You are on page 1of 19

3

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 3:
Magkaiba Man Tayo
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 3: Magkaiba Man Tayo
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag
sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Divina A. Ascrate, Liza V. Cavinta
Koponan ng Kasiguruhan sa Kalidad (Distrito III-Mapandan)
Nilalaman: Elena M. Gonzales, Nelia S. Zabala
Lengguwahe: Myrna S. Aromin, Gloria F. Soriano
Pag-aanyo/Biswal: Mark Ian N. Prado, Darwin I. Nisperos
Librarian: Gretch Caser M. Caranay
Learning Resource Coordinators:
Belinda A. Lalas, Jonathan C. Llemos
Co-Chairman: Elvira O. Velasquez, Ph.D.
Chairman: Nicanor L. Langit, Ed.D.
Koponan ng Kasiguruhan sa Kalidad (Division I)
__________________________ ______________________________

__________________________ ______________________________
Management Team:
Lalaine C. Rosario Carmina C. Gutierrez, Ed.D.
Division ESP- Incharge Chief - CID

Dr. Marciano U. Soriano Jr., CESO VI


Assistant Schools Division Superintendent

Dr. Ely S. Ubaldo, CESO VI


OIC-Schools Division Superintendent
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education – Region I
Office Address:
Telefax:
E-mail Address:
3

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 3:
Magkaiba Man Tayo
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa


Pagpapakatao 3 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para
sa araling Magkaiba Man Tayo.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at


sinuri ng mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinantagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-


aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon
sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang
pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga
gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 3 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Magkaiba Man
Tayo.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong


pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat


mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo


ang mga dapat mong matutuhan
sa modyul

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita


natin kung ano na ang kaalaman
mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang
sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-


aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin


Tuklasin
ay ipakikilala sa iyo sa maraming
paraan tulad ng isang kuwento,

iii
awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng


Suriin maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto
at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para


sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Naglalaman ito ng mga


Isaisip
katanungan o pupunan ang
patlang ng
pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan
mo mula sa aralin

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong

iv
matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa


iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang


sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng


modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan


ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba


pang gawaing napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat


pagsasanay.

v
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng
mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba


pang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy


kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain


sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay
nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong
mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim
sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka
ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya
mo ito!

vi
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa para maipakilala sa iyo


ang magandang naidudulot ng mabuting pakikisalamuha o
pakikitungo sa kapwa mo bata anuman ang pangkat-etnikong
kinabibilangan o pinagmulan.

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahan na :

Naisasaalang–alang mo ang katayuaan / kalagayan / pangkat-


etnikong kinabibilangan ng kapwa bata sa pamamagitan ng;
pagbabahagi ng pagkain, laruan, damit, gamit at iba pa.
(EsP3P-IIf-g-16 )

1
Subukin

Panuto: Iguhit ang masayang mukha ( ) kung ang sitwasyon


sa ibaba ay nagsasaalang-alang sa kalagayan ng mga pangkat –
etniko at malungkot naman na mukha ( ) kung hindi. Gawin
ito sa iyong kuwaderno.

_______1. Pinapahiram ni Ben ang kanyang lapis at pambura sa


kaklase niyang Cebuano.

_______2. Binabahagi ni Mariel ang ilan sa mga paborito niyang


laruan, sapatos, at bag sa mga batang Tausug.

_______3.Isinama ni Rico ang kaibigang Bisaya sa paligsahan sa


pag-awit sapagkat batid nito na mahusay ang kaibigan
niya.

_______4. Niyaya ni Tina ang bago niyang kapitbahay na Ibaloy


para maglaro sa kanilang bahay.

_______5. Hindi pinansin ni Alma ang kanyang kaklaseng Tausug


na walang pagkain sa oras ng recess.

2
Aralin
1 Magkaiba Man Tayo
Hindi natin maiiwasan na may mga kapuwa bata tayong
makakasama o makakasalamuha na kabilang sa mga pangkat-
etniko. Paano natin isasaalang-alang ito?

Balikan

Sagutan ang tsart na nasa ibaba. Gayahin ito sa iyong


sagutang papel. Lagyan ng tsek ( ✓ ) kung ang sitwasyon sa
pangungusap ay nagpapakita ng pagmamalasakit sa may mga
kapansanan at ekis (X) naman kung hindi.

Mga Sitwasyon Sagot

1. Tinutulungan ko ang aking kaklaseng may


kapansanan sa pagbubuhat ng kaniyang
mga libro.
2. Nakikipagkuwentuhan ako sa taong may
kapansanan
3. Binibigyan ko ng upuan ang aking kaibigang
pilay.
4. Ipinagtatanggol ko sa abot ng aking makakaya
ang mga taong may kapansanan.
5. Hindi ko pinapansin ang mga taong may
kapansanan.

3
Tuklasin

Basahin ang kuwento:

Ang Matulunging Bata

Sa loob ng silid-aralan, tahimik na gumagawa ang mga bata


ng kanilang pagsasanay sa Filipino. Napansin ni Lita si Lawaan,
ang bago nilang kaklaseng Aeta na hindi mapakali sa upuan.
Wala siyang lapis at papel na gagamitin. Dali-daling kinuha ni
Lita ang iba pa niyang lapis at papel sa kaniyang bag at ibinigay
kay Lawaan. Laking gulat at pasasalamat ng bata kay Lita.
Masaya niyang tinanggap ang tulong ni Lita at sila ay naging
mabuting magkaibigan.

Pag-usapan natin.

1. Ano ang kaibahan ni Lawaan kay Lita?

2. Bakit hindi mapakali si Lawaan sa kaniyang upuan?

3. Paano ipinakita ni Lita ang pagmamalasakit sa bago


niyang kaklase?

4. Kung sa iyo ito nangyari, ano ang gagawin mo? Bakit?

5. Nakaranas ka na ba ng pangyayari na katulad ng kay


Lita? Ano ang iyong ginawa?

4
Suriin

Mahalaga ang pagkakaroon ng mabuting


pakikitungo o pakikisalamuha sa kapuwa bata anumang
pangkat ang pinanggalingan o pinagmulan nila. Kailangang
isaalang-alang ang kanilang katayuan o kalagayan anumang
pangkat-etniko ang kinabibilangan sa pamamagitan ng
pagbabahagi ng pagkain,laruan,damit,gamit at iba pa.Ito ang
susi ng pagkakaroon ng magandang samahan.

Ang pangkat- etniko ay ang pangkat ng mga tao na


ang mga kasapi ay nakikilala ang isa’t-isa sa pamamagitan ng
magkakamukhang kultura o di naman ay pamana maging
totoo man o maaring hindi totoo.

Pagyamanin

Gawain 1
Panuto: Hanapin mo ang mga pangkat- etniko na
nakasulat sa loob ng Word Hunt. Isulat mo ang sagot sa
iyong papel o kuwaderno.
1.
G X I N L O K I B B
2.
O A B I S A Y A E I 5

L E A S A Y B V O K 3.
A C L C E B U A N O
4.
G V O L N H B N M L
A G Y T A F L O G A 5.

T A U S U G N A M N 6.
F G A O M A N O B O
7.

5
Gawain 2

Gumuhit ng puno sa isang papel. Lagyan ito ng mga


bungang puso. Pumili ng isang pangkat-etniko na nakasama
mo na o gusto mong makasama. Isulat ito sa katawan ng puno
na iyong ginawa. Sa mga bunga ng puno, isulat naman ang nais
mong ibahagi sa kanila upang maipakita ang pagsasaalang-
alang sa kanila.

Isaisip

. Lahat ng tao ay pantay-pantay anuman ang pangkat-


etnikong ating kinabibilangan.

6
Kung kaya dapat nating isaalang-alang ito sa pakikitungo
sa ating kapuwa bata.
Nasasaad sa Deklarasyon ng United Nations sa Karapatan
ng mga Katutubo,na ang mga katutubo ay kapantay ng lahat
ng tao,bagama’t kinikilala ang karapatan na pagkakaiba ng
lahat ng tao,pagsasaalang- alang sa pagkakaiba,at paggalang
sa kakayahan.Magkakaiba man tayo ng pangkat-etnikong
kinabibilangan,lahat tayo ay nakapag-ambag sa kasaysayan at
kultura ng ating bayan. May iba-iba man tayong paniniwala,
panuntunan, kinagawian, relihiyon, at kultura,tayo ay iisa pa
rin.
Matagal nang panahon na hindi pantay ang pagtrato natin
sa iba nating kapuwa bata. Panahon na para baguhin natin
ito.Ating isaalang-alang ang kinabibilangan nilang pangkat-
etniko.Magkaiba man tayo, dapat natin silang pakitunguhan ng
maayos at tulungan sila kung kinakailangan.

Isagawa
Gumuhit ng bituin kung ang pangungusap ay
nagpapakita ng pakikiramay para sa pangkat etniko at
buwan naman kung hindi. Ilagay ang sagot sa papel o
kuwaderno.

1. Pinaupo ni Collen sa sa tabi niya ang bagong dating


na kaklase niyang Manobo.

2. Pinapahiram ni Rina ang ilan sa mga paborito niyang


laruan at iba pang gamit sa kaklase niyang
Tausug.

3. Binigyan ni Rogel ng pagkain ang kaklase niyang


Ibaloy.

4. Inaway ni Beca ang bata na nanggaling sa

7
Mindanao.

5. Pinabayaan ni Marco at Marga ang kaklase


nilang Cebuano na mag-isang kumakain..

Tayahin

Basahing mabuti ang bawat sitwasyon. Piliin at isulat


ang letra ng tamang sagot sa inyong papel o kuwaderno.

1. Mayroon kayong eksamin.Nakita mo yong bago mong


kaklase na Manobo na hindi mapakali sa upuan niya
dahil walang papel. Ano ang gagawin mo?
a. Hindi mo papansinin
b. Tuksuhin mo siyang Manobo
c. Lapitan at bigyan ng papel
d. Sabihin sa kaklase para bigyan siya

2. Kumakain kayo sa restaurant .May isang Bisaya na


nagpalimos sa inyo dahil hindi pa raw kumakain.Ano ang
dapat mong gawin?
a. Papaalisin mo siya
b. Kunwari hindi mo nakita ang bata
c. Ibigay mo ang tira –tira mo
d. Bigyan mo ng pagkain ang bata

3. Nasunog ang bahay ng kaibigan mong Tausug. Walang


naiwan kahit ni isang damit nila. Ano ang gagawin mo?
a. Sisihin sila.
b. Ihihiraman mo sila ng damit saka babawiin din
c. Balewalain ang kalagayan nila
d. Bigyan mo sila ng damit na pwede pang gamitin

4. May programa sa paaralan ninyo. Isang Ibaloy na kaklase


ang magaling kumanta. Paano mo hihikayatin na sasali
sa paligsahan sa pag-awit?
a. Sabihin mong sasama dahil susuportahan mo
b. Sabihin mo sa kanya na hindi naman magaling

8
c. Huwag pasamahin baka matalo pa siya
d. Huwag pansinin

5. Ilang araw ng hindi pumapasok ang kaklase mong


Bisaya.Nalaman mo na nabaha sila kaya nag-evacuate
sila.Ano ang gagawin mo?
a. Huwag silang papansinin
b. Tawanan lang ang nangyari sa kanila
c. Kunwari hindi mo alam ang nangyari
d. Kumustahin at tulungan sila

Karagdagang Gawain
Gumuhit ng larawan na nagpapakita ng pagsasaalang–
alang sa katayuan/kalagayan ng pangkat-etnikong
kinabibilangan ng kapwa mo bata. Ilagay sa kopon ang sagot.
Gamitin ang rubriks.

Pamantayan Iskor

Maganda at malinis ang drowing.Nakulayan lahat. 10

Tapos ang drowing pero hindi nakulayan lahat. 8

Walang kulay ang drowing. 6

Hindi tapos ang drowing. 4

Walang ginawa 0

9
Susi sa Pagwawasto

BALIKAN PAGYAMANIN (GAWAIN 1) (GAWAIN 2 )


1. / 1. TAUSUG
2. / 2. TAGALOG ( Depende
3. / 3. BIKOLANO sa sagot ng
4. / 4. IBALOY bata)
5. X 5. BISAYA
6.CEBUANO
7.MANOBO

ISAGAWA TAYAHIN SUBUKIN


1. 1. C 1.
2. 2. D 2.
3. 3. D 3.
4. 4. A 4.
5. 5. D 5.

10
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources


(DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph *


blr.lrpd@deped.gov.ph

Sanggunian
K To 12 Most Essential Learning Competencies

Maria Carla M. Caraan, Rolan B. Catapang,Rodel A.


Castillo, Portia R. Soriano, Rubie D. Sajise, Victoria V.
Ambat, Violeta R. Roson, Rosa Anna A. Canlas, Leah
D. Bongat, Marilou D. Pandiño, Dr. Erico M. Habijan,
Irene de Robles. Edukasyon sa Pagpapakatao -Ikatlong
Baitang, Kagamitan ng Mag-aaral:Tagalog. Unang
Edisyon, 2014 Pasig City Department of Education-
Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-
IMCS),pp.110-116,Aralin 7

https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Pangkat_etniko
https://www.google.com/search?q=tree+drawing+easy
&tbm=ish&hl=en&rlz=1C1GGRV enPH758PH758&sa=
X&ved=2ahUKEwjx-dePk53vAhWtxosBHYqeBTEQrNw
CKAF6BQ

You might also like