You are on page 1of 8

NORZAGARAY ACADEMY, INC.

Norzagaray, Bulacan

ARALING PANLIPUNAN 10
Ikaapat na Markahang Pagsusulit

Pangalan:__________________________________BaitangatPangkat:____________Petsa: _________________
Guro: _C-Jay P. Maningas___________________LRN: _______________________Itinama Ni: _______________

I. Panuto: Basahin ng Mabuti ang nakasulat sa bawat numero at isulat sa patlang ang letra (MALAKING TITIK)
ng iyong sagot.

______ 1.) Ito ay tawag sa pangyayari o ilang suliraning bumabagabag o gumagambala at

nagpapabago sa kalagayan ng ating pamayanan, bansa o mundo sa

kasalukuyang panahon.

A. Isyung Personal C. Isyung Panlipunan


B. Isyu ng Buhay D. Kontemporaryong isyu

______ 2.) Isang pampublikong bagay. Karaniwang kaugnay ito ng krisis o suliranin sa mga institusyong panlipunan. Mga

suliranin ito na nakakaapekto hindi lamang sa isang tao kundi sa lipunan sa kabuuan.

A. Isyung Personal C. Isyung Panlipunan


B. Isyu ng Buhay D. Kontemporaryong isyu

______ 3.) Sinasabing nagaganap sa pagitan ng isang tao at ilang malalapit sa kanya. Ang solusyon sa isang isyung

personal ay nasa kamay ng indibiduwal. Maituturing ang isyung ito na pribadong bagay na nararapat solusyunan

sa pribadong paraan.

A. Isyung Personal C. Isyung Panlipunan


B. Isyu ng Buhay D. Kontemporaryong isyu

______ 4.) Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng ugnayan ng isyung personal at isyung panlipunan?

A. Ang makalat na bakuran ay isang halimbawa ng isyung personal subalit kung ang isang barangay o bayan ay
magiging makalat dulot ng kawalan ng maayos na sistema ng pagtatapon ng basura, ito ay maituturing na isyung
panlipunan
B. Ang kahirapan dala ng bagyo ay matituturing na isyung personal subalit matutukoy na isyung panlipunan kung ito ay
naghihirap ang buong kumunidad
C. Ang kawalang ng disiplina ng mga mamamayan ay isyung personal subalit kung ang isang kumunidad ay bulagsak
sa paggasta ay maituturing na isyung panlipunan
D. Korapsyon ang nagiging isang isyu dahil sa pangangamkam ng mga opisyal ng pamahalaan sa kaban ng bayan

______ 5.) Alin sa mga sumusunod na tema ng kontemporaryong isyu ang hindi kasali sa pangkat?

A. Lipunan C. Politika
B. Kapaligiran D. Sarili

______ 6.) Ang mga sumusunod na sitwasyon o pahayag naglalarawan sa kontemporaryong isyu, alin ang hindi?

A. Mahalaga at makabuluhan sa lipunang ginagalawan


B. Nagaganap sa kasalukuyang panahon o may matinding epekto o impluwensiya sa takbo ng kasalukuyang panahon
C. May malinaw na epekto o impluwensiya sa lipunan o sa mamamayan
D. Layunin nitong busisiin ang mga pansariling kuro-kuro

______ 7.) Sa pangangalap ng impormasyon ay kailangan ng mga sanggunian upang maging mabisa sa pag-aaral ng mga
isyu, alin sa mga sumusunod na sanggunian ang hindi kasali sa mga batayan ng datos?

A. Saksi C. Dokumento
B. Telebisyon D. Wala sa nabanggit

______ 8.) Isang uri ng sanggunian na may orihinal na tala ng mga pangyayaring isinulat o ginawa ng mga taong nakaranas

sa mga ito.

A. Sekundaryang sanggunian C. Primaryang sanggunian


B. Talambuhay D. Sulat

______ 9.) Ang sumusunod ay mga halimbawa ng sekundaryang pinagkunan, alin sa mga sumusunod ang hindi kasali sa

pangkat?

A. Aklat C. Biography
B. Articles D. Lahat ng nabanggit

______ 10.) Ipinakikita sa larawan ang pagpapaalala sa isang patakaran. Ang paglabag sa patakarang ito ay nakapaloob sa

anong elemento ng kultura?

A. Paniniwala C. Pagpapahalaga
B. Norms D. Simbolo

______ 11.) Mga totoong pahayag o pangyayari na pinatutunayan sa tulong ng mga aktwal na datos.

A. Katotohaan C. Opinion
B. Kuro-kuro D. Haka-haka

______ 12.) Maituturing bang kontemporaryong isyu ang pahayag na ito? Tama o Mali

A. Tama B. Mali

______ 13.) Alin sa mga sumusunod ang hindi tunay na kahalagahan ng pagiging mulat sa mga kontemporaryong isyu?

A. nakakatulong sa pagpapayabong ng kaalaman at katalinuhan bilang mag-aaral


B. pagkakaroon ng pagmamalasakit at pagmamahal sa bansa at mas nagiging mapagmatyag, matalino at
produktibong mamamayan
C. paghubog ng pagkatao bilang responsableng mamamayan ng bansa
D. wala sa nabanggit

______ 14.) Maraming kaganapan sa ating paligid araw-araw. Mga isyung kinahaharap ng ating mga pamayanan o

komunidad. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na kontemporaryong isyu?

A. pagkatuklas sa Taong Tabon C. pagbabago ng klima sa buong mundo


B. pagiging isang arkipelago ng Pilipinas D. pagsakop ng mga Espanyol sa Pilipinas

______ 15.) Alin sa mga sumusunod ang ahensiyang namumuno sa paghahanda at pagtugon sa mga kalamidad na

mararanasan ng bansa?

A. DILG C. Disaster Risk Mitigation


B. PAG-ASA D. NDRRMC

______ 16.) Ang pagdami ng sakit, pagkakaroon ng matitinding bagyo at pagbaha pati na rin ang labis na init ay maituturing

na suliranin at tumatalakay sa anong aspeto ng climate change?

A. Bunga C. Dahilan
B. Epekto D. Sanhi
______ 17.) Ano ang kalagayan ng isang taong aktibong naghahanap ng trabaho ngunit hindi makahanap ng trabaho?

A. employed C. job displacement


B. underemployed D. unemployment

______ 18.) .Paano madalas nagsisimula ang suliraning teritoryal?

A. Malaki ang pagkakaiba ng kultura ng mga bansang nasangkot.


B. Pabago-bago ang hangganan ng teritoryo ng mga bansang nag-aagawan.
C. May pagbabago sa pamumuno o sa pamahalaan ng isa o higit pa sa mga bansang nagtatalo.
D. indi malinaw ang kasunduang nagtakda ng mga hangganan ng teritoryo ng mga bansang nagtatalo.

______ 19.) Bakit madalas daanan ng bagyo ang ating bansa?

A. Dahil ito ay isang kapuluan C. Dahil ito ay makikita sa Timog Silangang Asya
B. Dahil Ito ay nakaharap sa Karagatang Pasipiko D. Dahil ito ay maliit lamang na bansa

______ 20.) Ito ay hindi karaniwang paglaganap ng apoy na maaring sa kanayunan at kagubatan.

A. sunog C. flashflood
B. storm surge D. landslide

______ 21.) Ang ahensiya ng pamahalaan na inatasan na magsuri at magmonitor ng mga lindol at pagsabog ng bulkan.

A. NDRRMC C. PAG-ASA
B. PHILIVOCS D. DND

______ 22.) Ito ay ang pagdausod ng lupa mula sa lupaing nakadalisdis o mataas dulot na malalaks na ulan at

pagkakalbo ng kagubatan

A. storm surge C. flood


B. flashflood D. landslide

______ 23.) Ito ay tawag sa mga plano o hakbang naglalayong paliitin o pagaangin ang negatibong epekto ng mga

sakunang maaaring tumama sa isang pook.

A. mitigation C. adoption
B. state of calamity D. concentration

______ 24.) Ito ang ahensiyang naatasang magbantay at mag-aral ng tungkol sa mga ligalig sa atmospera tulad ng bagyo.

A. NDRRMC C. PHILVOCS
B. PAGASA D. DOST

______ 25.) Ito ay nagdudulot ng marami o matinding pag-ulan na nagdudulot ng baha.

A. tsunami C. La Nina
B. El Nino D. flashflood

______ 26.) Ito ay pagkaranan ng matinding tagtuyot dahil sa kakulangan ng ulan.

A. El Nino C. Disaster
B. Delubyo D. La Nina

______ 27.) Alin sa mga larawang ito ang maiuugnay mo sa La Nina Phenomenon?
A. C.

B. D.

______ 28.) Ang pangulo ay nag atas na mamahagi ng mga relief goods sa mga nasalanta ng bagyo at asikasuhin ang mga

pangangailangan ng mga mamamayan. Anong ahensya ang namamahala sa gawain na ito ng pamahalaan

A. Department of Education (DepEd) C. Department of Social Welfare and Development (DSWD)


B. National Food Authority (NFA) D. Department of Interior and Local Government (DILG)

______ 29.) Naging madalas ang lindol sa Kamaynilaan sa kasalukuyan. Dahil dito, nagpatawag ang ahensya ng
pamahalaan ng pulong sa mga punong barangay upang ihanda ang kanilang mga kinasasakupan sa mga
kaganapan. Anong ahensya ng pamahalaan ang namamahala sa gawain na ito ng mga barangay?
A. Department of National Defense (DND) C. Metro Manila Development Authority (MMDA)
B. Department of Interior and Local Government (DILG) D. Department of Social Welfare and Development
(DSWD)

______ 30.) Ang ahensiya na ito ay nilikha upang mabigyan ng tuwirang serbisyo ang mga mamamayan sa Metro Manila o

NCR

A. Metro Manila Development Authority (MMDA) C. Department of Education (DepED)


B. Department of Social Welfare and Development (DSWD) D. Department of Public Works and
Highways (DPWH)

______ 31.) Anong batas ang ipinatupad noong 2000 na naglalayong magkaroon ng legal na batayan at

proseso ng pamahahala ng basura sa bansa?

A. Republic Act 8742 C. Republic Act 9003


B. Republic Act 7942 D. Republic Act 8003

______ 32.) Sa kasalukuyan, humaharap ang Pilipinas sa napakalaking problema kaugnay ng solid waste. Bilang

mag-aaral paano ka makatutulong upang mabawasan ang suliranin sa solid waste?

I. Isabuhay ang 3 Rs o Reduce, Reuse at Recycle


II. Ibulsa pansamantala ang mga maliliit na basura
III. Ipagsawalang bahala ang mga anunsyo patungkol sa wastong pagtatapon ng basura
IV. Makibahagi sa mga seminar at symposium na nagbibigay kaalaman tungkol sa solid waste
A. I, II at IV C. I, III at IV
B. I, II at III D. II, III at IV

______ 33.) Ano ang masamang epekto ng ng kawalang disiplina ng tao sa pagtatapon ng basura?
I. Nagdudulot ng sakit sa mga tao
II. Nakadaragdag ng polusyon sa Hangin
III. Nadaragdagan ang trabaho ng mga waste collector
A. I C. I at II
B. II at III D. I, II at III

______34.) Alin sa mga sumusunod na solid waste ang kabilang sa electronic waste?

A. Laptop, computer at cellular phone C. Laptop, Computer at mga basag na bubog


B. Computer at mga sirang yero D. Lata, plastic at mga papel

______ 35.) Bakit mahalaga ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa mga suliraning

pangkapaligiran?
A. Kabalikat ang lahat sa pagsugpo sa iba’t ibang suliraning pangkapaligiran.
B. Makababawas sa mga gastusin ng pamahalaan ang pagtulong ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa mga suliraning
pangkapaligiran.
C. alawak na suliranin ang mga isyung pangkapaligiran na nararapat harapin ng iba’t ibang sektor sa lipunan.
D. Mahihikayat ang maraming dayuhan na pumunta sa ating bansa kung mawawala ang mga suliraning
pangkapaligiran nito.

______ 36.) Ang climate change ay ang pagbabago ng klima o panahon sa buong mundo. Ang mga

Sumusunod ay iba’t- ibang SANHI nito MALIBAN sa?

A. Matinding Polusyon
B. Labis na paggamit ng enerhiya
C. Pagkamatay ng mga halaman at hayop
D. Paggamit ng mga produkto at mga gawaing nagpaparami sa mga greenhouse gases

______37.) Batay sa pag-aaral ng National Solid Waste management Report ng 2015, anong uri ng basura ang

may pinakamalaking porsyento ang itinatapon sa bansa?

A. Biodegradables C. Recyclables
B. Residual D. Special

______ 38.) Paano higit na mapapangalagaan ang iyong kalikasan sa pamamagitan ng Solid Waste

Management?

A. Magsisimula sa bawat residente ang paghihiwalay ng basura at ang barangay ay magsasagawa ng pagsasanay sa
‘composting’, ‘recycling’ at ‘livelihood opportunities’
B. Magsasagawa ng ordinansa ang barangay na magkaroon ng multa at parusa sa mga hindi susunod sa mga
alituntunin ng tamang pagtatapon ng basura
C. Magkakaroon ng pagbibigay ng impormasyon sa lahat ng sakop ng komunidad hinggil sa tamang paghihiwalay
ng mga basura at pagkakaroon ng parangal o insentibo sa mga mahusay sa pagtataguyod.
D. Magkakaroon ng suporta mula sa ibang pang ‘stakeholders’ ng komunidad upang maipagbili ang mga recyclable
na produkto sa pamilihan.

______ 39.) Alin sa mga sumusunod ang pinakamahusay na kahulugan ng climate change?

A. Ito ay ang pagtaas ng temperatura dulot ng mataas na carbon dioxide sa ating atmospera na resulta ng
industriyalisasyon ng mga bansa
B. Ito ay ang biglaang pagtaas ng temperature ng mundo ng 1.2˚F hanggang 1.4˚F na gawa ng tao dahil sa mga
greenhouse gases tulad ng methane ( mula sa nabubulok na basura, dumi ng hayop), carbon dioxide (mula sa
pasusunog ng fossils tulad ng gasolina, krudo at coal at pagsusunog ng puno), fluorocarbon (artipisyal kemikal na
sangkap pampalamig ng aircon at mga produktong aerosol) na nagreresulta sa pagbabago ng panahon.
C. Ito ay ang global average na pagtaas ng temperature na nagiging sanhi ng pagkatunaw ng yelo, pagtaas ng lebel ng
tubig sa dagat, matinding kondisyon ng panahon tulad ng sobrang init at lakas ng bagyo
D. Ito ay ang pagbabago ng temperatura ng mundo dulot ng greenhouse gases na nagsisilbing blanket sa init ng araw.
Ito ay maihahalintulad sa isang silid kung saan pumapasok ang init loob ng silid ngunit hindi nakakalabas dahil sa
maliit na labasan nito. Kaya naman nakakaranas ng matinding init sa loob ng silid. Kaya makararanas ng
matinding tag-init at dahil sa mainit din ang tubig sa dagat magreresulta ito ng matinding evaporation at magiging
malakas na bagyo.

______ 40.) Ang paglago ng populasyon, patuloy na pakakaingin, ilegal na pagmimina, pagtotroso ay mga

dahilan ng

A. Pagkasira ng kagubatan C. Pagkasira ng yamang tubig


B. Pagkasira ng sakahan D. Paglobo ng populasyon sa kagubatan

______ 41.) Sa pagkasira ng ating kapaligiran ay inaasahan na ang mga sumusunod na panganib maliban sa:

A. Pagtaas ng temperatura .
B. Pagtaas ng dami ng tubig ulan tuwing may bagyo
C. Pagtaas ng kita sa kagubatan
D. Pagtaas ng sea level (SLR) kasama ang stom surges

______ 42.) Ano ang kongklusyon na mabubuo sa pahayag na “Ang Pilipinas ay nakalikha ng 39,422 tonelada ng

basura kada araw noong taong 2015. Halos 25% ng mga basura ng Pilipinas ay nanggagaling sa

Metro Manila kung saan ang isang tao ay nakalilikha ng 0.7 kilong basura araw-araw?

A. Napakaraming solid waste ang nilikha ng mga Pilipino


B. Walang maidudulot na mabuti ang pagkakataon ng napakaraming solid waste
C. Ang Pilipinas ay nahaharap sa malaking suliranin kaugnay ng solid waste
D. Nagdudulot ng masasamang implikasyon ang solid waste sa pamumuhay ng mga Pilipino
______ 43.) Kasalukuyang nararanasan ng daigdig ang epektong dulot ng climate change lalo na sa Pilipinas. Isa

sa sinasabing dahilan nito ay ang patuloy na pag-init ng daigdig o global warming dahil sa mataas

na antas ng konsentrasyon ng carbon dioxide na naiipon sa atmosphere na nanggagaling mula sa

usok ng pabrika,mga iba’t ibang industriya at pagsusunog ng mga kagubatan. Ang mga sumusunod

ay masasamang epektong dulot ng climate change maliban sa isa:

A. Pagdami ng solid waste, pagkakalbo ng kagubatan at mga polusyon sa hangin at tubig


B. Pagbaba ng mga nahuhuling isda sa mga karagatan bunga ng coral bleaching o ang pagkamatay ng mga coral reefs
dulot ng matinding init
C.
Kakulangan sa produksyon ng pagkain bunga ng mga malalakas na bagyo na syang sumisira sa mga pasilidad sa
sketor ng agrikultura
D. Pagkakaroon ng refugee crisis lalo na sa mga bansa sa Pasipiko sapagkat ang kanilang mga lupain ay unti-unti
nang lumulubog dulot ng pagtaas ng lebel ng tubig,

______ 44.) Ayon sa Food and Agricultural Organization ng United Nations, ano ang tawag sa matagalan o

permanenteng pagkasira ng kagubatan dulot ng iba’t ibang gawain ng tao o natural na

kalamidad?

A. Deforestation C. Illegal Logging


B. Fuel Wood Harvesting D. Migration

______ 45.) Alin sa mga sumusunod ang epekto ng climate change ang may kaugnayan sa kalusugan ng mga

mamamayan sa Pilipinas?

A. Pagliit ng ng produksiyon sa sektor ng agrikultura


B. Paglikas ng mga mamamayan dahil sa pagkasira ng tahanan dulot ng malalakas na bagyo
C. Pagtaas ng bilang ng mga nagiging biktima ng sakit dahil sa pabago-bagong panahon.
D. Pagkawala ng tahanan dulot ng pagkain ng mga karagatan sa dating lupa na kinatatayuan ng kanilang tahanan.

______ 46.) Ano ang ibig sabihin ng WHO?

A. Word Health orientation C. World Health Orgnization


B. World Head organization D. World Health Overated

______ 47.) Ito ang bansang may pinakamalaking inilalabas na carbon dioxide sa daigdig ayon sa datos ng

Global Carbon Project.

A. China C. Australia
B. Amerika D. Canada

______ 48.) Ang mga sumusunod ay personal na tugon sa problemang pangkalikasan maliban sa.
A. Buksan ang inyong mga bintana
B. Bayaan ang appliances na nakasaksak
C. Maglaba nang maramihan
D. Sumakay ng bus o mag-commute .

______ 49.) Ano ang unang nakokompromiso pag mababa ang bahagdan ng tubig-ulan dulot ng climate
change?
A. suplay ng tubig sa mga palayan
B. suplay ng gasolina
C. suplay ng pagkain
D. suplay ng bilihin

______ 50.) Ano ang epekto ng extreme temperatures na dulot ng climate change?

A. pagkakaroon ng matitinding uri ng kalamidad


B. pagkakaroon ng iba't aibang uri ng sakit
C. suliranin sa pagkain at tubig
D. pagkasira ng mga likas na yaman
_____51.) Pinamamahalaan ng kagawarang ito ang mga patakaran at suliranin sa paggawa at
empleyo.
A. TESDA C. POEA
B. DOLE D. DTI

_____52.) Ito ang sangay ng pamahalaan na nagpapaunlad ng mga industriya at kalakalan sa bansa.
A. POEA C. TESDA
B. DTI D. TESDA

_____53.) Kabilang sa mga tungkulin nito ang pamamahala ng mga benepisyo para sa mga Pilipinong
OFW, pangangasiwa ng "recruitment agencies" sa Pilipinas at pamamahala ukol sa trabaho sa
ibang bansa at iba pang serbisyong pang-administratibo.
A. POEA C. DTI
B. DOLE D. TESDA

_____54.) Ito ay umiiral kapag ang mga tao na walang trabaho ay aktibong naghahanap ng trabaho
subalit wala pa ring makitang hanapbuhay.
A. unemployment C. employment
B. labor force D. unemployment rate

_____55.) Ito ang kagawaran ng pamahalaan na tumutulong sa mga mamamayan na mapaunlad

ang kanilang kasanayan sa pamamagitan ng pag-aaral sa mga paaralang pambokasyonal.

A. POEA C. TESDA
B. DOLE D. DTI

_____56.) Ano ang kahulugan ng globalisasyon?

A. Proseso ng pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang
direksyon na nananarasan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.
B. Pagbabago sa ekonomiya at politika na may malaking epekto sa sistema ng pamumuhay
ng mga mamamayan sa buong mundo.

C. Malawakang pagbabago sa sistema ng pamamahala sa buong mundo.


D. Mabilis na paggalaw ng mga tao tungo sa pagbabagong political at ekonomikal ng mga bansa sa mundo.

_____57.) Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o


teritoryong politikal patungo sa iba pa maging ito man ay pansamantala o
permanente.

A. Globalisasyon C. Migrasyon
B. Paggawa D. Globalisasyong Ekonomikal

_____58.) Tulong ng pamahalaan sa mga na miyembro ng lipunan sa anyong


pinansyal at serbisyo

A. Insurance C. Subsidiya
B. Pautang D. Loan

_____59.) Bakit naghirap ang mga Pilipino pagkatapos ng digmaan?


A. Umaasa sa ayuda ng gobyerno.
B. Minamaliit ang kakayahan ng mga Pilipino.
C. Kinaugalian ng mga Pilipino ang manana habit.
D. Nawalan ng hanapbuhay ang mga Pilipino.

_____60.) Bakit kailangan nating pahalagahan ang kasunduang base militar ng mga Amerikano sa
Pilipinas?
A. Nagkaroon ng pantay na karapatang tinatamasa ang mga Pilipino. B.
Nalutas ang suliranin sa salapi dulot ng pananakop ng mga Hapones
C. Naisaayos ang mga taniman at sakahan at muling napakinabangan. D.
Nakapagbibigay sila ng proteksyon laban sa ibang mananakop at nakakatulong ito
Upang sanaying ang sundalong Pilipino

_____61.) Ano ang edad na kailangan upang magtrabaho ang isang bata?
A. 15 C. 17
B. 16 D. 18

_____62.) Paano nakapagpapabilis sa integrasyon ng mga bansa ang globalisasyon?


A. Makikita sa globalisasyon ang matatag na ugnayan ng mga bansa
B. Dahil sa globalisasyon nagkakaroon ng mabilis na palitan ng impormasyon at
kolaborasyon ang mga bansa
C. Dahil sa globalisasyon mabilis na tumutugon ang mga bansa sa mga banta na
magdudulot ng kapinsalaan
D. Makikita sa globalisasyon ang paghiwa-hiwalay ng mga bansa sa daigdig

_____63.) Ang mga sumusunod ay epekto ng globalisasyon sa sektor ng paggawa MALIBAN sa


A. Paglaganap ng mga suliranin at hamon sa paggawa
B. Mabibigyan ng pagkakataon ang mga lokal na produkto na makilala sa
pandaigdigang pamilihan
C. Binago ng globalisasyon ang work place at mga salik ng produksiyon
D. Demand ng bansa para sa iba’t ibang kakayahan o kasanayan sa paggawa na
globally standard

_____64.) Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa labor force o lakas paggawa?
A. Mga nag-aaral C. Discouraged workers
B. Institutionalized persons D. Taong nasa edad 15 yrs ol pataas at 65 yrs old pababa

_____65.) Ito ang ikalawang layunin ng UNITED NATIONS SUSTAINABLE

DEVELOPMENT GOALS.

A. Walang kahirapan C. Mabuting kalusugan at maayos na pamumuhay

B. Walang gutom D. De-kalidad na edukasyon

_____66.) to ang ikasampung layunin ng United Nations Sustainable development goals.


A. Pagkakapantay-pantay ng kasarian C. Malinis na tubig at sanitasyon
B. Abot-kaya at malinis na enerhiya D. Bawasan ang hindi pagkakapantay-pantay

_____67.) Ito ang ika-labing dalawang (12) layunin ng United Nations Sustainable development goals.
A. Responsableng pagkonsumo at produksyon C. Aksiyong pangklima
B. Buhay at yamang dagat D. Buhay at yamang lupa

_____68.) Ito ang ika-labing limang (15) layunin ng United Nations Sustainable development goals.
A. Kapayapaan, katarungan, at matatag na mga institusyon C. Buhay at yamang lupa
B. pagtutulungan para sa mga adhikain D. walang kahirapan

_____69.) Ano ang layunin ng US Environmental Protection Agency?

A. linangin at pangalagaan ang kalikasan sa buong daigdig


B. hikayatin ang mas marami pang bansa na makiisa sa pagsulong ng likas kayang pag-

Unlad

C. tugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan

D. Wala sa nabanggit.

_____70.) Which fuel will be sustainable?


A. use of coal C. use of petroleum
B. use of solar energy D. none

You might also like