You are on page 1of 8

5

Department of Education-Region III

TARLAC CITY SCHOOLS DIVISION
Juan Luna St., Sto. Cristo, Tarlac City 2300
Email address: tarlac.city@deped.gov.ph/
Tel. No. (045) 470 – 8180

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Quarter 1: Week 5
Learning Activity Sheets

1
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5
Unang Markahan – Ikalimang Linggo

Pangalan:______________________________________________
Seksiyon:_____________________________ Petsa:____________

ARALIN 5: Nakikiisa Ako sa Paggawa

Panimula (Susing Pagkatuto)

Narinig mo na ba ang awiting, “No man is an Island”? Tama! Walang sinuman

ang nabubuhay para sa sarili lamang. Kailangan natin ang isa’t isa upang mabuhay at
magawa ang mga bagay nang mas madali at mas mabilis. Sa pakikiisa, naipababatid
mo ang iyong pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa. Dito mo rin maipakikita ang
iyong halaga bilang bahagi ng pangkat.
Ang pagkakaisa ay magandang ugali na dapat mong matututuhan. Nagbibigay-
daan ito sa pagtatamo at ikatatagumpay ng layunin ng anumang gawain.
Ilan sa mga magandang naidudulot ng pakiiisa ay ang pagiging masigla sa
pakikilahok sa anumang proyekto ng pangkat na kinabibilangan, naka pagpapakita ng
kusang-loob na pakikiisa sa mga gawain at naisasagawa ang pagtulong upang
madaling matapos ang gawain.

Kasanayang Pampagkatuto
Nakapagpapatunay na mahalaga ang pagkakaisa sa pagtatapos ng gawain.
Koda: EsP5-Ig-34

1
Gawain 1
Panuto: Basahing mabuti ang kwento at sagutin ang sumusunod na mga tanong.
Ang pangkat ni Ben ay inatasan ng kanilang guro sa Araling

Panlipunan na magpakita ng isang katutubong sayaw. Bilang lider ng grupo,

kaagad nagpatawag si Ben ng pagpupulong sa kanilang mga kasama. Lahat sila

ay may kani-kaniyang gawain na dapat gampanan. Kaagad naman nilang ginawa

ang mga ito nang may pagkukusa. Sa araw ng kanilang pagtatanghal ay naging

maganda ang kanilang presentasyon.

Lahat ay napahanga lalong-lalo na ang kanilang guro. Tinanong sila

kung paano nila ito nagawa nang maayos sa maikling panahon. Napangiti lamang

si Ben at sumagot ng maikling tugon, “Ang tingting kapag pinagsama-sama ay

nagiging matibay”.

Mga Tanong:

1. Ano ang katangiang ipinakita ng pangkat ni Ben?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Paano ginampanan ni Ben ang kanyang tungkulin bilang lider ng grupo?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. Ano kaya ang maaaring mangyari kung hindi tumulong ang mga kasapi ng grupo
sa kanilang gawain?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________

4. Kung ikaw ay bahagi ng pangkat ni Ben, ano ang nararamdaman mo? Bakit?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2
5. Ipaliwanag ang kasabihan, “Ang tingting na pinagsama ay nagiging matibay”.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Gawain 2
Panuto: Iguhit ang masayang mukha kung ang pahayag ay nagpapakita ng
pagkakaisa sa paggawa at malungkot na mukha kung hindi.

_______1. Pagdalo sa mga pagpupulong ng mga miyembro ng pangkat.

_______2. Pakikilahok sa palitan ng opinyon kung paano gawin ang proyekto.

_______3. Pagsasaliksik kung paano higit na maipapakita ang paggawa.

_______4. Patuloy na paglalaro habang gumagawa ng proyekto ang mga

kasamahan.

_______5. Pakikinig sa opinyon ng ibang miyembro ng pangkat.

_______6. Pagsunod sa utos ng pinuno ng pangkat.

_______7. Pagpuna sa ideya ng kasama nang may panghuhusga.

_______8. Pagtulong sa kasama na tapusin ang bahagi nito sa proyektong ginagawa

pagkatapos gawin ang sariling bahagi.

_______9. Pagtatago ng mga gamit na kailangan upang hindi magamit ng kasama.

_______10. Pagbati sa mga kasama kapag natapos ang proyekto.

3
Gawain 3
Panuto: Punan ang bawat patlang ng mga letrang bumubuo sa salitang naaayon sa
paksa ng talata.
Paano mo mapapatunayan na mahalaga ang pagkakaisa sa pagtatapos ng
gawain?
Ang anumang gawain basta may (_________isa) ay madaling matatapos.
Kapag namamayani ang diwa ng (______tu_______) sa pangkat, gumagaan ang
gawain. Mapagtatagumpayan ang proyekto o gawain sa (paki______________) sa
pagtamo ng layunin nito.
Dapat mong mabatid na ang bawat miyembro ay may mahalagang
(___________lin) na dapat gampanan. Ang (_____ku________ )o bolunterismo sa
paggawa ng isang proyekto ay pagpapalalim sa kahulugan ng diwa ng pakikiisa.

Gawain 4
Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Isulat sa patlang kung TAMA o MALI ang
isinasaad ng bawat pangungusap.

_______1. Mahalagang bahagi ng pagtatagumpay ng isang proyekto ang pagkakaisa.

_______2. Ang pagka kaniya-kaniya ng mga miyembro ng pangkat ay makabubuti sa

lahat.

_______3. Dapat ang lider ng pangkat ang laging nasusunod.

_______4. Kailangang pagplanuhan muna ang gagawing proyekto bago umpisahan.

_______5. Mahalaga sa pangkat ang opinyon ng bawat miyembro.

_______6. Ang pakikilahok ay pagpapahalaga sa iniatas na tungkulin.

_______7. Ang pagkakaisa ay maaari ring ipakita sa tahanan.

_______8. Huwag ipaalam sa pangkat ang kakayahan para hindi mautusan.

_______9. Huwag punahin ang mali ng miyembro sa harap ng nakararami.

_______10. Sa anumang gawain, kumilos lamang kung may parangal.

4
Gawain 5
Panuto: Piliin sa Hanay B ang ibig sabihin ng pahayag na nasa Hanay A. Isulat sa
patlang ang titik ng tamang sagot.

Hanay A Hanay B

____1. paggawa nang di inuutusan a. tungkulin

____2. nakatakdang proyekto b. pagtutulungan

____3. kooperasyon sa gawain c. pagkukusa

____4. grupo o samahan d. pagkakaisa

____5. bunga ng pagkakaisa e. gawain

____6. inaasahang gampanin f. opinyon

____7. nais na makamtan sa paggawa g. pangkat

____8. sama-samang paggawa h. tagumpay

____9. pahayag ng pagmamalasakit i. layunin

____10. ibinibigay upang makakuha j. pakikilahok

ng iba’t ibang ideya sa proyekto

5
Pangwakas/Repleksyon

Panuto: Magkaroon ng maikling repleksyon at isipin ang mga natutunan mo sa

araling ito. Magpasalamat sa Maykapal sa iyong kakayahang maging mapanuri.

_____________________________________________________

_______

6
Mga Sanggunian

Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 5 Learners Material, Department of Education, 2015

DepEd MELCs 2020, EsP Grade 5

LR PORTAL

Susi sa Pagwawasto

F 10. smile 10.

MALI 10.
D 9. Sad 9.
TAMA 9.
B 8. Smile 8.
MALI 8. Pagkukusa 5.
I 7. Sad 7.
TAMA 7. Tungkulin 4.
A 6. Smile 6. magiging sagot
TAMA 6. Pakikilahok 3.
H 5. Smile 5. Magkakaiba ang
TAMA 5. Pagtutulungan 2.
G 4. Sad 4.
TAMA 4. Pagkakaisa 1.
J 3. Smile 3.
MALI 3.
E 2. Smile 2.
MALI 2.
C 1. Smile 1.
TAMA 1.

Gawain 5 Gawain 4 Gawain 3 Gawain 2 Gawain 1

BUMUO SA PAGSULAT NG LEARNING ACTIVITY SHEETS

Manunulat: Milene V. Reyes

Tagasuri ng Nilalaman: Angela c. Hayashi
Tagasuri ng Wika: Angela C. Hayashi
Tagalapat: Joan A. Bugtong
Pangkalahatang Tagasuri:
Anita P. Domingo
EPSvr – Edukasyon sa Pagpapakatao

Lily Beth B. Mallari

EPSvr - LRMDS

Robert E. Osongco, EdD

Chief - CID

You might also like