You are on page 1of 3

APP 003 (AKAD): FILIPINO SA PILING LARANGAN

1.

UNANG PERFORMANCE TASK


PAMAGAT: Paggawa ng Bionote Materials:
Student Activity Sheets: ARAW 11-12
LAYUNIN: References:
Sa katapusan ng aralin, ikaw ay dapat na: Villanueva, Bandril Pagsulat sa Filipino sa
1. Nakabubuo ng orihinal na sulating bionote ayon sa format at teknik, Piling Larangan (Akademik at Sining)
2. Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto at angkop na paggamit Constantino, Pamela L. Filipino sa Piling
ng wikang FILIPINO, at Larangan (Akademik)
3. Nakasusuri ng halimbawang bionote at makapili ng pinakaangkop na
halimbawa.

I. LAYUNIN
Makasusulat ng isang orihinal na Bionote tungkol sa sarili gamit ang gabay at nilalaman sa pagsulat ng sulatin na ito.

II. TUNGKULIN
Magsusulat kayo ng isang orihinal na Bionote tungkol sa inyong sarili, sampung (10) taon mula ngayon. Kayo ang mamimili ng
isang propesyon na natapos sa loob ng sampung taon. Maaaring kayo ay nagtapos bilang isang Guro, Pulis, Doktor,
Inhineyero o kung anumang propesyon ang inyong napili.

III. TAGAPANOOD
Mga mag-aaral at Guro ng PHINMA Cagayan de Oro College Senior High School.

IV. SITWASYON
Inanyayahan kayo ng PHINMA Cagayan de Oro College Senior High School para magbigay ng isang Talumpati para sa mga
mag-aaral at magbigay inspirasyon sa bawat isa. Ngayon ay gagawa kayo ng sarili ninyong bionote upang makikila kayo ng
iyong tagapanood at malaman nila ang inyong kredibilidad sa iyong napiling propesyon.

PANUTO:
1. Ipapangkat kayo ng iyong guro at pumili kayo ng lider ng pangkat.
2. Gumawa kayo isa-isang bionote tungkol sa sarili.
3. Kayo ay nakapangkat subalit isa-isa kayong gagawa ng sarili ninyong Bionote at ipapasa ito ayon sa pangkat.
4. Ipabasa at ipasuri ang nagawang bionote sa pangkat niyo. Kung may mga kamalian man ay huwag kalimutang ipa-
edit sa gumawa nito upang maging maayos ang paggawa ng Bionote.
5. Maaaring magtulungan ang bawat kasapi sa pagsusuri ng Bionote.
6. Siguraduhing lahat ng miyembro ay nakagawa ng Bionote.
7. Isaalang-alang ang mga tuntunin sa paggawa nito, siguraduhing wasto ang nilalaman ng inyong Bionte ayon sa
inyong napiling propesyon.
8. Pag-isahin sa isang PDF File ang mga nagawang bionote.

Ang dokumentong ito ay pag-aari ng PHINMA EDUCATION


APP 003 (AKAD): FILIPINO SA PILING LARANGAN

9. Mga ipapasa sa guro (Pinal na papel):

Unang pahina: Pangalan ng miyembro (Alphabetical Order) at ang kaukulang puntos mula sa pinuno.
Ikalawang pahina: PINAL NA BIONOTE na napili ng pangkat.
Ikatlong pahina at sa susunod na pahina: Mga bionote ng bawat kasapi.

V. PRODUKTO
Makapasa at makasulat ng isang orihinal na bionote tungkol sa sarili.

VI. PAMANTAYAN

KRAYTERYA NG BIONOTE:
KATAMTAMANG HINDI
NAPAKAHUSAY MAHUSAY KABIGATANG KABUUANG
PAMANTAYAN HUSAY MAHUSAY
(5 puntos) (4 puntos) HALAGA PUNTOS
(3 puntos) (1 puntos)

May isang May higit sa


Angkop ang impormasyon dalawang Hindi nakuha
KREDIBILIDAD nilalaman ng ang hindi impormasyon ang pero
NG BIONOTE bionote sa isinulat angkop sa hindi angkop sa nakapasa
X8 40
na aklat. isinulat na aklat. isinulat na aklat.

May bahagi sa Halos lahat ng Ang buong


Ang kabuuang bionote na bahagi sa bionote ay bionote ay
sulatin ay kinopya sa kakikitaan ng hinango
ORIHINALIDAD nagpapakita ng internet o pagkapareho na lamang sa
X6 30
lubusang kinuha mula sa nasa internet o sa internet o sa
orihinalidad ibang awtput. ibang awtput. ibang awtput.

May isa
Mali lahat
Walang mali at hanggang May higit sa tatlong
pero
PAGBAYBAY tatlong mali sa sa ispeling at
AT GRAMATIKA
wasto ang
ispeling at pagkagamit sa
nakapasa X5 20
pagkagamit sa
wikang filipino pagkagamit sa wikang filipino
wikang filipino

Impormal ang
Hindi
suot ngunit Impormal ang suot at
Pormal at angkop naglagay ng
LARAWAN NA pormal ang hindi angkop ang
NAKALAKIP
na larawan ang
larawan na ang larawan na
larawan na X2 10
ginamit sa bionote dapat ilakip
ginamit sa ginamit sa bionote
sa bionote
bionote

KABUUANG PUNTOS 100

Ang dokumentong ito ay pag-aari ng PHINMA EDUCATION


APP 003 (AKAD): FILIPINO SA PILING LARANGAN

VII. FORMAT
Font style: Arial Narrow
Font size: 11
Paper: Short
Alignment: Justify
Margin: 1
DEADLINE : ENERO 25, 2024

VIII. DOKUMENTASYON
Sa pagsusuri ng mga bionote ng lahat ng kasapi, kumuha ng larawan ng mga naitama na bionote katulad ng gramatika at
pagbaybay, ilagay lahat ng larawang sa isang papel at ilakip sa pinakahuli sa pagsusumite.

LEADER’S NAME:
***Pinuno, bigyang kaukulang puntos ang bawat miyembro ayon sa mga sumusunod:

20 puntos – Kung ginawa ang awtput at tumulong sa paggawa ng awtput mula simula hanggang matapos ito.
15 puntos – Kung nagawa ang inatas na gawain o parte niya para sa awtput.
10 puntos – Kung tumulong ng isang bahagi sa paggawa ng awtput.
5 puntos – Kung ideya lang ang naitulong para sa awtput.
1 puntos – Kung presensya lang ang naiambag sa awtput.

MIYEMBRO RATING: 0-20

Ex. Luna 20
Rizal 15
Bonifacio 1

Ang dokumentong ito ay pag-aari ng PHINMA EDUCATION

You might also like