You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION I
SCHOOLS DIVISION OFFICE I PANGASINAN
Sta. Barbara District II
Botao National High School
S.Y 2023-2024

SUMMATIVE TEST
SUMMATIVE TEST
FILIPINO SA PILING LARANG TECH-VOC 12
Pangalan _______________________________________________Sekyon_________
I. Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang pangungusap at MALI naman kung hindi.
1. Sa promosyon, kailangang isaisip ang reputasyon at imahen ng kompanya habang iniaakma ang mga gawain
sa target na market.
2. Paghandaang mabuti ang mga materyal na gagamitin.
3. Malagay ng hindi makatotohanang pahayag sa mga pasulat na patalastas.
4. Ginagamit ang leaflets sa diseminasyon o pagpapakalat ng impormasyon tungkol sa isang personal na gawain
o sa isang negosyo.
5. Kailangan nang mabisang layout o pagdidisenyo sa lahat ng promo materials
6. Isa sa tips sa paggawa ng flyer ay sumulat ng pamagat.
7. Gawing mahaba ang mensahe sa paggawa ng flyer.
8. Ang leaflets, tulad ng flyers, ay uri din ng promosyonal na materyal.
9. Planuhin ang mga detalyeng nais ilagay sa leaflet.
10. Ang flyer ay karaniwang isang buong papel na itinupi sa dalawa o higit pang bahagi at ito ay isang
halimbawa ng promo materials.
II.Panuto: Bilugan ang tamang sagot .
11.Ang mga sumusunod ay mga Komponent ng isang manwal hanapin ang hindi kabilang dito.
a.Tiyak na depenisyon
b. Deskripsyon ng mga mekanismo
c.Sunod-sunod na hakbang o instruksiyon
d.Pagsusuri ng mga kagamitan
12. Ang mga sumusunod ay dapat tandaan sa Disenyo ng isang manwal maliban sa iba.
a.Madaling basahin at madaling sundan ang mga panuto.
b.May hindi kaakit-akit na disenyo
c.May mga illustrasyon upang palawakin ang pag-unawa ng mambabasa
d.Mga gamit na reperensya sa hinaharap
13.Kailangan may malinaw na pamagat at sumasagot sa tanong na “tungkol saan ang manwal” ano ang
nilalaman ng manwal?Anong balangkas ito?
a.Pabalat na pahina b.Talaan ng Nilalaman c.Introduksyon d.Navigation Tips
14. Mabisa itong kasangkapan upang madaling mahanap ng isang mambabasa ang pahina ng paksang
kaniyang hinahanap at makatutulong sa kaniya upang maisagawa nang Mabuti ang anumang bagay o
prosesong kailangan niyang isaayos.
a.Pabalat na pahina b.Talaan ng Nilalaman c.Introduksyon d.Navigation Tips
15.Ang mga sumusunod ay nilalaman ng isang _________ng manwal na dapat tandaan sa pagsulat nito o dapat
taglayin ng isang babasahin manwal.
• Nagpapaliwanag tungkol sa /ANO, PAANO, SINO/
• Ano ang nilalaman ng manwal o tungkol saan ang manwal?
• Paano gamitin ang manwal
• Sino ang gagamit o para kanino ang manwal?
a.Pabalat na pahina b.Talaan ng Nilalaman c.Introduksyon d.Navigation Tips
16.Pahina na may Biswal na simbolo na magagamit upang unawain ang mga bahagi ng manwal.
a.Pabalat na pahina b.Talaan ng Nilalaman c.Introduksyon d.Navigation Tips
17.Dito inilalarawan ang bawat bahagi ng bagay at kadalasang karugtong ito ng mga takdang gamit.
a.Deskripsiyon b.Espesipikasyon c.Prinsipyo ng Operasyon d. Teoritikal na kaligiran
18.Dito iniisa –isa ang mga katangian ng gamit at gayunding kung may espesyal na mga katangian ang mga ito
na wala sa ibang kagamitan.
a.Deskripsiyon b.Espesipikasyon c.Prinsipyo ng Operasyon d. Teoritikal na kaligiran
19.Binabanggit dito kung ano ang disenyo at kung bakit ito idinisenyo nang gayon, kung may iba’t-ibang
operasyon para sa bawat bahagi ng kagamitan ,iniisa-isa itong ilarawan.
a.Deskripsiyon b.Espesipikasyon c.Prinsipyo ng Operasyon d. Teoritikal na kaligiran
20.Isinasaayos ang mga pinagbatayang teorya at mga pag-aaral na nagiging dahilan sa pagkakabuo ng gamit o
instrumento.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION I
SCHOOLS DIVISION OFFICE I PANGASINAN
Sta. Barbara District II
Botao National High School
S.Y 2023-2024

a.Deskripsiyon b.Espesipikasyon c.Prinsipyo ng Operasyon d. Teoritikal na kaligiran


21.Basahin mabuti ang pahayag at kilalanin ito base sa tamang pagkakalarawan, “Kalimitan ding nakatupi sa
tatlong bahagi ang mga ito na siyang nagtatakda ng pagkakahati ng mga impormasyong nakasulat dito
at kalimitang mas mahaba sa isang pahina/bawat pahina.
a.Posters b.Leaflets c.Flyers d.Promo Materials
22.Sa pagnenegosyo at pagpapakilala ng produkto may mga dapat tandaan at madalas gamitin sa promotional,
Ito ay dinisenyo na nagpo-promote ng isang tiyak o tukoy na produkto ,serbisyo o kaganapan.Ito ay nasa
malaking sukat na kalimitang ipinapaskil sa mga pampublikong lugar na mabilis makita.
a.Posters b.Tarpulin c.Billboard d.Magazine
23.Alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng promotional materials?
a.Posters b. Leaflets c.T-shirts d.Paalala
24.Isang espesyal na produkto na ginagawa sa larangan ng Negosyo
a.Patalastas b.Palabas c.Social Media d.Promotional Materials
25. Ginagamit bilang pakikipag-ugnayan na nasa isang organisasyon .Inaasahan sa isang empleyado ng
kompanya sa publiko at pribadong opisina na mahusay siyang gumawa nito at gumawa.
a.Liham Pangalakal b.Liham Pangnegosyo c.Liham Patnugot d.Liham na Nagtatanung
26.Isang anyo ng papel na advertisement na nilayon para sa malawak na pamamahagi at karaniwang nai-post o
ipinamamahagi sa isang pampublikong lugar o sa pamamagitan ng mail.
a.Posters b.Leaflets c.Flyers d.Promo Materials
27.Nakaprinta sa sangkaapat na papel minsan nakatupi ,naglalaman ng impormasyon o advertisement at
karaniwang ipinamamahagi ito ng libre.
a.Posters b.Leaflets c.Flyers d.Promo Materials
28.Ang_______ay nagtuturo sa isang tao kung paano gagamitin o gagawin ang isang bagay,higit na
komprehensibo at malawak ang saklaw nito kaysa sa instruksiyon.
a.Bokasyunal na Sulatin b.Pagsulat ng Liham Pangnegosyo
c.Pagsulat na Manwal d.Pagsulat ng Liham Pangalakal
29.Ito ay ang mga pasulat na gabay o reperensiyang material na ginagamit sa pagsasanay ,pag oorganisa ng
mga Gawain sa trabaho ,pagbuo ng mga mekanismo,pagpapatakbo ng mga makinarya ,pagseserbisyo ng mga
produkto o pagkukumpuni ng mga produkto.
a.Teknikal na Sulatin b.Pagsulat ng Liham Pangnegosyo
c.Pagsulat na Manwal d.Pagsulat ng Liham Pangalakal
30.Uri ng manwal na ginagamit sa pagbuo ng isang gamit, alignment, calibration,testing ,at adjusting ng mekanismo.
a. Assembly Manual b. User’s Manual c. Service Manual d. Technical Manual
31.Naglalaman ng mekanismo, routine maintenance o regular na pangangalaga at pagsasaayos ng kagamitan
anong uri ito ng manwal?
a. Assembly Manual b. User’s Manual c. Service Manual d. Technical Manual
32.Routine maintenance ng mekanismo, troubleshooting, testing, pag-aayos ng sira o pagpapalit ng depektibong
bahagi anong uri ng manwal ang kadalasang naglalaman ng ganitong direksyon?
a. Assembly Manual b. User’s Manual c. Service Manual d. Technical Manual
33.Anong klase ng manwal ang dapat gamitin kapag ito ay magtataglay ng espesipikasyon ng mga bahagi,
operasyon, calibration, alignment, diagnosis at pagbuo?
a. Assembly Manual b. User’s Manual c. Service Manual d. Technical Manual
34. Naglalaman ito kung paano gamitin ang mekanismo at kaunting maintenance.
a. Assembly Manual b. User’s Manual c. Service Manual d. Operational Manual
35.Ginagamit sa mga programang pampagsasanay ng mga partikular na mga grupo or indibidwal.
a. Assembly Manual b. User’s Manual c. Training Manual d. Operational Manual
III.Panuto: Bumuo ng mga sumusunod.

5-Puntos -Gumawa ng isang halimbawa ng Patunguhan 5-Puntos -Gumawa ng isang halimbawa ng Pamuhatan
6-Puntos-Ibigay ang anim na bahagi ng Liham 3-Puntos-Tatlong uri ng liham.
5-Puntos-Magbigay ng limang uri ng manwal

” HUWAG MAG-CHEAT SA CHEATER”


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION I
SCHOOLS DIVISION OFFICE I PANGASINAN
Sta. Barbara District II
Botao National High School
S.Y 2023-2024

You might also like