You are on page 1of 6

- Ito ay isang sulatin na naglalaman ng mga

pangangailangan ng mamayan. Batay rito. Maari


mo nang mailahad ang layunin ng iyong panukala
mula sa pangangailangan. Nakasaad din dito
kung bakit mo ipinapalagay na ito ay mahalagang
pangangailangan.
- Ang bahaging ito ay dapat na maikli lamang
ngunit malinaw at tuwiran ang punto. Nakapaloob
dito ang paglalarawan ng pamayanan at ang
panukalang proyektong iyong ibinigay.
- Naglalayong ilatag ang mga plano o adhikain
para sa isang komunidad o samahan.
- Ito ay isang detalyadong deskripsyon ng mga
inihahaing gawaing naglalayong lumutas ng isang
problema o suliranin.
Layunin ng panukalang proyekto ang
mabigyang-solusyon ang mga problemang
kinakaharap ng pamayanan at makuha
ang suporta ng lokal na pamahalaan o
alinmang ahensiya ng pamahalaan na
siyang makatutulong upang makamit ang
iyong layunin.
Ang magandang panukala ay nagsisimula
sa magandang konsepto. Gayunman, ang
panukala ay dapat nakasulat nang may
sapat na detalye upang maunawaan.

DAPAT MALAMAN AT MAINTIDIHAN:


• Ano ang inaasahan ng proyekto na
makamit;
• Kung ang mga tauhan ng proyekto ay
kinakailangang magpakadalubhasa
upang makamit ang hangarin at layunin;
• Malaman ang pambansang epekto at
pagiging mabisa ng halaga ng proyekto;
• Mga plano at pagtataya at
pagpapalaganap.
Pagpaplano
• Magplano, isaalang-alang ang panahon sa pagbuo
ng panukalang proyekto.
• Talakayin, suriin ang progreso sa proseso ng pagsulat.
Sama-samang Paggawa
• Magtalaga ng tiyak na tungkulin at responsibilidad ng
bawat miyembro batay sa ginagawang panukalang
proyekto.
Balido
• Katanggap-tanggap at ispesipik–siguraduhing
makabuluhan ang nilalaman at huwag iugnay sa mga
pandamdaming termino.
Limitasyon
• Teknikal at organisasyunal na jargon–gumamit ng mga
lengguwahe/wika na madaling maunawaan.
Ibatay sa Realidad
• Ano ang nais ipanukala?
• Ano ang dapat matapos?
• Saklaw na panahon?
• Mapagkukunan ng impormasyon
• Pamagat - kadalasang pinaikling bahagi
ng ulat-panukala o pangangailangan
Halimbawa: Panukala para sa
Pagpapatayo ng Bulwagang
Pambarangay
• Nagpapadala - pangalan at tirahan ng
nagpapadala
Halimbawa: Noemi S. Hapay Brgy. Magdum,
Tagum City
• Petsa araw kung kailan isusumite ang
panukala at ang haba ng panahong
gugugulin.
• Halimbawa: Ika-24 ng Oktubre, 2016
Pagpapatayo: 3 buwan
• Layunin - ang nilalayong gawin ng panukala.
• Plano na dapat gawin - hakbang na
pinaplanong gawin at ang panahong
gugugulin.
Halimbawa: Ang panukalang ito ay
maisasakatuparan…
• Budget - ang kalkulasyon ng halagang
gugugulin sa proyekto.
Halimbawa: Ang halagang hinihiling sa
panukalang ito ay…
• Paano mapakinabangan ng pamayanan -
nakasaad dito ang mga taong makinabang at
kung ano ang kanilang mapapala.
Halimbawa: Ang proyektong ito ay kapaki-
pakinabang sa mga…

You might also like