You are on page 1of 2

JOHN PAUL L.

LLANZANA III-BEED BLOCK 1

1. PAMAGAT NG AKLAT: HIYAS SA PAGBASA


2. MAY AKDA NG AKLAT: LYDIA P. LALUNIO, Ph.D.
FRANCISCA G. RIL
PATROCINIO V. VILLAFUERTE
3. PAMAGAT NG KUWENTO: SA PAG-AALAGA NG PUGO, UUNLAD ANG KABUHAYAN
4. MAY AKDA NG KUWENTO: N/A
5. MGA TAUHAN (Kailangang ilarawan at ipakilala)
MELANIO MENDOZA- o mas kilalang MANG MELAN , at mayroon siyang walong
anak
TRICIA- o mas kilalang ALING TRICIA, at ang asawa ni mang MELAN
MANG JUAQUIN- Ang nag aalaga ng mga pugo at bumebenta.
6. PAG TUKOY SA TAGPUAN
-Sa lugar o sa bayan ni mang JUAQUIN
7. PAG LALAHAD NG TEMA/PAKSA
-Ang tema ng kuwentong binasa tungkol sa pag aalaga ng pugo, uunlad ang kabuhayan ay
inilalarawan ng bawat tauhan ang mga pangyayaring pangkaugalian upang mabigyan ng kabuuan
ang pag unawa ng mga mambabasa.
8. PAGBIBIGAY NG BUOD NG KUWENTO:
Hindi magiging problema ang pagbagsak ng piso kung magiging matiyaga sa pag hahanap
buhay, tulad ng pag-aalaga ng pugo. Si MELANIO MENDOZA o mas kilalang MANG MELAN na
tubong pateros may asawa at walong anak at hindi sumasapat ang kaniyang buwang sahod na
sampung libo at walong daang piso.

Kasabay ng mga pagtaas ng halaga ng mga bilihin, tinaas rin ng kahera ang upa natin sa
bahay sa susunod na buwan at kasabay na rin ang dalawang anak na nag aaral sa kolehiyo wika
ning aling tricia . Nag isip ng paraan si mang melan upang madagdagan ang kaniyang kita
kinabukasan pinuntahan niya ang kaniyang kaibigan na si mang juaquin. Nagsimulang mag
tanong si mang melan kay mang juaquin kung paano mag alaga at kumita sa pamamagitan ng
pag aalaga ng mga pugo inilahad ni mang melan na chick booster at broiler ang mga kinakain ng
mga sisiw at starter naman ang mga kinakain ng malalaking pugo, kailangang may sapat na
bitamina ang mga pugo upang mailigtas sa mga peste. Tinanong ni mang melan kung kailan
nangingitlog ang mga pugo, magkano ang halaga ng isang pugo at iba pa. Sabi ni mang juaquin
isang beses sa isang araw nangingitlog ang isang pugo dagdag pa walang pagkalugi rito dahil
kapag hindi nangingitlog ang pugo ay ipinagbibili upang katayin at lutuin, ang halaga naman
walong peso ang isaw sisiw ng pugo samantalang singkwenta naman ang halaga ng itlog habol pa
ni mang juaquin habang nag tatrabaho ka, mag alaga ka ng pugo. Nakalilibang at kikita kapa at
dahil dun nag simulang mag alaga ng pugo si mang melan iyon ang simula ng pag unlad ng
kaniyang pamilya.

9. PAGBIBIGAY NG ARAL NA NATUTUNAN:


KAHIT GAANO KAHIRAP ANG SITWASYON NG BUHAY IPINAKITA PARIN NI MANG MELAN
ANG POSITIBONG PANANAW UPANG MAITAGUYOD AT MATUSTUSAN ANG KANIYANG PAMILYA.

10. KARAGDAGANG MUNGKAHI, REAKSYON AT ILANG PUNA:

Lahat ng problema ay may solusyon kahit gaano kahirap lahat kakayanin para saatin mga
pamilya , walang magulang ang hindi kayang tiisin ang mga anak.

You might also like