You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV – A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON PROVINCE
TALUONG NATIONAL HIGH SCHOOL
POLILLO, QUEZON

WEEKLY LEARNING PLAN

Quarter: IKALAWANG MARKAHAN Grade Level: GRADE 7 Learning Area: ARALING PANLIPUNAN 7
Week: 4 Learning Modality: Face to Face
MELCs: Natataya ang impluwensiya ng mga kaisipang Asyano sa kalagayang panlipunan at kultura sa Asya
CS: Ang mag-aaral ay… naipamamalas ng mag- aaral ang pagunawa sa mga kaisipang Asyano, pilosopiya at relihiyon na
nagbigay-daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano
PS: Ang mag-aaral ay… kritikal na nakapagsusuri sa mga kaisipang Asyano, pilosopiya at relihiyon na nagbigay-daan sa
paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng pagkakilanlang Asyano
Day Objectives Topic/s Classroom-Based Activities Home-Based Activities
 Paunang Gawain: The students will read and
1-3  Panalangin comprehend the concept of
 Pagsasaayos ng Silid Aralan
 Pagtatala ng Liban sa Klase Assignment
The students will answer
A. Recall (Elicit) Note: For further understanding the
Balik Aral: APRUB - DIS-APRUB topic you can browse following
websites:
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag,
(SAMPLE ENTRY)
iguhit ang (aprub) kung wasto ang pahayag
nito at
(dis-aprub) kung hindi wasto ang pahayag,
gawin ito sa patlang bago ang bilang.
________________1. Pagsasaka ang naging
paraan ng pamumuhay ng mga tao sa lambak-
Indus.
________________2. Ang pinakamatandang
Taluong National High School
Sdo.quezon.taluongnhs.polillo@gmail.com
“Educating 21st century future builders in the new normal.”
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV – A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON PROVINCE
TALUONG NATIONAL HIGH SCHOOL
POLILLO, QUEZON

sibilisasyong umusbong sa Asya at daigdig ay


kabihasnang Shang.
________________3. Mataas ang uri ng
pamumuhay sa kabihasnang Sumer dahil sa
sentralisadong sistema ng pamumuhay noon.
________________4. Ang ilog Ganges ay
nagkaroon ng mahalagang papel sa lupaing
agrikultural.
________________5. Ang calligraphy, cuneiform
at pictogram ay pagpapahalaga sa
edukasyon at kaalaman ng mga Asyano.
________________6. Pinakamalaking gusali ang
Ziggurat sa Mesopotamia na itinayo
bilang pampublikong parke.
________________7. Ang ilog Huang Ho ay
nagdulot ng kasaganahan sa pananim at
kalungkutan din sa mga sinaunang Tsino.
________________8. Matibay ang bigkis ng
ugnayan ng mga Diyos at mga ninuno sa
Tsina sa pamamagitan ng oracle bones.
________________9. Ang kabihasnang Sumer,
Indus at Shang ay may matatabang
lupain dahil sa mga karagatan nito.
_______________10. Dahil sa kabihasnang
sumibol sa Mesopotamia natuklasan ang
teknolohiya sa pagsasaka na nagpasimula ng pag-
unlad.

Taluong National High School


Sdo.quezon.taluongnhs.polillo@gmail.com
“Educating 21st century future builders in the new normal.”
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV – A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON PROVINCE
TALUONG NATIONAL HIGH SCHOOL
POLILLO, QUEZON

B. Motivation (Engage)
Pagganyak:
Gawain sa Pagkatuto 1:
Panuto: Suriing mabuti ang mga larawan sa ibaba.
Isulat sa iyong kuwaderno ang mga sagot sa
katanungang matatagpuan sa ibaba ng larawan.

Pamprosesong Tanong:
1. Anong istruktura ang iyong nakita sa larawan?
2. Ano ang kaugnayan ng istrukturang ito sa buhay
ng mga taong nakatira dito?

C. Discussion of Concepts (Explore)


Talakayan:
Mga Kaisipang Asyano
 Ang China Bilang Gitnang Kaharian
 tinawag ng mga Tsino ang kanilang
imperyo na Zhongguo na
nangangahulugang Middle Kingdom o

Taluong National High School


Sdo.quezon.taluongnhs.polillo@gmail.com
“Educating 21st century future builders in the new normal.”
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV – A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON PROVINCE
TALUONG NATIONAL HIGH SCHOOL
POLILLO, QUEZON

“Gitnang Kaharian”.
 Ang katagang Sino ay ginagamit upang
tukuyin ang mga Tsino, kung kaya’t ang
kanilang pananaw na sila ay superyor sa
lahat ay tinaguriang Sinocentrism.
 paniniwalang Tsino na ang kanilang
emperador ay “Anak ng Langit” o Son of
Heaven.
 Namumuno siya sa kapahintulutan o
basbas ng kalangitan (mandate of heaven)
 Ang Banal na Pinagmulan ng Emperador ng
Japan at Korea
 Pinaniniwalaan ng mga Hapones na ang
mga isla nila ay lupa ng mga diyos sa
dahilang nabuo o inianak ito bunga ng
pagtatalik ng kanilang diyos na si Izanagi at
ang kanilang diyosa na si Izanami.
 Maging ang mga Korean ay naniniwala rin
sa banal na pinagmulan ng kanilang
emperador. Ayon sa kanilang alamat at
mito, nagmula ang kanilang pinuno kay
Prinsipe Hwanung, na anak ng diyos ng
kalangitan na si Hwanin. Bumaba si
prinsipe Hwanung sa kalupaan at itinatag
ang lungsod ng diyos.
 Mito ng Pinagmulan at Sinaunang Kaisipan ng
Timog Silangang Asya

Taluong National High School


Sdo.quezon.taluongnhs.polillo@gmail.com
“Educating 21st century future builders in the new normal.”
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV – A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON PROVINCE
TALUONG NATIONAL HIGH SCHOOL
POLILLO, QUEZON

 Ang katutubong relihiyon ng mga taga-


Timog Silangang Asya ay animismo kung
saan naniniwala sila na ang kapaligiran ay
pinanahanan ng mga espiritu o diyos na
maaaring mabait o masama.
Pinakamahalaga sa kanila ang espiritu o
diyosa ng kalupaan sa dahilang ito ang
nagkakaloob ng masaganang ani na
tumutustos sa pangangailangan ng
kaharian.

 Ang Devaraja at Cakravartin sa India at sa


Timog Silangang Asya
 Sa alamat ng India, ang unang hari nila ay
si Manu na nabuo sa pamamagitan ng
pagsama-sama ng mga bahagi na
sinisimbolo ng iba’t ibang diyos. Ito ay ang
buwan, apoy, araw, hangin, tubig,
kayamanan at kamatayan.
 Tinatawag siyang devaraja kung saan ang
deva ay nangangahulugang diyos at ang
raja ay hari.
 Sa relihiyong Hinduism at Buddhism, ang
tahanan ng mga diyos ay ang Mount Meru,
ang aksis ng isang bilog na mundo.
 Ang tuktok ng Mount Meru ang tahanan ni
Indra, ang diyos ng digmaan at responsable

Taluong National High School


Sdo.quezon.taluongnhs.polillo@gmail.com
“Educating 21st century future builders in the new normal.”
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV – A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON PROVINCE
TALUONG NATIONAL HIGH SCHOOL
POLILLO, QUEZON

sa panahon.
 Samantala, ang hari ay nakaupo sa trono at
kinikilalang cakravartin o hari ng buong
daigdig.
 Ang Islamikong Kaisipan Ukol sa Pamumuno
sa Kanlurang Asya
 Ang tagapagtatag ng relihiyon na si
Muhammad ay pinaniniwalaang seal of the
prophets o ang huling propeta na
magpapahayag ng mensahe ni Allah sa
sanlibutan.
 Namatay si Muhammad na walang
naatasang kapalit. Ang kanyang mga
tagapayo ay nagpasya na iluklok si Abu
Bakr. Kapalit ni Muhammad bilang pinuno
ng mga Muslim.
 caliph na nangangahukugang kinatawan.
Sila ang kinatawan o kahalili ni Muhammad
sa kalupaan. Tinawag na caliphate ang
sistema ng pamahalaan na naitatag ng mga
pinunong ito.
 Pinunong panrelihiyon at pampamahalaan
ang caliph. Maliban sa pagiging pinunong
pulitikal ng lahat ng mga pamayanang
Muslim, ang caliph din ay pangunahing
hukom, pinuno ng hukbong sandatahan, at
pinunong panrelihiyon.

Taluong National High School


Sdo.quezon.taluongnhs.polillo@gmail.com
“Educating 21st century future builders in the new normal.”
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV – A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON PROVINCE
TALUONG NATIONAL HIGH SCHOOL
POLILLO, QUEZON

D. Developing Mastery (Explain)


Gawain sa Pagkatuto 2:
Panuto: Basahing at unawain ang mga
kahalagahan sa unang hanay at alamin kung
anong kaisipang Asyano ang tinutukoy ng bawat
pahayag. Pumili lamang ng salita na nasa loob ng

kahon.

E. Application and Generalization (Elaborate)


Gawain sa Pagkatuto 3:
Panuto : Bilang isang mag-aaral, bumuo ng isang
campaign poster na nagtataglay ng mga mabuting
katangian ng isang lider na dapat iboto sa darating
na halalan. Dapat na maipalutang sa iyong

Taluong National High School


Sdo.quezon.taluongnhs.polillo@gmail.com
“Educating 21st century future builders in the new normal.”
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV – A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON PROVINCE
TALUONG NATIONAL HIGH SCHOOL
POLILLO, QUEZON

campaign poster ang kaisipang “Men of Prowess”.


Tatayahin ang iyong campaign poster batay sa
rubric sa ibaba. Gawin ito sa isang short
bondpaper.
Pamantayan Puntos
Nilalaman 30%
Organisasyon 20%
Mensahe 20%
Pagkamalikhain 20%
Hikayat 10%
Kabuuan 100%

F. Evaluation
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat
pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot
1. Sa India, ang mga hari ay kinikilala bilang
devaraja o “haring diyos” na impluwensiya ng
relihiyong _______at cakravartin o “hari ng buong
daigdig” na impluwensiya ng relihiyong
__________.
A. Hinduism at Buddhism
B. Islam at Kristiyanismo
C. Shintoism at Lamaism
D. Zoroastrianism at Confucianism
2. Sa mga Muslim, ang kanilang caliph at sultan ay
“Anino ni _______ sa Kalupaan” at namumuno

Taluong National High School


Sdo.quezon.taluongnhs.polillo@gmail.com
“Educating 21st century future builders in the new normal.”
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV – A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON PROVINCE
TALUONG NATIONAL HIGH SCHOOL
POLILLO, QUEZON

dahil sa atas ni _______.


A. Hesukristo B. Buddha C. Allah D. Zoroaster
3. Ang mga caliph at sultan ang siyang pinunong
pulitikal at panrelihiyon sa Kanlurang Asya. May
katungkulan sila na protektahan ang nasasakupan
at palaganapin ang relihiyong ___________.
A. Kristiyanismo B. Islam C. Buddhism D.Hinduism
4. Ang Japan at Korea ay kapwa naniniwala na
banal ang pinagmulan ng kanilang emperador at
kaharian, ayon sa ilang iskolar maaaring ito ay
impluwensiya ng bansang _______ dahil kapwa
humiram ang dalawang bansa sa kultura nito at
hindi malayong naimpluwensiyahan nito ang
kanilang kaisipan.
A. India B. China C. Pilipinas D. Indonesia
5. Para sa mga Hapones, banal o sagrado ang
kanilang emperador dahil nagmula ito kay
___________, ang diyosa ng araw.
A. Shiva B. Amaterasu C. Indra D.Izanagi
Remarks/ Teachers Reflection
What went well in the …
Areas for Enhancement
Adjustment to do

Note: Remarks may vary according to each section performance that will be the basis of adjustment or progression of teaching for
the next meeting.
Taluong National High School
Sdo.quezon.taluongnhs.polillo@gmail.com
“Educating 21st century future builders in the new normal.”
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV – A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON PROVINCE
TALUONG NATIONAL HIGH SCHOOL
POLILLO, QUEZON

Prepared by: Noted by:

REYNOLD M. BORREO LECERIO F. DEL MORO, JR.


AP TEACHER Principal I

Taluong National High School


Sdo.quezon.taluongnhs.polillo@gmail.com
“Educating 21st century future builders in the new normal.”

You might also like