You are on page 1of 7

Ika-apat na Markahang Pagsusulit sa Filipino 9

Name: ___________________________ Score: __________________


Section: __________________________

I.Panuto: Basahin at sagutin ang mga sumusunod. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.

1. Ang Noli Me Tangere ayon kay Ferdinand Blumentritt ay isang aklat na isinulat sa
_______.
a. dugo ng puso b. dugo ng buhay c. dugo ng sangkatauhan d. dugo ng balana

2. Ang Noli Me Tangere ay hinango sa bibliya na ang ibig sabihin ay ________.


a. Huwag mo akong salangin b. Huwag mo akong hawakan
c. Huwag mo akong salingin d. Huwag mo akong titigan

3. Ang Noli Me Tangere ay inihandog ni Rizal sa kaniyang _________.


a. Kababata b. Inang Bayan c. Kababayan d. Mga mahal sa buhay

4. Kilalanin ang tauhan sa Noli Me Tangere batay sa kanyang pahayag


“Sinasabi ko ang ibig kong sabihin! Kapag ang isang pari ang nagpahukay ng nakalibing na
bangkay ng isang erehe…Kahit hari ay walang Karapatang makialam..”
a. Padre Salvi b. Padre Damaso c. Padre Sibyla d. Padre Lucas

5. Sino sa tauhan ng Noli ang may pahayag na


“Lagi mo ba akong naaalala? Kahit minsan ba ay hindi mo ako nalimot sa ibang bansa?”
a. Maria Clara b. Donya Consolacion c. Sisa d. Tiya Isabel

6. “Huwag kayong lalapit sa kampana kapag kumikidlat, masama at baka tamaan kayo ng
kidlat mga bata” ang pahayag na ito ay sinabi ni__________.
a. Kapitan Tiyago b. Crisostomo Ibarra c. Padre Damaso d. Pilosopo Tasyo

7. Siya ay tauhan sa Noli na namalagi ng matagal na panahon sa banyagang bansa upang


mag aral at pangarap niya na makapagpatayo ng paaralan sa mga bata sa kanyang bayan
upang magkarron ng magandang kinabukasan.
a. Don Rafael Ibarra b. Linares c. Cisostomo Ibarra d. Kapitan Tiyago

8. Mapagmahal, mapagmalasakit na anak at kapatid na sinubok ng tadhana sa katatagan


ng kanyang loob ngunit nabigo na isalba ang kapatid sa kamay ng mga mapang abuso.
a. Crisootomo Ibarra b. Crispin c. Basilio d. Elias
9. Itinuturing na isa sa pinakamayaman at maraming Negosyo sa kanilang lugar, Mabuti
siyang tagasunod at ipinalalagay ang sarili na siya,y hindi Pilipino kundi isang tunay na
kastila.
a. Kapitan Tiyago b. Don Rafael Ibarra c.Don Tiburcio de Espandana d. Don Filipo
10. Isang masintahing ina na itinuring ang mga anak na anghel ng kanyang buhay at ang
kanyang asawa ay kanyang bathala kahit na siya ay pinagmamalupitan at sinasaktan.
a. Pia Alba b. Tiya Isabel c. Sisa d. Donya Consolacion

Tukuyin ang Kahulugan ng Matatalinghagang Salita na Nakasalungguhit sa Bawat


Bilang

11. Ayon kay Padre Sibyla si Ibarra’y nagtataglay ng bait sa sarili


a. kabaitan b. katalinuhan c. sariling pag-iisip d. Kababaang-loob

12. Parang Nanlaki ang kanyang ulo sa nangyayari sa kapatid.


a. nabigla b. hindi malaman ang gagawin c. sumakit ang ulo d. natakot

13. Ipinakakaon niya si Crispin sa kumbento kinabukasan.


a. ipinadadalaw b. ipinasusundo c. ipinatatawag d. ipinauuwi

14. Tila umurong ang dila ni Sisa nang makita ang nakalulunos na anyo ng kanyang
anak.
a. nawalan ng lakas b. nabigla c.nagsinungaling d. hindi nakapagsalita

15. Halos panawan ng bait ang kanyang ina nang marinig ang masamang balita.
a. mahilo b. mamatay c mabaliw d. malungkot

16. Sa isang kisapmata ay nawala ang kausap ng mapagmahal na binata.


a. iglap b. pikit c. pagkakamali d. pagkalingat

17. Hindi matingkalang tuwa ang nadama ng binata nang makita ang kagandahan ni
Maria Clara.
a. hindi maintindihan b. hindi mapantayan
c. hindi mapakali d. hindi mabago

18. Maluwag sa pusong pinayagan ni Maria Clara ang kasintahan na mangibang lupain.
a. kusang loob b. magiliw c. buong puso d. taos puso

19.Maririnig sa buong nayon ang dupikal ng kampana na naghuhudyat na lalabas na ang


prusisyon
a. awit b. tunog c. pasanan d. dasal
20. Inilabas ng dalaga ang isang kapirasong kalatas mula sa mangingibig.
a. papel b. liham c. panulat d. kasunduan

Suriin ang bawat pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot (21-25)
a. NO- kung nagbibigay ng opinyon ang pahayag
b. ND- kung nagpapahayag ng damdamin

21. Ayon kay Pilosopo Tasyo, ang pagkamatay ng tagapaghugos ay pahiwatig na hindi
magandang simulain.

22. “Sayang at namatay siya, kung nabuhay siya, tiyak na marami tayong malalaman” sabi
ni Ibarra

23. “Nasiyahan ako at nalaman kong maaari palang ang isang tao ay maging mabuting
Kastila nang hindi na kailangan iwaksi ang pagiging mabuting Pilipino at ang kanyang pag-
ibig sa bayan”, wika ng Kapitan Heneral

24. Sinabi ni Donya Victorina kay Linares na hindi siya nababagay kay Maria Clara dahil
duwag siya.

25. “Kung tutuusin, higit akong sawimpalad sa iyo ngunit hindi ako umiyak”.

26. Ang pakikipagtipan ni Crisostomo kay Elias sa gubat ay dahil sa isang pag uusap.
Ano ang kasingkahulugan ng salitang may salunngguhit?
a. pagdaan b. pakikisalamuha c. pakikisama d. pakikipagkita

27. Naglagalag sa iba’t ibang nayon si Elias. Ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit
ay_____.
a. nagpalaboy-laboy b. naglakwatsa c. gumala d. tumambay

28. Nakasusulasok ang amoy sa paligid na hindi kinakaya ng aking sikmura. Ano ang
kasalungat ng salitang nakasalungguhit?
a. Maganda b. mamahalin c. mabango d. mabaho

29. Ang kasalungat ng salitang napakaaliwalas ay________.


a. napakadilim b. napakagulo c. napakaayos d. napakalinis

30. Impit niyang iniluha ang sinapit kahit gusto niyang igiit ang nararamdaman. Ang
kasalungat ng salitang may salungguhit ay_______.
a. katamtaman b. malakas c. naririnig d. mahina
Hanapin sa loob ng kahon kung sino ang tinutukoy na tauhan. Isulat lamang ang titik
ng tamang sagot
a. Kapitan Tiyago d. Don Rafael Ibarra
b. Sisa e. Maria Clara
c. Crisostomo Ibarra f. Elias

31. Pumasok sa kumbento upang mag mongha


32. Namatay at inilipat ang bangkay sa libingan ng mga intsik
33. Ang naghahanap sa puntod o libing ng ama.
34. Ang inang nabaliw at namatay sa libingan.
35. Walang ginawa kung hindi ang maglaro ng liam-po

Basahin at Unawain ang kabanata 3 ng Noli Me Tangere


Ang Hapunan
Ang mga panauhin ay nagtungo sa hapag- kainan. Sa kabisera naupo si Crisostomo Ibarra
at ang kabilang dulo naman ay pinagtatalunan ng dalawang pari, sina Padre Sibyla at
Padre Damaso kung sino sa kanila ang nararapat umupo roon. Nang ihain ang tinola ay
lalong naragdagan ang ngitngit ni Padre Damaso sapagkat puro leeg at pakpak ng manok
ang napunta sa kanya samantalang ang masasarap na bahagi ng tinola ang napatapat kay
Ibarra.Nagkaroon ng masiglang usapan sina Ibarra at ang malalapit na kaumpok niya sa
hapag. Pagkarinig nito’y ininsulto ni Padre Damaso ang binate subalit buong hinahong
sumagot ang binate, Agad na nagpaalam si Ibarra pagkaraan ng gayong usapan.Pagkaalis
ng binate ay muling nagsalita si Padre Damaso, Sinabi nitong ang ikinilos ni Ibarra ay
tanda ng kapalaluan.Dapat umanong ipagbawal ng pamahalaan ang pagbibigay ng
pahintulot na makapag-aral sa Europa nag mga Indiyo.

36. Bakit pinag aagawan ng dalawang pari ang pag-upo sa kabisera?


a. Dahil tanda ito ng pagiging pinuno na may kapangyarihan sa lipunan.
b. Dahil Tanda nito ang pagiging mapagmataas sa kapwa
c. dahil tanda ito ng pagkainggit sa kapwa
d. A at B

37. Anong kanser o problema sa lipunan ang mahihinuha mo sa kabanatang ito?


a. Pagkainggit
b. Maling gamit ng kapangyarihang tinatamasa
c. pagiging mapagmataas
d. lahat ng nabanggit
38. Paano pinakitunguhan ni Crisostomo Ibarra si Padre Damaso sa kabila ng pag iinsulto
at pagpapahiya nito sa binata?
a. mahinahon at magalang pa rin si Crisostomo Ibarra kay Padre Damaso
b. hindi pinapansin ni Crisostomo Ibarra si Padre Damaso
c. Ipinagmalaki ni Crisostomo Ibarra kay Padre Damaso ang kanyang pag-aaral sa Europa
d. pinabayaan at pinagpasensyahan na lang ni Crisostomo Ibarra si Padre Damaso.

39. Ano ang naging reaksiyon ni Padre Damaso matapos ihain at ibigay sa kanya ang
tinolang manok?
a. nagpasalamat sa ibinigay sa kaniyang tinolang manok.
b. Nanghingi pa ng tinolang manok dahil paborito nya ito.
c. Nagngitngit, nagalit at nagdabog dahil napunta sa kanya ang pakpak at leeg na parte ng
manok.
d. Nainggit siya kay Crisostomo Ibarra dahil napunta sa kanya ang malalamang parte ng
manok

40. Bakit kaya hindi sangayon c Padre Damaso sa lahat ng sabihin ni Crisostomo Ibarra?
a. dahil sa inggit at galit
b. dahil sa kapangyarihan
c. dahil sa kayabangan
d. lahat ng nabanggit

II. ESSAY (10 pts.)


Kabanata7: Suyuan sa Asotea
1. Magbigay ng isang halimbawa ng pagliligawan noon at ngayon
Sangayon ka ba sa pagliligawan noon o ngayon? Ipaliwanag
Inihanda :
ALFIE N. ARZADON
Guro I- Filipino

Naiwasto ni: ADRIAN KARL L. COBARDO


Dalubguro I- Filipino

Naaprubahan: MARIA CRISELDA S. GESTIADA


Punungguro II
KEY ANSWER:
1. A
2. C
3. B
4. B
5. A
6. D
7. C
8. C
9. A
10. C
11. D
12. A
13. B
14. D
15. C
16. A
17. B
18. A
19. B
20. B
21. A
22. B
23. B
24. A
25. B
26. D
27. C
28. C
29. B
30. B
31. E
32. D
33. C
34. B
35. A
36. A
37. D
38. A
39. C
40. A

You might also like