You are on page 1of 27

Paaralan Manuel S.

Enverga University Baiting/Antas Grade 7


Inc.
Guro Olivera, Alva Marie L. Asignatura Filipino
Gunda, Jaide S.
Villanueva, Sheila Mae S.
Petsa/Oras December 11, 2023 Markahan Unang Markahan
4:00-5:00
I. Layunin
a. Pamantayang Naipamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan
Nilalaman ng Mindanao.
b. Pamantayan sa Naisagawa ng mag-aaral ang isang makatotohanang proyektong
Pagganap panturismo.

c. Mga i. Naisasalaysay ang kwentong Si Usman ang Alipin ng may


Kasanayan sa damdamin;
Pagkatuto ii. Naibibigay ang mga kasingkahulugan at kasalungat na kahuugan ng
salita; at
iii. Nabibigyan ng sariling kahulugan ng mga malalalin ma salita.

II. Nilalaman Pagtalakay ng kwentong bayan na “Si Usman ang Alipin” batay sa
pagsalaysay ni Arthur P. Casanova batay sa pagkukuwento ni Datu Abdul
Sampulna
(F7PT-Ia-b-1)
a. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Pinagyamang Pluma Napapanahong Kaalaman sa Wika at Panitikan Pg.
Gabay ng Guro 5-8
2. Mga Pahina sa Pinagyamang Pluma Napapanahong Kaalaman sa Wika at Panitikan Pg.
Kagamitang 6-7
Pang-mag-
Aaral
3. Pahina sa Pinagyamang Pluma Napapanahong Kaalaman sa Wika at Panitikan Pg.
Tekbuk 5-25
4. Karagdagang K to 12 Basic Education Curriculum Pg 149
Kagamitan
Mula sa Portal

Page | 1
ng Learning
Resources
b. Iba Pang Powerpoint, papel na may mga salita, kahon na paglalagyan ng mga salita,
Kagamitang laptop, projector, props, illustration board, at chalk at mga papremyo.
Panturo
III. Pamamaraan Guro Estudyante
a. Balik-Aral sa Magandang araw mga bata!
Nakaraang Magandang arawdin po Ma’am!
Aralin at/o Ngayong araw na ito tayo ay
Pagsisimula ng maglalaro. Gusto nyo bang
Bagong Aralin maglaro?
Opo

Paunang gawain: (Ang mga bata ay bibilang ng 1-4


Charades para sa groupo)
Ang bawat apat grupo ay may
pitong miyembro. Isa sa kanila ay
bubunot ng isang salita at ito ay
kanilang iaaksyon. Ang ibang
miyembro ay huhulaan ang
salitang inaakto. Ang bawat grupo
ay magpapadamihan ng puntos na
makukuha sa loob ng isang minuto
at tatlumpong sigundo. Ang bawat
isang hula ay may katumbas ng
isang punto.
Ang mga salita ay ang sumusunod:
1. Alipin
2. Datu/ sultan
3. Prinsesa
4. Mahirap
5. Matapang
6. Malakas
7. Matapat
8. Kawal

Page | 2
9. Sakim
10. Mapagmatigas
11. Umiibig
12. Yumanig
13. Malupit
14. Tumulong
15. Kasalan
16. Nagbunyi
17. Kapangitan
18. Kagandahan
19. Kabutihan
20. Masamang ugali
21. Namatay
22. Umiiyak
23. Galit na galit
24. Makisig
25. Anak na dalaga
26. Lindol
27. Nagmakaawa/
nagmamakaawa
28. Umiirog
b. Paghahabi sa Nasiyahan ba kayo mga bata sa
Layunin ng ating ginawa?
Aralin Opo!
Magaling!

Ngayon, magkakaroon tayo ng


pagbabalik aral. Base sa
nakalagay sa unahan, anu-ano ang
mga anyo ng panitikan?
Mga sagot:
• Epiko
• Alamat
• Pabula
• Kwentong bayan

Page | 3
• Dula
• Maikling kwento

Magaling mga bata! Inyong


naibigay ang mga anyo ng
panitikan. Ngayong araw na ito ang
ating tatalakayin ay isang
kwentong bayan. Magbigay kayo
ng mga kwentong bayan na inyong
naiisip? (Ang mga estudyasnte ay
magbibigay ng kwentong bayan base
sa kanilang nalalaman.)
• Juan tamad
• Maria makiling
• Ay sina adlaw at bulan/ sina
araw at buwan
• Malakas at Maganda
• Ang munting ibon

Magaling mga bata! Alam nyo ba


na ang ating kwentong bayan ay
nagmula pa sa Mindanao.

c. Pag-Uugnay ng Ngayon ang pagaaralan natin ay


mga patungkol sa kwentong bayan.
Halimbawa sa Ngayon ano nga ba ang depisyon
Bagong Aralin ng kwentong bayan? Makikibasa.
Ang kuwentong-bayan ay bahagi ng
isang kalinangan na binabahagi ng
isang partikular na pangkat ng mga
tao; sinasasaklaw nito ang mga
tradisyon karaniwan sa kalinangan,
subkultura, o pangkat na iyon.

Page | 4
Magaling mga bata! Ngayon ang
ating kwentong bayan ay
nanggaling pa sa iklawang
malaking pulo sa pilipinas, ang
pulo ng Mindanao.

Upang lubos nating maunawaan


ang kwento ating munag alamin
ang mga kahulugan ng malalalim
na salita na matatagpuan natin sa
kwento. Base sa mga
pangungusap ano ang ibig sabihin
ng salitang may salungguhit?

1. Hindi nakinig ang sultan sa


pagsusumamo ng kanyang
anak na dalaga.

Ang ibig sabihin ng salitang


pagsusumamo ay ano?

Nakikiusap sa isang tao


Magaling mga bata!

2. Ang panangis ng dalaga ay


hindi man lang pinakinggan
ng ama.

Ang ibig sabihin ng salitang


panangis ay ano?

Pagiyak ng malakas/matinding
pagluha
Magaling mga bata!

Page | 5
3. Nagpupuyos ang sultan
dahil sa ginawa ng kaniyang
anak.

Ang ibig sabihin ng salitang


nagpupuyos ay ano?

Nakatagong galit na hindi mailabas

Magaling mga bata!

4. Ang malupit na sultan ay


nasawi nang lumindol sa
kaharian.

Ang ibig sabihin ng salitang nasawi


ay ano?
Namatay

Magaling mga bata!

5. Napagtanto ng lahat na
Mabuti palang tao ang
kanilang bagong sultan.

Ang ibig sabihin ng salitang


napagtanto ay ano?

Huli na niya itong nalaman


pagkatapos niyang magawa ang
Magaling mga bata! isang bagay

Page | 6
6. Matapang, malakas, mataas
at kayumanggi ang
Binatang si Usman.

Ang ibig sabihin ng salitang


kayumanggi ay ano?
Tumutukoy sa kulay ng balat

Magaling mga bata!

7. Naisa ng sultan na maglaho


sa kaharian ang lahat ng
Binatang nakahihigit sa
kanyang kakisigan.

Ang ibig sabihin ng salitang


maglaho ay ano?

Pagkawala/pagkaparam ng anumang
bagay
Magaling mga bata!

8. Gumawa ng paraan ang


magkasintahan upang
makalaya mula sa
bilangguan.

Ang ibig sabihin ng salitang


makalaya ay ano?

Isang tao o bagay ay nagging Malaya


mula sa anumang anyo ng
pagkakakulong
Magaling mga bata!

Page | 7
9. Nakita ng mga
mamamayang
mapagmalasakit pala sa
mga nangangailangan ang
kanilang sultana.

Ang ibig sabihin ng salitang


mapagmalasakit ay ano?

Isang katangian ng pagiging


maalalahanin at handing tumulong sa
ibang tao.
Magaling mga bata!

10. Ang malupit na sultan ay


nagsagawa ng kautusang
ang lahat ng mga lalaking
nakahihigit sa kanyang
anyong pisikal ay dapat
kitlin.
Isang bagay na mabangis, matindi o
Ang ibig sabihin ng salitang malupit malakas at puno ng lupit.
ay ano?

Magaling mga bata!

Ngayon bago tayo dumako sa (tatlong tao ang mag boboluntaryo)


kwento, sinong tatlong tao na nais
magbolontaryo?

Page | 8
Ngayon meron ako ditong tauhan
sa kwento, ang gagawin ninyo
bubunot kayo dito ng isa at kung
sino ang inyong mabubunot yun (bubunot ang mga nagbolontaryo)
ang inyong gagayahin at
magpapanggap bilang tauhan na
iyon.

Gusto ko ang inyong pagbabasa ay Opo!


may expresyon at galaw na
kaakma sa tauhan. Handa na ba
kayo?

“Si Usman, Ang Alipin


pagsalaysay ni Arthur P. Casanova
batay sa pagkukuwento ni Datu
Abdul Sampulna, isang
Maguindanaon mula sa Lungsod
ng Cotabato (1983)

Nang mga nagdaang panahon,


may isang lalaking nagngangalang
Usman. Pinaniniwalaang
nananahan siya sa malayong
sultanato at isa siyang alipin.
Matapang, malakas, mataas, at
kayumanggi si Usman. Higit sa
lahat siya’y matapat. Isang umaga,
nagpasya si Usman na bumisita sa
palengke malapit sa palasyo ng
namumunong sultang
nagngangalang Zacaria. Siya’y
malupit at pangit ang hitsura. Dahil

Page | 9
hindi niya matanggap ang kanyang
anyo, nagsagawa siya ng
kautusang ang lahat ng mga
lalaking nakahihigit sa kanyang
anyong pisikal ay dapat kitlin at
maglaho. Sa palengke, nakita si
Usman ng mga tauhan ni Sultan
Zacaria. Mabilis na nag-ulat ang
mga tauhan sa sultan tungkol sa
pagkakita nila kay Usman na sa
tingin nila’y mas makisig kaysa sa
sultan. Kagyat na nag-utos ang
sultan na ibilanggo si Usman at
pagkatapos ay patayin ito. Agad na
sinunod ng mga tauhan ang
kautusan ng sultan. Nang makita ni
Potre Maasita, ang dalagang anak
ng sultan si Usman ay nakadama
siya agad ng pag-ibig sa unang
pagkikita nila ng binata.
Nagmamadali siyang pumunta sa USMAN: “Para mo nang awa, Ama,
kanyang amang sultan at pakawalan mo na si Usman. Wala po
nagmakaawang patawarin at siyang kasalanan”
pakawalan si Usman.

ang pagmamakaawa ng dalaga sa SULTAN: “Walang sinumang


ama. Ngunit sadyang malupit ang makakapigil sa akin!”
sultan. Hindi siya nakinig sa
pagsusumamo ng kanyang anak.
POTRE MAASITA: “Hu,hu,hu,
maawa ka sana kay Usman Ama!”

Page | 10
ang wika niya sa sarili.

ang panangis ni Potre Maasita


ngunit hindi siya pinansin ng
sultan. Nagmatigas ito sa kanyang
kagustuhan. Sinubukan ni Potre
Maasitang mag-isip ng paraan
upang mapigilan ang kamatayan
ng lalaking labis niyang iniibig.
Lihim siyang nagpadala ng mga
mensahe sa mga guwardiya ngunit
ang lahat ng mga ito’y ipinararating
sa sultan. Nagpupuyos sa galit ang
sultan. Dahil nga sa siya’y tunay na
malupit, kanyang iniutos na pati si
Potre Maasita ay ikulong din. Sa
bilangguan, nagkaroon ng
pagkakataon g maging mas
malapit sa isa’t isa sina Usman at
Potre Maasita. Higit na tumindi ang
pagmamahalan nila sa isa’t isa. Sa
panahong iyon, lumabas din ang
pinal na kautusan. Kamatayan ang
inihatol ng sultan para sa kanila.
Habang nasa daan ang sultan
patungo sa silid ng pagbibitayan sa
dalawa biglang lumindol ng
malakas. Yumanig sa palasyo at
nagiba ang pook. Napulbos ang
buong palasyo. Isang malaking
bato ang bumagsak sa ulo ng
sultan na naging sanhi ng kanyang

Page | 11
biglaang pagkamatay. Isa itong
malupit na kamatayan para sa
malupit na tao. Samantala,
sinubukan nina Usman at Potre
Maasita na makalaya mula sa
bilangguan. Nang makalabas sila’y
hindi nagdalawang isip si Usman.
Mabilis pa sa kidlat niyang
tinulungan ang mga sugatan at ang
mga nasawi. Sa kabilang dako,
tumulong din si Potre Maasita sa
mga naulila at mga
nangangailangan ng tulong at
pagkalinga. Nang bumalik sa
normal ang sitwasyon ay
ipinagbunyi sila ng mga
taumbayan. Ang pagbubunyi at
labis na pagpapasalamat ng mga
ito kina Usman at Potre Maasita.
Labis ang kasiyahan nang matanto
nilang mabait na tao si Usman at
Potre Maasita. Nang sumunod na
araw may kasalang naganap. Si
Usman, na isang alipin ay naaging
sultan at si Potre Maasita naman
ang itinalagang sultana. Mula
noon, biniyayaan ang sultanato ng
pagmamahalan kasabay ng
kaunlaraaan sa buong kaharian.
Natagpuan ng taumbayan ang
kaagandahan at kaunlarang
kabaliktaran ng nagdaang panahon
kung saan namayani ang
kapangitan at kalupitan.”

Page | 12
Bigyan natin ng masigabong
palakpakan ang tatlo. Maraming
salamat sa pakikilahok. Opo

Nagustuhan niyo ba ang ating


kwento?
TAUHAN
ang siyang nagbibigay ng buhay sa
Ang ating gagawin ay ating epiko
aalamin kung anu-ano mga
element ng isang kwentong bayan.
Ano ang unang elemento? Ikaw
anak makikibasa.
Characters

Kung sa filipino ito ay tauhan ano


naman ang tawag sa English dito?
Ang kwento sa tauhan ay sila Potre
Maasita, Usman, Sultan Zacaria
Base sa kwento sino ang tauhan o
ang characters sa kwento natin?
TAGPUAN
lugar at oras kung saan naganap ang
Magaling! Ikaw anak, ano ang mga pangyayari.
susunod na elemento?

Settings

Kung ito ay tagpuan sa filipino ano


ito sa English?
Nagganap ito sa kulungan, palasyo
ng sultan, palengke, at
Ngayon saan ang tagpuan o altar/simbahan.
settings sa kwento?

Page | 13
Magaling! BANGHAY
pagkakasunod ng mga pangyayari.
Ikaw anak makikibasa ang sunod maaring maging payak o kompikado.
na elemento. Ang banghay ng isang epiko ay
nahahati sa limang bahagi: ang
simula, saglit na kasiglahan,
kaskdulan, kakalasan, at wakas

Plot

Kung ito ay banghay sa filipino ano


ito sa English?
Hindi matanggap ng Sultan ang
kaniyang hitsura. Upang maibsan
Ano ang mga pangyayari o plot sa ang suliranin, ang naging solusyon
kwento? niya ay ipadakip at ipapatay lahat ng
mga lalaking makahihigit sa kaniyang
hitsura.
Nahuli si Usman ng mga tauhan ni
Zacaria habang ito ay nasa
palengke. Nang makarating sa
- palasyo, nakita ng anak ni Zacaria na
si Potre Maasita na huwag nang
paslangin si Usman. Ngunit buo na
ang loob ng hari at maging ang anak
ay ipinakulong din.
Sa mismong araw na gagawin ang
pagkitil sa mga nahuli, isang malakas
na lindol ang yumanig sa buong
kaharian. Nawasak ang palasyo at

Page | 14
nadaganan ng malaking bato ang
Sultan.
Nagkamabutihan naman sina Potre
at Usman at nagpakasal. Sila rin ang
namuno sa kaharian at naging
mabuti sila sa kanilang mga
nasasakupan.

Magaling! Ang tema naman ay ang bagay na


gustong iparating ng kwento sa mga
Ano ang susunod na elemento? mambabasa.
Makikibasa nga ako anak.

Theme

Ano kung ito ay tema sa filipino


ano ito sa English? Ang tema ng kwento ay tungkol sa….
• Pagmamahalan
• Pagtulong
Ano ang tema ng kwento?

Magaling! Ang aral ay ang mga napulot na


leksiyon tungkol dito.
At ang huling elemento,
makikibasa ako anak.

Lesson/moral lesson

Page | 15
Kung ito ay aral sa filipino ano ito
sa English?
Ang aral na makukuha natin sa
kwento na Si Usman ang Alipin, ay
hindi dapat natin abusuhin ang ating
Ano ang aral na mapupulot sa
mga karapatan, dapat hindi natin
kwento?
ipagkait ang karapatan ng bawat tao
sa kanila, at higit salahat ay dapat
maging isang mabuting pinuno tayo.
d. Pagtatalakay Ano ang unang nangyari nga ulit sa
ng mga kwento?
Bagong Si Usman ay nahuli ng mga tauhan ni
Konsepto at Zacaria habang siya ay nasa
Paglalahad ng palengke.
Bagong
Kasanayan #1 Ano ang sunod na nangyari
pagkatapos niyang mahuli sa
palengke?
Pagdating sa palasyo, napansin ni
Potre Maasita, ang anak ni Zacaria,
na huwag nang patayin si Usman.
Gayunpaman, matatag ang desisyon
ng hari at itinapon pati na rin ang
kanyang anak.

Ano ang sunod na nangyari?

Sa mismong araw ng pagpapataw ng


parusa sa mga nahuli, isang malakas
na lindol ang nagdaan sa buong
kaharian. Ang palasyo ay nasira at
ang Sultan ay nasaktan ng malaking
bato.

Page | 16
At ano ang nangyari sa katapusan
ng kwento?
Ngunit naging magkaibigan sina
Potre at Usman, at sa huli,
nagpakasal sila. Sila ay
nagtagumpay na mamuno sa
kaharian at naging mabait sa
kanilang mga nasasakupan.

Magaling mga bata! Inyo talagang


lubos na naintindihan ang ating
kwento ngayong araw. Bigyan
Ninyo ng palakpak ang inyong sarili
dahil ang gagaling Ninyo!

e. Pagtatalakay Tanda Ninyo pa ba ang mga salita


ng Bagong na ibinigay ko sa inyo kanina?
Konsepto at Opo!
Paglalahad ng
Bagong Ngayon naman ating alamin ang
Kasanayan #2 mga kasing kahulugan at ang
kabaligtaran ng mga salita na
ibinigay ko kanina.

Tandan mga bata, ang kasing


kahulugan ay synonyms sa English
na ang ibig sabihin ay may
kaparehong kahulugan
samantalang ang kasalungat
naman ay antonym sa English na
ang ibig sabihin ay kabaligtaran ng
salita.

Ano nga ang may kaparehong


kahulugan?

Page | 17
Kasing kahulugan o synonyms

Eh, ano naman ang kabaligtaran


ang ibig sabihin?
Kabaligtaran o antonyms

Ano ngayon ang kasing kahulugan


ng pagsusumamo?
Pagmamakaawa o nakikiusap

Ang kasalungat?
Pagmamatigas, nagmamalaki

Ano ang kasing kahulugan ng


panangis?
Pag-iyak, paghagulhol

Ano naman ang kasalungat?


Pagkatuwa

Ano naman ang kasing kahulugan


nagpupuyos?
Galit nag alit, nagtitimpi, nag-aalab

Ano ang kasalungat? Malamig, malamya, walang emosyon

Ano naman ang kasing kahulugan Pumanaw


nasawi?

Nabuhay
Ano naman ang kasalungat?

Page | 18
Ano naman ang kasing kahulugan Nalaman
napagtanto?

Nakaligtaan, nakalimutan
Ano ang kasalungat?

Ano ang kasing kahulugan ng Kulay tsokolkate, kulay tabako


kayumanggi?

Maputi
Ano ang kasalungat?

Ano ang kasing kahulugan ng Mawala, maalis


maglaho?

Lumitaw, magpakita
Ano ang kasalungat?

Ano ang kasing kahulugan ng Kalayaan, makaalpas, makawala


makalaya?

Makulong, mabilanggo
Ano ang kasalungat?

Ano ang kasing kahulugan ng Matulungin, pagpapakita ng


mapagmalasakit? kabutihan

Walang pake
Ano ang kasalungat?

Page | 19
Mabagsik, walang awa, walang
Ano ang kasing kahulugan habag, haling ang bituka o kaluluwa
malupit?

Mahinahon, maamo

Ano ang kasalungat?


f. Paglinang sa Ang ating kwento ay tungkol sa
Kabihasnan isang taong matulungin na si
Usman, isang babaeng malakas
ang loob na si Potre Maasita, at
isang sultan na mapangapi at
mapangabuso na si Sultan Zacaria.
Sa tingin ninyo bakit kaya si
Usman ang tinanghal na hari kahit
wala siyang dugong Maharlika?
Itinanghal po siyang hari dahil ang
kaniyang napangasawa ay si Potre
Maasita na anak ng namumunong
hari na si Sultan Zacaria

Magaling mga bata!


Dahil sa istraktura ng
kapangyarihan o hierarchy ang
dahilan kaya nanging hari o sultan
si Usman.

Ngayon ang tanong, sa iyong


palagay sino ka dito sa tatlo, ikaw
ba ay si Usman, si Potre Maasita o
si Sultan Zacaria? Sino ang
gustong sumagot?

Page | 20
(Ang mga estudyante ay mag
sasagot base sa kanilang opinion.)
g. Paglalapat ng Aktibidad:
Aralin sa Quiz bee
Pangaraw- May apat na groupo ang
Araw na Buhay maglalaban laban para
magpapaunahan sa pagsagot ng
mga tanong na nasa ibaba.
Madali (1 puntos)
1. "Para mo nang awa, Ama,
pakawalan mo si Usman. Wala po
siyang kasalanan," ang
pagmamakaawa ni Potre Maasita
sa kanyang ama Subalit hindi man
lang siva pinansin nito.
Mahihinuhang si Sultan Zacaria ay
a. matigas ang kalooban
b. mapaghiganti.
c.mapagtimpi.
d. matalino.
A

2. Sinubukan ni Potre Maasitang


mag-isip ng paraan upang
mapigilan ang kamatayan ng
lalaking labis niyang iniibig.
Mahihinuha sa ginawang ito ng
dalaga.
a. matatakutin siya at madaling
sumuko sa mga pagsubok.
b. mapaghiganti siya at mahigpit
kung kinakailangan.
c. mapagmalaki siya at hindi basta
nakikinig sa magulang.

Page | 21
d. malakas ang kanyang loob at
hindi siya basta sumusuko. D

3. Nang magkaroon ng malakas na


lindol sa kanilang lugar ay hindi
nagdalawang isip sina Usman at
Potre Maasita na tumulong sa mga
kababayang nasalanta. Nang
bumalik sa normal ang sitwasyon
ay ipinagbunyi sila ng taumbayan.
Mahihinuhang ang taumbayan
ay…
a. nagagalak sa pagkakaroon ng
mabubuting pinunò kapalit ng
nagdaang malupit na pinunò.
b. nag-aalala na bakå ang susunod
na pinunò ay malupit ding tulad ng
nauna.
C. namamayani ang kagustuhan
para sa mga pinunong may
magagandang itsura.
d. nagbabakasakaling makatagpo
na silá ng mga pinunong
makatutulong upang maging
mayaman ang bawat isa sa A
kaharian.

Katamtaman (2 puntos)
1. Ano ang kasing kahulugan
ng hambog? Mayabang

Page | 22
2. Ano ang kasing kahulugan Kapangitan
ng kasagwaan?

3. Ano ang kasalungat ng Pagpapabaya/pagbaliwala


pagkalinga?

4. Ano ang kasalungat ng Palayain


ibilanggo?

Mahirap (5 puntos)
1. Ano ang ibig sabihin ng
salitang maigting?
"Sa ilalim ng maigting na
sikat ng araw, humarap siya
ng may tapang at
determinasyon upang
harapin ang hamon ng Malakas
buhay."

2. Ano ang ibig sabihin ng


salitang pagtangging-
kahilingan?
"Sa kabila ng masigla kong
pagnanasa na tuparin ang
kanyang kahilingan,
kinailangan kong
magpagtangging-kahilingan
upang protektahan ang sarili
at mapanatili ang aking Hindi pagsangayon
integridad."

Page | 23
3. Ano ang ibig sabihin ng
salitang mapaniil?
"Sa kanyang mga salita,
naramdaman ko ang
mapaniil na kapangyarihan
ng kanyang mga opinyon na
tila'y nagdadala ng Mapangabuso
pangamba sa iba."

Tiebreaker:
1. Hindi man lang natitinag
ang mukha ni Alex sa
kabila ng pang-uuyam ng
mga kaibigan, palaging
nandiyan ang kanyang
seryosong pananaw sa
buhay. Ano ang
ibigsabihin ng salitang Pang-aasar na may layuning
pang-uuyam? magpatawa

2. Ang salitang kahabagan


ay tumutukoy sa
pagiging mabait,
maawain, o mapagbigay.
Ano ang kasing
kahulugan ng saalitang Mapagbigay, mapagmahal, maawain,
ito? mabait

Page | 24
3. Ano ang kasalungat ng
salitang karimarimarim Kaakit-akit, maganda, o kaya-aya
kung ang ibig sabihin
nito ay nakakadiri?
h. Paglalahat ng Magaling mga anak lalo na sa mga
Aralin nanalo! Makikita natin na kayo ay
may natutunan sa ating aralin.
Wala po
Bago tayo tumuloy, may mga
katanungan ba kayo?

Sige, kung wala na kayong mga


katanungan ay mabuti, ngunit ako
ay mayroong mga katanungan
para sa inyo. Sa pagtatapos ng
ating mga talakayin, nais ko
malaman sino ba sa inyo ang may
napagtanto tungkol sa ating mga
pinag-aralan. Anu-anong mga
bagay ang inyong napagtanto?
Mayroon ba kayong mga naisip at
nadama habang tinatalakay natin
ang kwentong Si Usman, ang
Alipin? Ang ating kwentong pinamagatang
“Si Usaman ang Alipin” ay pinapakita
sa atin na ang ating karapatan ay
hindi abusuhin katulad ng
pangaabuso ng sultan sa kanyang
kapangyarihan.

Alam natin ang pakiramdam ng


may taong umaabuso sa kanilang
posisyon lalo na sa ngayong

Page | 25
panahon. Kaya tama yan. Anong
katangian ang dapat nating
gayahin kay Usman at bakit? Ikaw
anak? Tayo dapat po ay maging katulad ni
Usman na natulong sa kapwa ng
walang kapalit, tandaan mga anak na
ang pagtulong ay bukal sa loob at
hindi dahil sa iniisip natin na may
magiging utang na loob yung tao sa
iyo.

Ano naming katangian ang dapat


nating gayahin pagdating kay Potre
Maasita at bakit? Ikaw anak?
Magkaroon ng lakas ng loob na
ipagtanggol ang tama katulad ni
Potre Maasita dahil madaming mga
tao ang hindi makapagsalita ng
kanilang gustong sabihin katulad na
lang mg mga mahihirap. Dapati ding
maging boses tayo ng mga
mahihirap.

Ano naman ang hindi dapat nating


gayahing ugali ni Sultan Zacaria at
bakit? Ikaw anak?
Dapat hindi natin gayahin ang
pagiging sakim at gahaman sa
kapangyarihan ni Sultan Zacaria
dahil hindi ito Maganda.

Magaling mga bata! Nawa ay ang


mga natutunan ninyo sa ating

Page | 26
kwento ay tumatak sa puso at
isipian ng bawat isa sa inyo.
i. Pagtataya ng Tanong para sa komprehensyon:
Aralin Sagutin ang mga sumusunod na
tanong na may isa hanggang
tatlong pangungusap. Mga sagot ng estudyante:
1. Sino-sino ang tauhan sa 1. Ang mga tauhan sa kwento ay
kwento? sina Usman, Porte Maasita at
Sultan Zacaria.
2. Saan nahuli si usman ng 2. Nahuli si Usman ng mga
mga kawal ni Sultan kawal sa palengke.
Zacaria?
3. Bakit niya inutusan ang mga 3. Inutusan ni Sultan Zacaria ang
kawal para dakipin si mga kawal dahil siya ay
Usman? naiingit sa kagandahang lalaki
ni Usman.
4. Sa iyong palagay, ano ang 4. Sa aking palagay, napaibig si
nagging dahilan kung bakit Potre Maasita kay Usman
umibig si potre maasita kay dahil sa kagandahang lalaki
usman niya.
5. Kung ikaw ay si sultan 5. (Ang mga estudyante ay
Zacaria, gagawin mo rin ba magsasagot base sa kanilang
ang kalupitang ginagawa opinion)
niya sa nasasakupan?bakit?
6. Kung ikaw ang nasa 6. (Ang mga estudyante ay
katayuan ni Potre Maasita, magsasagot base sa kanilang
ikaw din ba ay mabibighani opinion)
sa Magandang lalaki na iyo
lamang kakikilala?
j. Karagdagang Takdang aralin:
Gawain para sa Magumawa ng repleksyon tungkol
Takdang Aralin sa kwentong “Si Usman ang
at Remediation Alipin.” ilagay sa isang buong papel
ang sagot. Ipapasa sa sunod na
pagkikita.

Page | 27

You might also like