Professional Documents
Culture Documents
1st FLAG RAISING CEREMONY
1st FLAG RAISING CEREMONY
LAHAT: Amen!
Noong panahong iyon, nang nagkakatipon sa Galilea sina Hesus at ang mga
alagad, sinabi niya sa kanila, “Ang Anak ng Tao ay ipagkakanulo at papatayin,
ngunit muling mabubuhay sa ikatlong araw.” At sila’y lubhang nagdalamhati.
Pagdating nila sa Capernaum, lumapit kay Pedro ang mga maniningil ng buwis
para sa templo. Tinanong siya, “Nagbabayad ba ng buwis para sa templo ang
inyong Guro?” “Opo,” sagot ni Pedro. At nang dumating siya sa bahay,
tinanong na siya agad ni Hesus, “Ano ba ang palagay mo, Simon? Kanino
sumisingil ng bayad sa lisensya o buwis ang mga hari sa lupa? Sa mga
mamamayan ba o sa mga dayuhan?” “Sa mga dayuhan po,” tugon niya. Sinabi
ni Hesus, “Kung gayun, hindi pinagbabayad ang mga mamamayan. Gayunman,
para wala silang masabi sa atin, pumaroon ka sa lawa at ihagis mo ang kawil.
Kunin mo ang unang isdang mahuhuli. Ibuka mo ang bibig nito at may makikita
kang isang salaping pilak. Kunin mo ito at ibayad sa buwis nating dalawa.”
PINUNO: Ang lahat ng tao nawa’y makabahagi nang tama sa mga materyal at
espiritwal na bagay ng daigdig at ang mga organisasyong sibiko at estado
nawa’y makatulong sa pagtatanggol sa mga mahihina at mga mahihirap,
manalangin tayo sa Panginoon.
PINUNO: Tayo nawa’y maging mga daan ng pag-ibig at kalinga ni Kristo para
sa mga maysakit at mga nagdurusa, manalangin tayo sa Panginoon.