6
_______1. Mahalaga ang ating kalusugan. Pangalagaan natin ang ating katawan.
Maglaan tayo ng sapat na oras para sa ehersisyo. Kumain din tayo ng balanseng
masustansiyang mga pagkain. Dapat din tayong magkaroon ng sapat na pahinga.

_______2. Bigyang-halaga rin natin ang ating lusog-isip o mental health. Kasinghalaga
din ito ng lakas ng ating katawan. Mas magiging masaya ang ating pamumuhay kung
iiwas tayo sa mga bagay na magdudulot sa atin ng sobrang pag-iisip. Umiwas tayo sa
mga balitang maaaring magdulot ng takot at pagkabahala.

_______3. Ang pakikisalamuha sa kapuwa tao ay makatutulong din sa ating kalusugan.


Mas nakagagaan sa ating pakiramdam kung tayo ay may mga nakakausap. Naiiwasan
natin ang pag-iisip ng mga negatibong bagay kung naibabahagi natin ang ating mga
suliranin sa mga taong pinagkakatiwalaan natin. Maaaring sa pakikipag-usap sa kanila
ay makakuha tayo ng solusyon sa ating mga problema.

_______4. Higit sa lahat, manalig tayo. Ang pananalig ay mabisang pangontra ng mga
bagay na maaaring magdulot sa atin ng kapahamakan. Anoman ang ating relihiyon,
bahagi na ng ating kultura ang pananalig. Ipagdasal natin ang kaligtasan ng bawat isa
upang tayo ay mabuhay nang payapa.

_______5. Hindi kailangan ng maraming pera upang ikaw ay maging malusog. Nasa
tamang kilos at gawi nakasalalay ang ating pagiging malusog. Maging malinis tayo sa
ating katawan at sa ating paligid. Kumain nang wasto at mag-ehersisyo. Magdasal at
maging payapa ang isip. Tiyak na ang kalusugan ng bawat isa.

Gawain 2
Panuto: Magbigay ng 5 maaaring maging detalye ng pamagat na ito.

Mga Magagandang Katangian ng Pilipino


1. ___________________________________________________________________________

2. ___________________________________________________________________________

3. ___________________________________________________________________________

4. ___________________________________________________________________________

5. ___________________________________________________________________________

Gawain 3 #TALASAYSAY
(Makabuluhang Pagtatala, Mabungang Pag-unawa)

Basahin ang teksto. Pagkatapos ay itala ang mahahalagang impormasyong


makukuha mula rito sa pamamagitan ng pagpupuno sa grapikong pantulong.

Ngayon ay mainit, maya-maya ay kukulimlim at biglang bubuhos ang


napakalakas na ulan. Nakalilito hindi ba? Aakalain mo tuloy at sasabihing, “May
bagyo ba?” Ngunit kaibigan, huwag ka nang magtaka. Ganyan na ang panahon natin
ngayon. Sabi nga, unpredictable. Ngunit, bakit nga ba ganito na ang ating panahon?
Alam mo ba kung bakit, paiba-iba ang ating panahon sa kasalukuyan? Ang
kalagayang ito ay dahil sa “Global Warming” o pag-init ng mundo.
Kay hirap nang ilarawan ang estado ng ating panahon ngayon. Iyong tirik na
tirik ang araw, makalipas lamang ang ilang oras ay bumubuhos na ang malakas na
ulan at kung minsan ay nagdudulot ng pagbaha sa ilang lugar. At pagkatapos ng
malakas na ulang ito ay muli na namang lilitaw ang Haring Araw at magsasabog ng
matinding sikat ng araw. Minsan, nararamdaman na rin natin ang nakapapasong init
ng araw lalo na sa tanghaling tapat. Nararanasan na rin natin ang sunod-sunod na
pagbagyo nang napakalakas at nananalanta sa mga lalawigang madalas daanan nito
lalo na ang rehiyon ng Bicol at sa bandang Bisaya. La Niña ang tawag natin sa

7
penomenong labis na pagbaha at pag-ulan. El Niño naman ang kabaligtaran nito
kung saan ang mga lugar na sinasalanta nito ay nakararanas nang labis na tagtuyot.
Ang mga penomenong ito ay tinatawag nating climate change. Ito ay bunga ng Global
Warming o ang pagtaas ng pangkaraniwang temperatura sa ating himpapawid, mga
karagatan at ilang bahagi ng kalupaan. Ayon sa ilang pag-aaral, nitong mga huling
limampung taon, ayon sa mga dalubhasa, higit na bumilis ang epektong dulot nito
dahil sa walang awang paglapastangan ng mga tao sa ating kapaligiran at sa ating
kalikasan. Isama na rito ang pagtaas ng antas ng paggamit ng carbon dioxide at iba
pang greenhouse gases bunga ng pagsusunog ng mga petrolyong langis, kabilang na
rin ang walang habas na pagputol ng ating mga puno hanggang sa makalbo na ang
ating mga kabundukan at kagubatan, kaliwa at kanang paggamit ng mga kemikal at
marami pang iba.
Pinakamahirap solusyonan ang pandaigdigang suliraning ito. Pero kung ang
lahat ay makikiisa at makikipagtulungan upang mabawasan ang polusyon sa hangin,
tubig at lupa, magiging disiplinado ang lahat ng tao at magsisimula sa ating mga sarili
ang pagbabago, kahit paano ay mababawasan ang patuloy na pag-init ng mundo.

______________________________________________
1. Mungkahing pamagat

____________________________________
2. Kalagayan ng panahon sa kasalukuyan

Mga Penomenang Umiiral sa Mundo

3. ________________ 4. ________________

Dahilan ng Maaaring
Pag-init ng Solusyon
Mundo

5. ________________ 8. ________________

6. ________________ 9. ________________

7. ________________ 10. _______________

8
5
Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 6:
Mahalagang Pangyayari at Paksa
ng Teksto at Dokumentaryo,
Ibigay Mo!
Filipino – Ikalimang na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 6: Mahalagang Pangyayari at Paksa ng Teksto at
Dokumentaryo, Ibigay Mo!
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Jay F. Macasieb DEM, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Imelda B. Armengol


Angelita U. Duron
Bernard L. Malunes

Editor: Rogelio L. Bañas Jr.


Tagasuri: Maria Fe C. Balaba
Tagalapat: Rogelio L. Bañas Jr.
Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval
Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum
Maria Fe C. Balaba
Pandibisyong Tagamasid, Filipino at Mother Tongue

Inilimbag sa Pilipinas ng
Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng
Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph
Alamin

Magandang araw aking mag- aaral! Sa araw na ito ay may bago kang kaalaman
at kasanayang matututuhan. Handa ka na bang tuklasin ang mga ito? Narito ang
mga paksa na pag- aaralan mo sa linggong ito.

Ang modyul na ito ay kinapapalooban ng mga kasanayan o aralin tungkol sa:

 Pagbibigay ng mahahalagang pangyayari sa nabasang talaarawan,


talambuhay at sa napanood na dokumentaryo
 Pagbibigay ng paksa o layunin ng napakinggang kuwento, usapan, talata, at
pinanood na dokumentaryo

Sa katapusan ng pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang nalinang sa iyo ang mga


layuning ito:

1. Naibibigay ang mahahalagang pangyayari sa nabasang talaarawan,


talambuhay at sa napanood na dokumentaryo; at
(F5PB-IIg-11,F5PD-IIi-14)
2. Naibibigay ang paksa o layunin ng napakinggang kuwento/usapan/talata, at
pinanood na dokumentaryo.
(F5PN-Ic-g-7, F5PN-IIg-17, F5PD-IIf-13)

Subukin
Bago tayo magsimula ng ating aralin, sagutan mo muna ang paunang pagsubok na
ito. Handa ka na ba?
Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong batay sa nabasa o napanood na
dokumentayo. Bilugan ang letra ng iyong napiling sagot. Maaari ring mapanood sa
link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=qFYBMqYEsJI.

Sa unang tingin, madaling isipin na pulubi o batang lansangan si Ibrahim


pero ang totoo, high school gradweyt na ang binata at magtutuloy na sana sa
kolehiyo kung hindi siya natukso ng Maynila.
Noong nag-aaral pa siya, pinapangarap na niyang pumunta ng Maynila.
Dati-rati, hindi siya naniniwala na mahirap ang buhay rito, base sa nakikita niya
sa kaniyang mga kababayan na dumarating galing Maynila na parang nababago
ang kanilang buhay. Baon ang sampung libong piso mula Cotabato, sumakay ng
eroplano patungong Maynila si Ibrahim. Pebrero nang dumating siya at nakahanap
kaagad ng trabaho. Ang di niya alam, may pandemya palang paparating. Hindi
niya inaasahan na aabutan siya ng Marso, lumaganap na ang balita sa COVID 19,
takot na takot siya dahil kung sakaling magkasakit siya rito, walang kamag-anak
na tutulong sa kaniya kundi ang sarili niya.
Gamit ang natitirang pera, bumili ng tiket si Ibrahim pauwi ng probinsiya,
ang problema, ilang beses nakansela ang biyahe dahil sa lockdown. Hindi na siya
nakabalik sa dating tinitirhan. Dahil dito, napadpad na siya kung saan-saan.
Isa lamang si Ibrahim sa limampung Locally Stranded Individual (LSI) na
nakatira sa labas ng Libingan ng mga Bayani, kung saan matatagpuan ang isa sa
isolation facility ng gobyerno. Hindi na sila pinayagang makapasok sa loob ng
pasilidad, puno na kasi ito, kaya sa kalsada na lang sila naninirahan, umaasang
mapapansin sila ng pamahalaan. Dahil sa pandemya ng COVID-19, walang ibang
hangad ang libo-libong tulad ni Ibrahim na makauwi sa kani-kanilang probinsiya.

Halawa sa: https://www.youtube.com/watch?v=qFYBMqYEsJI

1
1. Tungkol saan ang dokumentaryong nabasa o napanood?
A. tungkol sa isang palaboy
B. tungkol sa isang walang tirahan
C. tungkol sa isang biktima ng COVID -19
D. tungkol sa isang Locally Stranded Individual (LSI)
2. Batay sa dokumentaryong nakalahad, ano ang natapos ni Ibrahim?
A. Gradweyt ng Elementarya C. Gradweyt ng Kolehiyo
B. Gradweyt ng High School D. Gradweyt ng Bokasyonal
3. Ano ang tawag sa probinsiyanong napadpad sa Maynila at gustong umuwi sa
kaniyang bayan o lugar ngunit di maaari dahil sa lockdown na dulot ng pandemya?
A. probinsiyano C. estranghero
B. bakasyonista D. Locally Stranded Individual (LSI)
4. Sino ang inaasahan ng mga di- makauwing mga tao na makatutulong sa kanila
pabalik ng probinsiya?
A. kaibigan C. gobyerno
B. kapamilya D. kapitbahay
5. Paano makababalik ng probinsiya ang mga kagaya ni Ibrahim sa kani-kanilang
lugar?
A. Sila ay makauuwi kung kailan nila nanaisin.
B. Sila ay magkakani-kaniya ng diskarte upang makauwi ng probinsiya.
C. Sila ay isa-isang bibigyan ng Local Government Unit (LGU) na nasasakupan.
D. Sila ay makauuwi sa pamamagitan ng Hatid Tulong Program ng gobyerno

Aralin Mahahalagang Pangyayari at Paksa ng

1
Teksto at Dokumentaryo
Ibigay Mo!

Nakapanood ka na ba ng isang dokumentaryong palabas? Ano ang karaniwang


tinatalakay sa mga ganitong uri ng palabas? Ano-ano ang karaniwang paksa ng mga
dokumentaryo? Sa araw na ito ay gagabayan ka ng modyul na ito upang maunawaan
ang mga tanong na ito. Bukod sa pagbabasa ng teksto, matututuhan mo ring magsuri
ng mga pangyayari sa mga napanonood na mga dokumentaryo sa telebisyon. Handa
ka na ba?
Magbalik-aral ka muna sa nakalipas na aralin upang magamit ang kasanayang
ito sa bagong aralin.

Balikan
Panuto: Magbigay ng maaaring maging detalye ng pamagat na nasa kahon.

Labanan ang Covid-19

1. ______________________________________________________________________________

2. ______________________________________________________________________________

3. ______________________________________________________________________________

4. ______________________________________________________________________________

5. ______________________________________________________________________________

2
TANDAAN:
Ang pagbabasa ay mahalaga upang maunawaan ang teksto at malaman o
maibigay ang paksa, detalye, layunin, mga impormasyon, at kaalaman ukol dito.
Magagawa lamang ang mga ito kung masasagot nang wasto ang mga katanungan at
malaman ang mga detalye nito. Malaking tulong ang mga grapikong pantulong upang
maibigay ang mahahalagang pangyayari sa teksto.

Tuklasin

Sa araw na ito ay matututuhan mo ang pagbibigay ng mahahalagang


pangyayari at paksa sa nabasa o napakinggang talaarawan, talambuhay, at
napanood na dokumentaryo. Nakapaloob sa modyul na ito ang mga gawaing lilinang
upang lubos na matutuhan ang mga kasanayan. Tara na!
 Mahahalagang Pangyayari - Ito ang mga detalye na sumasagot sa mga tanong
na sino, kailan, saan, ano, paano, at bakit na nakapaloob sa isang binasa o
napakinggang teksto.
 Talaarawan o Journal - Ito ay mga tala ng buhay ng isang tao. Mga gawaing
kaniyang isinasagawa sa araw-araw na kaniyang isinusulat sa kuwaderno sa
paraang nakikipag-usap lamang.

Halimbawa:

Ika- 8 ng Setyembre, 2020


Mahal kong talaarawan,
Masayang- masaya ako dahil kaarawan ko ngayon. Palibhasa’y di po ako pwedeng
lumabas at magsimba kaya sa Online mass ako nanood at nagsimba. Nasorpresa
rin ako at may regalong keyk si nanay at tatay.

Ang iyong kaibigan,


Maria Mary

Talambuhay- Ito ay mga tala ng buhay ng isang tao. Mga nangyari o naganap simula
nang ipinanganak, nag-aral, nakatapos at kung ano ang kasalukuyang buhay o
gawain.

Dokumentaryo- Ito ay isang programa sa radyo, telebisyon at maaari ring pelikula


o panoorin na pangyayaring nagbibigay impormasyon tungkol sa katotohanan o
sitwasyon ng isang tao, lugar o konsepto. Ang layunin nito ay upang manghikayat,
magpamulat ng kaisipan, at magpabago ng isang buhay, lipunan o isang sistema.

 Paksa- Ito ang sentro o pinag-uusapan sa kabuuang teksto, talata, usapan,


talaarawan, o talambuhay. Ang paksa ay maaring matagpuan sa unahan,
gitna at hulihan ng talata.
 Talata- Ito ay mga pangungusap na pinagsama-sama, o pinagbuklod na may
isang kaisipan o paksa. Ang mga talata ay may pangunahing paksa o diwang
iniikutan. Sa ilalim ng paksang ito, may mga detalyeng nagpapalinaw o
sumusupota sa pangunahing detalye o paksa kung kaya’t mahalaga na
matukoy natin ang paksa upang maunawaan ang binasa.

3
Suriin
Bigyan ng masusing pansin ang mga grapikong pantulong upang lubos na
maunawaan ang mga kasanayan.

Ang talata ay maaring ganito ang kayarian.


 Ang paksa ay matatagpuan sa unahan ng talata.

Ang Lungsod ng Makati ay


kinikilalang sentro ng kalakalan. Dito
Pangunahing ay may malalaking gusali. Malalawak,
diwa o paksa malilinis at makabago ang mga
pamilihan at parke. Maraming iba’t
ibang malls at mapapasyalan.

detalye Ano ang paksang pangungusap sa


talata? Saan ito matatagpuan? Ang
Lungsod ng Makati ay matatagpuan
sa unahan ng talata.

Maraming malls at mapapasyalan.


Dito ay may malalaking gusali. Ang
detalye Lungsod ng Makati ay kinikilalang
sentro ng kalakalan. Malalawak, malilinis
Pangunahing at makabago ang mga pamilihan at parke.
diwa o paksa
Ano ang paksang pangungusap sa talata?
At saan matatagpuan? Ang Lungsod ng
Makati ay nasa sentro o gitna ng talata.
detalye

Maraming malls at mapapasyalan.


Dito ay may malalaking gusali at kalakalan.
Malalawak, malilinis at makabago ang
mga pamilihan at parke. Ito ay kinikilalang
detalye sentro ng kalakalan, ang Lungsod ng
Makati.

Ano ang paksang pangungusap sa talata? At


Pangunahing
saan matatagpuan? Ang Lungsod ng
diwa o paksa Makati ay nasa hulihan ng talata
matatagpuan.

Pagyamanin

Naaalala mo pa ba kung ano ang nangyari kahapon, kanina, o noong


nakaraang araw sa iyong buhay? Isinusulat mo ba ang mahahalagang pangyayaring
naganap sa iyo? May mga pangyayari sa ating sariling buhay araw-araw na kapag ‘di
natin ito itinala o isinulat, minsan ay nakalilimutan natin ang mga ito. Mahalagang
ito ay ating sinusulat nang sa gayon ay may magpapaalala sa atin sa mga bagay na
naging parte ng ating pagkatao o karanasan sa ating buhay.

4
Gawain 2 Piliin mo, Tama ako!
Panuto: Basahin ang TALAARAWAN ni Donabel at sagutin ang mga tanong
pagkatapos. Bilugan ang letra ng tamang sagot.

Oktubre 19, 2020


Mahal kong talaarawan,
Sobrang dami kong kailangang gawin at pag-aralang asignatura gaya ng
Science, English, Filipino, AP at Math. Nakapapagod na maghapong pag-aaral
ngayong araw na ito.

Oktubre 21, 2020


Mahal kong talaarawan,
Nahirapan akong makinig sa aking guro kanina. Naririnig ko kasi ang ingay
sa aming kapitbahay kaya nainis ako. Hindi ako makapokus sa sinasabi ng aking
guro. Nalungkot tuloy ako.

Oktubre 23, 2020


Mahal kong talaarawan,
Nakabibigla ang mga pangyayari. Pagpasok ko sa aming online class,
sinabihan ako ng aming guro na isasali ako sa isang virtual Quiz Bee. Biglang
magkahalong kaba at takot ang naramdaman ko. Ngunit batid ko na malaki ang
tiwala ng aming guro sa akin kung kaya’t pangangatawanan ko na ito.

1. Tungkol saan ang tekstong binasa?


A. patalatas B. balita C. talambuhay D. talaarawan
2. Sino ang sumulat ng mga inilahad na pangyayari sa kaniyang buhay?
A. guro B. kapitbahay C. Donabel D. kaklase
3. Anong pangyayari ang binabanggit ni Donabel noong Oktubre 19, 2020?
A. paglalaro sa labas C. pamamasyal sa parke
B. pagkapagod sa pag-aaral D. pagtatrabaho sa bahay
4. Batay sa pangyayaring binanggit ng sumulat noong Oktubre 21, 2020, kanino siya
naiinis nang araw na iyon?
A. kapitbahay B. kamag-aral C. kalaro D. guro
5. Anong nakabibiglang pangyayari ang sumalubong sa sumulat nang pumasok siya
sa kanilang online class?
A. May biglaan silang pagsusulit.
B. Nanalo siya sa isang paligsahan.
C. Isinali siya sa isang virtual Quiz Bee
D. Nakatanggap siya ng isang magandang regalo.

Isaisip
Ang pagbabasa nang may pang-unawa ay magiging makabuluhan at ito
rin ay sinang-ayunan sa pahayag ni Coady (1979) na “Upang lubusang
maintindihan ang teksto, kailangang maiugnay ng tagabasa ang dating alam sa
kaniyang kakayahang bumuo ng mga konsepto, kasanayan, at kaisipan mula sa
mga naiprosesong impormasyon sa binasa.”
Dugtungan ang pahayag na ito at isulat sa kuwaderno bilang repleksyon
sa araw na ito.

Natutuhan ko sa araw na ito________________________________________

______________________________________________________________________

5
Isagawa
GAWAIN 1:

A. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang dokumentaryo. Maaari rin itong panoorin sa
pamamagitan ng link na ito https://www.youtube.com/watch?v=UyInDEOo9Vk

Sagutin ang mga tanong. Bilugan ang letra ng tamang sagot.

Tira-tirang pagkain o pagpag, bumubuhay sa mahihirap na pamilyang Pilipino

Isa lang ang pamilya ni Lola Corazon sa mga pamilyang Pilipino na umaasa sa
mga tira–tirang pagkain o pagpag para maging pantawid gutom sa araw–araw. Bukod
sa pagsagot nito sa kanilang kumakalam na sikmura. Ito na rin ang kanilang
kabuhayan. Ano–ano nga ba ang kanilang ginagawa sa mga patapong pagkain para
mapakinabangan pa nila?
Kasabay ng kabi-kabilang handaan sa mga iba’t ibang lugar, ang samutsaring
tapong pagkain o food waste, para kay lola Corazon, 61 taong gulang ay biyaya ang
hatid nito. Sa loob ng apat na taong paghahanap ng tira–tirang pagkain mula sa iba’t
ibang fast food at restawran ang naging kabuhayan nila. Matapos ang magdamag na
paghahanap, nakaipon sila ng kalahating sako ng pagpag. Hindi pa man siya
nakararating ng bahay, sinalubong na siya ng apong si Jerry Boy labing isang taong
gulang.
Pagdating sa bahay, binuksan agad ni Jerry Boy ang sako ng pagpag. Dahil sa
gutom ng umagang iyon, hindi na nagawang hugasan ni Jerry Boy ang mga tirang
pagkain gaya ng pritong manok. Kumain pati na rin ang iba pa nilang kalaro.
Matapos kumain ng tirang manok ibinigay naman ni Lola Corazon ang nakita
niyang tinapay sa mga apo. Pero nakikita sa lagayan ng tinapay na expired na ang
mga ito. Ang mga hindi nakain sa pagpag ay dinala naman ni Jerry Boy sa tindera ng
naglulutong pagpag na si Anabel Lazaro. Beynte pesos ang bayad sa nakolektang
pagpag ni Lola Corazon. Agad na inihanda ni Anabel ang lulutuin. Hindi pa man tapos
magluto, may mga nakaabang nang kostumer si Anabel. Ang pagpag kanina ay naging
kalderita, adobo, at inasal. Bumili rin si Jerry Boy ng sampung pisong halaga ng
adobong pagpag, ito na ang nagsisilbi nilang pananghalian.
Sa dami ng nagugutom katulad ni Jerry Boy, nakababahalang problema ng
food waste sa Pilipinas. Nangyayari ito mula sa production hanggang sa consumption
ng pagkain. Sa Benguet halimbawa na itinuturing na Vegetable Basket ng Pilipinas,
tone – toneladang gulay ang itinatapon matapos hindi makapasa sa quality control.
Ang ibang gulay ay nabubulok naman dahil sa kakulangan ng storage facility. Sa
datos naman ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI) noong 2015, umabot
sa 1,212 metrikong toneladang bigas ang wasted o nasasayang, katumbas ito ng
24,240 na sako o kaban na nasasayang na bigas kada araw.

(Maikling dokumentaryo ni Kara David)

1. Tungkol saan ang pinanood na dokumentaryo?


A. mga taong mahihirap
B. mga taong tira-tirang pagkain o pagpag ang kinakain
C. mga taong walang permanenteng hanapbuhay
D. mga kaawa-awang sitwasyon ng mga taong lansangan
2. Batay sa dokumentaryo, bakit napipilitan ang ilang tao na gawing hanapbuhay ang
pangongolekta ng pagpag?
A. Kumikita sila rito ng sapat.
B. Masarap at malasa pa ang mga ito.
C. Ito na talaga ang kanilang naging hanapbuhay.
D. Ito ang solusyon sa kumakalam nilang sikmura sa araw araw.

6
3. Saan nila kinukuha ang mga ito?
A. sa iba’t ibang fast food chain at restawran
B. sa tabi-tabi na pinagtatapunan ng basura
C. sa mga kapitbahay na may magandang kalooban
D. sa mga taong maykaya o angat sa buhay
4. Ano-ano ang kanilang ginagawa sa mga patapong pagkain upang mapakinabangan
pa?
A. Ginagawa nila itong pataba sa halaman.
B. Ginagawa nila itong pagkain ng alagang hayop.
C. Ipinamimigay nila ito sa mga taong nagugutom.
D. Hinuhugasan nila ito nang mabuti at nilulutong muli sa gusto nilang putahe.

5. Lahat ay maaaring maging epekto sa kalusugan nang patuloy na pagkain ng tira-


tirang pagkain o pagpag, maliban sa isa, alin ito?
A. Sila ay may makakain palagi.
B. Sila ay posibleng magkakasakit.
C. Sila ay posibleng mamamatay.
D. Sila ay maaaring kapitan ng bakterya.

B. Panuto: Sumulat ng iyong simpleng talambuhay. Maaari itong isulat sa iyong


kwaderno o sa isang malinis na papel. Sundin ang mga gabay na tanong upang
mabuo mo ang iyong talambuhay.
1. Ano ang paksa o pamagat ng iyong talambuhay?
2. Kailan ka ipinanganak?
3. Saan at pang-ilan ka sa magkakapatid?
4. Sino-sino ang iyong mga magulang at kanilang mga hanapbuhay?
5. Saan ka nag-aaral at ano-ano ang mga gawaing gusto mo?

Tayahin

Gawain 1 Panuto: Basahin at unawain ang talambuhay. Bilugan ang letra ng


tamang sagot.

Talambuhay ni Andrei Diomel Armengol

Ipinanaganak si Andrei Diomel Armengol noong Ika-26 ng Disyembre, taong


2005. Siya ay panganay at bunsong anak. Ang kaniyang mga magulang ay sina
Imelda Armengol, guro ng Paaralang Elementarya ng Cembo at Custodio Armengol,
dating OFW.
Siya ay nakatira sa 63- A. Kalye ng Acacia, Barangay Cembo, Lungsod ng
Makati. Nakapag-aral siya ng elementarya sa Paaralang Elementarya ng Cembo at
nakapagtapos ng may karangalang banggit.
Siya ay palabasa, matulungin sa kapuwa, palakaibigan at palalaro rin. Sa
darating na pasukan siya ay nasa Baitang 10 na sa Mataas na Paaralan ng Pitogo
at kabilang sa klase ng STEM.

1. Ano ang paksa ng teksto?


A. Talambuhay ni Andrei Diomel C. Dokumentaryo ni Andrei Diomel
B. Sanaysay ni Andrei Diomel D. Talaarawan ni Andrei Diomel
2. Sino ang tinukoy ng talambuhay?
A. Imelda Armengol C. Custodio Armengol
B. Andrei Diomel Armengol D. Diomel Armengol
3. Kailan siya isinilang?
A. Disyembre 25, 2004 C. Disyembre 27, 2006
B. Disyember 26, 2005 D. Disyembre 28, 2007

7
4. Saan siya nag-aral ng elementarya?
A. Cembo Elem. School C. Pitogo Elem. School
B. South Cembo Elementary School D. San Jose Elem. School
5. Ano ang kaniyang nakamit sa elementarya?
A. Unang karangalan C. Ikatlong karangalan
B. Ikalawang Karangalan D. May karangalang banggit

Gawain 2 SURILIKULANG DOKUMENTARYO: GAWIN MO!

Para sa may akses sa internet o nasa ODL, maaaring panoorin ang dokumentaryo sa
link na ito: https://youtu.be/RnR11loRYlM

I-Witness: "Black Manila", a documentary ni Howie Severino

Gabay na tanong:

1. Tungkol saan ang pinanood na dokumentaryong pelikula?

2. Ano-ano ang mahahalagang pangyayaring tinalakay sa dokumentaryo


hinggil sa mga tao sa tinatawag nilang “Black Manila?”

3. Ano sa palagay mo ang layunin ng pinanood na dokumentaryo? Bakit?

8
5
Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 7:
Patalastas at Islogan, Gawin
Pangkalahatang Sanggunian,
Gamitin
Filipino – Ikalimang na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 7: Patalastas at Islogan, Gawin
Pangkalahatang Sanggunian, Gamitin
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Jay F. Macasieb DEM, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Carina R. Aquino


Ethel F. Gida
Arlene A. Palma

Editor: Rogelio L. Bañas Jr.


Tagasuri: Maria Fe C. Balaba
Tagalapat: Rogelio L. Bañas Jr.
Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval
Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum
Maria Fe C. Balaba
Pandibisyong Tagamasid, Filipino at Mother Tongue

Inilimbag sa Pilipinas ng
Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng
Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph
Alamin
Sa panahon ngayon ng makabagong henerasyon, ang mga kabataang katulad
mo ay lantad sa hain ng social media. Kayo raw ay mga kabataang tinataguriang
“Children of Media.” Ito ay dahil kayo ay ipinanganak sa panahon ng makabagong
teknolohiya. Sa panahong ito, napakaraming mahahalagang isyung dapat ay
pamilyar, ngunit marapat lamang na malaman mo kung saan kukuha ng tamang
impormasyon tungkol sa mga ito. Sa kasalukuyan, nararanasan mo rin ang mga
mapanlinlang, ang mga nagkukunwaring tamang sanggunian. Dahil isa ka sa mga
kabataang pinaghahabilinan ng kinabukasan ng bayan, responsibilidad mong
matutuhan at magamit nang wasto ang mga pangkalahatang sanggunian.

Ang modyul na ito ay kinapapalooban ng mga kasanayan o aralin tungkol sa:


 Pagsulat ng simpleng patalastas at islogan
 Paggamit ng pangkalahatang sanggunian sa pagtatala ng mahahalagang
impormasyon tungkol sa isang isyu

Sa katapusan ng pag-aaral ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. Nakasusulat ng simpleng patalastas at islogan; at
(F5PU-IIIa-b-2.11 F5PU-IIIb-2.11)
2. Nagagamit ang pangkalahatang sanggunian sa pagtatala ng mahahalagang
impormasyon tungkol sa isang isyu.
(F5EP-IIe-i-6)

Subukin

Gaano ka kahanda ngayong araw? Subukan mong sagutan ang pagsasanay.


Panuto: Basahin at suriin ang kaisipan ng islogan sa ibaba. Sagutin ang mga tanong
pagkatapos at bilugan ang letra ng iyong napiling sagot.

Pagsunod sa batas ay pagtulong sa bayan,


Pagtulong sa bayan ay disiplina at paggalang
Kung may disiplina, may pagkakaisa
Kung nagkakaisa, tayo ay masaya!

1. Ayon sa islogan, alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagtulong sa bayan?


A. Pagtawid sa tamang lugar at sa tamang oras.
B. Pagtawid habang walang nakatinging pulis trapiko.
C. Pagtawid sa tapat ng pupuntahan upang ‘di aksaya sa oras.
D. Pagtawid nang patakbo upang hindi masagasaan ng mga sasakyan.

2. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng disiplina para sa sarili, sa kapuwa, at sa


bayan?
A. Pagtataas sa ulo ng face shield upang hindi maistorbo sa paglalakad.
B. Pagbababa ng face mask sa baba kahit maraming kasalubong na mga tao.
C. Maayos na pagsusuot ng face mask at face shield kung lumabas ng bahay.
D. Paghawak nang walang pag-iingat sa kahit anong bagay na nakikita sa paligid.

3. Mayroon kang nakatakdang gawain sa Araling Panlipunan tungkol sa laki ng


populasyon ng ating bansa. Alin sa sumusunod ang dapat mong gamitin upang
magawa ang takdang-aralin?
A. pahayagan o diyaryo C. almanak
B. mapa at atlas D. Ensayklopedya

1
4. Dahil pinag-aralan mo na ang tamang pagpapahayag ng opinyon at reaksyon, nais
mo ngayong malaman ang opinyon ng ilang mambabatas tungkol sa panukalang
pagpapalit ng uri ng pamahalaan sa ating bansa. Anong sanggunian ang iyong
gagamitin para mabasa mo ang opinyon nila tungkol dito?
A. diksyunaryo o talatinigan C. pahayagan o diyaryo
B. talaarawan (diary) D. tesawro
5. Sinasabayan mo sa pag-awit si Moira dela Torre. Napahinto ka sapagkat may ilang
salita sa liriko ang di mo gaanong naintindihan. Aling sanggunian ang iyong
gagamitin upang lubos mo itong maunawaan?
A. diksyunaryo o talatinigan C. almanak
B. manwal D. atlas

Patalastas at Islogan, Gawin


Aralin
Pangkalahatang Sanggunian,
1 Gamitin
Sa kasalukuyan, ang bawat isa ay pilit na nakikiayon upang patuloy na
makibaka sa buhay at nang sa ganoon ay hindi matalo ng pandemya. Lahat ay
apektado, hindi madali, ngunit kailangang gawin ang nararapat upang maipagpatuloy
ang pagkatuto para sa ikauunlad ng sarili, ng pamilya, ng komunidad, at ng bansa.
Sa araw – araw na pamamalagi sa tahanan, pairalin ang katotohanan. Kailangang
gumamit o magbasa at manood lamang sa mga mapagkakatiwalaang
pinagkukuhanan ng impormasyon. Bago mo ipagpatuloy ang pag-aaral, balikan
muna natin ang nakaraan mong aralin.

Balikan
Panuto: Unawain ang mga pangungusap. Bilugan ang letra ng tamang sagot ayon sa
tinutukoy ng bawat tanong.

1. Ito ay isang pang-araw-araw na tala, lalo na ng mga personal na karanasan,


saloobin, obserbasyon, at pananaw. Ano ito?
A. aklat B. notebook C. pahayagan D. talaarawan

Para sa bilang #2-3. Basahin ang talaarawan at sagutin ang mga tanong.

Talaarawan ni Cassy
Linggo ika-8 ng Nobyembre 2020, ika-3:00 ng hapon
Gumising ako nang maaga sapagkat araw ng Linggo. Naligo agad ako at
nagbihis. Kami ay sumamba. Nagpasalamat ako sa mga biyayang ipinagkakaloob sa
amin ng Ama. Sana ay matapos na ang pandemya sa ating bansa.

2. Kailan sumamba ang mag-anak?


A. noong ika-8 ng Nobyembre, 2019 C. noong ika-8 ng Nobyembre, 2020
B. noong ika-18 ng Nobyembre, 2020 D. noong ika-19 ng Nobyembre, 2020

2
3. Ano ang ipinagdasal ni Cassy na isinulat niya sa kaniyang talaarawan?
A. Magkaroon siya ng bagong laruan.
B. Magkaroon siya ng mataas na marka sa pagsususulit.
C. Matapos na ang pandemya sa ating bansa.
D. Makarating siya sa ibang bansa.

4. Si Atong ay isang masipag na bata. Siya ay marunong nang magluto at naghuhugas


din siya ng mga pinggan. Nagwawalis siya araw-araw sa kanilang bahay. Nagtanim
din siya ng mga gulay sa paso lalo na at mahal ang mga bilihin. Ano ang paksa sa
talatang binasa?
A. Si Atong ay masipag na bata.
B. Siya ay marunong nang magluto at naghuhugas din siya ng mga pinggan.
C. Araw-araw siyang nagwawalis sa kanilang bahay.
D. Nagtanim siya ng mga gulay sa paso.

5. Malalaki at matataas na gusali ang matatagpuan sa Ayala. Kilalang-kilala ang


lungsod na ito dahil na rin sa mga subdibisyong magagara at malapalasyong bahay
ng mga milyonaryo. Narito rin ang mga tanyag na hotel at restawran. Ang Makati ay
isa sa pinakamayamang lungsod sa bansa. Alin ang paksa sa talatang binasa?
A. Malalaki at matataas na gusali ang matatagpuan sa Ayala.
B. Maraming subdibisyon ang matatagpuan dito.
C. Maraming mga tanyag na restawran at hotel sa Makati.
D. Ang Makati ay isa sa pinakamayang lungsod sa bansa.

Tuklasin
Naranasan mo na bang sumulat ng isang islogan at patalastas? Isinasaalang-
alang mo ba ang wastong paggamit ng mga pangkalahatang sanggunian sa pagtatala
ng mahahalagang impormasyon tungkol sa isang mahalagang isyu? Nais kong
basahin at pag-aralan mo ang sumusunod nang sa ganoon ay patuloy na maragdagan
ang banga ng iyong kaalaman!
A. Ang islogan ay isang maikling mensahe na nakapupukaw ng damdamin o
nakakukuha ng atensiyon, at madalas na nagbibigay ng pangmatagalang
impresyon o leksiyon sa mambabasa at sa manonood. Ang pagsusulat ng islogan
ay hindi mahirap lalo na kung ikaw ay interesado sa paksang nais mong gawan
nito at kung may malawak kang kaalaman sa mga isyu o paksa.

Halimbawa:
Pag-aaral ay huwag kaligtaan para sa magandang kinabukasan

Sa matalinong pagbabasa
kaalaman at katototohanan ang dala-dala
B. Ang patalastas ay isang paraan ng pag-aanunsiyo o pagbabalita ng tungkol sa
isang produkto o serbisyong nais ipatangkilik sa pamamagitan ng iba’t ibang anyo
ng komunikasyong pangmadla katulad ng pasulat, telebisyon, Facebook, You
Tube, o iba pang platapormang pangkomunikasyon.

Halimbawa:

3
C. Pangkalahatang Sanggunian
Ang sanggunian ay ang pinagkukunan ng mga impormasyon katulad ng iba’t
ibang uri ng aklat o anomang lathalain na maaring gamitin ng mga mambabasa at ng
kahit na sinong ibig makakuha ng kaalaman o impormasyon.
Halimbawa:

1. diksyunaryo
2. tesawro
3. ensayklopedya
4. almanak
5. mapa/ atlas
6. diyaryo
7. manwal
8. handbook
9. direktoryo pahayagan o mapa
10. internet ensayklopedya diksyunaryo
dyaryo

Suriin
Sa pang-araw-araw nating pamumuhay, lalo at nakararanas tayo ng isang
malaking suliranin, katotohanan ang dapat nating panghawakan. Sa bahaging ito ng modyul
ay matututo kang sumulat ng simpleng patalastas at islogan pati na ang pagkalap ng
impormasyon tungkol sa isang mahalagang isyu gamit ang pangkalahatang sanggunian.
Maaari mo ring balikan ang bahaging “Subukin” habang patuloy na pinag-aaralan ang
sumusunod. Handa ka na? Tara na!

A. Patalastas
Ngayong may pandemya, mahabang oras natin ang nakagugol sa social media katulad
ng telebisyon, at internet. Panoorin mo muna ang mga ito sa You tube, o kaya ay sandali
kang magbukas ng telebisyon sa gabay ng iyong magulang sa mga may akses sa internet.
 https://www.youtube.com/watch?v=Uw66Da0GFPM
 https://www.youtube.com/watch?v=Nctz50UYRWk
 https://www.youtube.com/watch?v=Nctz50UYRWk

Ano ang masasabi mo sa napanood mo? Tama, Patalastas! Commercial ang


kadalasang tawag natin sa mga iyan. Ano ang ipinahihiwatig ng mga
patalastas na iyan sa atin? Mahusay! Nais nilang tangkilikin natin ang
kanilang produkto sa pamamagitan ng pag-aanunsiyo, at pagbabalita
ng tungkol sa mga ito.
May isa pang anyo ng patalastas. Tingnan mo ang nasa ibaba. Ito ay
isang simpleng patalastas na pasulat o tsart na kadalasang makikita natin sa
ating komunidad tulad ng paaralan at barangay.

PATALASTAS
Ano : Pagbubukas ng klase Taong Panuruan 2020 - 2021
Sino : mga mag-aaral
Saan : pampublikong paaralan
Kailan : Oktubre 5, 2020

4
Ano ang ibinibigay sa atin ng patalastas na ito? Isa-isahin mong isulat sa iyong
kuwaderno ang mga impormasyong matututunan dito. Ano-ano ang
mahahalagang impormasyong dapat ay malinaw na nakasaad sa isang
patalastas?

B. Islogan
Alam mo bang madali lamang sumulat ng islogan? Basahin mong muli
ang nasa bahaging “Tuklasin”. Ang kailangan lamang ay ang iyong kaalaman
at interes sa paksa. Mas maganda ang islogan kung gagamit ng mga salitang
magkatugma, at higit sa lahat kung ito ay galing sa puso. Kung galing sa puso,
kusang lalabas sa iyong isip ang nais mong isulat. Mas madali kang makasusulat
nito, mas madali rin itong mauunawaan at matatandaan ng mga mambabasa. Kung
minsan ay nagpapakita rin ito ugnayang sanhi at bunga.
C. Pangkalahatang Saggunian
Pagmasdan mo ang larawang ito. Tukuyin mo kung ano ito, at ano ang makikita rito.

Sagot:

-
Ito ay kinapapalooban ng koleksiyon ng mga aklat, ng iba’t
ibang uri ng mga aklat. May mga diyaryo o pahayagan, at mga
magasin din dito. Maaari rin namang magkaroon ng mga
makabagong kagamitan upang makasabay sa makabagong panahon ng teknolohiya gaya ng
mga telebisyon, kompyuter, electronic board, projector, printer, at iba pa.
Ang marami sa mga aklat dito ay tinatawag na pangkalahatang sanggunian. Ang
mga ito ang ginagamit upang makakuha ng mga kaalaman at impormasyon sa pagtatala ng
mahahalagang bagay tungkol sa isang isyu.
PANGKALAHATANG SANGGUNIAN

Diksyonaryo – ito ay aklat ng mga salita Tesawro – ito ay kahalintulad ng


na nakatala nang paalpabeto. Ang bawat diksyonaryo, ang mga salita o entry ay
itaas na pahina ay may mga gabay na nakatala nang paalpabeto. Dito ay
salita (maaari ring gabay na titik) upang matututuhan ang kasingkahulugan at
mas madaling makita ang mga salitang kasalungat ng salita. Madalas ay ginagamit
nais pag-aralan. Ang bawat salita ay din ang salita sa pangungusap upang mas
nagtataglay ng tamang bigkas, at pantig madaling maunawaan.
nito, bahagi ng pananalita, at kahulugan
o mga kahulugan. Mapa – ito ay modelo ng isang lugar katulad
ng mundo, kontinente, bansa, o bayan.
Ensayklopedya - ito ay isang aklat ng Nakalahad din dito ang lawak ng lugar pati
mga pinagsama-samang kaalaman ng na ang direksiyon. May mga simbolo ring
tao tungkol sa isang malawak na paksa. ginagamit sa mapa upang mas maayos itong
Mayroon din namang tungkol sa magamit. Marami ang uri ng mapa.
partikular na larangan o paksa katulad
ng medisina, siyensiya, at kultura. Atlas – ito ay aklat o kalipunan ng mga
Mayroon ding mga pambatang mapa ng iba’t ibang lugar.
ensayklopedya. Ang mga paksa ay
nakatala nang paalpabeto, at ang bawat
pahina ay mayroon ding gabay na mga Telebisyon – ito ay pangmasang panghatid
salita gaya ng sa diksyonaryo. impormasyon sa pamamagitan ng panonood
Ang ensayklopedya ay karaniwang gaya ng mga balita, at komentaryo, ng
inililimbag nang maramihan o by volume libangan, edukasyon, pati na ang pag-aalok
at may kasamang indeks. ng mga produkto at serbisyo. Ito ay
tinatawag ding telekomunikasyon.
Almanak – ito ay taunang publikasyon Hindi nalalayo ang radyo sa telebisyon.
ng talaan ng mahahalagang pangyayari Parehas ang inihahatid ng bawat isa. Ang
ng susunod na taon. Ang mga mga impormasyon ay pinakikinggan sa
halimbawang impormasyon ay ang radyo. Sa kasalukuyan, dahil nga sa
balitang panahon, pagtaas, o pagbaba ng modernong teknolohiya, mayroon na tayong
tubig sa dagat, pagsikat at paglubog ng tinatawag na teleradyo, hindi lamang
araw, eklipse at iba pa. napakikinggan, napanonood pa.

5
Pahayagan o diyaryo – ito ay pang-araw-araw na paglilimbag ng mga balita,
impormasyon at patalastas. Kadalasang ito ay inilalathala araw-araw, o lingguhan. May
tinatawag na broadsheet, at mayroon din namang tabloid.

Internet o Online – Sa kasalukuyang panahong ng modernong teknolohiya, ang mga


naunang sanggunian ay maaaring magamit sa pamamagitan ng internet, o ng online
learning. Ilan sa mga halimbawa ng mga ito ay facebook, youtube, google, twitter at
instagram.Tiyakin lamang na lehitimo ang mga impormasyong matatagpuan sa mga
ito.

Alam mo ba?
Ang mga kaalamang natutuhan tungkol sa pagsulat ng patalastas at islogan,
paggamit ng pangkalahatang sanggunian ay malaki ang papel sa buhay mo.
Maliban sa mga taong nakasasalamuha mo sa araw-araw, sa mga ito ka
kumukuha ng mga impormasyon upang maragdagan ang iyong kaalaman
tungkol sa iba’t ibang usapin o isyu.

Pagyamanin
Gawain 1 - Pagsulat ng Simpleng Patalastas
PANUTO : Basahin ang nakasulat na patalastas. Gumawa ng simpleng patalastas gamit
ang hulwaran.

Ano: Pangkalahatang Pagpupulong


Ano: _________________________________
Sino-sino: Mga Magulang, Mag-aaral, Guro
at Kawani ng Paaralan Sino: _________________________________
Saan: SCES Saan: _________________________________
Kailan: Ika -10 ng Oktubre,2020
Kailan: ________________________________
Ika - 7:00 ng umaga

Gawain 2 - Pagsulat ng Simpleng Islogan


PANUTO : Gumawa ng islogan tungkol sa pag-iingat laban sa COVID-19, isulat ito sa
loob ng kahon.

Gawain 3 - Isaayos Mo!


PANUTO : Buuin ang mga Jumbled Letters upang matukoy ang isinasaad ng bawat
pangungusap tungkol sa pangkalahatang sanggunian.
1. Ang araw-araw na ulat ng mga balita ng mga pangyayari sa bansa o daigdig ay dito
natin mababasa. Ito ay maaaring tabloid o broadsheet.
R A Y D O Y I = ______________________________________________
2. Ito ang aklat ng mga mapa. Nagbibigay ng impormasyon tungkol sa iba’t ibang lugar
sa mundo, layo at lawak ng mga lupain, taas ng bundok o lalim ng dagat.
L S A T A = _________________________________________________
3. Ito ang aklat ng mga kalendaryo ng mga araw, linggo, buwan, at taya ng panahon,
impormasyon sa kalawakan at pagtaas at pagbaba ng tubig sa dagat.
A M L A K N A = ____________________________________________
4. Isang aklat na talaan ng mga salita ng isang wika na nakahanay nang paalpabeto.
Kasama rito ang wastong bigkas, tamang baybay, gamit, kahulugan o kasalungat.
R D K I Y N O S A O Y = ____________________________________

6
5. Isang serye ng mga aklat na nagtataglay ng mga kaalaman tungkol sa iba’t ibang paksa.
May mga larawan at ilustrasyong mababasa rito.
S E A N Y O L K P E Y A D = ________________________________

Isaisip

Ang mga kaalamang natutuhan mo ngayon tungkol sa pagsulat ng


simpleng patalastas at islogan ay nagpapahayag ng iyong ideya’t kaisipan
sa iyong kapuwa upang magbahagi ng iyong nararamdaman at kaalaman.
Marami kang matututuhan sa pamamagitan ng pagsasaliksik. Kung
ibig mong magkaroon ng mas malawak o mas malalim na kaalaman
tungkol sa isang paksa o isyu ang pagsasaliksik ang pinakamabisang
paraan. Magagamit mo ang pangkalahatang sanggunian para kumuha
ng impormasyon tungkol sa isyu na iyong sinasaliksik.
Bilang repleksyon sa araw na ito, dugtungan ang pahayag na ito.
Ang natutunan ko sa araw na ito ay ...___________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_________________________________________________.

Isagawa

Gawain 1 - HULAAN MO AKO!


PANUTO : Isulat kung Patalastas o Islogan ang mga mababasa sa ibaba.

Ipagpaumanhin po ang Ano: Pangkalahatang Pagpupulong


pansamantalang paghina ng daloy ng Sino-sino: Mga Magulang, Mag-aaral,
tubig sa Barangay San Rafael bunsod sa Guro at Kawani ng Paaralan
isinasagawang Road Widening sa lugar. Saan: SCES
Kailan: Ika -10 ng Oktubre, 2020
Salamat po sa pag-unawa.
Ika-7:00 ng umaga

1. ____________________________________ 2. ____________________________________

Ang Kalikasan Edukasyon ay Pahalagahan


ay ating Pangalagaan Sapagkat ito’y Daan
Upang ang ating Pangangailangan Tungo sa Magandang Kinabukasan
ay Matugunan

3. ____________________________________ 4. ____________________________________

Goodbye dumi’t mantsa


Hello Pride bareta!

5. ____________________________________

7
Gawain 2 – COVID 19-ISLOGAN
PANUTO: Bumuo ng sariling islogan mula sa mga poster ng Kagawaran ng Kalusugan
hinggil sa CoVid 19.

__________________________ ___________________________ ___________________________


__________________________ ___________________________ ___________________________
__________________________ ___________________________ ___________________________
__________________________ ___________________________ ___________________________

Tayahin

PANUTO: Basahin at suriing mabuti ang mga katanungan. Bilugan ang letra ng
tamang sagot.

1. Piliin ang angkop na islogan kung ikaw ay gagawa ng isang kasabihan tungkol sa
pagsugpo sa COVID-19?
A. Edukasyon ay pagyamanin, dahil ito’y
para sa atin.
B. Sa ikauunlad ng bayan, disiplina ang
kailangan.
C. Virus ay puksain, paghuhugas ng
kamay ay ugaliin.
D. Isang bansa, Isang diwa, Isang wika.

2. Ang mga larawang nasa kanan ay isang halimbawa ng _________.


A. islogan C. kasabihan
B. patalastas D. pangkalahatang sanggunian

3. Gustong malaman ni Alexandria ang kahulugan ng salitang katutubo. Anong


sanggunian ang dapat niyang gamitin o basahin?
A. atlas B. almanak C. diksyonaryo D. ensayklopedya

4. Anong sanggunian ang dapat gamitin ni Dominic kung nais niyang malaman
ang lawak, distansya at lokasyon ng mga lugar.
A. atlas B. almanak C. diksyonaryo D. ensayklopedya

5. Binigyan kayo ng takdang-aralin sa Araling Panlipunan tungkol sa mahalagang


pangyayaring naganap sa Pilipinas noong Pebrero 22-25, 1986. Anong
sanggunian ang iyong gagamitin?
A. atlas B. almanak C. diksyonaryo D. ensayklopedya

8
5
Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 8:
Magagalang na Pananalita:
Isabuhay
Wastong Opinyon o Reaksyon
Tiyak Maiibigay
Filipino – Ikalimang na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 8: Magagalang na Pananalita: Isabuhay, Wastong Opinyon
o Reaksyon Tiyak Maiibigay
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Jay F. Macasieb DEM, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Lorna P. Reyes


Elnes E. Alcantara

Editor: Rogelio L. Bañas Jr.

Tagasuri: Maria Fe C. Balaba

Tagalapat: Rogelio L. Bañas Jr.

Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval


Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum

Maria Fe C. Balaba
Pandibisyong Tagamasid, Filipino at Mother Tongue

Inilimbag sa Pilipinas ng
Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng
Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph
Alamin

Bilang isang tao – bata man o matanda ay may karapatang magbigay ng sariling
mga saloobin, kaisipan, opinyon, pananaw, at reaksyon – kahit taliwas o hindi katulad sa
pananaw ng ibang tao. Ngunit sa pagpapahayag ng mga ito ay kailangan nating maging
magalang. Sa tulong ng modyul na inihanda sa inyo ay ipakikita natin ang inyong
natatagong talino at kakayahan sa larangan ng paggamit ng magagalang na pananalita at
sa pagpapahayag ng sariling opinyon o reaksyon sa mga balita, isyu, o usapan. Ano-ano
ang mga panandang salita sa pagbibigay ng opinyon? Ano-ano ang magagalang na
pananalitang maaari nating gamitin? Tayo na at alamin ang ating mga paksa!

Ang modyul na ito ay kinapapalooban ng mga kasanayan o aralin tungkol sa:

● Paggamit ng magagalang na pananalita sa pagsasabi ng hinaing o reklamo, sa


pagsasabi ng ideya sa isang isyu, at sa pagtanggi
● Pagpapahayag ng sariling opinyon o reaksyon sa isang napakinggang balita,
isyu, o usapan

Sa katapusan ng pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang natamo na ang mga layuining


ito:

1. Nagagamit ang magagalang na pananalita sa pagsasabi ng hinaing o reklamo, sa


pagsasabi ng ideya sa isang isyu, at sa pagtanggi; at
(F5PS-Ig-12.18, F5PS-IIf-12.12, F5PS-IIj-12.10)
2. Naipahahayag ang sariling opinyon o reaksyon sa isang napakinggang balita,
isyu o usapan.
(F5PS-Ia-j-1)

Subukin

Magandang buhay mahal kong mag-aaral! Alam kong handa ka nang simulan ang
ating aralin. Tayo nang lumipad patungo sa mataas na antas ng pagkatuto! Gawin mo
muna ang panimulang pagsasanay na inihanda ko para sa iyo. Simulan na natin ang
aralin!

Panuto: Basahin at unawain ang bawat aytem. Bilugan ang letra ng iyong napiling sagot
ayon sa pinahuhulaan.

1. Ako ay kaugaliang minana pa natin sa ating mga ninuno na hindi muna pwedeng
gawin ngayong pandemya tulad ng pagyakap, paghalik at pagmamano sa mga
nakakatanda?
A. pagiging magalang C. pagiging masipag
B. pagiging masunurin D. pagiging matapat

2. Ako ay nagsisimula sa letrang R, kasingkahulugan ng salitang paggalang. Ito ay


ipinakikita sa paggamit ng po at opo, pagsunod sa bilin at utos ng mga nakatatanda ng
hindi nagdadabog, paghingi ng paumanhin, pakikinig sa nagsasalita at maging sa hapag-
kainan.
A. reklamo B. respeto C. reaksyon D. repleksyon

3. Ako ay nagsisimula sa letrang O, pahayag ng isang tao tungkol sa kaniyang paniniwala,


saloobin o damdamin at prinsipyo.
A. opinyon B. orasyon C. obitwaryo D. oposisyon

1
4. Ako ay nagsisimula sa letrang R, ipinakikita natin ito nang pasulat, pasalita o maging
sa pisikal na kilos tulad ng galit, lungkot, o tuwa kapag tayo ay may narinig o napanood
na isyu.
A. reklamo B. respeto C. reaksyon D. repleksyon

5. Ako ay dalawang salitang nagsasabi at nagpapakita ng paggalang sa anomang


pagkakataon, saanman o sinoman ang kausap ko.
A. mabubuting Pilipino
B. masayahing Pilipino
C. matalinong pagdedesisyon
D. magagalang na pananalita

Aralin Magagalang na Pananalita: Isabuhay -

1
Wastong Opinyon o Reaksyon Tiyak
Maiibigay

1
Naranasan mo na bang tumanggi, magreklamo o magbigay ng hinaing o saloobin
sa iyong kausap o sa isang usapin, isyu, o balita sa iyong kapaligiran? Ano-anong mga
kasanayan ang dapat mong gamitin upang maisabuhay at maipahayag nang tama ang
mga ito? Huwag kang mag-alala. Tutulungan ka ng modyul na ito upang matamo ang mga
kasanayang ito. Handa ka na ba sa bagong aralin?

Balikan
Panuto: Basahin at unawain ang bawat aytem sa ibaba at bilugan ang letra ng tamang
sagot.
1. May takdang aralin si Josie tungkol sa lawak, distansiya at lokasyon ng mga lugar
ng isang partikular na bansa. Ano ang kaniyang gagamitin upang magawa ito?
A. diksyonaryo B. almanak C. atlas D. mapa

2. Hindi makapunta ng silid-aklatan si Lorna kaya naisip niyang sumangguni sa isang


teknolohiyang maaaring pagkunan ng maraming kaalaman sa tulong ng network ng mga
kompyuter. Ano ang ginamit niya?
A. ensayklopedya B. almanak C. internet D. globo

3. Ano ang isang palapad na drowing o guhit ng isang lugar na maaari mong gamitin
sa pagtunton ng eksaktong lokasyon ng iyong pupuntahan?
A. almanak B. internet C. mapa D. globo

4. Mahilig sa pagbabasa ng aklat na may kinalaman sa palakasan, relihiyon, at politika


si Annie. Anong aklat ang maaari mong ipahiram sa kaniya?
A. ensayklopedya B. almanak C. atlas D. mapa

5. Narinig ni Mark na bumababa na raw ang bilang ng mga maysakit na COVID19. Nais
niyang malaman ang detalye sa narinig, aling sanggunian ang maaari niyang
pagkuhaan ng impormasyon?
A. ensayklopedya B. pahayagan C. atlas D. mapa

2
Tuklasin

Ang magagalang na pananalita ay ginagamit sa iba’t ibang paraan at sitwasyon.


Nagpapakita ito ng respeto at paggalang sa kausap, bata man, kasing edad o mas
matanda. Ito ay ginagamit sa iba’t ibang pagkakataon tulad ng pagbati, pagtatanong,
paghingi ng pahintulot, pagpapakilala at iba pa

Narito ang ilang mga magagalang na pananalita at kung kailan sila ginagamit

po, ho, opo, (pangsagot sa tanong o tawag)


(pakikiraan o pagdaan sa pagitan
Makikiraan (po).
ng mga nag-uusap o magkaharap)
Salamat (po).
(pagpapasalamat)
Isa pong karangalan.
Maaari /Puwede (po) ba?
(paghingi ng pahintulot)
Mawalang galang na po.
Wala pong anoman. (pagsasagot sa pasasalamat)

Magandang umaga/hapon/gabi/araw
(pagbati)
(po).
Pasensiya na (po).
Ikinalulungkot ko (po). (paghingi ng paumanhin)
Pasensiya na, hindi ko po sinasadya.
Paki…Maki… (paghingi ng pabor o tulong)

Suriin
Kailangan din nating gumamit ng magagalang na pananalita sa mga pagkakataong
kailangan nating tumanggi sa kausap, kapag may hinaing tayong gustong iparating sa
kinauukulan, at pagsasabi ng ideya.

Narito ang ilang mga salita na maaari mong gamitin:

1. “Hindi po ako sumasang-ayon dahil…”


2. “Iba po ang pananaw ko. Sa tingin ko po…”
3. “Maaaring tama po kayo, pero hindi po kaya…”
4. “Salamat po sa inyong mungkahi o opinyon, ngunit…”
5. “Kung ganito po kaya ang gawin natin…”
6. “Naniniwala po ako na…”
7. “Maari po bang…”
8. “Mawalang galang na po…”
9. “Ikinalulungkot ko po…”
10. “Kung puwede po sana…”
11. “Gusto ko po sanang…”
12. at marami pang iba

Halimbawa:
1. Hindi po ako sumasang-ayon dahil nakasasama po ito sa aming kalusugan.
2. Naniniwala po ako na mas magiging matagumpay ang ating pag-aaral kung
magtutulungan tayong lahat.

3
3. Maaaring tama po kayo, pero hindi po kaya makabubuti kung sumangguni muna
tayo sa ating punungguro?

Ang opinyon ay tumutukoy sa mga saloobin ng tao ukol sa


paksang pinag-uusapan maging ito man ay tao, bagay o
pangyayari. Ito ay walang tiyak na batayan sapagkat ang saloobin
ng tao ay nagbabago-bago depende sa lawak ng pang-unawa at
lalim ng kaalaman nila ukol sa paksa.
Matatawag na opinyon ang mga
pahayag mula sa mga paliwanag lamang batay
sa mga totoong pangyayari. Nag-iiba ang mga
ito sa magkakaibang pinagmumulan ng
impormasyon at hindi maaaring mapatunayan kung totoo o hindi.
Sa pagbibigay ng opinyon, maaaring ang isang tao ay sumasalungat
o kumukontra sa ibang opinyon o panig o maaari rin namang
sumasang-ayon siya rito. Maaari ring maglahad ang nagbibigay ng
opinyon ng mga positibo o negatibong konsepto hinggil sa isang
usapin, isyu o paksa.
Ginagamitan ito ng mga salita o parirala tulad ng: sa aking palagay, sa nakikita
ko, sa pakiwari ko, kung ako ang tatanungin, para sa akin, sa ganang akin at iba pa.
Ang pagbibigay-reaksyon naman ay naglalahad ng saloobin o damdamin ang
isang tao hinggil sa isang isyu, balita, usapin, o mga pangyayari. Ang mga reaksyon ay
maaaring pagkatuwa, pagkalungkot, pagkagalit, pagtataka, panghihinayang,
pagkadismaya at iba pa.

Pagyamanin
Gawain A
PANUTO : Ibigay ang sariling opinyon o reaksyon sa sumusunod na paksa, isyu, balita,
o mga usapin. Isulat ang sagot sa sagutang papel o kuwaderno.

Pag-aalaga ng indoor plants nagiging patok na libangan


habang lockdown
ABS-CBN News Posted at Jun 02, 2020 04:37 PM

Makati mamimigay ng learner’s package, libreng internet load


sa mga estudyante
by Aral Pinas Staff-June 29, 2020

PANOORIN: Grupo ng Senior Citizens, binisita ang Manila Bay


'white sand'
George Calvelo, ABS-CBN News-Posted at Sep 20, 2020 12:09 PM

Gawain B
PANUTO : Basahin at unawaing mabuti ang bawat sitwasyon. Piliin ang letra ng
tamang sagot.
1. Nais mong ipahayag na hindi ka sumasang-ayon sa mungkahing titigil ka sa pag-
aaral? Paano mo ito sasabihin sa iyong mga magulang?
A. Walang kuwenta ang mungkahi ninyo.
B. Isa itong paraan ng hindi pagiging makatao ninyo.
C. Hindi makatuwiran na patigilin ninyo ako sa pag-aaral.
D. Ikinalulungkot ko po ang hindi pag-sang-ayon sa inyong mungkahi.

4
2. Maliit lang ang bahay ninyo, sabi ng nanay mo “Anak ano kaya ang gagawin natin para
hindi makita ang mga sampayan at sirang dingding para maganda ang paligid mo kapag
nag-online class ka?” Ano ang angkop na sasabihin mo?
A. Bahala ka na inay, ikaw naman ang nasusunod.
B. Probema mo na iyan Nay, problema ko rin ang pag-aaral ko.
C. Hayaan mo nang pangit ang paligid, alam naman ng guro ko na mahirap lang tayo.
D. Inay, kung ako po ang masusunod lagyan natin ng harang na kurtina o kaya
naman po ay wallpaper.

3. Dahil sa New Normal na nga, ang pag-aaral bukod sa learning package ay kailangan mo
rin ng laptop o cellphone. Paano mo ito sasabihin sa iyong ina?
A. Bakit hindi tayo magpakabit ng internet?
B. Hindi na ako mag-aaral, wala naman akong laptop!
C. Inay, kailangan ko po ng laptop o cellphone, maaari ninyo po ba akong ibili?
D. Inay ano ba naman, wala pa akong laptop, paano ako makasasabay sa mga
kaklase ko?

4. Hiningian ka ng opinyon tungkol sa kung anong halaman ang magandang itanim. Ano
ang isasagot mo?
A. Iba na lang ang tanungin mo, nagmamadali ako!
B. Ayokong magtanim, namamatay lang ang halaman sa akin.
C. Sasabihan ko ang nanay ko na siya na lang ang magtanim.
D. Para sa akin po, mainam ang halamang gulay kasi nakakain na at puwede pa pong
ibenta.

5. Ano ang magiging reaksyon mo kapag nabalitaan mong binilhan ng lola mo ang pinsan
mo ng mamahaling laptop samantalang ang binili sa iyo ay mumurahin lang?
A. Matutuwa pa rin po ako at magpapasalamat sa lola ko.
B. Magagalit at magtatanim ako ng sama ng loob.
C. Hindi ko na kikibuin ang pinsan at lola ko.
D. Ibabalik ko na lang ang laptop.

Isaisip

Ang mga kaalamang natutuhan mo ngayon tungkol sa magagalang na pananalita


ay makatutulong sa pagpapahayag ng reaksyon o opinyon sa isang usapin o balita.
Ito ay isa sa mainam na sangkap sa mabuting pagsasamahan.
Sa iyong palagay, masarap bang pakinggan ang paggamit ng magagalang na
pananalita? Bakit? Ano ang tingin ng tao sa iyo kung hindi ka gumagamit ng
magagalang na pananalita at ano ang epekto nito sa mga nag-uusap? Bakit
mahalaga ang paggamit ng magagalang na pananalita sa pagsasabi ng hinaing o
reklamo, sa pagsasabi ng ideya sa isang isyu, at sa pagtanggi?
Paano mo maipahahayag ang sariling opinyon o reaksyon sa mga balita, isyu, at
usapan? Ano-ano ang mga ginagamit na salitang nagsasaad ng opinyon?

Bilang repleksyon sa araw na ito, dugtungan ang pahayag na ito.

Ang natutunan ko sa araw na ito ay ...___________________________

______________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________.

5
Isagawa

GAWAIN 1:
PANUTO : Basahin ang tula at unawain. Sagutin mo ang mga tanong at bilugan ang
tamang sagot.

Kapag ikaw ay mayroong hindi gusto, Kapag may nalamang isyu o balita
Hindi sang-ayon sa sinabing kuwento huwag kaagad na ipamamalita
Huwag makipagtalo, maging kalmado Daanin natin sa magandang usapan
Magpakatao, kailanga’y respeto. upang hindi magkaroon ng hidwaan.

Kung ikaw ay may reklamo o hinaing Sa pagpapahayag ng ating opinyon


sa ibang tao ay gustong iparating kahit na sa pagbibigay ng reaksyon
mga magagalang na pananalita huwag padalos-dalos sa’ting desisyon
ang dapat mong sabihin at isagawa. baka makunsumi, mauwi sa tensiyon.

1. Ayon sa unang saknong, ano ang dapat gawin kung hindi ka sang-ayon sa isang
usapin?
A. makipagtalo at makipag-away C. magpakatotoo at magpakaseryoso
B. maging kalmado at magpakatao D. manahimik at huwag na makipag-usap

2. Sa ikalawang saknong, kung may reklamo ka at hinaing anong pananalita ang dapat
mong sabihin?
A. masasakit na pananalita C. matatalas na pananalita
B. magagalang na pananalita D. malalaswang pananalita

3. Paano maiiwasan ang hidwaan o hindi pagkakaunawaan ng mga nag-uusap?


A. Makipag-usap nang maayos
B. Makipagtitigan sa taong kausap
C. Makipagsigawan sa taong kausap
D. Magsabi sa iba tungkol sa kausap

4. Sa palagay mo, ano ang mangyayari kung ang reaksyon natin ay padalos-dalos na
desisyon?
A. Magiging negatibo ang resulta
B. Magiging positibo ang resulta
C. Magiging maayos ang resulta
D. Matutuwa ka sa magiging resulta

5. Kapag may inutos sa iyo ang iyong guro at hindi mo ito kaya, ano ang dapat mong
sabihin sa kaniya?
A. Sige kakayanin ko kahit hindi ko kaya.
B. Ipagagawa ko na lang sa mga kapatid ko.
C. Wala ba kayong ibang mautusang gagawa niyan?
D. Ikinalulungkot ko po na hindi ko po kaya ang iniuutos ninyo.

6
Tayahin

Gawain 1
PANUTO: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Lagyan ng tsek (/) ang patlang
bago ang bilang kung ang pahayag ay Opinyon at ekis (X) kung hindi.
_____1. Sa pamamagitan ng modyul at paggamit ng makabagong teknolohiya ay
magiging mabisa at mauunawaan ng mga mag-aaral ang kanilang mga aralin.

_____2. Sa aking palagay mas mapadadali ang pagkatuto ng mga mag-aaral kung ang
mga magulang ay makikiisa at makikipagtulungan.

_____3. Ang internet ay isang malaking tulong para sa isang mas mahusay na
edukasyon dahil sa pamamagitan ng internet, madali mong magagawa ang
pananaliksik nang walang nasasayang na oras.

_____4. Kung ako ang tatanungin, dapat ay may limitasyong oras lamang sa paggamit
ng kompyuter.

_____5. Batay sa mga pananaliksik, ang paggamit ng social networking ay may positibo
at negatibong epekto sa mga kabataan.

Gawain 2
PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Bilugan ang letra ng tamang
sagot.
1. Kulang ang bigay na sukli sa iyo ng tindera. Ano ang sasabihin mo?
A. Hoy! Bakit kulang ang sukli ko?
B. Maaari po bang pakibilang muli ang aking sukli?
C. Marami ka na sigurong hindi nasuklian nang maayos.
D. Ibalik mo na lang ang pera ko sa iba na lang ako bibili.

2. Nag-uusap ang dalawa mong pinsan, mayroon silang pinagtatalunan. Gusto mong
sumali sa usapan. Ano ang sasabihin mo?
A. Humanap kayo ng kausap ninyo.
B. Sige! Lakasan niyo pa ang pag-uusap ninyo.
C. Huwag na nga kayo mag-usap, ang iingay ninyo!
D. Mawalang galang na, maaari ba akong makisali sa inyong usapan?

3. Gusto mong magpahayag ng ideya tungkol sa isang napapanahong isyu na pinag-


uusapan ng iyong mga kaibigan.Ano ang sasabihin mo?
A. Sasabihin ko ang gusto kong sabihin.
B. Huwag na kayong mag-usap tungkol diyan.
C. Maaari ba akong makapagbigay ng opinyon?
D. Pakinggan ninyo ako dahil mas matalino ako sa inyo.

4. Gusto ng kaibigan mong pumunta ka sa kaarawan niya at ipasusundo ka sa


kaniyang kapatid na may sasakyan. Ngunit hindi ka pinayagan ng nanay mo. Ano ang
sasabihin mo?
A. Sige, ipasundo mo ako.
B. Wala akong balak pumunta sa bahay ninyo.
C. Hindi na lang ako magpapaalam sa nanay ko.
D. Ikinalulungkot ko, hindi ako pinayagan ng nanay ko dahil sa COVID-19.

5. Kulang ang modyul na naibigay ng iyong guro. Ano ang sasabihin mo sa kaniya?
A. Maaari po bang makuha ko ang kulang na modyul na hindi ninyo naibigay?
B. Hindi na lang ako pupunta sa paaralan, hahayaan ko na lang na kulang.
C. Sana tinignan ko muna kung kumpleto ang modyul.
D. Kulang ang ibinigay na modyul sa akin.

7
Gawain 3
Panuto: Bumuo ng sariling opinyon o reaksyon sa sumusunod na mga poster
pangkalusugan at pangungusap na ginagamitan ng magagalang na pahayag kaugnay
ng kaisipang isinasaad ng mga larawan.

Opinyon o reaksyon

_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
________________________________________

Magalang na pahayag
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________

Opinyon o reaksyon
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
________________________________________

Magalang na pahayag
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________

Opinyon o reaksyon
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
________________________________________

Magalang na pahayag

____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________

You might also like