You are on page 1of 1

Talasalitaan:

Labis = Sobra Natanaw = Nasilayan

Nilustay = Winaldas Nagdalita = Naghirap

Nahabag = Naawa

Kayarian ng Salita

1. Payak
- Walang panlapi, katambal, at di inuulit. Ex: anak, kapatid, bahay
2. Maylapi
- Salitang-ugat na may kasamang panlapi
- Unlapi : Nasa unahan ng salita Ex: maginhawa, mataba, nagsisi
- Gitlapi: Nasa gitna ng salita Ex: guminhawa, sumisi, tinagpo
- Hulapi: Nasa hulihan ng salita Ex: usapan, markahan, kainan
- Kabilaan: Nasa huli at unahan ng salita Ex: kabaitan, patawarin, kababaihan
- Laguhan: Nasa unahan, gitna, at huli ng salita Ex: pinagsumikapan, magdinuguan
3. Inuulit
- Inuulit ang salita o parte ng salita
- Inuulit na ganap – Inuulit buong salita Ex: gabi-gabi, taon-taon, araw-araw
- Inuulit na parsiyal – Bahagi ng salita ang inuulit Ex: lilima, pupunta, sisihan
- Magkahalong ganap at parsiyal – Buong salita at bahagi ng salita ang inuulit Ex: iilan-ilan,
tutulog-tulog
4. Tambalan
- Binubuo ng dalawang salitang pinagsama
- Tambalang di-ganap: Kapag ang kahulugan ng mga salita ay mananatili Ex: tulay-bitin,
bahay-kubo, kuwentong-bayan

- Tambalang ganap : Kapag ang kahulugan ng salita ay magbabago Ex: dalagambukid,


bahaghari

Awit – may paksang nauukol sa matimyas na pagmamahal, pagmamalasakit, at pamimighati ng isang


mangiibig.

Elehiya – May dalawang katangiang pagkakakilanlan. Ito ay tula ng pananangis, lalo na sa pag-alala ng
mga yumao; ang himig nito ay matimpi at mapagmuni-muni

Pastoral – Naglalarawan ng buhay sa bukid

Oda – Uri ng tulang liriko na may kaisipan at estilong higit na dakila at marangal. Walang tiyak na bilang
ng pantig

Dalit – Maikling awit na pumupuri ng Diyos. Awit ngunit di kinakanta ano yunnnnn

Soneto – Tulang may labing-apat na taludtod

You might also like