You are on page 1of 1

Christian Joseph M.

De Lara
HUMSS 12-Rizal

REPLEKTIBONG SANAYSAY SA PELIKULANG


“THE ADVENTURES OF KWEEN JHONABELLE”
Ang pelikulang “The Adventure of Kween Jhonabelle” ay isang akda na tunay
na kahanga-hanga. Ang pelikulang ito ay sumasalamin at nagbibigay larawan sa isang
babae na puno ng pangarap. Sa aking pagsusuri sa akdang ito, ay aking nakita ang isa
sa natatanging katangian ng mga Pilipino, ang pagiging matatag sa panahon ng mga
pagsubok sa buhay. Tunay nga na kahanga-hanga ang katangian ng pangunahing
tauhan na si Jhonabelle sapagkat kaniyang ipinamalas ang pagiging determinado at
ang pagiging handang tanggapin ang mabilis na pagbabago na kaniyang nararanasan
sa kaniyang buhay.
Sa pagtahak ni Jhonabelle sa kaniyang buhay, napagtanto ko ang kahalagahan
ng pagiging bukas sa anumang pagsubok at pagbabago na dumarating sa ating buhay
gaya ng mga pagsubok na naranasan ng pangunahing tauhan na si Jhonabelle. Ang
ideolohiyang ipinakita sa pelikula ay nagbi igay ng aral na pagkakaisa, magkakaibang
perspektiba o pananaw, at ang pagpapahalaga sa bawat isa. Sa naking opinion, ang
pelikula ay nagging intrumento sa pagpapalawak ng kamalayan sa mga manonood
patungkol sa mga prinsipyo na nagpapatatag sa lipunan.
Sa kabilang dako, ang mga tauhan sa pelikula tulad ng mga kaibigan ni
Jhonabelle na sina Jemalyn at Lovely ay nagpakita ng kanilang pakikipagkapwa at
pagrespeto sa iba pang tauhan. Halimbawa na lamang nang masira ang pangalan ni
Jhonabelle sa mata ng mga tao dahil sa pambabaliktad ni Bakikay ay kanilang
dinamayan si Jhonabelle sa mga pagsubok at mga pambabatikos ng mga tao kay
Jhonabelle. Lantad sa pelikula ang kahalagahan ng pakikipagkapwa na siyang
nagbigay-diin sa kakayahan nito na maiangat ang isang tao mula sa mga hamon at
pagsubok. Ang pakikipagkapwa at ginawang pagsuporta ng mga kaibigan ni
Jhonabelle ang naging pundasyon niya upang magtagumpay sa buhay tulad ng
kaniyang pakikipagsapalaran sa larangan ng paggawa ng Vlog o bidyo na nagbibigay
aliw sa mga manonood. At sa pamamagitan ng kanilang samahan at pagtutulungan ay
nagdulot ng positibong epekto kaya naging posible ang tagumpay ni Kween
Jhonabelle. Tunay na kahanga-hanga ang ginawang pakikipagsapalaran ni Kween
Jhonabelle sapagkat ipinakita niya pagiging handang gawin ang kinakailangan na
hakbang upang magpatuloy sa buhay.
Lumutang sa pelikula ang makataong reyalidad at kaayusang panlipunan sa
mga masasalimuot na pangyayari sa buhay ni Kween Jhonabelle. Ang pelikula ay
hindi lamang umikot sa personal na tagumpay ni Jhonabelle kung hindi ay nagpakita
rin ng mga pangarap ng isang lipunan na makatarungan. Malinaw din na naipakita ang
mensahe ng pelikula na ang kahalagahan ng makataong ugnayan sa pag-angat ng
bawat isa. Ang pelikula ay maaaring maging inspirasyon upang mas malalim na
maunawaan ang kahulugan ng pagiging tao at ang papel sa lipunan ng bawat isa.

You might also like