You are on page 1of 3

ARALING PANLIPUNAN-8

MODULE 5

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong sa bawat bilang at piliin ang
letra ng tamang sagot. Isulat sa sagutang papel ang inyong mga sagot.
1. Alin sa sumusunod ang isa sa pangunahing dahilan sa paglunsad ng
ikalawang yugto ng pananakop?
A. Rebolusyong Pranses B. Rebolusyong Industriyal
C. Rebolusyong Amerikano D. Rebolusyong Pangkalikasan

2. Paano nakatulong ang mga imbensyon sa teknolohiya at agham sa


paglalayag?
A. Pinabilis nito ang paglalayag ng mga mananakop.
B. Nadagdagan nito ang mga armas ng mga kolonyalista.
C. Naging mahusay ang mga namumuno sa pamahalaan.
D. Pinaunlad nito ang ekonomiya ng mga bansang Europeo.

3. Anong doktrina ang nagsasaad na ang United States of America ay may


kapangyarihang magpalawak at angkinin ang buong kontinente ng Hilagang
Amerika?
A. Bullionism B. Manifest Destiny C. Protectorate D.
White Man’s Burden
4. Bakit mahalaga sa mga negosyante ang pagbibigay ng espesyal na
karapatan sa kalakalan?
A. Upang gawing makapangyarihan ang kinabibilangang bansa
B. Para madagdagan nila ang ibibigay na buwis sa pamahalaan
C. Upang maimpluwensiyahan nila ang mga naglilingkod sa pamahalaan
D. Dahil malaya nilang mapangasiwaan ang pagpapalago sa kanilang Negosyo

5. Ano ang pinakamahalagang layunin ng mga kanluranin sa mga bansang


sinakop nila?
A. Pinaunlad nila ang mga bansang nasakop.
B. Nagkaroon ng hanapbuhay ang mga maralita.
C. Binigyan nila ng edukasyon ang mga katutubo.
D. Dito sila kumuha ng hilaw na sangkap gaya ng rubber.

6. Anong kontinente ang naging tanyag sa Europe dahil kay David Livingstone?
A. Africa B. Antartica C. Asia D. Australia

7. Paano natulungan ng Dagat Mediterranean ang sistema ng kalakalan upang


mapaunlad ang mga bayan na malapit dito?
A. Pinalawak nito ang sistemang barter.
B. Dito kinukuha ang maraming ginto at langis.
C. Naging susi ito ng mabilis na transportasyon.
D. Nakapagbigay ito ng hanapbuhay sa mga tao.

8. Anong bansa ang binansagang pinakamaningning na hiyas ng imperyong


Ingles?
A. Australia B. China C. India D. New Zealand
9. Ano ang mahihinuha mo sa Treaty of Paris sa pagitan ng France at Great
Britain?

A. Wala ng sagabal sa pamamahala ng Great Britain sa India.


B. Mabilis nang uunlad ang France dahil binitawan na nito ang India.
C. Ipinakita nito na mas makapangyarihan ang France laban sa Great Britain.
D. Pahirapan na ang pakikipagkalakalan ng Great Britain sa mga
nasasakupan.

10. Ano-anong mga bansa ang napasakamay ng United States nang


magtagumpay laban sa Spain? A. Bangladesh, Brazil, at Japan B
Panama, Samoa, at Vietnam
C. Hawaii, Taiwan, at New Zealand D. Guam, Philippines, at Puerto
Rico

11. Ano ang malaking pakinabang ng mga naval base na itinatag ng United
States sa mga nasasakupan nito?
A. Pinahusay nito ang mga operasyong pandigma.
B. Pinayabong ang kaalaman sa mga yamang dagat.
C. Mabilis nitong napaunlad ang ekonomiya ng bansa.
D. Napangalagaan nito ang kapakanan ng mga mangingisda.

12. Paano nakinabang ang United States sa mga bansang napailalim sa


paraang protectorate?
A. Napalawak ang itinataguyod na relihiyon.
B. Napahusay ang kanilang kakayahan sa dagat.
C. Napangalagaan nito ang ekonomikong interes.
D. Naging kanlungan nila ang mga ito sa oras ng digmaan.

13. Ano ang pinakamagandang gawin upang matulungan ang paglago ng


ekonomiya kung natuklasang may mga ginto sa Australia?

A. Gawing sakahan ang lugar


B. Magpatayo ng mga minahan
C. Palakasin ang turismo sa bansa
D. Pangalagaan at huwag sirain ang kalikasan
14. Aling pahayag ang nagpapakita ng masamang epekto ng imperyalismo?

A. Tumaas ang bilang ng mga nandarayuhan at napabuti nito ang ugnayan.


B. Nahihirapan ang mga dayuhan sa pagpasok sa ilang pook ng nasasakupan.
C. Sinira nito ang kulturang katutubo dahil sa pananaig ng kulturang
Kanluranin.
D. Natutunan ng mga katutubo ang mga ideyang pangkalakalan mula sa
banyaga.

15. Ano ang masamang epekto ng hindi makatuwirang pagtatakda ng mga


hangganan sa ilang bahagi ng Asya at Africa na naging pamana ng mga
Kanluranin sa mga nasasakupang bansa?

A. Nahihirapan silang makamit ang mga pagbabago sa lipunan.


B. Pinahina at nilisan ng ibang mamamayan ang kanilang relihiyon.
C. Nagdulot ito ng migrasyon sa lipunan upang makahanap ng trabaho.
D. Patuloy ang hidwaan at kaguluhan lalong-lalo na sa mga hangganan.

You might also like