You are on page 1of 7

Paaralan: DALANDANAN E/S Baitang: 3

JANET A. MALUNES CATCH-UP


Learning FRIDAYS
Guro: Area: NRP – Filipino
GABAY SA Ikatlong
PAGTUTURO Petsa: Marso 8, 2024 Kwarter: Markahan

I. Layunin: Naipapakita ang kawilihan sa pagbasa ng kuwento nang may


pang-unawa
Napalalawak ang kamalayan sa bokabularyo sa pamamagitan ng
iba´t-ibang gawain
Nakagagawa ng diary tungkol sa pagmamahal ng ina
II. Learning Resources: Power point,storybook, colored pencil, bondpaper, stapler, mga
ginupit na salita, maliit na bola
A. Sanggunian
1. Teacher’s Guide DepEd Memorandum No. 001, s. 2024
Implementation of Catch-Up Fridays
2. Kagamitan
B. Other Learning https://www.youtube.com/watch?v=2KtThsRlUXw
Resources https://www.youtube.com/watch?v=KaPti9xAxbo&t=48s
Pamamaraan:
A. Mga Gawain 1. Pagsasanay:
Bago Bumasa: -Pagbasa ng mga salitang may dalawa, tatlo, apat na pantig
20 minuto
espesyal kilay anak lapis trabaho nanay

salamin regalo tatay palengke estudyante

2. Iugnay ang larawan sa tamang pangalan nito.

1. lapis

2. palengke

3. lapis

4. paaralan

5. regalo
3. Pagganyak:
Energizer Song: “Akong Lapis”
https://www.youtube.com/watch?v=2KtThsRlUXw
Itanong:
Ano ang pamagat ng awitin?
Ayon sa ating awitin, ano ang gamit ng lapis? Pag-
uugnay ng sagot na mga bata sa kuwentong
babasahin.
Alam nyo ba mga bata, na mayroon pa lang “epesyal na lapis”?
Pag-uugnay ng sagot na mga bata sa kuwentong babasahin.
Ang kuwentong ating babasahin ay tungkol sa espesyal na
lapis.

Pangganyak na tanong:
Sa inyong palagay, bakit kaya espesyal ang lapis? Gusto niyo
bang malaman? Tara! sabay-sabay nating alamin.

B. Mga Gawain 1. Paglinang ng Talasalitaan:


Habang
Bumabasa:
40 minuto

ESPESYAL

Istratehiya: Malikhaing Pagkukuwento/Read Aloud/Think


Aloud/Choral Reading

Ipabasa ang kwento na “Espesyal na Lapis”

C. Mga Gawain Sagutin ang mga tanong:


Pagkatapos 1. Saan galing ang espesyal na lapis ng nanay?
Bumasa: 2. Ano ang trabaho ng nanay?
20 minuto 3. Bakit naging espesyal ang lapis na bigay ng anak?
4. Sa paanong paraan inalagaan ng anak ang kanyang nanay
nang ito ay
magkasakit?
5. Paano mo ipinapakita ang iyong pagmamahal sa iyong mga
magulang?
ACTIVITY #1

ACTIVITY #2
Tukuyin ang salitang inilalarawan ng bawat kahulugan mula sa
naunang laro. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon.

1. Ito ay tumutukoy sa hanapbuhay na


mayroon ang isang tao.
2. Isang batang pumapasok sa paaralan.
3. Isang kagamitang panulat o pangsining.
4. Pook o sentro ng kalakalan at pamilihan.
5. Isang handog mula sa isang tao para sa
kanyang minamahal o nais pagbigyan nito.
6. Isang lugar kung saan tinuturuan ang mga
estudyante o mag-aaral upang magkaroon ng kaalaman.
7. Ito ay kasingkahulugan ng salitang natatangi at
hindi pangkaraniwan.
8. Bahagi ng mukha na may makapal na buhok sa
ibabaw ng mata.
9. Ito ay kasingkahulugan ng salitang
nanghihina at walang gana.
10. Siya ang nagsisilbing ilaw ng tahanan.
ACTIVITY #3

D. Pagpapahalaga Paano mo maipapakita ang iyong pagmamahal sa iyong nanay?

Sa pamamagitan ng iyong espesyal lapis (colored pencil,


kulayan ang larawan ng isang ina upang mapaganda ito.
ESPESYAL NA LAPIS
Isinulat ni: Gerlie L. Bunag
Iginuhit ni: Alvin G. Alejandro

“Anak, maganda na ba si Nanay?, “masiglang tanong ni Nanay.


Mula sa kaliwa pakanan ay sisipatin ko ito ng tingin. “Ang ganda-ganda mo po, Nanay.” Ganito ang
bawat umaga namin ni noon. Ganito ko rin siya naaalala sa harap ng aking salamin. Dalawang taon
na siyang pumanaw. Ngunit maganda pa rin siya sa aking alaala. Naalala ko pa ang kaarawan ni
Nanay noon, tumabi ako sa kaniya sa kama.
Mula sa aking bulsa ay iniabot ko ang aking regalo. “Para po sa iyo, pinag-ipunan ko po iyan.
Pinakiusapan ko po si Tatay na bilhin iyan sa palengke.” Nakita ko ang ngiti ni nanay. “Salamat,
anak, palagi ko itong gagamitin at dadalhin saan man ako pumunta,” sabay yakap niya sa akin nang
napakahigpit.

Kinuha ko ang espesyal na lapis sa kaniyang kamay at aking


tinasahan. Habang kinikilayan ay kinakausap ko siya. “Ayan! Ang ganda-ganda mo pa rin, Nanay.
Magpagaling ka na po agad. Gusto ka na po na makita ng iyong mga estudyante sabi nila sa akin.”

Noon, tuwing umaga, madalas kaming magkasabay na pumasok


sa paaralan. Palagi niyang pinaghahandaan ang pagharap sa kaniyang mga estudyante. “Anak,
pahiramin mo naman ako ng iyong pantasa. Nawala na kasi ang pantasang ginagamit ko,” wika ni
Nanay. “Sige po, Nanay,” magalang kong sagot sa kanya. Mabilis ko itong kinukuha sa aking bag at
iniaabot sa kaniya.

Minsan, tinanong ko siya. “Nanay, bakit mo po sinusulatan ang iyong mga kilay? ”Napangiti si
Nanay.“Ito ay pampaganda ng kilay,” masiglang sagot ni Nanay.

“Anak, maganda na ba si Nanay? ”gaya ng palagi niyang tanong “Ikaw po


ang pinakamagandang Nanay at guro sa buong mundo,” sabay yakap ko sa
kaniya.

Isang araw, hindi ko na siya nakasabay sa pagpasok sa paaralan.


Hindi rin niya hiniram ang aking pantasa. Sabi ni Tatay, may sakit
pala si Nanay kaya dapat magpahinga. Si tatay na ang naghahatid at sumusundo sa akin. Kaya
tuwing pag-uwi ko ng bahay at kapag gising siya sa kaniyang kama, kinakantahan at sinasayawan
ko si Nanay.

Sinusuklayan ko lagi si Nanay kahit manipis na ang kanyang buhok.


Pero dahan-dahan lang baka kasi nasasaktan siya.
Sinusubuan ko siya upang marami siyang makain. Tinutulungan ko siyang magbihis. Bago matulog, sabay
kaming nagdarasal.
“Panginoon, sana po pagalingin Mo na po si Nanay para makapagturo na po muli siya sa mga bata.”
Minsan isang hapon, nakita kong maputla si Nanay. Siya ay matamlay.
Hinanap ko ang lapis na pampa-ganda sa kaniyang bag.
Hays! Bakit wala? Siguro kaya siya nanghihina dahil wala kay Nanay ang espesyal na lapis.

Buti na lang dumating si Tatay ng araw na iyon mula sa trabaho. “Tatay,


puwede mo po ba akong ibili ng lapis na pampaganda para
kay Nanay?” “Sige, bukas anak, dadaan ako sa palengke para sa espesyal na lapis ni Nanay,”
nakangiting sagot ni Tatay.

Kaya noon, habang kasama ko pa si Nanay palagi ko siyang kinikilayan. Ganito ko siya
binabalikan sa aking ala-ala. “Ubos na kaya ang espesyal na lapis kong pabaon kay Nanay?

Sana hindi pa dahil kasi sa espesyal na lapis, bumabalik ang kaniyang ganda at
sigla.”

Hango sa: https://www.youtube.com/watch?v=KaPti9xAxbo&t=48s

You might also like