You are on page 1of 7

ARALING PANLIPUNAN

Unang Markahan

IKALAWANG BAITANG

Paksa: Iba’t ibang uri ng panahong nararanasan sa sariling komunidad tag-ulan at


tag-init
Code: AP2KOM-If-h-8

Layunin:

o Nasasabi ang iba’t ibang uri ng panahong nararanasan sa sariling


komunidad tag-ulan at tag-init,
o Nakabubuo ng simpleng ulat ukol sa kalagayan ng panahon sa sariling
komunidad (patalastas sa TV, radyo o balita)

Pagpapahalaga: Maging mapanuri

“Matanglawin”

Hayaan ang mga bata na obserbahan ang panahon sa kasalukuyang oras.


Maglibot – libot sa harap ng silid-aralan. Ibahagi sa klase ang napansin sa
kapaligirang tungkol sa kasalukuyang panahon.

Suriin ang dalawang (2) ng panahon batay sa larawang nakita sa pisara.


Batay sa mga naobaserbaan nating mga laraawan. Nagambala ka ba nang
maranasan mo ang sobrang init o di kaya naman ay sobra naman na tag ulan sa
inyong lugar?

Anu- ano ang inyong nararamdaman sa tuwing:

A.

B.

C.

TAG - INIT

A.

B.

C.

TAG - ULAN

Dalawa ang uri ng panahon sa Pilipinas—ang tag-araw at tag-


ulan.
Sa panahong tag-araw, karaniwang nagtutungo ang mga tao sa
dagat upang maligo at magpalamig.
Sa panahong tag -ulan, umiihip ang hanging habagat mula sa
timog-kanluran at ito ay nagdadala ng malakas na pag-ulan at
bagyo.
Pagmasdan ang mga larawan sa ibaba. Punuan ang concept map ng mga
larawang maiuugnay sa tuwing naririnig ang panahon ng tag-init at tag-ulan.

( )

( ) Tag-init

( )

( )

( ) Tag-ulan ( )

( )

A. “Pakikinig”

a. Pakikinig sa isang kwento. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Tayo na sa aming Probinsya

Linggo ng umaga, maagang gumising ang pamilya Santos upang ihanda


ang mga kagamitang dadalhin sa pamamasyal sa probinsya.
Masarap na inihanda ni Nanay Lorna ang mga pagkaing babaunin.
Inihanda naman ni Tatay Ruben ang sasakyang gagamitin. Sina Fe at Maria ay
maingat na iniligpit ang mga kagamitang dadalhin. Si Kuya Lito naman ay
binubuhat ang mga baon na babaunin papunta sa sasakyan. Ako naman ay
1. Saan papunta ang mag-anak?
2. Kaninong mag-anak ang namasyal?
3. Anong uri ng panahon ang nabanggit sa kwento?
4. Ano ang naramdaman ng bawat isa habang nasa byahe?
5. Ano naman ang kanilang naramdaman nang makarating na sa probinsya?
6. Naranasan niyo na ba ang ganitong karanasan? Magbahagi ng detalye sa klase.
7. Sa inyong sariling karanasan, bakit magandang magbakasyon tuwing tag-init ang
panahon?

B. “I-Report”

a. Pag-uulat ng isang balita sa paraang reporter sa telebisyon at ibibigay ang ulat ng


panahon sa kanilang komunidad. Magmasid sa sariling kapaligiran.

Ulat ng Panahon

Maulan sa Bicol

Magandang araw sa inyong lahat mga tagapakinig. Narito ang


ulat ng kalagayan ng panahon sa oras na ito. Ngayon po ay araw ng
(______________)petsa ng taong kasalukuyan.
Ang araw ay sumikat kaninang (________) umaga at lulubog
ng(______) ng hapon. Maulap at madilim ang kalangitan ang
mararanasan sa Kabikolan. Makararanas din sila ng malakas na buhos
ng ulan sa panahong ito. Sasabayan din ito ng manaka nakang
pagkulog at pagkidlat. Magkakaroon po tayo ng maulang panahon sa
maghapon sa nasabing lugar dulot ng paparating na bagyo.
b. Pagsagot sa mga sumusunod na katanungan.

1. Tungkol saan ang balitang napakinggan?


2. Anong uri ng panahon ang ipinapahiwatig?
3. Ano ang dapat gawin sa mga lugar na delikado?

Basahin ang maikling talata.

Ang panahon ay tumutukoy sa kalagayan ng kapaligiran, halimbawa, tag


ulan at tag-init.
Mayroon tayong dalawang uri ng panahon na nararanasan sa ating
komunidad, ang tag-ulan at tag-init. Ang mga panahong ito ay nakakaapekto sa
pang-araw-araw na gawain.
Ang ating mga di mabuting kilos ay maaaring makadagdag upang mas
masira ang ating kalikasan at makaka apekto naman ito sa ating panahon.

Batay sa konseptong inyong natutuhan tungkol sa panahon, iguhit sa loob ng kahon


ang gawain na kung saan ginagawa o nagawa mo na upang maiwasan ang
pagkakaroon ng sobrang init at sobrang dulot ng ulan sa inyong lugar.

TAG - INIT
TAG - ULAN

Araw ng Sabado, ang samahan ng mag-aaral sa Mabait na Paaralan ang


nagkaroon ng “Tree Planting Activity. Ang layunin ng samahan ay upang makatulong
sa pagkakaroon ng karagdagang puno at halaman sa kapaligiran. At higit sa lahat
may mga puno na tutulong na sisipsip ng tubig tuwing tag-ulan.

Bilang isang batang mag-aaral, sasama ka ba sa nasabing gawin dahil sa


kanilang layunin at adhikaing nabanggit? Ipaliwanag ang sagot sa kwaderno.

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Sa kasalukuyang patuloy ang pagkasira ng ating kapaligiran. Patuloy rin ang


pagbabago ng ating panahon. Bilang isang mag-aaral, papano ka makatutulong
upang di ka ma kadagdag sa mas lumalalang problema sa kapaligiran na magdudlot
naman ng epekto sa ating panahon?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_________________________________________________________________.

Mga litrato at larawan mula sa:


AseanTraveller.net, Inquirer Philippines, Sylvia Gunde, Turo-Turo Philippine Café, Philippine
News Agency, Shein.com, Philstar.com, Hou Jiansen

Inihanda ni:

RICHARD ORASA NUNEZ


Teacher
Bogna Elementary School
Legazpi City Division

You might also like