You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon XII
Sangay ng Paaralang Panlungsod
Distrito ng Tambler
MATAAS NA PAMBANSANG PAARALAN NG BAWING
Lungsod ng Heneral Santos

Asignatura : Araling Panlipunan 10


Baitang / Seksyon: 10-Luna

UNANG MARKAHAN

ARALING PANLIPUNAN 10
BANGHAY-ARALIN

LAYUNIN

Pamantayang Pangnilalaman
Ang mag-aaral ay may pag- unawa sa mga sanhi at implikasyon ng mga hamong
pangkapaligiran upang maging bahagi ng pagtugon na makapagpapabuti sa pamumuhay ng
tao.

Pamantayan sa Paganap
Ang mag-aaral ay nakabubuo ng angkop na plano sa pagtugon sa among pangkapaligiran
tungo sa pagpapabuti ng pamumuhay ng tao.

Kasanayang Pampagkatuto/MELC Code


Nasusuri ang kahalagahan ng pagaaral ng Kontemporaryong Isyu

NILALAMAN KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL NG MGA KONTEMPORARYONG ISYU

MGA KAGAMITANG PANTURO

A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro
2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang-Mag-aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Resources: TV, Laptop at Chalk

B. Iba pang Kagamitang Panturo

B. PAMAMARAAN
Istratehiya sa Pagtuturo
Explicit Teaching ____
Multiple Intelligence /Differentiated Instruction ____
Others: please specify ____
AKTIBITI:

Gawain 1: WORD MAP (Pangkatang Gawain)


Hahatiin sa tatlong pangkat ang klase at bawat pangkat ay may itatalagang salita na gagamitin sa word
map.

Pangkat 1: KONTEMPORARYO
Pangkat 2: ISYU
Pangkat 3: LIPUNAN
Mga Pamprosesong katanungan
1. Ano-ano ang pananaw ng inyong pangkat?

Gawain 2: HEADLINE SURI


Bawat pangkat ay susuri ng larawang ipapakita at itatalaga ng guro at ibabahagi sa klase ang kanilang
nabuong sagot.

ANALISIS:

Mga Pamprosesong katanungan

1. Ano-ano ang pananaw ng inyong pangkat?

2. Maituturing ba itong isyung panglipunan?

ABSTRAKSYON:

KAHULUGAN NG MGA SALITA AYON SA KONTEKSTO NG PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN

Lipunan- Ang lipunan ay tumutukoy sa mga taong sama- samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na
may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga.

Isyu -Ang salitang “isyu” naman ay mga pangyayari, suliranin, o paksa na napag-uusapan at maaaring dahilan o
batayan ng debate. Tandaan mo na maaari itong magdulot ng positibo o negatibong epekto sa pamumuhay ng mga tao
sa lipunan.

Kontemporaryo- Ang salitang “kontemporaryo” ay tumutukoy sa mga pangyayari sa kasalukuyan na maaaring


nakaaapekto sa buhay ng mga tao sa lipunan. Ito ay mga paksang napapanahon na nagiging sanhi ng
pagkakabagabag ng mga tao. Maaari rin itong mga pangyayaring naganap sa nakalipas na nakaaapekto hanggang
ngayon sa lipunan.
Uri ng Kontemporaryong Isyu

1. Kontemporaryong Isyung Panlipunan- ito ay mga isyu o mahahalagang pangyayari na may malaking epekto sa iba’’t
ibang sektor ng lipunan tulad ng pamilya, simbahan, paaralan, pamahalaan, at ekonomiya.

2. Kontemporaryong Isyung Pangkalusugan – ito ay mga isyu na may kaugnayan sa kalusugan na maaaring nakabubuti
o hindi nakabubuti sa mga tao sa lipunan.

3. Kontemporaryong Isyung Pangkapaligiran – ay tumutukoy sa mga isyung may kinalaman sa kapaligiran at mga
usapin sa pagpapaunlad at tamang paggamit sa ating kalikasan.

4. Kontemporaryong Isyung Pangkalakalan o Pang-ekonomiya -mga suliraning may kinalaman sa globalisasyon at


negosyo, kasama dito ang mga usapin o isyung pang-ekonomiya.

APLIKASYON:

EBALWASYON

Unawain ang mga iba’t ibang isyu sa bilang. Piliin kung anong uri ng kontemporaryong isyu na makikita sa loob ng
kahon. Isulat ang napiling sagot sa patlang na nakalaan.

Isyung Panlipunan Isyung Pangkalusugan Isyung Pang-ekonomiya


Isyung Pangkapaligiran Isyung Pangkalakalan Isyung Pangkasarian
Isyung Pagkamamamayan Isyung Pangkarapatan

_____________________________1. Halalan, Terorismo, Federalismo, Benham Rise


_____________________________2, COVID19, SARS, Sobrang Katabaan, Kanser
_____________________________3. Polusyon, Climate Change, Lindol, Solid Waste
_____________________________4. BPO, POGO, Globalisasyon, ABS CBN
_____________________________5. Philhealth, Covid Test Kits, Isolation facility
_____________________________6. LGBTQ, Same Sex Marriage, Foot Binding
_____________________________7. Coal Mining, Deforestration, Illegal Logging
_____________________________8. Cha-Cha, LTFRB, Balik Probinsiya Program
_____________________________9. Telcos, Stock Market, Imported Rice
_____________________________10. Dual Citizen, Birth Certificate, Pilipino

PROFICIENCY LEVEL

Bilang ng mag- Bilang ng mag-


aaral na nanga-
Kabuuan

aaral na nakakuha Instructional


Babae
Lalaki

Baitang at Seksyon/Oras ngailangan ng


ng 80% sa Decision
pagtataya iba pang gawain
para sa
remediation.

Grade 10- LUNA


Prepared by:

GLAXEL FAITH T. GAMOLO


Subject Teacher

Checked and Verified:

CHERYL O. CABRERA
Master Teacher I

You might also like