You are on page 1of 1

Katawan alagaan, Huwag pabayaan

Rizjohn Villame - PINTAHA

Kulang sa tatag. Iyan ang ilan sa mga suliranin na kinakaharap ngayun ng bawat estudyante
tungkol sa timbang at taas mula sa mga normal na kabataan hanggang sa may kinulang at may
sumobra.

Base sa datos mula dito sa paaralan higit 14.39 na pursyento na mga lalaki ang mga napabilang
sa normal na kalagayan habang ang mga babae naman ay nasa 13.43 na pursyento sa normal
na kalagayan. At base naman sa timbang o bigat ng mga estudyante ay may isa lamang ang
sumobra sa timbang, ang rason naman dito ay “matakaw sa pagkain, mahilig kumain ng
“junkfood” mula sa ibinibili nila sa tindahan, at mahilig uminom ng “softdrinks”at matatamis na
pagkain. Pero karamihan naman sa mga kinulang sa timbang na higit sampu (10) ka mga lalaki
at pitu (7) ka mga babae ay mahina ang resistensiya at walang garang kumain at hindi mahilig
kumain ng prutas at gulay. Ngunit mas marami rin sa mga estudyante ang mga patpatin at hindi
na talaga normal na timbang o bigat sa kanila, kung tutuusin mas mabilis na silang mahawaan
ng mga sakit.
At base naman sa datos ng “HFA” ay walang niisang estudyante ang mataas o sumobra sa
tangkad pero mas marami naman sa mga normal na tangkad ang mga estudyante base sa datos
ng “HFA”. Ngunit may 56 ka mga estudyante na lalake ang maliit o kinulang sa tangkad dahil
hindi sila mahilig gumawa ng mga pisikal na gawain tulad ng pagtalon tuwing bagong taon at
ayaw matulog tuwing tanhali at sa mga babae ay nasa higit 65 and kinulang sa tangkad.

Kung, kaya dapat pagbutihin ang ating katawan at huwag itong ilagay sa alanganin dahil
siguradong masisira ang itong katawan sa lalong madaling panahon. Dapat kumain ng
masustansya at iwasan ang mga matatamis na pagkain at panatilihing may naitanim tayong
gulay at prutas sa ating paligid para sa gayun ay may aanihin tayo pagkatapos.

You might also like