1. Si isaiy (Sino) - Ginagamit na pananong sa pangalan ng tao
2. Kita (tayo) -Panghalip panao na ginagamit ng higit sa isang tao na nagsasalita o sumusulat, at sa pagtukoy sa kanilang sarili 3. Dae (Hindi) - Pagtanggi o pagsalungat sa isang bagay o kilos 4. Iyu (Oo) - Pagsang-ayon 5. Pangaran (Pangalan) - Tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop o lugar; nagbibigay identidad. 6. Istar ( Tirahan) - Pook, lalo na ang isang bahay, na tinutuluyan bílang isang tahanan 7. Aga (Umaga) - Ang maagang bahagi ng isang araw, mula liwayway hanggang tanghali 8. Banggi (Gabi) - Oras o panahon mulang paglubog ng araw hanggang muling pagsíkat nitó 9. Pira (Ilan) - Pananong na tungkol sa dami ng bilang ng anuman 10. Magayon (Maganda) - Ito ay nangangahulugang kaaya-kayang tingnan o kaakit-akit ito sa mata. 11. Tabi (Pakiusap) - magálang na paghiling ng anuman mula sa kinauukulan 12. Pabakal (Pabili) - pagkakaroon ng karapatang ariin ang isang bagay sa pamamagitan ng pagbabayad sa halaga nitó o pagbibigay ng katumbas na halaga nitó 13. Pagal (Pagod) - ang nararamdamang panghihina ng katawan bunga ng labis na paggawâ 14. Sainda (kanila) - kaukulang paari ng silá 15. Igwa (Meron) - nagsasaad ng isang taglay na katangian, pag-aari, pag-iral, o kalagayan 16. Wara (Wala) - hindi makíta o matagpuan 17. Kaiba (Kasama) - kasapi o kalahok sa isang gawain o tungkulin 18. Saimo (Sayo) - tumutukoy sa pagmamay-aari ng taong kausap. 19. Kwarta (Pera) - Salapi na maaring gamitin upang makabili g isang bagay o serbisyo. 20. Aldaw (Araw) - panahong mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nitó ; kasalungat ng gabí 21. Uran (Ulan) - tubig na namuo mula sa singaw sa atmospera at bumubuhos nang butil-butil sa lupa 22. Digdi (Dito) - tumutukoy sa pook, dáko, o panig na malapit na malapit sa nagsasalita 23. Duman (Doon) - dáko o pook na malayò sa nag-uusap 24. Mahamot (Mabango) - kaakit-akit na amoy, karaniwang mula sa bulaklak, yerba, o pabango 25. Maboot(Mabait) - may katangiang matulungin, maawain, at katulad 26. Doot (Damo) - haláman na may mahahabà at makikitid na dahon, madalîng tumubò at dumami, at karaniwang mababà lámang 27. Laboy (Putik ) - malambot at basâng lupa 28. Daga (Lupa) - solidong bahagi sa rabaw ng mundo, at ang ganitong bahagi sa lawas pangkalawakan 29. Agom (Asawa) - laláki o babaeng ikinasal 30. Gurang (Matanda) - nabúhay nang matagal na panahon ; o hindi na kabataan 31. Ngunyan (ngayon) - kasalukuyan 32. Orig (Baboy) - hayop na kumakain ng kahit ano, may maikling nguso, at karaniwang inaalagaan para kainin 33. Halas (Ahas)- reptil na walang paa, madulas, at may makamandag na pangil; Karaniwan ding iniuugnay sa ugali ng isang tao bilang taksil 34. Bitis (Paa) - ang ibabâng bahagi ng binti, nása ilalim ng bukong-bukong at ginagamit sa pagtayô at paglakad 35. Kiray (Kilay) - maiikling buhok sa pagitan ng matá at noo 36. Dungo (Ilong) - bahagi ng mukha na ginagamit sa pag-amoy at paghinga 37. Harong (Bahay) - gusali na maaring maging tuluyan 38. Burak (Bulaklak) - organ ng reproduksiyon ng haláman na tinutubuan ng bunga o mga butó 39. Harayo (Malayo) - malakí ang pagitan sa isa’t isa 40. Tinampo (kalsada) - daanan, highway, eskinita 41. Sul’ot (Suot) - damit, hiyas, putong, o anumang nása katawan, karaniwang bahagi ng bihis 42. Payo (ulo) - itaas na bahagi ng katawan ng tao na pinaghuhugpong ng leeg, at binubuo ng utak, bungo, buhok, at mukha 43. Anggog (Noo) - bahagi ng mukha sa itaas ng mga mata at kilay 44. Tulak (Tiyan) - bahagi ng katawan sa pagitan ng diaphragm at balakang ; naglalamán ng mga bituka, atay at balunbalunan, at iba pa 45. Isipon (Isipin) - pag-aralang mabuti; limiin; unawain; dili-diliin, wariin 46. Tatao(Marunong) - katangi-tangi sa dunong 47. Surat (Sulat) - pagguhit na likha ng lapis, bolpen, at iba pang pansula 48. Tukdo (Turo) - pagbibigay ng kaalaman, patnubay, o instruksiyon; pagtututok ng hintuturo sa isang bagay 49. Parigos (Paligo) - kilos para maligo 50. Laag (Lagay) - Pagppwesto ng bagay sa isang lugar 51. Laog (Pasok) - pagtúngo o pagtuloy sa loob 52. Hirak ( Kawawa) - lubhang nangangailangan ng tulong at kalinga 53. Patawadun ( Patawarin) - Paghingi ng kapatawaran hinggil sa nagawâng kasa-lanan 54. Ngirit ( Tawa) - pagpapahayag ng kasiyahan o kagalakan, karaniwang sa pamama-gitan ng ngiti at tunog na nalilikha nitó 55. Nguris (iyak) - pagpapadanak ng mga luha sa tugon sa isang emosyonal na estado, sakit o pisikal na pangangati ng mata. 56. Tuom (Kabisa) - pagsasaulo 57. Nagtanom (Nagtanim) - pagbaon sa lupa upang tumubò 58. Higdaan (Higaan)- Bagay o gamit sa paghiga at pagtulog 59. Dungo (Ilong) - bahagi ng mukha na ginagamit sa pag-amoy at paghinga 60. Saod (Palengke) - Isang lantad na pook o gusali na pinagtiti-punan ng mga tao upang bumili o magbili ng sari-saring produkto 61. Yaon (Andiyan) - nása pook o lugar na malápit sa kinakausap 62. Sakoya (Saakin) - isang bagay na pagaari ng isang tao 63. Kadakol (Marami) - bumubuo ng malakíng bílang 64. Sadit (Maliit) - may súkat na kulang sa karaniwan o normal 65. Lingwwan (Kalimutan) - Alisin o iwaglit sa isip o alaala, iwaglit sa gunita; huwag alalahanin. 66. Hararom( Malalim) - Malaki ang súkat mula sa itaas pababa; Mahirap tarukin o unawain 67. Pasiring (Papunta) - kilos para sa isang direksiyon o layunin 68. Kadikit (Kaonti) - maliit ang bílang o halaga; maliit na piraso 69. Maduros (Mahangin) - malakas ang hangin; mayabang 70. Mahaldat (Mahapdi) - matinding kirot 71. Maluway (Mabagal) - kumikilos o ginawâ nang hindi mabilisan 72. Malinig (Malinis) - pagsasagawâ ng isang gawain nang maayos at matagumpay;kawalan ng dumi, mantsa, o sagabal sa anumang bagay o pook 73. Maluya (Mahina) - may katangian ng hinà; 74. Paspas (Mabilis) - kumilos nang may bilis o tinapos ang isang gawain sa pinakamaikling panahon 75. Harani (Malapit) - maliit ang pagitan sa isa’t isa kalapit, kanugnog, katabi 76. Harayo (Malayo) - malakí ang pagitan sa isa’t isa; 77. Labot (Butas) - isang lagusan patagos o patúngo sa loob; bahaging may nawawala o kulang 78. Pirmi (Palagi) - madalas; paulit-ulit na ginagawa 79. Kaolay (Kausap) - tao na kinakausap 80. Apod (Tawag) - pagsasalita nang malakas; paggamit ng telepono 81. Kugos (Yakap) - aksiyon na nagpapakíta ng pagmamahal sa isang tao o bagay, sa pamamagitan ng pagsasalikop dito ng dalawang braso 82. Bado (Damit) - bagay, karaniwang piraso ng tela, na itinatakip o ibinabálot sa katawan 83. Ulunan (Unan) - salalayan ng ulo kapag nakahiga, lalo na ang telang bag na tigib sa goma, balahibo, dayami, at ibang malambot na palamán 84. Aki (Anak/Bata) - tao na nása pagitan ng pagsílang at pagkatigulang 85. Padaba (Mahal) - tao na itinatangi o tuón ng matinding pagtatangi pag-íbig 86. Lalawgon (Mukha) - harapán ng ulo mulang noo hanggang babà 87. Tatao (Marunong) - katangi-tangi sa dunong 88. Irarom (Ilalim) - pinakamababàng bahagi 89. Bayle (Sayaw) - pag-indak-indak ng katawan sa saliw ng tugtugin ; o alinman sa iba’t ibang anyo ng pag-indak ng kata-wan sa himig ng tugtog 90. Sadiri (Sarili) - tao o bagay na itinuturing na may natatanging indibidwalidad 91. Hapot (Tanong) - ka·ta·nú·ngan bagay na inaalam, pinag-uusapan, o pinagtatalunan, karaniwang may angkop na kasagutan o lunas 92. Naghahalat (Naghihintay)- hintayin, asahan, antayin, umasa, abangan 93. Halip’ot (Maikli) - may katangian ng ikli 94. Gabos (Lahat) - bawat isa ; kabuuan at walang nabubukod 95. Kadikit (Kaonti) - maliit ang bílang o halaga; maliit na piraso 96. Maogma (Masaya) - punô ng sayá 97. Mabata (Mabaho) - may katangian ng bahò, dahil hindi sariwa o matagal nang patay 98. Maitom (Maitim) - malauling; gaya ng uling; madilim 99. Makusog (Malakas) - may angking lakas 100. Mabagat (Mabigat) - may angking bigát;timbang na mataas