You are on page 1of 5

School: SAN MATEO ELEMENTARY SCHOOL Grade Level GRADE 4

Teacher: CHRISTINE M. FRANCISCO Learning Area ENGLISH 4

Teaching Date: FEB. 02, 2024 Quarter Third Quarter


GRADE 4
CATCH-UP Teaching Time No. of Days 1 DAY
FRIDAY
Week 1 Checked by:

BELITA V. ALLAPITAN
Master Teacher I
Session Title: Pagsunod sa Subject and Time: Filipino (schedule as per existing Class Program)
panuto.
Session Pagkatapos ng gawain
Objectives: A. Naunawaan ang isinasagawang panuto.
B. Nakasusunod sa panuto ang mga mag-aaral.
C. Naipapakita ang pagmamahal sa mga hayop.
References: K to 12 Basic Education Curriculum
Materials: Flashcards
Pictures
Journals or notebooks for each student

Components Duration Activities


A. Pre- 20 mins A. Sundin ang panuto na ibibigay ng guro.
reading
JUMBLED LETTERS
1. Buuin ang gulong titik upang makabuo ng tamang salita.

unlgag msuagbo

miumspi ngawaik

2. Basahin ang mga nabuong salita.

3. Itambal ang salita ayon sa larawan.


4. Sa pamamagitan ng larawan, ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salita.

a. Lungga – ito ay isang madilim na lugar o kuweba.

b. Nagwika - nagsabi

c. Sumabog – pumutok

d. Umimpis – lumiit o magpalabas ng hangin.

B. During 40 mins A. Pangganyak na tanong


Readin Sa iyong palagay, bakit hindi makalabas ng lungga ang aso?
g
B. Paglalahad ng kwento.

Ang Aso sa Lungga

May isang asong gutom na naglalakad sa kalsada. Habang naglalakad, ibinubulong niya
sa sarili na kailangan niyang makakita ng isang lunggang puno ng pagkain.

Predicting Outcomes/Paghihinuha
(Sa iyong palagay, ano gagawin ng aso kapag nakakita siya ng isang lungga?)

Nang makakita siya ng lungga sa dulo ng kalsada, agad siyang pumasok dito. Kumain
siya hanggang mabusog. Pero kahit busog na siya, kumain pa rin at inubos ang lahat ng
pagkain sa loob ng lungga. Sa kanyang kabusugan, halos pumutok ang malaki niyang tiyan.

Predicting Outcomes/Paghihinuha
(Sa iyong palagay, bakit niya inubos ang lahat ng pagkain sa lungga? Ano ang maaaring
mangyari sa sobrang kabusugan?)

Nang lalabas na lamang siya, napansin niyang hindi na siya magkasya sa labasan.
Sumigaw siya upang humingi ng tulong.
Predicting Outcomes/Paghihinuha
(Ano ang dahilan bakit hindi siya makalabas ng lungga?)

Dumating ang isa pang aso at nalaman ang nangyari.

Predicting Outcomes/Paghihinuha
(Sa iyong palagay, tinulungan ba siya ng asong dumating?)

Bago ito umalis, nagwika siya sa kasamang aso, “Hintayin mo na lang umimpis ang tiyan mo.”

Pagsagot sa tanong:
1. Sa iyong palagay, tama ba ang ginawa ng aso na pabayaan ang aso na nasa lungga?

2. Kung ikaw ang nakakita sa aso na nasa lungga, ano ang iyong gagawin?

3. Anong aral ang napulot mo sa kwento?

C. Pagsagot sa pangganyak na tanong


Sa iyong palagay, bakit hindi makalabas ng lungga ang aso?

C. Post ROLE PLAYING


Readin 20 mins
g Gumawa ng maikling dula-dulaan na magpapakita ng pagmamahal sa hayop.

Reflection Pagkatapos ng dula-dulaan, sumulat ng maikling talaarawan tungkol sa binasang kwento.


10 mins
Journal Writing

You might also like