You are on page 1of 28

7

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 4
Relihiyon at Pilosopiya sa Asya

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Araling Panlipunan - Baitang 7
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 4: Relihiyon at Pilosopiya sa Asya
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Regional Director: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Assistant Regional Director: Dr. Victor G. De Gracia Jr, CESO V

Development Team of the Module


Author/s: Marcela E. Ungab
Reviewers: Edwin V. Beloy, HT-I, Felino Y. Techo, MT- I
Illustrator and Layout Artist: Eden Grace A. Paluca, Keren Danielle B. Avelino
Management Team
Chairperson: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director

Co-Chairpersons: Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V


Asst. Regional Director

Edwin R. Maribojoc, EdD, CESO VI


Schools Division Superintendent

Myra P. Mebato, PhD, CESE


Assistant Schools Division Superintendent
Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD

Members Neil A. Improgo, EPS-LRMS


Bienvenido U. Tagolimot, Jr., EPS-ADM
Samuel C. Silacan, EdD, CID Chief
Eleazer L. Tamparong, EPS - Araling Panlipunan
Rone Ray M. Portacion, EdD, EPS – LRMS
Berlyn Ann Q. Fermo, EdD, PSDS
Agnes P. Gonzales, PDO II
Vilma M. Inso, Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Region 10
Office Address: Zone 1, DepEd Building, Masterson Avenue, Upper Balulag, Cagayan de Oro City
Contact Number: (088) 880 7072
E-mail Address: region10@deped.gov.ph
7
Araling
Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 4
Relihiyon at Pilosopiya sa Asya

This instructional material was collaboratively developed and


reviewed by educators from public and private schools, colleges, and
or/universities. We encourage teachers and other education
stakeholders to email their feedback, comments, and
recommendations to the Department of Education at action@
deped.gov.ph.

We value your feedback and recommendations.


Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas
Paunang Salita
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul 4 ukol sa Relihiyon at Pilosopiya sa Asya.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan
sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga
sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay Gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!
Talaan ng Nilalaman

Alamin --------------------- 1
Subukin --------------------- 2

Aralin --------------------- 3
Balikan --------------------- 3
Tuklasin --------------------- 4
Suriin --------------------- 5
Pagyamanin --------------------- 15

Isaisip --------------------- 16
Isagawa --------------------- 17
Tayahin --------------------- 18
Karagdagang Gawain --------------------- 19
Susi sa Pagwawasto --------------------- 20
Sanggunian --------------------- 21
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat upang mahasa ang iyong


kaalaman tungkol sa kung paano nabuo ang mga sinaunang kabihasnan sa
Asya at kung paano namumuhay ang mga sinaunang Asyano.

Saklaw ng modyul na ito ay Relihiyon at Pilosopiya sa Asya . Dito


napapahalagahan ang mga kaisipang Asyano na nagbibigay daan sa paghubog
ng sinaunang kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng pagkakilanlang Asyano.
(AP7KSA-IIc-1.4)

Sa araling ito, inaasahang matutuhan mo ang mga sumusunod:

1. matutukoy ang mga relihiyon at pilosopiya sa Asya


2. masusuri ang mga aral ng mga relihiyon at pilosopiya sa Asya
3. mapapahalagahan ang impluwensya ng relihiyon at pilosopiya sa iba’t
ibang aspeto ng pamumuhay ng mga Asyano

1
Subukin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap, isulat ang letrang T kung
tama ang nakasaad sa pangungusap at M naman kung mali. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
______1. Politeismo ang tawag sa pagsamba sa iisang diyos.
______2. Ang banal na kasulatan ng mga Hindu ay Bibliya.
______3. Hinduismo ang matandang relihiyong umunlad sa India at mga
Aryan ang unang tribong sumampalataya sa relihiyong ito.
______4. Kristiyanismo ang relihiyong may pinakamaraming tagasunod.
______5. Ang pagdarasal ng limang beses sa isang araw ay bahagi ng
pananampalatayang Islam.
______6. Ayon sa relihiyong Zoroastrianismo, ang buhay ng tao sa daigdig ay
ang pagtahak sa kabutihan o kasamaan.
______7. Ang pagpipigil sa sarili, pagpapasensiya at pagpapakumbaba ay
kabilang sa mga katuruan ng Taoismo.
______8. Ang pagkain ng karne, pagpatay ng insekto at pagkakaroon ng ari-
arian ay ipinagbabawal sa relihiyong Jainismo.
______9. Ayon sa relihiyong Buddhismo, ang pagdurusa ng tao ay mawawala
kung ang pagnanasa ay aalisin.
______10.Nakapaloob sa Four Classics at Five Books ang mga aral ng
Confucianism.
______11. Ang tao ay ipinanganak na mabuti ayon sa legalismo.
______12. Shintoismo ang tawag sa paniniwala ng mga Hapones.
______13.Hindi naniniwala sa reinkarnasyon ang relihiyong Sikhismo.
______14.Inaasahang makakasunod sa limang haligi ng Islam ang bawat
Muslim.
______15.Sa legalismo, hindi kailangan ng istriktong batas ng pamahalaan at
estado upang ang mga mamamayan ay gumawa ng mabuti at wasto.

2
Aralin
Relihiyon at Pilosopiya sa Asya

Ayon sa kasaysayan halos lahat ng mga relihiyon sa mundo ay nagmula


sa Asya. Sa lawak ng mga teritoryong sakop at sa dami ng taong naniniwala,
malaki ang dahilan upang tawagin ang Asya na sinilangan ng iba’t ibang relihiyon
sa daigdig. Halina’t ating talakayin ang iba’t ibang relihiyon na ito. Alamin kung
saan umusbong, sino ang nagtatag, at ang mahahalagang aral nito. Suriin din
natin ang mga mahahalagang impluwensiya ng mga relihiyong ito sa lipunan.

Balikan

Bago tayo dadako sa susunod na aralin, balikan muna natin ang iyong
mga natutunan sa mga nakaraang modyul.

Panuto: Magbigay ng tatlong (3) saloobin tungkol sa mga impluwensiya ng


kultura sa buhay Asyano. Isulat sa sagutang papel.

1. __________________________________________________________.
2. __________________________________________________________.
3. __________________________________________________________.

3
Tuklasin

Gawain 1: LARAWAN- SURI

Panuto: Suriin ang kasunod na mga larawan. Ano ang iyong ideya sa mga
larawan na nasa ibaba? Kilalanin kung ito ay tradisyon, pilosopiya, relihiyon,
pananaw at paniniwala.

1. 4.
.

3.

5.

Suriin

4
1. Anu- ano ang iba’t ibang relihiyon at pilosopiya sa Asya?

2. Paano nakaimpluwensiya ang mga relihiyon at pilosopiya sa ating lipunan?

Ang relihiyon ay nagmula sa salitang Latin na re-ligare na ang ibig


sabihin ay pagbubuklod at pagbabalikloob. Ang relihiyon ay nahahati sa
dalawang uri; monoteismo at polyteismo. Ang monoteismo ay ang paniniwala
sa iisang Diyos lamang, samantalang ang politeismo ay ang paniniwala sa
maraming Diyos.

MGA RELIHIYON SA ASYA

A. Hinduismo- pangunahing relihiyon sa India na mga Aryan ang unang tribong


sumampalataya nito. Naniniwala sila sa maraming diyos mula sa iba’t ibang likha
ng kalikasan, subalit ito ay naglaho at napalitan ng pagsamba kay Brahma. Ang
Veda ay banal na kasulatan ng mga Hindu na nagmula pa sa panahon ng mga
Aryan. Tinuturo ng Vedas na ang tao ay magkaroon ng mahaba at mabuting
buhay. Ginagalang ng Hinduismo ang indibidwal na pagsamba, mayroon silang
mga altar at mga santo. Ito rin ay kilala bilang isa sa mga pinakamatandang
relihiyon sa mundo.

Mga Paniniwala ng mga Hindu

Naniniwala ang mga Hindu sa pagkakabuklod at pagkakaisa ng mga


bagay sa kapaligiran na nagdadala sa pagkakaisang ispiritwal. SIla ay
naniniwala sa pagmamahal, paggalang at pagrespeto sa lahat ng mga bagay na
may buhay, espiritu o kaluluwa. Sumasamba sila sa iba’t ibang uri at anyo ng
diyos na tinatawag na politeismo. Bahagi ng paniniwalang Hindu ang
reinkarnasyon, kung saan ang namatay na katawan ng tao ay isisilang na muli
sa ibang anyo, paraan o nilalang.

Naniwala ang mga Hindu sa karma. Ang karma ay ang pagkakaroon ng


gantimpala kapag kabutihan ang tinanim, subalit pagdurusa naman ang balik
kapag kasamaan ang itinanim sa kapwa. Naniniwala sila na ang tao ay dapat na

5
magsikap sa buhay at ito ay dapat na iniaalay niya sa diyos anuman ang antas
niya sa lipunan.

B. Buddhismo - Itinatag ito ni Siddharta Gautama, isang batang prinsipe, subalit


ninais na maging asetiko upang danasin ang katotohanan ng buhay. Isinuko niya
ang karangyaan, luho at masarap na buhay. Iniwan niya ang pamilya at
naglakbay hanggang matuklasan niya ang kaliwanagan. Kaya ang Buddhismo ay
nangangahulugan ng kaliwanagan. May dalawang paghahati ang Buddhismo:
(1) Mahayana Buddhism - Kinilala bilang Diyos si Buddha na tagapagligtas
mula sa guro. Niyakap ito ng mga taga Silangang Asya tulad ng China, Korea at
Japan at Vietnam sa Timog Silangang Asya at (2) Theravada Buddhism -
Kinikilala si Buddha bilang guro at banal na tao.

Apat na Dakilang Katotohanan ng Buddhismo

1. Ang buhay at pagdurusa ay hindi magkahiwalay.

2. Pagnanasa ang sanhi ng pagdurusa.


3. Mawawala lamang ang pagdurusa kung aalisin ang pagnanasa.

4. Maalis ang pagnanasa kung susunod sa walong landas at matatamo


ang tunay na kaligayahan o Nirvana.

Walong Landas o Dakilang Daan


1. Tamang pananaw
2. Tamang aspirasyon
3. Tamang pananalita
4. Tamang ugali
5. Tamang kabuhayan
6. Tamang konsentrasyon
7. Tamang pagpupunyagi
8. Tamang pagnilaynilay.

C. Jainismo - Isa sa mga relihiyon sa India. Ayon sa Veda ang Jainismo ay


itinatag ni Rsabha, subalit ang pinakapinuno ng Jainismo ay si Mahavira o

6
Vhardamana. Tinalikuran niya ang lahat ng kaniyang kayamanan at
kapangyarihan at naging asetiko katulad din ni Buddha.

Mga Doktrina ng Jainismo

Ang bawat tao ay may layunin na makalaya ang kaluluwa sa pagkabuhay,


pagkamatay at muling pagkabuhay. Ito ay siklo na dapat maranasan ng lahat ng
tao.

1. Bawal kumain ng karne


2. Bawal ang pumatay ng insekto
3. Bawal ang magnakaw
4. Bawal magsinungaling
5. Bawal ang magkaroon ng ari-arian
6. Bawal makipagtalik
7. Bawal ang pananakit sa anumang may buhay, tinawag itong
ahimsa o kawalan ng karahasan o non-violence
8. Kailangan mapagtimpi at disiplinado ang tao
9. Kailangan igalang ang lahat ng mga bagay na may buhay

Ang karma ay isang buhay na bagay na dumadaan sa katawan ng


anumang bagay at buhay at nagiging pabigat ito. Binibigyang diin ng Jainismo
ang asetismo o pagpapakasakit at mahigpit na penitensya upang mapaglabanan
ang kasakiman ng katawan.

D. Sikhismo - Ang Sikhismo ay itinatag ni Guru Nanak. Sinikap niyang


pagbuklurin ang mga Muslim sa isang kapatiran. Ang mga mananampalataya ng
Sikhismo ay matatagpuan sa India, Pakistan at iba pang parte ng daigdig.

Mga Paniniwala ng Sikhismo

7
1. May isang diyos, walang hanggang katotohanan ang kaniyang
pangalan.
2. Naniniwala sa reinkarnasyon. Ang reinkarnasyon ng mga Sikh ay
pag-akyat ng mga kaluluwa mula sa mababang antas pataas.
Kailangang masagip ang mga tao dahil kung hindi sila ay patuloy na
makararanas ng muli’t muling pagsilang.
3. Nirvana ng mga Sikh ay makakamtam sa pagsama ng indibidwal sa
kanyang lumikha sa kabilang buhay.

E. Judaismo - Ang Judaismo ang pinakamatandang relihiyon sa daigdig. Ang


paniniwala ng mga Hudyo sa monoteismo ay nagpapatunay na naging batayan
ito ng Kristyanismo at Islam. Ang Torah na nangangahulugang batas at aral ay
naglalaman ng limang aklat ni Moses. Ang Sampung Utos ang gabay ng mga
Hudyo sa wastong pagkilos at pamumuhay. Ang mga ito ay ang sumusunod:

Ang Sampung Utos ng Diyos (Tagalog)

1. Ibigin mo ang DIYOS ng lalo at higit sa lahat.

2. Huwag kang sasamba sa mga diyos-diyosan.

3. Ipangilin mo ang araw ng Sabbath.

4. Igalang mo ang iyong ama at ina.

5. Huwag kang papatay.

6. Huwag kang makikiapid sa hindi mo asawa.

7. Huwag kang magnanakaw.

8. Huwag kang magbibintang at huwag kang magsisinungaling.

9. Huwag kang magnanasa sa hindi mo pag- aari.

10. Huwag kang magnanasa sa hindi mo asawa.

F. Kristiyanismo Ang Kristiyanismo ang pinakamalaking bilang sa lahat ng mga


relihiyon sa mundo sa dami ng tagasunod at kasapi. Ito ay relihiyong batay sa

8
buhay at turo ni Kristo. Si Kristo ang tagapagligtas na ipinadala upang iligtas ang
sanlibutan. Ang Kristiyanismo ay mula sa relihiyong Judaismo, mula sa Lumang
Tipan hanggang sa mga aral ni Moses(Sampung Utos ng Diyos), si Kristo ang
ipinangakong Mesiyas at manunubos. Ayon kay Kristo mahal ng Diyos ang lahat
ng tao at natutuwa siya kapag mahal siya at pinaglilingkuran nila. Bibliya ang
banal na aklat ng relihiyong ito.

G. Islam - Ang relihiyon ng mga Muslim na sinasabing ikalawa sa


pinakamalaking relihiyon sa daigdig. Allah ang tawag sa kanilang Diyos at si
Muhammad naman ay ang huling propetang pinadala ni Allah na siyang nagtatag
ng Islam. Kakaiba dahil ang pangalan ng relihiyon ay hindi tao, pook at iba pa.
Ang Islam ay galing sa salitang Arabik na "Salam" na ang ibig sabihin ay
kapayapaan. Muslim ang tawag sa mga nilikha ni Allah na sumusunod,
sumusuko at tumatalima sa Kaniyang mga kautusan.

Mga Paniniwala at Aral ng Islam

Ang Qur’an (Koran) ang banal na aklat ng mga Muslim na tunay na salita
ni Allah galing kay Muhammad sa pamamagitan ni Angel Gabriel. Ang mga
Muslim ay hindi maaaring kumain ng karneng baboy at hamon at uminom ng
alak. Ang lalaking Muslim ay maaaring magkaroon ng 4 na asawa hanggang sa
kaya niyang ibigay ng pantay-pantay ang pangangailangang pinansyal at
emosyonal ng mga ito. Sina Abraham, Noah, Moses, Hesus at Muhammad ang
mga propeta ni Allah. Sa kanilang paniniwala, hindi tinuturing na anak ng Diyos
si Hesus. Pinadala lamang siya ni Allah bilang isang propeta.

Limang Haligi ng Islam

9
Ang Limang Haligi ng Islam ay ang pundasyon ng relihiyon. Inaasahang ang
bawat Muslim ay makakasunod dito.
1. IMAN (Pananampalataya) - Pagpapahayag ng Shahadah, "Walang
Diyos kundi si Allah at si Muhammad ang kanyang propeta."
2. SALAH (Pagdarasal) - pagdarasal nang limang beses sa isang araw na
nakaharap sa Mecca. Obligado silang magdasal tuwing madaling araw
(Farj), tanghali (Dhuhr), dapit hapon(Asr), takipsilim(Maghrib),
gabi(Isha’a).
3. ZAKAH (Pag-aabuloy) - pagbibigay ng ilang bahagi ng kayamanan sa
nangangailangan.

4. SAWM (Pag-aayuno) - hindi pagkain, pag-inom, at pagpigil sa seksuwal


na relasyon kasama ng kanilang asawa sa loob ng 30 araw mula ika-6
ng umaga hanggang ika-6 ng gabi sa panahon ng Ramadan.

5. HAJJ (Paglalakbay) - pagpunta sa Mecca (The Black Stone of Kaaba)


kahit isang beses lamang sa kanyang buhay. Ito ay para lang sa
mga may kakayahang pisikal at pinansyal.

H. Zoroastrianismo Noong ika-6 na siglo B.C., ipinalaganap ni Zoroastro, isang


mangangaral na taga-Persia (Iran na ngayon), ang isang relihiyon. Sang-ayon sa
relihiyong ito, ang búhay ng tao sa daigdig ay ang pagtahak patungo sa
kabutihan o kasamaan. Pinamumunuan ang kabutihan ni Ahura Mazda, ang
Kataas-taasang Diyos; samantalang ang kasamaan ay nasa pangangasiwa ni
Ahriman, ang Diyablong Espiritu.Sa wakas ng panahon, magtatagumpay si
Ahura Mazda laban kay Ahriman. At sa pagwakas ng daigdig ay sa
pamamagitan ng pagkatupok sa apoy. Ang taong mabubuti at sumusunod sa
mga aral ni Ahura Mazda ay titira na sa isang kahariang walang hanggang
kaligayahan at kabutihan. Ang masasama naman ay parurusahan
magpakailanman.

I. Shintoismo - ang tawag sa paniniwala ng mga Hapones tungkol sa diyosa ng


araw at iba pang diyosa ng kalikasan. Ang Shinto ay nangangahulugang daan o

10
kaparaanan ng diyos. Tinatawag na Kami ang mga diyos na may
kapangyarihang likas at nananahanan ang mga ito sa ilog, puno, bato, bundok,
buwan at araw. Sinasamba rin nila ang namatay nilang mga kamag-anak at
ninuno. Nakasentro ang pagsamba nila sa mga templo at dambana na sa
paniniwala nila ay nananahanan ang diyos. Binubuo ang paniniwala nila ng mga
dasal, pagpalakpak, pag-aalay at gawaing pananampalataya. Malaking bilang
nila ay makikita sa bansang Hapon.

Apat na Paninindigan ng Shinto

1. Tradisyon at Pamilya: Ang pamilya ang kanilang pangunahing


prayoridad.
2. Pagmamahal sa Kalikasan: Ang kalikasan ay may malakas na
koneksyon sa mga diyos kaya ito'y binibigyang silbi.
3. Kalinisan: Sila ay palaging naliligo at naghuhugas.
4. Matsuri: Pagpuri sa mga diyos at sa mga sinaunang espirito.

Paniniwala ng Shintoism

1. Purification - Pagtanggal ng masamang espiritu sa katawan.


2. Kami - Banal na espiritu na lumalabas sa anyo ng mga bagay kapag
ikaw ay namamatay, ikaw ay magiging isang kami.
3. Aragami - Masamang "kami" na pinatay at ngayon ay naghahanap ng
paghihiganti.
4. Mizuko - Mga batang hindi naipanganak at nagiging sanhi ng
problema.
5. Mizuko Kuyo - Pag-samba ng mga Mizuko upang iwasan ang
problema.

Gawain 2: MGA RELIHIYON SA ASYA

11
Panuto: Punan ang sumusunod na retrieval chart at isulat ang sagot sa sagutang
papel.

Relihiyon at Bansang Nagtatag Mga batayang


Pilosopiya Sinilangan turo at aral
Sikhismo
Kristiyanismo
Islam
Zoroastrianismo
Shintoismo
Buddhismo
Hinduismo
Jainismo

PILOSOPIYA SA ASYA

Nagmula ang salitang Pilosopiya sa mga salitang griyego na "Philo" at


"Sophia". Ang Philo ay nangangahulugang "Pagmamahal" at ang Sophia naman
ay "Karunungan". Kung pagsasamahin, ito ay "Pagmamahal sa Karunungan".
Kung kaya't ang Pilosopiya ay palagiang nagtatanong sa mga bagay-bagay
upang magbigay-linaw, mag-alay ng kasagutan at magdagdag ng karunungan sa
nagtatanong.

A. Confucianism

Isang pilosopiya o paraan ng paglakad ng buhay ng isang tao. Itinatag ni


Confucius sa Shantung, China noong ika 5-6 siglo BCE. Siya ay mayroong 5-6
milyon na taga-sunod sa buong daigidig. Ang turo niya ay makikita sa kanyang
mga isinulat na mga libro na Four books at Five classics. Sa paniniwala ni
Confucius, ang mabuting paraan ng pamumuhay ng isang tao ay magdadala ng
kapayapaan .Hindi ito itinuturing na relihiyon ng iba dahil hindi lahat ng elemento
ng isang relihiyon ay taglay ng Confucianism, nakapokus lamang ito sa paraan
ng pamumuhay at ethical teachings. Naniniwala sila sa iisang Panginoon sa
langit at nag-aalay sila ng iba't ibang sakripisyo, pero inaalay ito ng mga hari,
prinsipe at tao na may mataas na posisyon sa lipunan.

12
Ang tagasunod sa Confusianism ay naniniwala sa buhay pagkatapos
mamatay, noong itanong kay Confucius ang tungkol dito, ito ang kanyang sagot.
"We haven't yet finished studying life to delve into the question of death."

Confucian Virtue

1. Li: pagkamagalang
2. Xiao: paggalang sa magulang
3. Yi: pagiging patas
4. Xin: pagkamatapat at mapagkakatiwalaan
5. Jen: kagandahang loob
6. Chung: katapatan sa estado (pinakamataas sa lahat).

B. Taoism

Tinatag ito ni Lao Tzu, isinilang siya noong 500 B.C. sa Hunan sa Timog
China. Siya ay nagtrabaho sa Imperial Library. Sa kanyang simpleng
pamumuhay, siya ay natuto sumunod sa tawag niyang "Tao". Ang ibig sabihin ng
Tao ay "Ang Daan". Isang paraan ng pamumuhay.

Mga Turo ng Taoism

Lahat ng mga bagay ay iisa. Naniniwala sila na kapag gumawa ka ng


masama ang katumbas ay dapat gumawa ka ng kabutihan. Ang buhay at
kamatayan ay magkasama. Ito ay iisang realidad. Mga birtud: pagpipili sa sarili,
pagpapasensya at pagpapakumbaba. Ang estado ay nararapat na primitibo,
pasibo at mapayapa.

Mga Paniniwala ng Taoism

1. Yin at Yang: Pagiging isa sa kalikasan.


2. Chi: enerhiya na nang-gagaling sa kalikasan o sa tao.
3. Tao: Isang puwersa sa likod ng mga natural na kaayusan.
4. Wu Wei: Di nakikita na kapangyarihan sa loob ng lahat ng mga bagay.
5. Pu: Lahat ng bagay ay nakikita na ito ay walang "preconceptions".
6. De: Ang aktibong pamumuhay, o sa sarili, ng "paraan".

13
Kasulatan ng Taoism

TAO TE CHING. Sinulat ito ni Lao Tzu. Ito ay na sa anyong patula.


Layunin nito na makamit ang ugnayang mistiko. Nilalaman nito ang mga
pangunahing aral ng Taoismo. Lahat daw ng tao ay may pagkakapantay-pantay.
Lahat ng bagay ay relatibo.

C. Legalismo

Nakabatay ang legalismo sa makabuluhan at malakas na pwersa na dala


ng estado. Ang agrikultura at sandatahang lakas ang ilan sa mga elemento na
maaring magpatibay sa estado. Ang pagsasaka o agrikultura at pagtatanggol sa
bayan bilang sundalo ay makapag sasalba ng lipunan ayon sa legalismo. Ayon
sa paniniwalang legalismo na dapat ay palawakin, patibayin at patatagin ang
estado.

Higit na mahalaga ang istriktong batas ng pamahalaan at estado upang


ang lahat ng miyembro ng lipunan ay kumilos at gumawa ng mabuti at wasto.
Ang sinumang lalabag sa mga batas ay makakatikim ng mabigat na parusa na
magmumula sa estado o pamahalaan. Upang makalimutan at mabura ang
paniniwala sa confucianismo, pinabasura at sinilaban ni Emperor Shi Huang Ti
ang mga babasahin na may kaugnayan sa Confucianismo.

Gawain 3: MGA PILOSOPIYA SA ASYA

Panuto: Punan ang sumusunod na retrieval chart at isulat ang sagot sa sagutang
papel.

Pilosopiya Bansang Nagtatag Mga batayang


Sinilangan turo at aral
Confucianismo
Taoism
Legalismo

14
Pagyamanin

Gawain 4: Suriin Mo!


Panuto: Ang mga sumusunod na pahayag ay mga impluwensya ng relihiyon sa
iba’t ibang aspeto. Isulat ang:
L- kung ito ay impluwensya sa lipunan
P- kung ito ay impluwensya sa pamahalaan
M- kung ito ay impluwensya sa moralidad
SK- kung ito ay impluwensya sa sining at kultura

_______1. Bawal ang pagpapalaglag ng sangol sa sinapupunan.


_______2. Pagkakaroon ng respeto sa kapwa tao.
_______3. Pagsasagawa ng mga ritwal gaya ng sayaw tuwing piyesta.
_______4. Paggiging tapat sa serbisyo sa pamahalaan.
_______5. Pagbabawal sa pagkiltil ng buhay ng tao.
_______6. Ipinagbabawal ang pag-aasawa ng marami sa relihiyong
Kristiyanismo.
_______7. Paniniwala sa mga santo at mga bagay sa kalikasan.
_______8. Pag-oorganisa ng mga kawani ng gobyerno ng mga gawain na may
kinalaman sa mga piyesta.
_______9. Pagrespeto sa mga magulang.
_______10.Pagpapahalaga sa dignidad at puri ng kababaihan tulad ng hindi
pakikipagtalik bago sila ikasal.

15
Isaisip

Gawain 6: Sisimulan Ko, Tatapusin Mo!


Panuto: Dugtungan ang sumunod na parirala upang makabuo ng isang maikling
sanaysay patungkol sa papel na ginagampanan ng relihiyon sa buhay ng mga
Asyano.

Mahalaga ang papel na ginagampanan ng relihiyon sa buhay ng mga Asyano


dahil sa
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________.

16
Isagawa

Gawain 5: Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang


Pilosopiya kung ang pahayag ay tungkol sa pilosopiya at Relihiyon naman
kung ang pahayag ay tungkol sa relihiyon.

Pilosopiya/
Relihiyon

1. Walang Diyos kundi si Allah at si Muhammad ang kanyang


propeta.
2. Mahalaga ang istriktong batas ng pamahalaan at estado
upang ang lahat ng miyembro ng lipunan ay kumilos.

3. Huwag mong gawin sa iyong kapwa ang mga bagay na


ayaw mo ring gawin sa iyo.

4. Ang karma ay ang pagkakaroon ng gantimpala kapag


kabutihan ang tinanim, subalit pagdurusa naman ang balik
kapag kasamaan ang itinanim sa kapwa.

5. Maalis ang pagnanasa kung susunod sa walong landas at


matatamo ang tunay kaligayahan o Nirvana.

6. Yin at Yang: Pagiging isa sa kalikasan.

7. Kami ang mga diyos na may kapangyarihang likas at


nananahanan ang mga ito sa ilog, puno, bato, bundok,
buwan at araw.

8. Hangad ang balanse sa kalikasan at daigdig at pakikiayon


ng tao sa kalikasan.

9. Ayon kay Kristo mahal ng Diyos ang lahat ng tao at


natutuwa siya kapag mahal siya at pinaglilingkuran nila.

10. Dapat magbigay respeto ang mga nasasakupan sa


kanyang taga pamuno tulad ng pagbibigay respeto nila sa
kanilang mga magulang.

17
Tayahin

Panuto: (TAMA O MALI) Basahing mabuti ang bawat pangungusap, isulat ang
letrang T kung tama ang nakasaad sa pangungusap at M naman kung mali.
______1. Politeismo ang tawag sa pagsamba sa iisang diyos.
______2. Ang banal na kasulatan ng mga Hindu ay Bibliya.
______3. Ang Hinduismo ay ang matandang relihiyong umunlad sa India at
mga Aryan ang unang tribong sumampalataya sa relihiyong ito.
______4. Ang Kristiyanismo ay ang relihiyong may pinakamaraming
tagasunod.
______5. Ang pagdadasal ng limang beses sa isang araw ay bahagi ng
pananampalatayang Islam.
______6. Sang-ayon sa relihiyong Zoroastrianism, ang buhay ng tao sa
daigdig ay ang pagtahak sa kabutihan o kasamaan.
______7. Ang pagpipigil sa sarili, pagpapasensiya at pagpapakumbaba ay
kabilang sa mga katuruan ng Taoism.
______8. Ang pagkain ng karne, pagpatay ng insekto at pagkakaroon ng ari-
arian ay ipinagbabawal sa relihiyong Jainismo.
______9. Ayon sa relihiyong Buddhismo, ang pagdurusa ng tao ay mawawala
kung ang pagnanasa ay aalisin.
______10. Nakapaloob sa Four Classics at Five Books ang mga aral ng
Confucianism.
______11. Ayon sa legalismo ang tao ay ipinanganak na mabuti.
______12. Shintoismo ang tawag sa paniniwala ng mga Hapones.
______13. Hindi naniniwala sa reinkarnasyon ang relihiyong Sikhismo.
______14. Inaasahang makakasunod sa limang haligi ng Islam ang bawat
Muslim.
______15.Sa legalismo, hindi kailangan ng istriktong batas ng pamahalaan at
estado upang ang mga mamamayan ay gumawa ng mabuti at wasto.

18
Karagdagang Gawain

Gawain 4: I- SEARCH MO!

Panuto: Magsaliksik sa internet o batayang aklat sa Baitang 7 pahina 164-165


Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba.

Ibigay ang nilalaman ng sumusunod na mga kodigo:

Kodigo ni Hammurabi Kodigo ni Manu

19
Susi sa Pagwawasto

20
Sanggunian

Mateo,Grace Estela C. Ph.D. et. al., ASYA: Pag-usbong ng Kabihasnan:


Batayang Aklat sa Araling Panlipunan. Ikalawang Taon: (VIBAL Publishing
House, Inc), pp.128-31

Blando, Rosemarie C. et.al., ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba


(Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral: (EDURESOURCES
Publishing Inc.), pp.105-111

Mateo,Grace Estela C. Ph.D. et. al., Kasaysayan ng Daigdig: Batayang


Aklat sa Araling Panlipunan Ikatlong Taon: (VIBAL Publishing House, Inc.,),
pp.22- 39 .

Link:
pixabay.com

21
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10

Zone 1, DepEd Building Masterson Avenue, Upper Balulang


Cagayan de Oro City, 9000
Telefax: (088) 880 7072
E-mail Address: region10@deped.gov.ph

You might also like