You are on page 1of 1

Magandang gabi babae , ka'y ganda ng mga paputok na kumakalat sa ating iisang

kalangitang pinapalibutan ng mga bituin.Isinulat ko ang mensaheng ito sa pormal na


pamamaraan dahil nag-eensayo ako sumulat na mag sisilbing benepisyo sa pinasukan
kong "Journalism" sa salitang Ingles at 'Pamamahayag' sa wikang Tagalog. Habang
papatapos ang taong ito, nasilayan ko sa aking sarili ang mga memoryang
nagpapangiti ng tuluyan sa akin habang isinusulat ko ang sulating ito.hanggang
ngayon.Nasilayan ko rin ang mga pagpupunyagi isinagawa mo habang ako'y walang
kamalayan sa aking paligid.Mga simbolong hindi ko napansin, mga gawaing aking
ipinagtaka, at mga sali-salitaan na aking narinig ngunit aking ito'y ipinagwalang
bahala.

Sa kasalukuyan,ngayong kasagsagan ng bakasyon,inaamin ko na pinangungulilaan kita


at kayong mga natatangi kong kaklase.Tila'y nawalan ako ng gana at enerhiya na
gumawa ng mga aktibida sa pang araw-araw ngayong tuwirang walang pasok.Habang may
oras pang natitira sa paparating na bagong taon,nais kong ibahagi sa iyo ang mga
bagay na napansin ko patungkol sa iyong katangian.Napansin ko ang matindi mong
pagkahilig sa pagkanta sapagkat halata naman sa spesyal na kurikulum na "Chorale" o
"Vocal" sa salitang Ingles na iyong pinapalooban.Napasin ko rin ang karakteridad
mong mapakalaibigan sa mga taong napapalibutan mo.At higit sa lahat ay ang
matatamis mong ngiti na nagbibigay sakin ng lakas na kayanin ang mabibigat na
gawain na aking pinaiilaliman.Sapagkat sa lahat ng hirap na aking dinanas,nais ko
ring magpasalamat sa oras na ako'y nalalanta tulad noong ako'y inatake ng sakit,ang
oras na iyon ang tumatak ng marihin sa aking isip at puso na nagbigay buhay na
pumaibig sa matamis mong gawain.Maraming salamat sa lahat ng oras na nariyan ka na
nagsilbing gabay saakin na tahakin ang landas ng masagana't masayang pag-aaral.

Sa kabila ng lahat, masaya kong sinasabi na ipagpatuloy mo lang ang mga gawaing
nagbibigay sa iyo ng kasiyahan.Habang ang ito'y iyong ginagawa'y magbibigay rin ito
ng kasiyahan sa aking sarili.Nawa'y maligaya ang iyong bagong taon at sa susunod na
mga sigundo,minuto,oras,araw,linggo,buwan,taon,dekada,milenya,o habang sa panahon
na ika'y nabubuhay ay sana'y ika'y mag tagumpay at manatiling masaya sa iyong
sarili.Umaasa ako sa mga mangyayari't pangyayari sa atin sa hinaharap :) .

(Personal Gratiude\Message)

-Reign - --

You might also like